Dayo

By helliza

1M 44.2K 9.1K

Dayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masak... More

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
kabanta 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas

Kabanata 18

19.7K 994 179
By helliza

18.

     Ang lalaki nakita ko pinatay ni Drigo ay isa bayarang mamatay tao.

     Paano ko nalaman?

     Narinig ko ang pag-uusap ni Benito at Pedro , nalaman ko din na malaki ang galit ni Drigo sa mga assassin. Kung bakit, hindi ko na alam dahil tumigil sa pag-uusap ang dalawa ng makita ako.

      Hindi ko na din naman sinubukan na itanong dahil hindi na katulad ng dati ang pakikitungo nila sa akin. Kaya naman isang tipid na ngiti lang binigay ko sa kanila bago ko ipinagpatuloy ang pagwawalis ko.

     Dalawang-linggo na ang lumipas simula ng ikulong nila ako, at isang-linggo at apat na araw ng huli kami magkalapit ni Drigo. Kung dati ako lang ang umiiwas, ngayon pati sya umiiwas na din. Hindi na nya ako tinatapunan ng tingin. Para na lang ako isa ordinaryo mamayanan ng Liwayway  na hindi na dapat bigyan ng oras o kahit na sulyap man lang ng isang mataas na pinuno tulad nya.

     It hurts, and everyday I am in pain.

     Piyesta ng araw na iyon.

     Abala ang lahat. Hindi lang grupo ko kundi ang grupo din ni Drigo.
Ako umaga palang tumutulong na ako sa mga gawain. Hanggang sa magtanghalian at dumating ang mga bisita sa compound ng Sandugo.

     Isa ako sa mga nag-aayos ng pagkain sa mesa habang sina Drigo at ang grupo nya ay nakaupo sa isang napakahaba mesa- I'm not sure kung bago gawa iyon o nakatago lang at inilalabas sa mga ganito okasyon dahil ngayon ko lang nakita. Kumakain na sila kasama ang mga bisita.

     Noong una hindi ako nagse-served pero ng mapansin ko na hindi na magkandaugaga sa pagsisilbi sina Lerma, Bituin at Anita ay tumulong na ako.

     Sa unang pagse-served ko palang naramdaman ko na ang tingin ni Drigo sa akin. Unang beses pagkatapos ng ilang mga araw.

     “Salamat sa pag-imbinta sa amin Drigo. “ narinig ko sabi ng isa sa mga lalaki bisita na Crisanto ang pangalan. Ilang oras ang nakalipas.

     “Walang anoman kaibigan. Laging bukas ang lugar ko para sayo.”

      Tumayo ang binata at nakipagkamay.

     “Kung ganon ay kakapalan ko na ang mukha ko. Maaari ko ba hiramin ang iyong Tagasilbi na gumawa ng matamis na tsokolate tinapay na inihain kanina?”

     Mula sa  pag-aalis ng mga plato pinagkainan sa mesa ay napahinto ako. Ang tinutukoy nya ay ang binake ko cake gamit ang pugon kanina. Matamis na tsokolate tinapay ang tawag nila doon.

     Kumunot ang noo ni Drigo. “Hihiramin?”

     “May sakit si Ina mahina sya kumain ngayon. Alam mo mahilig sya sa matatamis na tinapay baka sakali ganahan sya kung makakatikim sya noon. Alam ko pwede ako manghingi pero sasamantalahin ko narin na pabantayan sya dahil mawawala ako ng dalawang araw at kailangan ng makakasama ni Inay.”

     Ngumiti si Drigo. “Walang problema kaibigan.” Bumaling si Drigo kay Bituin. “Sino ang gumawa ng mga tinapay Bituin.”

     Si Bituin na nagpupunas ng mesa ay tumingin sa akin. “Si Rayette po pinuno.” Tumingin sa akin ang babae.

     Natigilan si Drigo at tinignan ako. Nagsalubong ang kilay nya at nagtatanong ang mga mata. “Oo Pinuno.” Sagot ko naman.

     May dumaan na kung ano sa mga mata nya. Hindi ko nabasa dahil kaagad din nawala. “Maari ka ba sumama kina Crisanto para ipagluto at alagaan ang inay nya?”

        Binitawan ko ang kutsara hawak. “Kung ano ang iutos nyo pinuno.” Simple sagot ko.

      Muling nadepina ang panga nya. “Nang dalawang araw.” May diin na dugtong nya. “Kung iyon ang iyong gusto.” Tinanggal ko ang apron na suot ko.

