Vagabond

By Betternottobeknown

3.9K 268 8

Veronica Cervantez, Physics professor of Shantanna Mendez who happens to like her student more than she shoul... More

One
Two
Three
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One

Four

219 14 0
By Betternottobeknown










"Ano nakausap mo na ba?" Tanong ni Mae kay Veronica. Hindi naman ito sinasagot ni Veronica pero mukhang hindi ito titigil na guluhin siya hanggat hindi ito nakakakuha ng sagot mula sa kaniya.

"Nakaalis ka na ba sa torpe phase mo ha?" Patuloy pa nito. Busy siya sa kaka-record ng mga quizzes ng mga estudyante niya at kakagaling lamang ni Shantanna dito para kuhanin ang quiz na hindi niya pa naitetake. Ang ipinagtataka niya lang ay naka civilian ito, at designer clothes pa talaga ang suot. Simula kasi ng umalis siya sa bahay nito ay hindi nanaman siya pinapansin.

"Oh, ikaw naman tulala ngayon. Kwento ka na kasi dali!" Kalabit nanaman sa kaniya ni Mae. Bakit ba kasi magkatabi ang office space nila? wala talagang takas eh.

"Ano ba gusto mong malaman ha?" Mahinang tanong niya dito.

"Edi ano pa ba?" Nakahalumbaba ito sa gilid niya at nakatitig sa kaniya. Inirapan niya na lamang ito.

"Nakausap ko siya last week, tinanong ko lang kung okay ba siya." Sagot niya dito at tinaasan lang siya ng kilay ni Mae.

" 'yon lang?!"  Tanong naman nito habang kinunutan siya ng noo. "Ang tagal-tagal mo na panakaw-nakaw ng tingin doon at sa klase ko pa talaga ikaw naglandi! Ang bagal mo naman!" Panenermon ni Mae sa kaibigang si Veronica.

"Teka lang kasi! Hindi pa nga ako tapos!" Panunuway niya dito.

"Nitong Friday nagpunta ako sa unit niya, alam mo naman na sigurong mag-isa lang 'yon diba? Sinabi kasi ng class secretary ko na three days na daw si Shan na hindi pumapasok dahil may sakit. Nag-alala ako kaya pinuntahan k—" Bigla naman nitong hinawakan si Veronica sa dalawang balikat iniyugyog, take note nanlalaki pa ang mata nito na tila hindi makapaniwala.

"Ano— Veronica!!!!!" Sumigaw pa ito sa buong faculty at kilig na kilig pa kaya naman lahat ng guro doon ay napatingin sa pwesto nila.

Nang mapansin nito na nakuha na nilang lahat ang atensyon ay agad na tumayo sa Mae at nanghingi ng pasensya. Iiling-iling at tatawa-tawa nalang ang mga kapwa guro nila.

"Buti pinapasok ka?" Tanong ni Mae ng mahimasmasan na ito.

"Nung una, ayaw niya. Binuksan 'yung pinto pero enough para makadungaw 'yung ulo niya. Napansin ko agad na namumutla siya at namumula ang tenga, sign na naiinitan or mainit ang pakiramdam ni—-"

"Syempre alam mo 'yon, lagi mo ba namang tinitignan." Singit ni Mae. Mahina lang ang pag-uusap nila, enough para silang dalawa lang ang makarinig.

"Ang epal mo." Inirapan agad ni Veronica si Mae. Tinawanan lamang siya nito para mainis siya lalo.

"Ilang minuto rin kaming nagtalo ha. Ang hirap kumbinsihin non! Halos magsigawan na nga kami sa pintuan eh. Pero sa huli, pinapasok niya pa din ako. Pero tingin ko hindi dapat niya talaga ako papapasukin eh, kaso siguro hindi na niya kinaya 'yung sakit ng ulo niya, kasi nung makapasok na kami nakita kong hinilot niya 'yung ulo niya pagkaupo niya sa sala eh."

