gmik season 4

By rALfziohnne

83.1K 2.4K 711

dahil sa hindi natapos ang gmik season 4, i just tried to continue their story in my own imagination 😂.... More

one
three
four
five
six
seven
eight
nine
ten
eleven
twelve
thirteen
fouteen
fifteen
sixteen
seventeen
eighteen
nineteen
twenty
twenty one
twenty two
twenty three
twenty four
twenty five
twenty six
twenty seven
twenty eight
twenty nine
thirty
thirty one
thirty two
thirty three
thirty four
thirty five
thirty six
thirty seven
thirty eight
thirty nine
fourty
forty one
forty two
forty three
forty four
forty five
forty six
forty seven
forty eight
forty nine
fifty
fifty one
fifty two
fifty three

two

2.3K 43 1
By rALfziohnne

pagkauwi ni roni sa bahay nila kitang kita sa mukha niya ang pagkainis kay borj dahil sa mga sinabi nito..dumeretso na lang si roni sa kanyang kwarto at humiga habang tumatakbo sa isip niya lahat ng sinabi ni borj..
"bakit kaya ganun sinabi ni borj??"
"sana wag siyang mapahamak sa mga kaibigang pinili niyang samahan"

hay naku bahala nga sya...

kinuha ni roni ang telepono at tinawagan na lang si basti upang kamustahin kung nakauwi ba ito ng maayos..
"hello beb, nakauwi ka ba ng maayos?" sabi ni roni
"oo naman beb kakarating ko lang din eh" sabi ni basti sa kabilang linya.
"kamusta si borj nakausap niyo ba ng kuya mo?"
"ano balita kay borj?"

"hay naku beb nakakainis si borj kasi mas gusto daw niya sumama ngayon kina JV kasi mas masaya daw siya kapag kasama niya ung mga taong yun, alam mo ba beb sabi pa ni borj hayaan na lang daw muna natin siya dahil nag eenjoy lang daw siya sa mga ginagawa niya at medjo naboboring na daw siya sa barkada natin"..

"hayaan muna natin si borj beb, " sagot ni basti.

"sige na magpahinga ka na beb, maaga pa pasok natin bukas, goodnight beb, i love you..😘" -basti

"sige goodnight na din beb, i love you, too 😘" sagot naman ni roni... at agad na niya binaba ang telepono

KINAUMAGAHAN————

naka handa na si roni sa pagpasok sa eskwelahan, bumababa na siya sa kwarto upang mag almusal..
"goodmorning anak, bati ng mommy niya"
"goodmorning mommy sabay halik sa pisngi ng kanyang mommy.."
"umupo ka na diyan at mag breakfast na tayo"-tita marite

"dad, yuan, ready na ang breakfast halina kayo dito" pagtawag niya..
"coming ma"..tumatakbong pagbaba ni yuan galing sa kaniyang kwarto.
lumabas na din sa kwarto si tito charlie.
"goodmorning mga anak" bati ni tito charlie
"goodmorning dad" sagot naman ni yuan at roni

"sige na at kumain na tayo baka ma-traffic pa tayo sa kalsada at mahuli pa kayo sa klase"...sabi ng kanilang mommy..

pagkatapos nila kumain ng almusal, tumayo na sila yuan, roni, at ang daddy nila upang magpaalam na sa kanilang mommy...

"bye ma", sabi nila yuan at roni sabay halik sa pisngi niya....
"mag iingat mga anak ha, aral ng mabuti..."
"yuan ang kapatid mo ha, bantayan mo"
"yes ma", sagot naman ni yuan
"bye dad", ingat sa pagmamaneho ha...paalala niya...

at tuluyan ng nakaalis ang mag aama...

sa sasakyan napansin ng daddy nila yuan at roni na parang ang tahimik ni roni..

"anak, roni napansin ko bakit parang ang tahimik mo yata?" may problema ba anak?"

"wala po dad, ok lang po ako" sagot naman ni roni..
pero alam ni yuan na tumatakbo sa isip ni roni lahat ng sinabi ni borj kagabi, hindi na lang sumagot sa usapan si yuan at nanahimik na lang din..