     Ilang sandali na di sya umimik bago tumango. Muli nya hinarap si Crisato ngunit hindi katulad kanina wala na ngiti sa mga labi nya.

     “Maari mo sya isama.” Inaasahan ko na pero hindi ko pa din maiwasan na kumirot ang dibdib. “Basta ipangako mo maibabalik mo sya ng buo at wala kahit na galos.”

     Ngumiti si Crisanto. “Oo kaibigan makakaasa ka. Kahanga-hanga ka talaga pinuno. Malaki ang malasakit mo kahit sa iyong mga tagasilbi.” Walang sinagot doon si Drigo. Ibinalik nya ang tingin sa akin.

     “Pwede ba ako umalis sandLi para magdala ng ilang damit pinuno?” tanong ko.

     Tumango sya kaya yumukod na ako at nagpaalam.

     Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakaupo sa kariton. Natatakot ako  dahil ito ang unang pagkakataon na mapapahiwalay ako kina Drigo at pupunta sa iba bayan.

     “Maraming salamat talaga Drigo.” Sabi ni Crisanto na nakaupo na sa kabayo hihila sa kariton. Tumango lang si Drigo na mula pa kanina na lumabas ako galing sa kwarto ko ay hindi na inalis ang tingin sa akin.

     Pilit ko naman na tinatago ang nararamdaman ko. Iyong pakiramdam na parang anak na ngayon lang mapapahiwLay sa mga magulang. Gusto ko umiiyak pero pinipigilan ko.

     Huwag ka parang bata Rayette. Utos nya ito at kailangan mo sundin.

     Wala ang grupo ko dahil nasa kabila panig ng village at tumutulong . Kung andito sila siguro kahit si Gaston isinama ko.

     Magtigil ka Rayette! Pagkakataon mo na ito. Malay mo mawala ang kung anoman na nararamdaman mo sa pinuno.

     Lumapit sa kariton si Drigo. “Huwag ka lalabas doon kung hindi mo kailangan lumabas. Ayusin mo sana ang kilos mo at h'wag ka gagawa ng gulo Mary Rayette lalo na ng ikakapahamak mo.” Sabi nya.

     Tango na lang ang nagawa ko dahil sigurado bubunghalit ako ng iyak kapag bumuka ang bibig ko.
“Aalis na kami.” Paalam ni Crisanto.

     “Mag-iingat ka…yo.” Sabi ni Drigo nasa akin parin ang mga mata.

     Sa unang haplit ni Crisanto sa kabayo. Tumaas ang kamay ko at umakto aabutin si Drigo  gusto ko kumapit sa kanya para huwag na umalis gusto ko pigilan nya ako. Rayette! Saway ni sensible side sakin kaya naman ang kamay ko sa gilid ng kariton lumanding.

     “Paalam Pinuno.” I said with wide and terrified eyes.

     Umandar ng mabagal ang kariton. Humigpit ang kapit ko.

     Bago tuluyan bumilis ang takbo namin naramdaman ko ang kamay ni Drigo sa kamay ko nakakapit sa kariton at ang mahigpit nya pagpisil. Saglit lang dahil bumilis ang takbo ng kariton at ilang paghakbang lang ng kabayo ay nakalayo na kami. Nakalingon ako kay Drigo hanggang sa lumiko kami at hindi ko na sya natanaw pa.

      Sa bayan ng Mahamog nakatira si Crisanto at ang nanay nya na si Aling Imelda.

     Mabait si Aling Imelda, na payat na payat at panay ang ubo.

     “Bakit hindi po kayo magpagamot? Hindi po maganda na hayaan nyo lang ang ubo nyo.” Sabi ko habang inaalalayan sya umupo sa hapag-kainan. Katatapos ko lang magbake. Si Crisanto ay nasa labas.

     “Mahal ang bayad sa manggagamot Neng.” Sagot nya sa akin. Napansin ko ang pagliwanagng mukha nya makita ang cake. "Kumain na po kayo.” Sabi ko.

     Magana kumain si Aling Imelda. Panay din ang kwento nya tungkol sa kung ano-ano. Ngunit ang talaga nakatawag sa pansin ko ay ang pagbanggit nya sa pangalan ni Drigo. Mula sa pagpupunas ng mga plato napatigil ako at napatingin sa kanya.

     “Kilala nyo po si Pinuno Drigo?”

