Room 406

Per angge-chii

4.8K 98 57

Isang room sa isang school ang nabansagang "cursed room" dahil sa mga kababalaghan na bumabalot dito... *"Hum... Més

Prologue
Students Of Room 406
CHAPTER 1: Threat to Mr. Playboy
CHAPTER 2: "Her"
CHAPTER 4: Kill Joy
CHAPTER 5: Forest
CHAPTER 6: Lady Guard
CHAPTER 7: Suspicion
CHAPTER 8: Transferees
CHAPTER 9
CHAPTER 10: Welcoming
CHAPTER 11: Hunting Season
CHAPTER 12: Painting of Death
CHAPTER 13
CHAPTER 14: 5th Cubicle

CHAPTER 3: 1 down... 24 to go

289 5 2
Per angge-chii

Natakot na ng tuluyan si Clyde. Nanginig na nang tuluyan ang katawan ni Clyde sa takot. Mutlang mutla na ang mukha nito at pinagpapawisan ito ng malamig.

Nagtaka naman ang mga kaklase nito dahil nakita ng mga ito ang panginginig ng kamay ni Clyde.

Lumapit ang isang kaibigan nito na si Johanne...

"Clyde... Ok ka lang?" nag-aalalang sabi ni Johanne sa kaibigan at sabay tapik nito sa balikat ni Clyde.

Bigla namang natauhan si Clyde dahil sa pagtapik ng kaibigan sa kaniya. Agad nitong nilukot at tinago ang papel sa kanyang bulsa.

Lumunok muna si Clyde at alanganing humarap sa kaibigan.

"Ha? Ahhh.... Oo... O-o-ok lang ako! Ba't naman ako hindi m-m-magiging ok..." Pagsisinungalin ni Clyde sa kaibigan na hindi man lang makatingin sa mga mata nito.

Napataas naman ng kilay so Johanne.

"Talaga lang ha? Huwag mong sabihin naduduwag ka? Hahaha!" natatawang pangangasar ni Johanne kay Clyde. "Oh ito, candy. Pfft. Pampaalis takot! Hahaha!" patuloy na pag-asar ni Johanne kasabay ang pagbigay ng candy na nanggaling sa bulsa nito.

Pero ang tanging ginawa lang ni Clyde ay ang pagyuko. Nagulat ang ibang kaibigan nito dahil kadalasan na ginagawa ko Clyde pag naasar ay ang maging bayolente o di kaya ay mapantrip. Kaya di nila inaasahan na ito ang magiging reaction ng binata.

"H-hoy Clyde. Wag mong sabihing naduwag ka talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Andrei.

Napaangat naman ng tingin si Clyde. Halos lahat na ng tao ay nakatingin sa kanya. Lahat ay nagtataka at natatakot. Pero sa kabila nun ay nakakaramdam ng nakakapangilabot na titig si Clyde. Hindi nito malaman-laman kung sino at saan nanggagaling ang mga tingin na ito.

"Ano Clyde? Don't tell me you're scared of all this sh*t?" mataray na sabi ni Janna. Lahat naman ay napatingin sa kaniya at sa iba nitong kasama na si Maxinne, Yana, at Kurt na nakahawak sa bewang ni Yana.

Sasagot na sana si Clyde pero biglang dumating ang principal ng school na nakakunot ang noo.

"Students of Room 406! Your class will be excused for today because of this incident in your class... Others, go back to your classrooms or else you will be marked as cutting classes!" maotoridad na sambit ng principal ng school. Agad naman siyang sinunod ng mga estudyante.

Naiwan na nagtataka at natatakot ang mga estudyante ng room 406. Napatingin ang principal sa nakasulat sa pader ng classroom. Bahagya itong napalunok dahil sa kaba at pandidiri. Isa-isa namang tinignan ng principal ang mga mukha ng students ng room tila mukhang may hinahanap.

Nang mapansin ng principal na nakatingin lahat ng estudyante sa kanya ay napataas ito ng kilay. Ang principal ng academy ay nabansagang "terror" ng academy. Napakasungit at KJ nito tuwing may mga nakakatuwang handaan. Pinagiinitan siya ng ibang estudyante ng academy dahil sa masyado nitong seryoso.

"Students of Room 406! Umuwi na muna kayo sa mga dorm niyo! Your class will resume tomorrow! Walang magsusumbong at wala rin kayong pagsasabihan nito! All of this is another sick joke! Now, go home!" kunot noong sabi ng principal sabay alis sa harapan ng mga students.

