Sumakay na ako sa coupe ni Jessica. Ilang segundo lang ay bumukas na din ang pintuan ng driver's seat at pumasok siya. Inalis niya ang kanyang shades at ngumiti sa akin.
"All set?"
Tumango ako at inabot ang seatbelt para isuot. Habang umaalis kami sa pagkakapark ay nilingon ko si Juniel na nasa labas. Nakatayo siya sa gilid ng kanyang sasakyan at pinapanood ang sasakyan na ito habang umaalis sa parking. He doesn't see me because this car is heavily tinted but still he waved his hand nang tuluyan na kaming umalis. Sa likuran naman namin ay ang sasakyan ni Rey at sa likuran nila ay ang iba pang mga sasakyan ng mga kasama namin. Juniel is the last one to go dahil siya itong tsaka pa lang sumakay ng sasakyan niya nang mawala itong sinasakyan ko sa paningin niya.
The whole car ride I was trying my best not to sleep kaya walang tigil ang kwentuhan namin ni Jessica. It's a good thing that there's a lot for us to catch up on.
"How is Juniel adopted?" tanong ko nang mapunta ang usapan namin sa mga kapatid niya.
"Actually, Juniel's mom was a close friend of our mom." aniya habang hindi pinuputol ang tingin sa kalsada.
"Oh, kung ganoon Juniel already met his biological mom?"
Ngumiwi si Jessica at matamang umiling.
"Never."
"Sabi ni mom, she's a college friend. Nabuntis din just like her noong nag-aaral pa lang sila. Her friend is not well off at siguro dahil nga bata pa ay napanghinaan na din ng loob. Hiniwalayan din kasi siya nung totoong tatay ni Juniel. "
Hindi ko maialis ang tingin kay Jessica habang nagkukwento. Is this why he's a player?
"Ayun, hindi rin matanggap nung parents ni Tita Cynthia dahil hindi rin kayang buhayin si Juniel kaya pinaampon niya kay mommy. Our mom is more than willing even when she just gave birth to me 2 years ago. She really likes being a mom."
Kumunot ang noo ko sakanyang sinabi
"Yes, mom and dad are teenage parents when they had me. Tumigil mom ko noon ng pag-aaral because of the pregnancy pero tinuloy din niya and that's where she met Juniel's mom."
Hindi ako makapagsalita. Parang istorya sa pelikula ang naririnig ko. Alam kaya ito ni Juniel? Siguro naman. I can't imagine how he feels.
"Lucky for mom and dad because they both came from a family with money but that's not the case with Tita Cynthia."
"Nasaan na siya ngayon?"
Jessica shrugged.
"Mom said balak niya sanang alalayan si Tita Cynthia and just take care of Juniel for the meantime pero bigla na lang daw itong nawala. Hindi na pumasok at hindi na nagpakita. Of course, Mom and Dad tried to find them pero hindi rin alam ng parents ni Tita Cynthia kung saan siya nagpunta. Even Tita Cynthia's ex, Juniel's father bigla na lang nawala. Sabi nagtanan daw, whatsoever." she shrugged.
"So they decided that Juniel will be a Jimenez. Our parents never tried to search for them again. It's now up to Juniel if he wants to meet them someday."
"Of course he wants to, right?"
I know I don't have an opinion to this but I want that for him. I know he feels empty, I know he feel something is missing. I know dahil yan din ang naramdaman ko nang mawala ang mama ko at nang iwan kami ng papa ko. At least I get the peace of knowing why I will neve see my mother again. In my dad's case, he just left me. May bago na siyang pamilya ngayon. Matagal ko ng tinanggap na iniwan niya ako. He doesn't want me in his life and he's never present while I'm growing up kaya itinatak ko sa sarili kong hindi ko din siya kailangan.
I want Juniel to have that peace. To know what happened. Answers to why he never grow up with his own parents. It doesn't mean that he will be healed from the traumas and the pain will magically go away because that will never happen but at least, lessen it. Even just a bit and for him to understand, to accept and eventually let it go. I want that for him.
"Never niyang sinabi sa amin na gusto niya. It's a sensitive topic to our family so it is rarely talked about. Our mom and dad loves Juniel so much like their own. We're a family. We grew up together in the same house. He's my brother and I never. never. not even once in my life think that he's not. Kung kaya ko lang silang protektahan ni Jhay-arr sa lahat ng bagay na makakasakit sakanila, I will do it but that's just impossible." her voice shakes to the last sentences.