"sa wakas nakarating din tayo sa eskwelahan niyo"-daddy

"sige na mga anak mawalang galang na sa inyo magsibaba na kayo" pabirong sabi ng kanila daddy

"dad", nakasimangot na sagot ni roni..

"pinapatawa lang kita anak, pero lalo ka sumimangot" patawang sagot ng kaniyang daddy..
"pumasok na kayo, bye mga anak enjoy.." paalala ng kanilang daddy

"ingat dad" paalala naman ng magkapatid
nakaalis na ang sasakyan at papasok na din sila roni at yuan ng makasabay nila si borj sa gate..

"yuan pare, musta?" bati ni borj
"ok lang" sagot naman ni yuan pero bakas sa mukha nito ang pagkainis kay borj..
hindi na binati ni borj si roni dahil alam niya galit ito sa kanya dahil sa paguusap nila kagabi..habang naglalakad sila nakita ni borj ang grupo nila JV...

"yan na pala si borj ehhh"
"whatzzz up, borj" bati ni JV

"uy borj halika na ma-late na tayo sa klase natin" sabi ni yuan

"sige na mauna ka na" sagot naman ni borj..
"wag mong sabihin borj, hindi ka papasok?" tanong ni yuan
"sige na pare mauna ka na susunod na lang ako" sagot naman ni borj
naglakad ng may halong pagkainis si yuan kay borj.
"bahala ka" mahinang sabi ni yuan kay borj...

"ano pareng borj bakit hindi ka nakarating sa gimik natin kagabi?" tanong ni JV
"hindi ako nakalusot kay lola pti kila yuan at roni kagabi pare, paalis na sana ako eh biglang dumating sila yuan kaya yun.." sabi ni borj
"ngayon lalabas kami pupunta kami sa convinient store sama ka borj" yaya ng barkada ni JV
"oo nga naman pare wala ka na kagabi wag mong sabihin hindi ka parin sasama samin ngayon" dugtong ni JV

"sasama siyempre mga tol", may pagtawang sagot ni borj..
" yun, buti naman" sigawan ng tropa nila JV

naglakad palabas ang grupo nila JV kasama si borj at hindi na ito nakapasok sa klase..

AT THE CONVINIENT STORE..
dumating ang grupo nila JV kasama si borj sa convinient store ang iingay at ang aangas ng mga ito akala mo siga at laging naghahamon ng away..
"ano pareng borj sagot mo ah kasi wala ka kagabi" sabi ni JV
"a- hmm, sige walang problema" sagot naman ni borj

at kumuha ng alak at sigarilyo ang grupo nila JV, si borj ang pinagbayad ng lahat ng binili nila..wala naman nagawa si borj, kaya nilabas niya ang kanyang wallet at binayaran lahat ng kinuha nila..umabot ng P1500 ang binayaran ni borj at naubos ang dapat na allowance niya para sa linggong iyon..pagkatapos magbayad ni borj lumabas sila sa convinient store at sa sasakyan ni JV sila naginuman..binigyan ng alak si borj inabutan din ng isang stick ng marlboro si borj....kina JV natutong uminon ng alak at manigarilyo si borj...

halos maubos na ang binili nilang alak at sigarilyo, bakas sa mukha ni borj ang pagkalasing, namumula na ang kaniyang pisngi pati ang tenga, at medjo lumalabas na din ang sobrang pagkakulit nito, tuwang tuwa naman ang grupo nila JV...pare pareho na silang lasing

"iba ka talaga borj" sabi ni JV habang nakaakbay kay borj..
"siyempre naman pare!!! ako pa ba!!" maangas na sagot ni borj..

tuloy ang party ng grupo nila JV  sa labas ng convinient store kasama si borj....halatang halata na lasing na si borj..

AT THE SCHOOL...