Napanganga ang mga students ng Room 406 dahil sa pakikitungo ng kanilang principal.

"Tang*nang principal yun ah! Wala man lang pag-aalala sa mga students niya?!" hindi makapaniwalang sabi ni Matthew. Halatang inis na inis ito sa pakikitungo ng prinipal sa kanila.

"Sus. Di pa kayo nasanay! Tumanda ngang dalaga, diba? Di yan nakaexperience ng youth ng kabataan!" natatawang sabi ni Brandon na know-it-all ng class. Napatinginnaman sa kanya ang iba niyang kaklase na parang walang pakialam sa sinabi niya.

"Tss. What a bitchy hag." walang gana na sabi ni Reich na may hawak na bola ng volleyball at sabay alis para pumunta sa kaniyang dorm.

"Haist. Gawin na lang natin yung inutos ni principal. Tara na guys..." napapabuntong hininga na sabi ni Princess at sabay alis sa room.

Sumunod na rin yung iba. Lumabas si Zoe habang nagbabasa ng libro na parang walang nangyaring masama. Si Lily na lumabas na may earphones sa tenga. Si Lexine at Daniella na parang natatakot na. At ang iba pang kaklase nitona may kaniya kaniyang ginagawa.

Natira naman sa classroom ay sina Angel, Angeline, Albert, Janna, Yana, Kurt, Maxinne, Elijah, Clyde, Jem, Johanne, Andrei, at Matthew.

"Woah. What is going on to our classroom?" Maarteng tanong ni Yana habang nakatingin sa paligid na puno ng dugo. Nakayakap ito kay Kurt na parang batang takot ma takot.

"Gross right? Kanino kayang dugo yan?" Panggagaya ni Matthew sa maarteng boses ni Yana. Tiningnan ni Yana ng masama si Matthew at napangisi lang si Matthew.

Pilit namang hindo tumatawa ang ibang natira. Kahit si Clyde ay pilit na hiwag tumawa dahil sa inakto ni Matthew. Bagay kasi sa kaniya ang pagkakaroon ng boses pangbakla.

"What the hell is up with your faces?"mataray na tanong ni Yana sa mga kaklase sabay pamewang.

"Pfft. W-wala. Si M-matthew kasi eh."pilit na wag tumawa na sabi ni Andrei. Tiningnan naman siya ni Matthew ng masama.

"Mga gago kayo! Umayos nga kayo!" Kunot noong sabi ni Matthew kaya napatigil yung iba sa pagpipigil ng tawa.

"Tss. Weirdos. Tara na nga, babe." Mataray na sabi ni Yana sabay hila kay Kurt palabas ng classroom.

"Ciao guys. May date pa ako." paalam ni Janna sabay balik sa pakikipaglandian niya na nasa phone.

"Hehe. Aalis na rin ako! May date pa ako with Papa Daniel!" kinikilig na sabi ni Maxinne sabay alis sa room.

Napapailing na lang ang natirang tao dahil sa mga kaklase nila na masyadong maarte.

"Uhh... Ano na mga brads? Tara na?" tanong ni Jem sa mga kasama. Nagsitanguan ang mga kaibigan nito na sina Carlo, Andrei, Johanne at Clyde.

Lumabas na ang limang binata sa classroom. Nagkatinginan naman sina Angel, Angeline, Matthew at Albert. Nagsitanguan ang mga ito na akala mo ay nag-uusap ng gamit lang ang tingin.

Napatingin naman bigla si Angeline sa pader na may sulat gamit ang dugo. Kinuha na niya ang opportunity na ito na lumapit sa pader habang busy ang kasamahan sa pagtititigan.

Dahan-dahan itong lumapit sa pader. Sinuri nito ang nakasulat at ang ginamit sa pagsulat nito. Napansin nito ang pamilyar na sulat. Namumukhaan niya ang sulat pero di niya matandaan kung kanino ito. Dahan-dahang itinaas nito ang kaniyang daliri na tila ay hahawakan ang dugo.

"Angeline! Anong ginagawa mo?!" biglang sigaw ng kakambal na si Angel. Pero hindi man lang natinag si Angeline at nahawakan na nito ang dugo gamit ang point finger nito.

Nirub nito ang thumb at point finger nito para masuri ang dugo. Inamoy pa nito ang dugo. Napataas ng kilay si Angeline.

"What the-?! It's not blood from a human? It's just blood from an animal!" hindi makapaniwalang sabi ni Angeline.

