Traje de Boda Trilogy 1: Char...

By Vanessa_Manunulat

543K 16.7K 421

Traje de Boda Trilogy More

Simula
Triplets
Charo
Ang Nakaraan
Ang Sumpa
Celestina, Agustina, Beatrice
Ang Paghihiwalay ng Landas
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Book Info

Chapter 19

8.9K 299 1
By Vanessa_Manunulat

"YOU WOULD have to read all the documents before you sign them."

Hindi alam ni Charo kung matatawa o maiinis sa kanyang ama. Paalis na ito patungong Singapore ay panay pa rin ang habilin nito sa kanya tungkol sa kompanya. Ang sabi nito, hindi raw maiiwasan na may mga dokumento ng kompanya na siya ang kailangang pumirma at sa mga ganoong pagkakataon ay babasahin muna niya iyong maigi o magtatanong sa pinagkakatiwalaan nitong abogado.

"Daddy, I will take care of everything. Besides, Iñigo is going to help me."

"May mga bagay din na kailangan ikaw ang magdesisyon, hindi siya. Ikaw pa rin ang mayroong pinakamalaking shares sa kompanya."

"You don't trust him?"

"I do. I just want you to be cautious, that's all. Hindi ko alam, hija..." Bumuntong-hininga ito. "Lately, I've been having this terrible feeling. I can't explain it. I've been having dreams... Siguro natatakot lang akong iwan ka."

"Daddy, hindi mo ako iiwan. Gusto ko ngang sumama sa 'yo, ayaw mo naman." Siya naman ang napabuntong-hininga. Matigas ang ulo ng kanyang ama. Kahit na ilang ulit niyang pinilit na sumama sa pagpapagamot nito sa Singapore ay ayaw nitong pumayag. Mas mapapanatag daw ito kung nasa Pilipinas lang siya. Lalo daw itong hindi mapapalagay kung alam nitong makikita niya ito sa kalagayan nito. Kahit may sakit ito ay siya pa rin ang iniisip nito at naisip niya na kaysa ma-pressure pa ito sa presensiya niya o magtalo pa silang maigi ay pagbigyan na lamang niya ito. Tatlong buwan lang naman itong mawawala at madali naman siyang makabisita rito.

"Does he know I'm sick?"

"He knows you're sick but I haven't told him you have the big C."

"Don't tell him."

"Daddy, you're scaring me. May dapat ba akong malaman tungkol sa asawa ko?"

"No, wala." Tinutop nito ang sentido. "Binabangungot ako, hija, at hindi maganda ang sinasabi ng mga panaginip ko."

"Those are just bad dreams, Daddy." Ibig niyang mapaluha. Marahil dala ng sama ng katawan at sa pag-aalala sa maraming bagay ay hindi na pinatatahimik ang matanda kahit ng panaginip nito. Hindi ba at stress ang isa sa mga dahilan ng masasamang panaginip? "Don't you worry about me, Daddy."

"I tell myself that all the time. Alam kong mabuting tao si Iñigo at mapagkakatiwalaan. Nag-aalala lang siguro ako sa mga taong nakapaligid sa inyo habang wala ako. Those people are vultures. Alam kong kaya ni Iñigo na pamahalaan ang kompanya at makibagay sa mga taong 'yon, pero mas magandang 'wag nang makalabas sa kanya ang totoong kalagayan ko. He might tell someone. Hindi maiiwasan dahil nasa opisina siya. Ayokong malaman ng ibang tao. They might end up hovering above Iñigo, these vultures. Bago pa lang siyang CEO para problemahin ang mga taong 'yon."

Tumango siya. Hinagkan niya ito at ihinatid sa sasakyan. Nang makaalis na ito ay nanalangin siya. Matapos ay tinawagan niya ang kanyang asawa.

"Don't be late this evening. I will prepare dinner."

"I can't wait," anito, sa tinig ay mababakas na nakangiti ito.

Napalabi siya hindi man ito nakikita. "Sisiguraduhin kong hindi sunog this time, okay? Bago pa lang akong nagluluto kaya hindi pa masyadong magaling."

"I love your cooking."

"Liar."

Ang lakas ng tawa nito. Ilang gabi na siyang nagtatangkang magluto at ilang gabi na marahil natutulog nang gutom ang kanyang asawa, tulad niya. Paano ay hindi naman masyadong makain ang mga niluluto niya. At napaka-sweet nito para hindi magpabili ng pagkaing iba, o magpaluto sa kawaksi kaya. Ngunit sa gabing iyon ay titiyakin niyang masarap ang ihahanda niya, kung hindi man ay may pang-rescue na siyang microwavables.

"How's your Dad?"

"He left."

"When will he be back?"

"In three months."

"Are you sure he just needs some tests done? Matagal na siyang pabalik-balik sa Singapore para magpagamot."

Ayaw niyang magsinungaling dito ngunit sa pagkakataong iyon ay kailangan. Naniniwala siya sa sinabi ng kanyang ama. Baka mamaya ay madulas pa sa ibang tao si Iñigo at baka iyon ay makasama rin dito. Isa pa ay ayaw niya ring mag-alala ito. Alam niyang parang tunay na ama na rin kung ituring nito ang Daddy niya. Besides, it was her father's wish. Who was she to disobey?

"Naghahanda na rin siguro sa retirement niya si Daddy kaya parang bakasyon na rin. Nothing to worry about."

"All right. I'll be at home before dinner."

"See you, honey."

Nakangiting nagtuloy na siya sa kusina, nag-defrost ng lamb. Binuksan niya ang cook book, tumingin ng madaling iluto. Nang mapatingin siya sa kawaksi ay nakita niyang nakangiti ito.

