The Things I Hate About You

ceresvenus द्वारा

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... अधिक

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 21

3.5K 105 22
ceresvenus द्वारा

TOSCA

Naknampucha! Nanaginip lang ata ako, pwedeng pakisampal ako? Habang hila hila niya yung kamay ko talagang palutang lutang isip ko. Hindi ako makapaniwala pero nang maramdaman ko 'yong namamanhid kong labi dahil sa halik na 'yon, eh nakumpirma kong totoo nga lahat.

"Uy! Ano 'yan, ano 'yan? May pag holding hands?!" Malayo palang kami, panay sigaw na si Clint nang makita kami.

Napa 'tsk' ako at pinilit na kalasin ang kamay ko sa hawak niya pero lalo niya lang hinihigpitan 'yon.

"'Bakit ka nanaman kumakalas diyan? Dapat makita ng mga ulupong dito na 'di ka na pwede." Inis na sabi ni Scor habang tuloy tuloy pa din ang lakad.

"Pre, eto. Sure ako, naka-'scor' na 'yan." Inakbayan ni Eli si Clint at nag halakhakan sila sa pinagsasabi nila kay Scor. Hindi sila pinansin ni Scor sa halip ay humarap siya sa akin.

"Magsi-swimming ka pa ba?" Tumaas ang isang kilay niya pero nakasimangot.

Tango lang ang naisagot ko. Kung ako, hindi halos makapag-isip ng maayos dito, si Scor mukhang pa petiks petiks lang at kumuha pa nga ng isang lata ng beer at pinaglaruan sa kamay niya. Lumapit diya ulit sakin bago dinantay ang kamay sa likod ko.

"Tara." Aniya.

Naglakad ako patungong dalampasigan habang sinasabayan niya ako't bakatanday pa rin ang kamay niya sa likod ko.

"Oh, mag-swimming ka na." Bumitaw siya sa akin at binuksan ang hawak niyang beer.

"Diyan ka lang?" Tanong ko. Bahagya siyang tumango.

"Samahan mo ko." Pag papa cute ko. Tinatry ko lang naman kung effective iyong kapokpokan ko eh. Hihi.

Kumunot naman ang noo niya pagkatapos ay tumanaw lang sa beach. Ay? Dedma ang beauty ko?

"Tara na. Mag-uusap pa tayo diba?" Pag pipilit ko pa.

"Fine! But only because I don't like those guys gawking at you." Hinapit niya ako palapit at binulungan sa tenga.

Tumayo tuloy mga balahibo ko sa leeg! Ano ba 'to, ang possessive naman pala ng kuya niyo. Hindi pa man ako ganoon ka convince pero titingnan ko. Baka mamaya ineechos lang ako nito. Hinatak ko siya sa medyo malalim na parte ng dagat, hanggang ibaba ng dibdib ko ang tubig pero hanggang tiyan niya lang ata dahil ang tangkad niya nga.

"Kailan mo na realize na gusto mo ako?" Tanong ko.

Seryoso lang naman siya habang naka kapit pa din sa baywang ko. Medyo pumpisil pisil pa siya doon.

"I don't know. I woke up one day and somehow, my day isn't complete if I don't hear your stupid annoying voice." Aniya.

Nag-iwas ako ng tingin habang nagpipigil na ngumiti. Kunyari ay nakasimangot ako pero deep inside ay nagtatalon na ang inner self ko!

"So, ano tayo?" Nahihiyang tanong ko. Pero gusto ko kasi madinig na sabihin niya eh.

"Edi tayo na. Only if you want too. Ayaw mo ba?" Mataman niyang sagot.

"Siyempre gusto!" Agad ko namang sabi.

"Good. Mag-swimming ka. Babantayan kita." Aniya.

"Eh ayoko! Halika, punta tayo don sa medyo malalim." Pilit ko sa kanya. Hinila ko pa iyong braso niya.

"Tosca. May binabalak ka." Nakasimangot niyang sabi. Ang gara naman! Ba't alam niya agad?

Tumawa lang ako at hinila siya doon sa malalim. Si gago naman ay nagpatianod sa akin, gumugusto din. Huminto ako nang hindi ko na makapa ang ilalim, si Scor ay nanatiling nakatayo dahil mas matangkad siya sa akin. Mabilis ko siyang niyapos at ikinawit ang dalawa kong binti payakap sa kanya.