"Tapos nakita ko sa dining table niya puro cup noodles! Kaya napagluto ako ng wala sa oras." Napahinto saglit si Veronica ng maalala niyang sinabihan siya ni Shantanna na masarap 'yung luto niya. Napangiti siya at pinamulahan ng mukha.

"Hoy. Share mo naman 'yan." Tukoy ni Mae sa pagpula ng mukha niya.

"She said that the food is nice daw." Napangiti siya pero ng maalala niyang tinawag siyang stupid nito dahil nakatunganga ito ay ngayon lang siya nakaramdam ng hiya at syempre hindi niya iyon sasabihin kay Mae dahil aasarin lang siya ng kaibigan.

"I spent the night there. Pinatawagan pa nga ni Shan 'yung family doctor nila sa'kin. Tapos ayon na hindi na naman ako pinapansin ngayon." She told Mae. Veronica decided not to tell everything that Shantanna told her for privacy.

"So nakaalis ka na talaga sa torpe phase mo ha?" Tukso na naman ni Mae. Magsasalita pa sana ito ng tumunog ang bell hudyat na may klase na sila.

"Tara na." Aya ni Mae kay Veronica.

"Parang last year lang, nagpupunta ka sa room ko para may kungyaring ibibigay masulyapan lang si crush mo." Kinurot naman ni Veronica si Mae.

"Teenager lang ang peg." Tinapik ni Mae ang kamay ni Veronica na akmang kukurutin na naman siya.

Nadaan sila sa Main Office at may nakita naman siyang pamilyar na figure na kakalabas lang ng pinto. Naramdaman naman ni Veronica na kinalabit siya ni Mae at tinuro si Shan gamit ang nguso nito.

"Kausapin mo. Tanungin ko kung okay na hindi mo naman nagawang tanungin kaninang nasa faculty tayo." Bulong ni mae sa tabi niya.

Binilisan naman nila ang lakad at naabutan nga nila ito na may dala-dalang folder na kulay itim.

"Hey, Shantanna." Tawag ni Veronica. Lumingon ito sa kaniya ng wala na namang emosyon. Nainis naman si Veronica pero hindi niya nalang ipinahalata.

"Okay ka na?" Tanong ni Veronica, sumenyas naman na si Mae na mauuna na siya. 'Iniwan pa talaga ako oh.' Isip-isip niya. Nakita niya namang nginitan siya nito ng makahulugan bago umalis.

"Obviously." Pambabara naman ni Shantanna sa kaniya. Hindi sinasadyang napaikot naman ang mata ni Veronica sa narinig.

"Okay ka na nga." Sarkastikong pagkakasabi niya. "Sabay ka na sa'kin? Parehas lang naman tayo ng building." Pag-aalok niya dito.

"Uhm. No, thanks. I can't go to class for about a week. There's somewhere I need to be." Nag-umpisa na silang maglakad since mahaba-haba din ang hallway para sa exit ng building.

"Kaya ka ba nasa office? Saan ka naman pupunta?"

"Partly." Sagot ni Shan sa unang tanong. "And it's none of your business again, Ma'am." Sabi na naman nito pero sa hindi bastos na tono.

"Dali na Shan." Pagkukulit niya dito.

"I cannot give you a specific place because I'll be travelling most of the time, Ma'am." Sagot nito, nakita niya namang ngumisi ito pagkabanggit ng ma'am.

"Kagagaling mo lang ah!" May kalakasan na pagkakasabi ni Veronica. Nakakunot ang noo nito at napatigil sila sa paglalakad.

"That's actually the reason why I asked you to call Uncle Richard... I can't afford to be sick. I have tons of things to do."  She explained. Lumambing bigla ang boses ni Shantanna at seryosong nakatitig sa mata nito.

"Don't worry, I'm already fine." Lumapit ito para kuhanin ang kanang kamay ni Veronica at iniligay ni Shantanna sa noo niya. "See?"