Mataas kasi ang expectation nito na dugo ito na nanggaling sa tao. Pero sad to say, dugo lang ito ng isang hayop.

"Ha? Dugo ng animal? So hayop? As in hayop na baboy? O hayop na tarantadong tao?"seryosong tanong ni Matthew. Binatukan naman siya ni Albert.

"Bobo lang? Sabi niya nga 'animal' malamang hayop na baboy!"

"Eh sorry naman! Alam naman nating pilosopo minsan si Angeline eh!" sabi ni Matthew habang hinihimas ang ulo.

"Tss. Hindi ako namimilosopo pag ganito ang sitwasyon." seryosong sabi ji Angeline.

"Weh?!" sabay sabay na sabi nina Angel, Matthew, at Albert. Tiningnan naman sila ni Angeline ng masama.

"Ewan ko sa inyo! Basta! Di toh dugo ng tao! Dugo siya ng mga katulad niyong hayop! Leche!" Inis na sabi ni Angeline sabay alis ng padabog. Napailing naman ang mga kasama nito.

"Yung kakambal mo rin eh noh... Nagiging amazona pag ginalit." napapailing na sabi ni Albert. Natawa naman si Angel.

"Sinabi mo pa. Mas malala kaya yan sakin pag ginalit mo." Napapailing na sabi ni Angel.

"Di nga? Grabe! Natatakot na tuloy ako kay Angeline! Hahaha." biro ni Matthew.

Sabay sabay na nagsilabasan sina Angel, Albert, at Matthew sa classroom.

--------------------

Nasa loob na ng dorms nila ang lahat ng students ng Room 406. Lahat ng students ng academy ay may kaniya-kaniyang dorm. Separated ang dorm ng girls at do ng boys.

"Uy Clyde! Kanina ka pa atang tahimik diyan?" tanong ni Andrei na dormate ni Clyde.

Kanina pa kasi si Clyde tahimik. Habang naglalakad at nang makapasok sa dorm nito ay sadyang napakatahimik nito na tila may iniisip. Napansin na ito ni Andrei pero di niya ito tinanong dahil baka nagulat lang ito sa pangyayari. Pero di na nito nakaya ang pagiging tahimik ni Clyde kaya nagtanong na si Andrei.

"H-h-ha? Oo. O-oo." wala sa sariling sagot ni Clyde. Mukha namang nainis si Andrei kaya binatukan ni Andrei si Clyde. Mukha namang natauhan si Clyde.

"Anong oo?! Pinagsasasabi mong kumag ka?" Sermon ni Andrei kay Clyde.

"Eh ano banh sinabi mo?" patay malisyang sabi ni Clyde habang napapahimas sa ulo niya. Napasabunot naman ng sariling buhok si Andrei.

"Ay ewan ko sayo! Halatang wala ka sa sarli. Diyan ka na nga! Magpapalamig na muna akosa labas!" padabog na lumabas si Andrei sa kanilang kwarto.

Nakatingin lang si Clyde sa pintuang nilabasan lang ni Andrei. Kanina pa natutulala si Clyde at halatang malayo ang iniisip nito. Namumutla rin ito at kanina pa nip tinatago ang panginginig ng kaniyang mga kamay.

'Mamamatay na ba ako? Mamatay na ba ako? Mamamatay na ba ako? Mamatay na ba ako?' Paulit ulit na tanong ni Clyde sa kanyang sarili.

Bigla nitonh kinuha ang papel na nasa lamesa niya kanina. Binasauli nito ang nakasulat sa papel. Nanginginig ito at tila gusto ng sumigaw sigaw. Napapasabunot ito sa kanyang sarili na parang wala sa sarling pag-iisip.

"Bakit toh kailangan mangyari sakin? Bakit sakin? Baki-" napatigil sa paghihisterikal si Clyde ng may marinig na tatlong padabog na katok.

Tiningnan ni Clyde ang pintuan at nakitang may anino sa labas nito. Nanginginig na lumapit ito sa pintuan. Kumatok ulit ng tatlobg beses na padabog ang taong nasa labas. Nanginginig pa rin si Clyde. Kumatok ulit ng tatlong beses ito. Nagtataka na si Clyde kung sino ba itong katok ng katok sa kaniyang pintuan.

Naisipan niya na baka si Andrei lang ito. Bubuksan niya na sana ang pintuan pero natakot ito na baka... hindi ito si Andrei. Kaya naisipan nito na ikabit muna ang door lock nito bago buksan ang pintuan. Pero bago nito buksan ang pinto at kumatok muli ang kanina pang kumakatok dito. Ngunit sa pangatlong kayok nito ay tila nawala ito kaya hanggang dalawa lang ang narinig nito.