"I knew it." Mahinang sabi niya.

"Why? Ayaw mo ba akong malapit sa'yo? Alam mo napapansin ko titig ka ng titig sa akin kanina. May pagnanasa ka siguro ano?" Biro ko sa kanya.

Sobrang magkalapit naming dalawa. I don't know but it just felt so intimate. Me, him and the sunset. Sobrang peaceful lang at ang sarap sa pakiramdam. I never craved for something like this before, pero ngayon parang wala akong ibang gustong gawin kundi dumikit ng dumikit sa kanya.

"I think we both know the answer to that by now." Naramdaman ko ang palad niyang dumapo sa likod ko upang suportahan ako.

"Hilig mo sumimangot. Magkaka wrinkles ka niyan." Sabi ko.

Tinrace ko ng hintututuro ko iyong mga kunot sa noo niya. Medyo lumayo naman siya para titigan ang buong mukha ko.

"You're so beautiful." Mahina ngunit nanunoot sa pagkatao kong sabi niya.

"Weh? Ikaw ah wala pang twenty four hours nambobola ka na kaagad." Sabi ko.

"Totoo naman ang sinasabi ko. Kung ayaw mo maniwala edi wag." Inirapan niya ako sabay binitiwan. Nalaglag tuloy ako at nakainom ng kaunting tubig.

Tipong ang ganda ganda na ng eksena, bigla pa kong nasupalpal ng tubig dagat. Mabilis niya rin naman akong hinablot ay binalik sa posisyon ko kanina. Uubo ubo ako habang tinitingnan siya ng masama. Hindi naman siya tumatawa, medyo tumaas lang iyong gilid ng labi niya.

"Gago! Nakainom ako ng tubig." Inis na sabi ko pero slight lang naman.

"Sorry." Nakangisi niyang sabi bago ako dinampian ng halik sa labi.

Kinabig ko naman ang batok niya para hindi siya mahiwalay sa akin. Sinipsip ko kaagad iyong ibabang labi niya at plano ko pa nga sanang ipasok dila ko sa bibig niya kung hindi lang nag-sigawan iyong mga kaibigan niya sa dalampasigan. Pwersahan niyag nilayo ang mukha niya sa akin.

"People are watching!" Gulat ngunit namamanghang aniya.

"So let them watch! We're just kissing." Natatawang sabi ko naman.

Lumapit ulit ako para halikan siya. This time, it was a passionate kiss. Mabagal at mainit. I was trying to pour my feelings out through the kiss. Pero ako na mismo ang lumayo dahil may tumusok na kung ano sa puwet ko. Nag-tititili ako room at hinigpitan ang kapit ko kay Scor.

"What-What?!" Nanlalaki ang mga matang sabi niya.

"Oh my gosh! May isda ata! Shocks! Baka kagatin ako!" Takot na sabi ko habang pilit paring iniiwasan iyong tumutusok sa pwet ko. Natatakot ako dahil baka kagatin ako niyon.

"Tosca...Tosca! Stop! That's not a fucking fish!" Bulalas ni Scor habang pilit akong kinakalma.

May trauma talaga ako sa mga nangangagat na kung ano sa dagat. Dati kasi noong teenager ako, nadilikitan ako ng jelly fish! Akala ko katapusan ko na! Kailangan pa kong ihian ng kasama kong lalake noon. Kaya ngayon, nako! Kapag itim ang buhangin hanggang doon lang talaga ako sa mababaw.

"My God! Bumalik na tayo! Bilis, ibaba mo na ako doon sa mababaw!" Halos nag hi hysterical ko nang sinabi.

"No. Hindi tayo babalik doon. I told you, it's not a fish! Now stop straddling me." Huminga ng malalim si Scor at pumikit na parang nagko-concentrate.

"Then what the hell is that?!" Halos pasigaw ko nang sinabi. Ayaw niya kasing maglakad pabalik, tapos ayaw niya pa akong bitawan.

"That was my dick, Tosca. That's me. I'm poking you. So stop moving around if you don't want to get poked any longer." He said through gritted teeth.