"But, you still need to rest. Bawal kang ma-stress Shan." Napangiti naman niya ang dyosa sa harap niya dahil sa sinabi niya.

"As if school isn't stressful enough to make me sick again, Ven."  Walang tao sa part kung nasaan sila dahil nakaalis na ang mga teachers. Kung tutuusin nga ay late na itong si Veronica pero mukhang hindi niya pa napapansin.

Hinampas naman ng mahina ni Veronica si Shantanna sa dibdib. Kinikilig siya sa pagtawag sa kaniya ni Shantanna sa nickname niya.

"Kahit na. Bumabawi ka pa lang ng lakas oh. Hindi pa nga ako sigurado noong Saturday kung okay ka na nga talaga eh. Kung okay ka na nga non, iisang araw palang pahinga mo Shan." Nalungkot naman ang itsura ni Veronica pagkatapos niya magsalita.

"What can I do to stop you from worrying?" She asked pinisil ni Shantanna ang kamay ni Veronica na hawak-hawak na nito ngayon. Nandoon pa din sila, hindi na muna sila umalis.

"I— i don't know. I just don't want you to go." Lumambot naman ang ekspresyon ng mga mata ni Shantanna sa narinig. 

"I can't do that Ven. Importante 'yung pupuntahan ko." Lumapit pa ito kay Veronica at hinapit ang bewang nito papalapit sa kaniya. Nakatitig lang ito sa mga mata niya, sobrang lapit na nga ng mga mukha nila na halos maduling na si Veronica.

Hinawakan ni Shantanna ang ulo ni Veronica at isinandal sa balikat niya. "However, you can give me your phone so I can save my number." Malambing, at sobrang sarap pakinggan ng boses ni Shantanna. May pagka husky pa nga ang dating dahil halos bumubulong na lang ito dahil malapit lang ang tenga niya sa bibig nito. Nararamdaman niya na nga din ang hangin na galing sa ilong at bibig nito na nagbibigay kiliti sa kaniya.

"Is that already enough to stop you from worrying about me?" Dahan-dahan namang hinihimas ni Shantanna ang likod nito. Hindi naman nakasagot agad si Veronica, humiwalay na sa pagkakayakap si Shantanna at inilahad ang kamay.

"Late ka na. Give me your phone now." Ma-authoridad na sabi nito.

"Don't forget to include your name when you text me or else hindi kita rereplyan." Shantanna hurriedly said at tumakbo na agad ito at iniwanan si Veronica na nakatulala pa rin hanggang ngayon.

Nakarating siya sa tapat ng room nila na lutang. Hinanap niya 'yung checker para sabihin na na-late lang siya dahil may kinuha lang. Nahanap niya naman ito sa katabing room at inantay na lumabas.

Nagulat siya na, nasabi na daw sa kaniya na malelate siya, tinanong niya 'yung checker pero nginitian lang siya nito ag sinabing secret daw, ayaw niya daw mawalan ng trabaho at umalis na rin.

Nagtataka man ay ipinagsawalang bahala niya na lang dahil nagkakagulo ngayon ang klase niya!


Nakita niyang nagsisigawan ang mga ito sa bintana at may dalawang estudyanteng nagsusuntukan sa gilid at wala manlang umaawat. Umakyat ang dugo niya sa ulo niya, hindi na siya nag-aksaya ng oras at binuksan ang pintuan at napahinto naman ang lahat sa pagkakita sa kaniya.

"What's happening here?" She tried to compose herself, she doesn't want to shout at them dahil hindi niya gawain iyon pero gustong-gusto niya na talaga lalo na ngayong walang sumasagot sa kaniya.

"Ano? Walang sasagot?" Nakakunot na ang noo nito at pulang-pula ang tenga.

"Where is the President?" Ayaw sana magtaas ng kamay ng president pero kailangan kaya napilitan ito. Mas lalong nainis si Veronica ng makilala niyang isa pa ito sa nagpapasimunong magsisigaw kanina.