     “Oo naman. Binatilyo pa lang ng maging magkaibigan sila ng anak ko. Mabait na bata iyan si Drigo  matulungin, matapang at mapagbigay.”

     “Kilalang-kilala nyo po pala sya.”

     “Abay oo,” ngumiti ang babae na inatake ng sunod-sunod na ubo.

     Mabilis ako kumuha ng tubig at inabot sa kanya.

     “Salamat ineng.” Hinimas ko ang likod nya. Ibinaba nya ang baso nangalahati ang laman at pinagpatuloy ang pagkwe-kwento. “Binatilyo pa lang si Drigo tumutulong na sya sa mga mahihirap. Sa mga naaapi. Kaya hindi kataka-taka na sya ang namumuno ngayon sa Sandugo. Magaling sya mamuno. Hindi ka kataka-taka dahil na nanalaytay sa dugo nya ang pagiging isang likas na pinuno.  Dumadaloy sa dugo nya ang dugo ng Una pamilya.” Napahinto  ako sa paghimas sa likod nya. Una pamilya?

     “Ano po ibig nyo sabihin?”

     Sya naman ang natigilan. Umilap ang mga mata ni Aling Imelda. Tumikhim pa sya.

     “Ah, ayos na ang akin pakiramdam Neng. Maupo ka na dito.”

     Sumunod naman ako. Hindi  nakaligtas sa akin ang pag-iwas nya.

     Ilang segundo tahimik dahil sumubo ng cake si Aling Imelda. Pero alam ko hindi nya na dudugtungan ang pagkukuwento nya kaya lakas loob na ako nagtanong.

     “Ah, nakita ko po may pinaslang si pinuno Drigo. At nalaman ko po na bayarang mamatay tao ang lalaki iyon. Bakit hindi nya sinuko sa awtoridad ang tao iyon?”

     Bumuka ang bibig ni Aling Imelda pero wala lumabas na tinig doon. Muli sya tumikhim.

     “Huwag ka sana matakot sa iyong pinuno Neng.”

     Hindi naman ako natatakot. Nalilito lang.

     “Galit lang talaga si Drigo sa mga bayarang mamatay tao dahil ang mga tulad nila ang pumatay sa kanya Inay.”

     Natigilan ako, hindi kaagad na umimik. “Pero hindi nya dapat ilagay ang batas sa kamay nya.” Mahina sabi ko.

     Umiling naman si Aling Imelda. “Ano magagawa ng bugtot na batas natin Neng. At higit sa kung kaninoman si Drigo ang may karapatan na ilagay ang pagpaparusa o batas na sinasabi mo sa kanya kamay.”

     Kumunot ang noo ko. “Bakit po?”

     “Dahil sya ang prin-,”

     “Inay.” Hindi naituloy ni Aling Imelda ang sasabihin dahil pumasok si Crisanto.  “Anak.”

     “Rayette. Maari ba kunin mo ang mga sinampay ni Inay sa labas padilim na kasi.”

     Tumayo ako at akto yuyukod ng pigilan nya ako.

     “Hindi na Binibini. Huwag ka na yumukod. Ako pa nga ang dapat yumukod sayo?”

     “Huh?” nagtaka naman ako. Hindi ko nagets eh.

     “Huwag sana magalit si Drigo dahil inutusan kita.”

     “Bakit magagalit si Pinuno Drigo.”

     Ngumiti sya. “Paniwalaan mo kahit ako magtataka din at magtatanong, kung hindi lang ipinaliwanag sa akin ni Pedro ang lahat.”

     Si Pedro? Andito si Pedro? Ito ba ang kausap nya sa labas? Ano ginagawa ni Pedro dito?

     “Kung nalaman ko ng mas maaga  hindi ako mangangahas na kunin ka sa kanya.”

     Sino sa kanya? Kay Pedro.

     “Ayoko maputol ang kahit na ano parte ng katawan ko.” Dugtong nya pa na lalo ko kinalito.

     Napansin nya siguro na  nalilito ako. “Paumanhin Binibini mukha naguluhan ka sa pinagsasabi ko. Maari mo na ba kunin ang sinampay. Kung maari lang.”

     Wal sa loob ako tumango. “Salamat Binibini.”

Nagtataka at naguguluhan na lumabas ako ng kubo patungo  bakuran. Wala ako Pedro na nakita kaya mas lalo ako nagtaka sa mga binitawan na salita ni Crisanto. And as usual wala na naman sagot kaya hinayaan ko na at  nagtanggal na lang ng sinampay.