Natigilan naman ako. Mukha akong tanga don na nakalambitin sa kanya habang paulit ulit naman ang pag-mumura ko sa isip ko. Tangina, iyong 'ano' niya pala iyon? Pota bakit matigas siya? Chaka pano nakaabot sa pwet ko iyon? Hindi ko tuloy alam kung kakabahan ako o matutuwa.

"Are you okay?" Tanong ko.

Hindi kasi maipinta ang mukha niya. Mukhanag natatae na ewan. Pero mahigpit naman ang hawak niya sa akin.

"Yes. Stop moving." Sabi niya habang mabibigat ang paghinga.

Sinunod ko nalang siya hanggang sa maging normal na ang pag-hinga niya. Isang beses pa siyang huminga ng malalim bago ako dinampian ng halik sa labi.

"Halika na. Madilim na." Yaya niya bago ako tinangay patungong pampang. Saka niya lang ako ibinaba noong nasa dalampasigan na kami.

Maglalakad na nga sana ako pero nahagip niya naman iyong kamay ko. Hinawakan niya ko dahilan para mapatingin ako sa kanya pero tuloy tuloy lang naman ang lakad niya.

This is really happening isn't it? I couldn't believe that we're holding hands now, samantalang dati ay parang allergic siya sa presence ko.

"Mag-babanlaw lang ako, Scor." Paalam ko nang makalapit na kami sa veranda.

Iyong iba doon ay nakapag banlaw na, mayroong nag vi-videoke, tapos sila Scarlette nag-iihaw na ng dinner namin. Kami nalang ata ni Scor ang basang basa pa.

"Sabay na tayo." Sabi niya.

Marahas ko siyang nilingon dahil nagulat ako sa sinabi niya. Sabay kami maliligo? Hihi.

"Ha?" Parang tangang tanong ko.

"I mean- hatid kita sa villa mo tas hintayin mo ko." Sabi niya.

Ano ba iyan! Kala ko pa naman magsasabay kaming maligo, edi sana nakita ko na 'yung tumutusok sa akin kanina.

"Ikaw nalang muna mag-banlaw. Hintayin kita." Sabi ko sa kanya.

Natigilan siya pero tumango din kaagad. Hindi niya pa din tinatanggal pagkaka kapit niya sa akin. Dinala niya ako sa villa niya. Medyo natatawa nga ako kasi naalala ko kanina yung pag amin niya.

"Mag-punas ka. Hilig mo mag-suot ng ganyan, baka pulmonyahin ka." Masungit na sabi niya habang inaabot sakin 'yung naka rolyong puting tuwalya.

"Bilisan mo ah." Sabi ko pagkaabot ko noon.

Pumasok na siya sa bathroom ng villa. Noon lang ako nagkaron ng chance na suriing mabuti 'yung villa niya. Kapareho lang din naman ng sa akin, medyo nag-iba lang 'yung ayos ng mga furniture.

Nakita kong nakapatong ang cellphone niya sa side table ng kama. Nagpabalik balik ang tingin ko doon at sa pinto ng banyo. Kakapasok lang naman ni Scor, sure akong ilang minuto pa ang itatagal niya doon.

Dahan dahan akong nag-lakad patungo sa phone niya. Mabilis ko iyong hinablot, sinubukan kong i-click ang home button! Aha! Walang password. Nag-punta ako sa messages pero puro lang naman message tungkol sa business ang nakita ko doon. Wala ding mga booty call message, wow good boy ah. Alam kong ini-invade ko ang privacy niya pero curious lang naman ako sa personal life niya. Hindi kasi siya makwento.

Hindi ko alam kung bakit napadpad ako sa mga photos. Puno ng mga group shots at mga selfie nila ng mga kaibigan niya iyon. Suminghap ako nang makita kong may ilang stolen shots ako doon. Mayroon kanina noong nasa sand bar ako at nakatanaw sa malayo. Kitang kita iyong bilog ng pwet ko dito. Siguro fetish niya talaga iyon? Medyo natawa ako at nag scroll pa. Wala naman akong nakitang picture na may kasama siyang ibang babae. Isang picture lang ang nakatawag sa pansin ko. It was a picture of a woman's naked back. Maliwanag ang paligid at puro kulay puti, ang haba ng buhok niya ay kasing haba ng sa akin. She has milky skin and there's no trace of fats on her back. It honestly looked like an artistic shot but it was taken with the phone. Naisip kong baka picture galing sa isang exhibit iyon.