"yuan akala ko kasama mo si borj sabi ni roni kasabay mo daw si borj...asan na??" tanong ni junjun at tonsy..
"hay naku yan si borj nakasalubong namin sila JV ayun sabi niya susunod daw siya sakin" sagot naman ni yuan..
"nakakainis talaga sila JV kung saan saan yata nila dinadala si borj eh kung anu-ano pa ang pinapagawa kay borj" dugtong pa ni yuan
"alam niyo ba mga tol, pinuntahan namin kagabi ni roni si borj sa bahay nila para kausapin, yun pala nagpaalam si borj kay lola na sasama siya satin sa bahay nila epoy pero ang totoo kina JV siya pupunta.."-yuan
"eto pa sabi ni borj hayaan daw muna natin siya na sumama kina JV kasi madami daw siyang nagagawa kapag kasama niya sila JV na hindi niya magawa kapag tayo ang kasama niya.."
"sino bang hindi maiinis kay borj"- yuan

"kaya pala galit din yung beb ko kay borj eh" singit naman ni basti

"bakit ba nagkakaganyan si borj may problema ba sya??" pagtatanong ni junjun
"parating na teacher natin wala pa si borj ano yun hindi nanaman papasok si borj, napapabayaan na ni borj pag aaral niya baka bumagsak na si borj niyan ang dami na nating projects na pinapasa pero si borj miski isang project wala pang ginagawa.."malungkot na sabi ni junjun...

"you know what guys, choice ni borj yun!! whatever results may come out sa grades niya it's his choice siya naman ang gumagawa ng grades niya eh.. kaya kapag bumagsak si borj choice niya din yun, kapag hindi nakagraduate si borj mas lalong choice niya din yun..wala tayong magagawa kung madaming gustong gawin si borj ng hindi tayo kasama, ok kaya kesa iniisip niyo si borj tapusin na natin yung thesis natin para makapagpasa na tayo kay sir at makapag defense na para matapos na di ba, madami pa tayong requirements na kailangan tapusin.." sabi ni tonsy kina yuan,junjun, basti, at epoy...

at tinuloy na lang nila ang discussion para sa thesis nila, pero si yuan iniisip parin si borj..
"paano kung hindi makagraduate si borj??" tumatakbong tanong sa isip ni yuan..

SA KABILANG BUILDING...

"uy sis, bakit nakasimangot ka, ang aga aga mukhang biyernes santo yung mukha mo, anu ba yan sis??" pagtatanong ni jelai

"is there something wrong, roni??" dugtong naman ni missy

"hay naku mga sis, eto kasing si borj nakasabay namin ni kuya sa gate tapos nakita sila JV ayun sumama nanaman kung saan.."

"hay naku sis hayaan muna natin si borj, nag eexplore lang siya..." sagot ni missy
"nag eexplore, hello missy!! ang dami kaya nilang requirements na kailangan ipasa at kahit isa sa mga yun wala pang nagagawa si borj dahil jan sa pagsama sama niya kila JV na yan puro sila gimik eh halos hindi na pumapsok si borj eh..." sagot ni roni kay missy na may halong pagkainis...

"hay naku mga sis kesa mainis kayo kay borj...magreview na lang tayo at may exam daw tayo ngayon sa math" pagpigil na sagot ni jelai kay roni at missy...

breaktime:

nagkita kita sina roni, jelai, missy, yuan, junjun, basti, tonsy, at epoy sa canteen...

"anu kuya hindi na talaga pumasok si borj??" pagatatanong ni roni
"sinabi mo pa roni!! halos apat na subjects na eh wala parin si borj, panigurado ako kasama nila JV kung saan nanaman si borj!!" sabi ni yuan

"hayaan na muna natin si borj.." tonsy
"kumain na tayo maya maya lang babalik na tayo sa mga classrooms natin ok.." jelai

magkatabi sina roni at basty, yuan at missy, junjun at jelai, epoy at tonsy...

"pare may mga partners sila ang sweet swet nila oh tignan mo nagsusubuan pa ng pagkain, since wala tayo partner tayo na lang muna ang magsubuan," masayang natatawa na yaya ni epoy kay tonsy..

sinakyan naman ni tonsy ang trip ni epoy habang natatawa sa kalokohan nilang dalawa, natatawa din ang buong barkada sa mga pinag gagagawa nila tonsy at epoy..

"alam niyo guys kung hindi namin kayo kilalang dalawa iisipin namin isa sa inyo bakla talaga!!" pang aasar ni basti

binato ni tonsy ng chips si basty habang natatawa na naaasar, pero lahat ng iyon at katuwaan lang..