     Pagabi na ng magpaalam si Crisanto na aalis.

     Marami ito bilin sa Ina at pati narin sa kanya.

     “Huwag kayo magbubukas ng pinto kahit sino ang kumatok Binibini. Lalo na at umalis si Pedro  wala ka kawal na magtatanggol sayo?”

     “Kawal, ano kawal? Si Pedro?”

     Hindi niya ako pinansin at binalingan ang ina. “Kayo na ang bahala sa binibini Inay.” Huli sabi niya bago umalis.

    Bahala sa binibini? Hindi kaya ang ibig nya sabihin ay ako na ang bahala sa  Inay nya? Nqpakamot na lang ako sa ilong ko.

     Sinarado ko mabuti ang pinto bago binalingan si Aling Imelda. “Magpahinga na po kayo Aling Imelda.”

     “Magpahinga ka na Binibini.” Sabay namin sabi. Parehas kami natigilan at sabay na bumungisngis.

     “Kayo ang dapat na magpahinga Aling Imelda. Para po lumakas kayo.”

     Isang mabini ngiti ang sumilay sa labi niya. “Nakikita ko mabait ka. Matibay ang dibdib at may nababasa din ako tapang sayo. Bagay na bagay ka sa kanya.”

     “Ho?”

     “Mahirap ang buhay na meron sya ngayon, marami pa sya dapat gawin at ipaglalaban, malakas ang pakiramdamam ko na kakayanin mo din ang lahat. Parehas kayo ng awra Binibini. Napansin ko na iyon unang kita ko pa lang sayo, ramdam ko din ang pagiging espasyal mo at alam ko na kung bakit. Bagay na bagay ka sa prinsepe Binibini.” Bago pa ako makapagtanong tumayo na sya at pumasok sa silid nya.

     Prinsepe? Sino prinsepe?

     Wala ako maintindihan kahit isa sa mga sinabi nya.

     Bumuntung-hininga ako. Napansin ko hindi na 'Neng' ang tawag sa akin ni Aling Imelda. Nagsimula lang iyon ng bumalik ako mula sa pagkuha ng sinampay. Nagtaka nga ako dahil imbes na sya ang inaasikaso ko, ako ang biglang inasikaso. Kung hindi lang ako nagpumilit baka subuan nya pa ako sa pagkain kanina.

     Ano ba sinabi ni Pedro sa kanila? At anong ginagawa ni Pedro?. Pinasunod ba sya ni Drigo?

     Asa ka na naman. Basag kaagad ni sensible side.

     Umiling na lang ako at nagtungo sa kwarto ibinigay sa akin. Bago mahiga sa kama lumapit ako sa bintana at dinungaw ang bilog na bilog na buwan.

     Tulog kana kaya Drigo? O nasa labas ka at ginagawa ang mga bagay na kahit ngayon ay hindi ko alam kung ano.

     Lumamlam ang mga mata ko.

     Tama na ang pag-iisip sa kanya. Dahil sigurado hindi ka nya iniisip baka nga nagkakasiyahan pa sila doon nila Sena. Mapait ako ngumiti. Tama sigurado hindi nya ako iniisip, ang bilis nya ako pinamigay eh. Baka natuwa pa sya dahil hindi niya ako makikita ng ilang araw.
My eyes became misty.

     Bago pa ako tuluyang nagdrama, umalis na ako sa bintana at nahiga sa pagpag.

     Hindi ko napansin ang isang bulto hindi kalayuan sa may bintana na nakatanaw sa akin at nagbabantay. Hindi ko nakita ang kislap ng pagkasabik sa kulay itim nya mga mata ng makita nya ako dumungaw. At ang pagtiim-bagang nya ng makita ang paglamlam ng mga mata ko. Nanatili ang may ari ng itim ng mga mata iyon hanggang mag-umaga.

...to be continued

H/n

Sa mga hindi parin bumibitaw,

MARAMIMNG-MARAMI SALAMAT SA INYO😊😘

Helliza Sabida
8222020npo 10:53

Continue Reading

You'll Also Like

108K 297 2
Ang dalawang taong magkaiba ang katauhan, ngunit pareho ang ginagalawang mundo. Si Emory Ace Montemayor ay isang babaeng walang pakialam sa paligid n...
10.5M 481K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
841K 30.7K 59
(The Reapers Series #1) A troublemaker who wants to get the attention of her brothers. After making another trouble from her previous school, she was...