SA KAHARIAN NG LIREO
ALENA'S PROVERBS
Gumising na kaming lahat bago sumikat ang araw para ihanda ang aming mga sarili para sa labanan mamaya nandirito na rin ang aking mga kapatid kasama ang aking katipan at ang aking mga bayaw ang sunod na dumating ay sila Yna kasama ng iba pa naming kamaganak mula sa Devas nasa gitna kami ngayon ng pagpupulong para sa gagawin namin mamaya.
ALENA:Ngayon na nadagdagan na ang ating kakampi gagawin pa rin natin ang napag-usapan natin dati kami ni Rehav Memfes ay sa kanluran at makakasama namin si Khalil,Hara Pirena at Rama Azulan ay makakasama niyo si Deshna sa Timog,Hara Amihan at Rama Ybrahim ang makakasama niyo ay si Yna at Rehav Raquim sa silangan,Danaya at Mashna Aquil sa Hilaga kasama ni Ila Esmeralda at Ila Demetria.
LAHAT:Masusunod Hara!
PIRENA:Heto na nga ang araw na pinakahihintay ko pagkat matagal-tagal din tayong hindi nakasabak sa malaking labanan!😊
DANAYA:Oo apwe Pirena ngunit huwag tayo magiging kampante sapagkay malakas din ang mga kalaban!
PIRENA:Ivi duo ngunit alam na naman natin kung ano ang magiging bugna nila di ba?
AMIHAN:Oo alam na natin hindi sila magtatagumpay base sa propesiya ni Cassiopea ngunit huwag pa rin natin maliitin ang kanilang kakayahan.
PIRENA:Malalakas nga sila ngunit nakatatak na ang dapat mangyari manalig nalang tayo kay Emre at sa ating kakayahan.
SA KAHARIAN NG NIYEBE
GURNA'S PROVERBS
Nagpupulong kami kung paano namin tatalunin ang mga diwata at kung anong stratehiya ang aming gagamitin upang madali silang mapaslang
ETHER:Ito ang simula ng ating tagumpay at ang paghahari natin sa buong encantadia pagkat lamang na tayo sa kanila alam na natin ang gagawin at kung sino ang inyong haharapin sa simula ng labanan ay titiyakin natin na hindi magtatagpo ang magkakapatid para hindi nila tayo pagkakaisahan dahil hindi na pwedeng mangyari ang nakaraan na napaslang nila kayo isa-isa at nadaig nila tayo.
GURNA:Kung ganon dapat ngayon pa lang ay isa-isa na natin silang paslangin na hindi pa nagsisimula ang labanan.
AGATHA:Nakalimutan mo na ba Gurna may pananggalang sila at hindi tayo makakapasok?baka isipin nila na tayo ay mga duwag kung gagawin natin ang iyong iniisip.
GURNA:Ihanda nalang natin ang ating mga sarili para dito.
SA KAHARIAN NG LIREO
YBRAHIM'S PROVERBS
Ngayon tapos na ang aming pagpupulong ay naghihintay nalang kami ng hudyat ng mga lambana at bawat kaharian bago kami magmamartsa kung saan magaganap ang malaking labanan sa ilang sandali lang ay dumating na nga ang aming hinihintay na hudyat sa Sapiro ay itim na usok,sa Hathoria ay ang pulang paputok,sa Adamya ay paglabas ng berdeng enerhiya na gawa ni Alena mula sa tuktok ng palasyo.
Ybrahim:Heto na ang hinhintay nating hudya Hara!
ALENA:Kung ganon ay simulan na nating magmartsa!
Nagsimula na nga kaming maglakad patungo sa baybayin malapit sa kaharian ng Lireo at Sapiro kung saan laging magaganap ang labanan kami nina Amihan kasama ang mga kawal Sapiryan,Rehav Memfes kasama nina Hara Alena at ang mga kawal Adamyan,Rama Azulan kasama nina Hara Pirena at ang mga kawal Hathor,Mashna Aquil kasama nina Sang'gre Danaya at ang mga kawal Diwata.
Sa pagdating namin doon ay saktong dumating ang aming mga vedalje sa gamit ang aking teleskopyo ay nakita ko si Criselda kasama ni Berto at isang batalyong kawal na parang may pinag-usapan nagkaroon ako ng ideya na tatawagin ng Mashna ang kanyang halimaw iyon nga ang kanyang ginagawa at hindi rin nagdalawang isip si Amihan na palabasin niya si Saphira mula sa kanyang brilyante.
RAQUIM:ESTASECTU!
CRISELDA'S PROVERBS
Tanakreshna namatayan nga sila ng anak ang pumalit naman ay mga ivtre galing Devas!sambit ko sa isipan ngunit di bale na pagkat alam kong magtatagumpay kami sa laban na ito at nagtataka ako kung bakit walang kahit isa sa kanilang ang lumusob mabuti pang simulan ko na!