"yuan, wag mo na masyadong isipin si borj ok.." pag aalalang sambit ni missy
"missy, nag aalala lang ako para sa bestfriend ko, siyempre gusto ko sabay kami makagraduate ng senior highschool, sabay kame makapag college!!" sabi naman ni yuan kay missy..

"jelai, kamusta naman kayo?" pagtatanong ni junjun.
"ok lang naman medjo stress lang kasi madaming exams, quizzes, at mga requirements na kailangan ipasa at gawin bago magbakasyon.." sagot ni jelai kay junjun habang magkahawak ang kanilang mga kamay..
"ganyan din kami dati nila yuan, pero dahil sa suporta niyo samin ayun natapos din namin lahat ng dapat ipasa at sa tulong niyo eh mas mabilis namin natapos mga term papers namin kaya siyempre bilang boyfriend mo tutulungan din kita sa mga dapat mong gawin, sigurado ako pati sila yuan, basty, tonsy, at epoy tutulong din yan sa inyo.."-junjun

"salamat talaga at nagkaroon ako ng boyfriend na supportive na kagaya mo, kaya mahal na mahal kita eh.. sabay yakap kay junjun ni jelai...

⏰⏰⏰ nagring na ang bell oras na para bumalik ulit sila sa mga classrooms nila...

"beb see you later ha, i love you.."sambit ni basti kay roni sabay halik sa noo nito
"i love you too basti, sige kita na lang tayo after class ha para sa group study natin!!" sagot naman ni roni..

naglakad na sila papabalik sa classrooms nila habang yung mga boys naman eh tumatakbo papunta sa building nila..

halfday lang mga klase nilang magkakaibigan kaya after class napagkasunduan nila na kila missy na lang tumuloy at dun na sila gumawa ng mga projects, assignments at ibang kailangan gawin para bukas..

naghanda si missy ng meryenda para sa barkada..
cookies, chips, mga kutkutin para hindi sila antukin habang gumagawa ng mga assignments..

"swerte ko naman sayo missy, ang sarap mo gumawa ng cookies!" sambit ni yuan kay missy habang magkayakap sa sofa
"ano ka ba yuan nakakahiya naman sa kanila nakikita nila tayo oh,!!" " tsaka alam mo naman lahat pag aaralan kong iluto para sayo di ba," sabi naman ni missy kay yuan...

"pare ang daming langgan dito sobrang tamis yata ng cookies !!" pang aasar naman ni epoy...

"hay naku tama na yan tapusin na natin mga dapat gawin para makauwi na tayo at makapag pahinga.." paninita ni roni sa mga kaibigan..
"oo nga tama beb ko, kaya yuan at missy tama na yan ha..sabay bato ng isang chip kay yuan.."- basti

PAGKATAPOS NG GROUP STUDY NILA...

"paano guys mauuna na kami ni roni ha kita kita na lang ulit tayo sa school bukas.." -yuan

"beb ingat kayo ng kuya mo pag uwi ah, tawagan kita mamaya kapag nakauwi na din ako, i love you beb!" -basty

"tonsy ihatid mo na si epoy para hindi na siya gumastos ng pamasahe ha," paalala ni yuan kay tonsy
"no problem!" sagot ni tonsy
"tara na epoy"...- tonsy

"bye guys, ingat kayo ha"
"bye honeybunch!" paalam naman ni missy kay yuan sabay flying kiss ...

natapos ang buong araw nila ng hindi nakikita si borj hindi nila alam kung nakauwi na ba ito...mag aalas nuebe na din ng gabi ng makarating sila sa kani- kaniyang bahay. halatang mga pagod dahil sa dami ng ginawa nila para sa school requirements... ilang araw na lang din kasi graduation na nila yuan, tonsy, junjun, epoy, at basty.. ewan lang natin kung makakagraduate si borj....

abangan ang susunod na kabanata....

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 102 8
" Sabi ng Mommy ko complicated daw ang LOVE. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Kagaya raw ng love story nila ng Daddy ko. Napakar...
5.3K 143 23
There's a girl who have a heart condition. That girl is a poor of love, her brothers hate her so much. Because they thought that the girl killed thei...
868 74 9
fan fiction, Romance, Sb19, mahalima
6.3K 423 21
my first kiss at age of 6 years old This is my first time making a story, so please don't judge me, just help me on what to do, I'm sorry if there ar...