Nagtaka naman si Clyde kung anong nangyari kaya dahan-dahan na nitong binuksan ang pinto ngunit nakakabit pa rin ang door lock nito. Nang mabuksan niya na ang pintuan ay walang nangyari. Uusog na sana siya para makita kung sino ang tao dahil nasa likod lang ito ng pintuan ng may biglang kutsilyo na sumingit sa pintuan.

Nagulat si Clyde kaya agad nitong pilit na simasara ang pintuan. Lumalaban naman ang taong nasa labas kaya nahihirapan si Clyde na isarado ito. Patuloy pa rin ang pagsubok ng tao na buksan ang pintuan ngunit nasara na ni Clyde ang pinto. Nilock nito aga ang pintuan at tumakbo papunta sa cabinet at nagtago.

Nagsimula na namang kumatok ng kumatok ang taong gustong patayin si Clyde. Takot na takot naman si Clyde habang nakatago sa loob ng cabinet. Pero maya-maya pang ay biglang tumigil ang pagkatok ng tao...

Pinakiramdaman muna ni Clyde ang paligid. Makakahonga na sana siya maluwag ng biglang may sumira sa pintuan nila. Kaya napasinghap at napacover ng bunganga si Clyde. Narinig nito ang maingay na yabag ng taong kanina pang gustong pumasok sa room nila.

Nakita ni Clyde ang anino ng misteryosong tao. Hindi nito matukoy kubg babae ba ito o lalaki dahil nakatakip ang buhok nito. Bahagya siyang napaaray ng may maramdamang hapdi sa kanang braso nito.Nakita niyang may malalim na sugat ito. Nanlaki anh maya niya dahil sa daplis na nakuha sa kutsilyo kanina at bigla itong napatingin sa butas ng cabinet. Mas namutla at nanlaki ang mata nito ng makitang may mga tulo ng dugo na papunta sa cabinet.

Biglang bumukas ang cabinet na pinagtataguan ni Clyde at nakita nito ang nakakapangilabot na maskara ng isang tao. Napasigaw si Clyde dahil may naramdaman itong bagay na tumusok sa kanyang tiyan. Biglang hinila ng misteryosong tao si Clyde paalis sa cabinet. Napadapa si Clyde sa sahig at namimilipit sa sakit.

Tinadyakan ito sa ulo at sinipa sipa ito sa tiyan. Sigaw ng sigaw sa sakit si Clyde. Pero tila walang naririnig ang misteryosong tao at patiloy sa inagawa nito.

"Sht! Tama na! Tama na! Ano bang kailangan mo sakin?!" nagawang pagsigaw ni Clyde sa kabila ng sakit na nararamdaman.

Pero imbis na sagutin ito at kumuha ng kutsilyo ang misteryosong tao sabay tusok sa balikat nito. Napasigaw ito at pilit na pigilan ang misteryosong tao ngunit hindi na nito maigalaw ang katawan. Kaya tiniis nito ang ilang pagsasaksak sa kaniya ng misteryosong tao.

Nagiging malabo na ang tingin ni clyde at tila nanlalamig na ang katawa nito. Punong puno na ng dugo ang kaawan ni Clyde. Ang kaninang puting polo nito ay naging pula dahil sa sarili nitong dugo. Dahan dahan ng namamatay si Clyde. Kahit nawalan na ito ng buhay ay patuloy pa rin sa pagsaksak ang misteryosong tao. Nakadilat na namatay si Clyde. Hini pa nakuntento ang misteryosong tao at padalos dalos na pinugot nito ang ulo ni Clyde.

Halos mapuno na ng dugo ang sahig ng kwarto. Itinusok ng misteryosong tao ang ulo ni Clyde sa upuan ng upuan sa dining table. Ginamit naman nito ang dugong lumalabas sa leeg ni Clyde para magsulat sa pader...

'1 down... 24 to go...'

Matapos nitong isulat ito ay lumabas na ito ng room nila Clyde. Tumingin tingin ito sa paligid ay nakitang walang tao sa hallway. Agad nitong hinubad ang madugong damit at nagpalit ng panibagong damit. Tingo na rin nito ang mga gamit niya. Tila walang ginawang masama pag tinignan mo ang kaniyang inaakto...

Babae ba talaga ito... o lalaki?

Continua llegint

You'll Also Like

694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...