Binalik ko ang phone sa side table at sakto lang din naman dahil ilang segundo lang ang pagitan bago lumabas si Scor sa banyo. Nakatapis lang siya ng tuwalya at medyo basa pa ang katawan. Nasundan ko ng tingin ang butil ng tubig na tumulo sa dibdib niya, pababa sa abs niya at sa- bwisit na tuwalyang nakaharang.

Kumuha siya ng damit sa maleta at bumalik sa banyo para mag-bihis. Pinapanood ko lang siya buong oras hanggang sa matapos siya. Pag-labas niya ay naka itim na sando at board shorts na siya.

Ang uugat talaga ng mga braso niya. Napaisip tuloy ako kung ano pang maugat sa kanya?

"Let's go." Masungit na sabi nanaman niya bago naunang lumabas sa villa.

Pinauna niya akong maglakad at sumusunod lang siya sa akin hanggang makarating kami sa villa ko. Pinapasok ko siya bago ako dumiretso sa banyo.

"Kapag nainitan ka, open mo na 'yung aircon." Sabi ko bago tuluyang pumasok sa banyo at nag banlaw.

Wala pang fifteen minutes lumabas na ako. Naabutan ko siyang parang batang nag-bebehave doon sa kama ko habang nakaupo. Natawa tuloy ako. Lumingon naman siya sa akin nang nakakunot ang noo.

Nakatapis ako nang tuwalya habang patungo sa closet kung nasaan ang maleta ko. Doon na din ako nag-bihis, tumalikod nalang ako. Nakatapis naman ako eh. Saka sigurado akong hindi ako titingnan ni Scor. Pero nagkamali pala ako kasi tumikhim siya, pagtingin ko sa kanya doon ko lang narealize na kanina pa pala niya ko pinapanood. Wala naman ding nakita sa akin dahil nakatapis ako ng tuwalya habang nagsusuot ng undies at saka wala naman akong kinakahiya sa katawan ko.

Nakasimangot siya at parang konting kibot lang ay magagalit. Pagkalabas namin ay ganon pa din ang aura niya.

"Bakit ka galit?" Hindi nakatiis na tanong ko.

"Hindi ako galit." Maiksing sabi niya habang diretso ang lakad at di ako pinapansin.

Huminto ako at ilang hakbang pa bago niya nahalata na hindi na ako sumusunod sa kanya. Parang bata naman siyang bumalik sa akin.

"Ano?" Medyo naiinis na tanong ko din.

"Wala. Ayoko lang na may ibang nakakakita nong nakita ko kanina." Nakasimangot na sabi niya.

"Wala naman ah. Saka wala ka naman ding nakita. Naka tapis ako." Sabi ko.

"Kahit na. From now on, no one is allowed. Maliwanag?" Nanlilisik ang matang tanong niya.

"Maliwanag." Natatawang sabi ko naman bago hinablot ang kamay niya at hinila siya papuntang veranda para kumain.

Hinila niya ako palapit sa kanya at pinisil ang tagiliran ko. His eyes were piercing through my soul. Kinilabutan ako sa sinabi niya.

"I'm serious. I'll kill them. This is mine. All of this." Nanginig ang kalamnan ko nang hapitin niya ako hanggang sa wala nang hanging pumapagitan sa amin.

"I like it when you're possessive of me." Isinampay ko ang braso ko sa batok niya at tumingkayad upang halikan siya.

"Dinadaan mo nanaman ako sa halik." Aniya.

"Masyado ka kasing bugnutin. Let's go, baka gutom lang 'yan."

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Under the Stars (Tonjuarez Series I) astrella द्वारा

सामान्य साहित्य

75.7K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Obey Him Jamille Fumah द्वारा

सामान्य साहित्य

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
Reclaim The Game (COMPLETED) beeyotch द्वारा

सामान्य साहित्य

15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...