"No wonder why's the class like this kung 'yung President nga ay isa pa sa pasimuno ng sigawan kanina." Veronica crossed her arms and texted the prefect of discipline coordinator. This is her last subject at hindi na siya pinagturo dahil kailangan pang imbestigahan ang nangyari dahil pumutok ang kilay ng isa niyang estudyante.


Pagkauwi niya ay agad siyang pumunta sa kwarto niya at nagbihis at kumain sa kanila.

"Kamusta ang school anak?" Tanong ng mama niya. Nginitian niya lang ang mama niya at sumandok ng pagkain.

"May nagsuntukan sa klase ko habang wala ako ma." Malungkot niyang pahayag. "Baka kausapin ako ng Principal bukas."  Bumuntong hininga siya.

"Wala ka namang kasalanan, nak. Hindi mo naman control ang mangyayari. Pero matanong ko lang, nasaan ka ba?"

Bigla naman nagliwanag ang mukha nito ng maalala ang mga pangyayari kanina. "M-may kinausap lang akong estudyante ma." Sagot niya. "K-Kaya po natagalan."

Napangiti naman ang nanay ni Veronica. "Estudyante lang pala pero nauutal." Tumawa naman ang mga kapatid ni Veronica.

"Nako ma, binata na." Pangaasar pa ni Viviene.

"Tumigil ka nga!" Suway ni Veronica at yumuko para itago ang namumula niyang mukha.

"Dinaig ka pa Kuya oh!" Tawa ng tawa si Viviene habang gusto nalang magpalamon ni Veronica sa sahig nila.

"Sure akong 'yung babaeng sinusundan niya ng tingin nung releasing ng cards noong March 'yon." Gatong pa ni Victor.

"KUYA!" Hindi na napigilang sumigaw ni Veronica. Pati Mama niya ay tawa na ng tawa. Natigil na lamang sila mag-usap ng dumating ang Papa nila.

"Oh, ba't tumigil kayo?" Sita nito sa kanila. "Anong pinaguusapan ninyo?"

"Pinaguusapan lang namin mga estudyante ni Veronica, Val." Sagot ng Mama nila.

"Nakakatuwa kasi sila Pa." Dagdag pa ni Viviene.

"Sige na. Kumain na tayo ng tahimik." Hindi na pinansin pa ni Val ang pinaguusapan ng pamilya niya kanina at kumain nalang sila ng tahimik.

Natapos na silang kumain at lahat ay nasa sala na para manood ng maalala ni Veronica na isinave ni Shantanna ang number niya. Agad na hinanap niya iyon sa contacts. Napakunot ang noo niya ng makita niya ang name nito sa phonebook niya. 'Kahit kailan talaga napaka-formal.' Paano inilagay ba naman eh Full name niyang Shantanna Mendez.

"Hey, how are you? -Ven." I texted her just like how she instructed me. '7:00 na, siguro naman nagpapahinga na iyon.' Veronica thought. Pagkatapos niyang itext si Shantanna ay nag-decide itong manood nalang.

Since Tuesday classes niya naman ang mamimeet niya. Parehas lng naman ang gagawin nila kagaya lang ng sa Monday classes niya kaya wala na siyang proproblemahin.

Ngunit natapos na ang ilang oras ay hindi pa rin nagrereply si Shantanna sa kaniya. Inaantok na siya kaya't umakyat na ito sa sariling kwarto at naglinis muna ng katawan. At bago siya tuluyang matulog ay chineck niya muna uli ang cellphone kung nag-reply na ito subalit wala pa rin siyang natanggap. Naiinis siya, pero naalala niya na naman na niyakap siya nito kanina ay kinikilig na naman siya. Niyakap nito ang unan niya ng mahigpit at pinipigilan ang sumigaw ng impit.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
271K 14.9K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.