"Si Ma'am talagang mahal na mahal si Sir," tudyo nito. Ito ang kanyang kawaksi sa bahay, personal niyang kawaksi. Dinala niya ito sa bahay nila ni Iñigo. Lima ang kawaksi nila roon, bukod sa hardinero. "Hindi ko kayo nai-imagine dati na magluluto ng ganyan para sa asawa ninyo."

Napangiti siya. "Hindi ko rin alam na matutuwa akong magluto para sa kanya pero 'eto ako. Pakihiwa ng patatas at carrots, Bebang."

Agad itong tumalima, habang siya naman ay nagkukuwento rito tungkol kay Iñigo. Natagpuan niya ang kanyang sariling hinahangaan ang lahat ng bagay tungkol dito. Tulad na lamang ng tila walang kapaguran nitong pagtatrabaho. Nakikita niya ang malasakit nito sa kompanya.

Madalas na pagkatapos nilang maghapunan ay tutuloy ito sa library at doon mananatili ng isa-dalawang oras, sapagkat dala nito ang ibang trabaho mula sa opisina. Minsan ay naaabutan niya ito roon na mayroong kausap mula sa ibang bansa, mga business associates nila. Pero pagsapit ng alas-diyes ay hindi puwedeng hindi ito papasok sa kanilang silid. Kapag naabutan siya nitong tulog ay hindi na siya nito ginigising at madalas na siya ang nagigising at makikita itong mayroong isinusulat sa isang ledger o kundi man ay may laptop sa kandungan nito, suot ang salamin nito sa mata na sa gabi lang nito tila sinusuot.

He would always look so cute. At kapag ganoon, ang kanyang mga kamay ay yayakap na rito. Isang simpleng yakap, madalas na nauuwi sa mainit na tagpo. The man was insatiable, so was she.

At sa kabila ng nakapapagod na aktibidad nila sa gabi ay magigising ito alas-singko ng madaling araw---araw-araw. Ang morning routine nito ay magsisimula sa pag-inom nito ng fruit and protein shake nito, pag-eehersisyo sa kanilang gym, kundi man ay magda-jogging sa subdivision. Alas-siete ng umaga ay maliligo ito, saka sila mag-aalmusal. Eksaktong alas-otso y medya ay tutungo na ito sa opisina. Malapit lang ang opisina kaya eksaktong alas-nuebe marahil ay naroon na ito. Walang palya iyon.

She adored him. Naunawaan niyang hindi pala natatapos ang paghanga sa isang tao kapag nakasama na ito sa isang bahay, bagkus ay lalo iyong tumitindi sa pagkakilala niya rito. Kapag araw ng Sabado at Linggo ay magkasama sila. Madalas na nagtutungo sila sa country club o dinadalaw ang kanyang ama. At ang dalawang lalaki ay mag-uusap tungkol sa kompanya.

She was in love with Iñigo. Hindi rin niya inasahan na mai-in love siya rito sa loob lamang ng mahigit dalawang buwan ngunit hayun siya. At tinutupad niya ang lahat ng kanyang naging pangarap noon tungkol sa buhay may-asawa niya. Nag-aaral na siya ngayong magluto at sa susunod ay pagbe-bake naman ang pag-aaralan niya.

Mayamaya pa ay abala na siya sa pagluluto. Nang ilabas niya sa oven iyon ay napangiti siya. Perpekto ang pagkakaluto niyon. Naligo na siya at nang dumating si Iñigo ay agad niya itong sinalubong ng yakap. Para siguro siyang baliw dahil labis na agad siyang nangungulila rito kahit oras lang sila nitong hindi nagkita. Nakangiti ito, itinaas ang kanyang mukha at saka siya hinagkan sa labi.

"Did you miss me, wife?"

"Yes. Dinner is ready and it's not burnt!" excited na balita niya. Ang lakas ng tawa nito. Siya ang nagdala ng briefcase nito sa library saka ito pinuntahan sa silid upang ihanda ang pambahay nito. Pag-uwi nito, madalas na sa shower ito dumidiretso. Paglabas nito roon ay ngumiti ito sa kanya.

"You know, I never took you for a thoughtful wife, Charo."

Napaingos siya. "Sobra ka."

"No offense. Who would've thought?" Nauunawaan niya ito. Kahit siya naman ay hindi rin inasahan ang ganoon. Niyakap siya nito. "I'm a very lucky man."

"You sure are. Kaya 'wag kang magloloko!"

"Never."

Siniil nito ng halik ang kanyang labi hanggang sa naging mainit ang halik na iyon. Naging saksi ang silid sa init nilang dalawa at nakatulog siya sa mga bisig nito. Nang magising siya ay alas-nuebe na. Nasa tabi niya ito, may binabasang mga dokumento. Agad siyang bumangon.

"Hindi mo ako ginising! Kumain ka na?"

"Not yet. Hinihintay kitang magising."

Napairap siya. "Excited pa naman ako sa niluto ko. Don't move. Iinitin ko muna. Masarap siya! Pinakamasarap sa lahat ng niluto ko. Suffice to say, that's no big accomplishment since everything I've cooked pretty much sucked."

Tawa ito ng tawa. Hinagkan nito ang kanyang labi at sumabay sa kanya sa pagbaba. She was happy. She realized she had never been this happy, despite her father's condition. All thanks to Iñigo.

Continue Reading

You'll Also Like

604K 63.6K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1.6M 97.3K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
3.2M 186K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
10.3K 257 8
First oneshot tells the story about what happened when Joseph defeated Kars and was staying with Suzi Q. What were his thoughts and emotions about ev...