"Kaya kung sakanya mismo manggagaling na gusto niya silang makilala or if he doesn't want to, I will support him. I will stand by him. They are his parents but we are his family."
Pinunasan ko ang mga mata kong puno ng luha. Ganoon din si Jessica.
From the outside, their family looks perfect but on the inside, it isn't and then you will realize that no family is. When I saw Juniel for the first time again in so many years, I thought he's just an arrogant asshole, a heartless man who only thinks himself and know nothing other than play with girls' feelings but he's really just a broken kid.
Hindi ko vina-validate ang mga mali niyang ginawa dahil lang sa may pinagdadaanan siya. It's just sad how he chose to fill that emptiness in him.
Wala akong ibang maisip kung hindi, sana nasa tabi niya na lang ako noong mga panahong nalulungkot siya at wala siyang makausap tungkol sa ganyang bagay.
Agad na sinalubong ng yakap nila Auntie at Uncle si Jessica.
"Ay naku! Buti naman at dumalaw ka." ang sabi ni Auntie at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Jessica.
Napalingon si Auntie at Uncle. Napatigil sila na parang may nagawa silang hindi dapat.
Ngumit ako.
"Nakakaalala na po ako.."
Niyakap nila akong dalawa. Niyakap ko silang pabalik at ngumiti.
"Nung una namin silang makita hindi namin alam ang gagawin dahil hindi mo natatandaan na mga kababata mo sila." si Uncle
"I remember everything now, Uncle."
"Oh sabihin mo lang kung may nararamdaman kang kakaiba at magpapatingin tayo sa doktor ha."
"Auntie, ayos po ako. Halika na at kumain na tayo."
Hinila ko si Jessica papuntang hapag at sabay sabay kaming kumain. Walang katapusan na kwentuhan ang naganap. Yung ibang kwento narinig ko na din kay Jessica pero hindi ko maiwasang matawa ulit nang marinig ulit 'yon dahil sa mga reaksyon nila Auntie at Uncle. Ang saya ko pero pakiramdam ko ay may kulang.
Kinuha ko ang cellphone ko habang abala pa rin sa pag-uusap sila Uncle, Auntie at Jessica.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga mensahe niyang hindi ko nirereplyan. Ang pinakahuli ay kanina dalawang oras na ang nakakalipas.
Juniel:
Nandito na ako sa condo. Anong oras ka uuwi?
Nagtype ako ng reply.
Baka dito na muna ako matulog. I'll see you tomorrow?
Kinagat ko ang aking lalabi habang naghihintay ng kanyang reply. Isang minuto ang lumipas bago tumunog ulit ang cellphone ko.
Are you sure you don't want to see me now? Pwede naman din akong pumunta diyan. Jessica's there, right?
Hindi ko maiwasan ang pagngisi.
Bukas na. Magpahinga ka na lang din muna. Tomorrow. Let's talk.
Mabilis siyang nagreply.
Copy, Madam.
Hindi na ako sumagot. Ilang sandali pa ay cellphone naman ni Jessica ang tumunog. She excused herself para lumabas at sagutin ang tawag. Sinundan ko siya ng tingin. She looked so serious kaya naman hindi na ako nagulat nang pagbalik niya ay nagpaalam na din siyang aalis.
"Babalik na lang po ako sa isang araw, Auntie, Uncle.." pagkatapos ay nagmano
"Sige mag-iingat ka. Isama mo ang mga kapatid mo sa susunod." bilin ni Auntie
Lumingon sa akin si Jessica bago sumagot.
"Opo.."
"Sabihan niyo lang si Andrea para maipagluto ko kayo." ang sabi naman ni Uncle
"Nako maraming salamat po. Sa susunod po."
Sinamahan ko na siya pagbalik sakanyang sasakyan.
We hugged.
"Thank you for today, Jess."
"Salamat din, Andrea. I'm sorry, I really have to go now."
Sumulyap pa muli siya sakanyang cellphone bago ini-start ang makina.
Tumango ako at kumaway, "Ingat ka."
Pagkaalis niya ay naghanda na ako para mahiga sa aking kama.
I immediately texted Juniel.
Gising ka pa?
Kumunot ang noo ko nang lumipas ang limang minuto at wala pa din siyang reply. Siguro ay tulog na.
Goodnight.
Pahabol kong mensahe bago pumikit.