CRESILDA:ATAYDE!
Nagsimula ng umusob patungo sa kinaroroonan ng mga diwata ang aking mga alagad habang ako pinapanood ang labanan
MINEA'S PROVERBS
Sa di kalayuan ay nakita namin ang mga Vedalje na tumakbo papalapit sa amin kaya nagsimula na kaming lumusob papalapit din sa kanila.
YBRAHIM:AGTU!
Nagsimula na nga ang labanan na aming pinakahihintay ginamit namin ni Amihan ang aming sandata at kapangyarihan upang labanan ang panig ng kadiliman habang si Raquim at Ybrahim naman ay ginagamit nila ang kanilang natatanging galing sa pakikipaglaban at nagharap rin si Saphira at ang halimaw na gawa sa tubig pagkalipas ng ilang sandali ay kaunti nalang ang kawal na natira sa kabilang panig.
AMIHAN:Yna puntahan ko na si Criselda upang siyang tapusin!
MINEA:Mag-ingat ka anak ako ng bahala sa mga pashneang kawal niyebe na ito!
AMIHAN:Avisala eshma(At nag-ivictus kung sa kinaroroonan ni Criselda)
AMIHAN'S PROVERBS
Pagdating ko sa kinaroroonan ni Criselda ay tamang-tamang nakatayo lang siya doon upang panuorin ang labanan.
AMIHAN:Avisala Mashna!bakit tila nakatayo ka lang jan naduduwag ka?!
CRISELDA:Lapastangan!
Inatake niya ako gamit ang kanyang sandata buti nalang ay napigilan ko ito at sinipa ko siya kaya napalayo siya sa akin sa sandaling ito ay ako naman ang umatake sa kanya ngunit siyay nakaiwas.
CRISELDA:Nasaan na ang iyong galing sa pakikipaglaban Hara?!
AMIHAN:Simula pa lang ito ng laban natin warka!
Nagsimula na man kami maglaban ulit pagkatapos ay nagpakawala siya ng kapangyarihan ganon din ako ngunit dahil sa ginawa niya ay napaslang ilan sa kanyang mga kawal dahil sa sumpa ni Cassiopea.
AMIHAN:Huwag mong hintayin na maubos ang iyong mga alagad kung ako pa sa iyo ay umatras ka na!
CRISELDA:Hindi ako tatanggap ng utos mula sa kagaya mo!
Kaya nagpakawala siya ng mas malakas na pwersa sa oras na ito siya ang lamang.
CRISELDA:Wala pa lang silbi ang iyong brilyante Amihan ilang sandali lang ay mapapaslang na kita at kami na ang maghahari sa buong encantadia!
AMIHAN:Hinding-hindi mangyayari ang mga sinasabi mo! Inuutosan ko ang aking brilyante na kunan mo ang hininga ang mga vedaljeng nakaharap namin ngayon!
CRISELDA:Tanakreshna!
Pagkatapos ay nahihirapan siyang huminga at ang kanyang mga kawal ilang sandali lang ay nawalan ito ng ulirat.
RAQUIM'S PROVERBS
Sa Wakas konti nalang ang aming kakalabin pagtingin ko sa aming likuran ni Ybrahim ay may biglang sumulpot na nilalang na nakakatakot ang kanyang wangis.
RAQUIM:Pashnea anong klase kang nilalang!
BERTO:Hindi na mahalaga kung ano ako!
YBRAHIM:Siya pala ang pekeng Aldo ni Lira sa mundo ng mga tao na palaging nanakit sa anak ko at apo mo Rehav!
BERTO:Ikaw pala ang tatay ni Mila tamang-tama ikaw na ang susunod sa anak mo!
RAQUIM:Huwag kang pakampante nilalang baka ikaw ang mapaslang!
BERTO:Hetong bagay sa inyo!
Nilusob niya kami buti nalang ay naka-iwas kami agad tamang-tama siyay nakatalikod kaya hiniwaan ko siya sa likod at sinugatan ni Ybrahim ang kanyang braso.
BERTO:Buwisit!
YBRAHIM:Kagaya ng sinabi ni Rehav Raquim na huwag kang pakampante!
Aatikihin niya sana kami ngunit may napansin ako na parang nahihirapan siyang huminga at ang kanyang mga kasamang kawal.
BERTO:Anong nangyayari sa akin?!
RAQUIM:Kinuhanan ka na ng hininga ng brilyante ng hangin!
BERTO:Walang hiya kayo!
Ilang sandali lang ay nawalan siya ng ulirat at ang kanyang mga kawal ay napaslang at naglaho at sa di kalayuan ay nadaig ng dragon ni Amihan ang halimaw ni Criselda pagkat ginawa niya itong yelo at nabasag.