Her Name is Not Avery (Kyoku...

By ceiyuri

35.6K 2.8K 1.3K

Kyoku #1 Kitaro's first love is named Avery, the only daughter of the richest family of their town. Kitaro ha... More

Her Name is not Avery
gallery
aesthetics & a playlist
H N I N A - prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
17
18
19
020
H N I N A - epilogue

16

595 74 22
By ceiyuri

16 // truth

>>

ISANG LINGGO PA ang nakalipas at malapit-lapit na rin ang sem break.

Nagpatuloy ang klase, ang mga tao, kaming lima, at wala nang practices o events o performances. Paminsan-minsan ay dumaraan ako sa tulay, pero hindi ko natatagpuan si Avery na bumabato sa ilog o nakadungaw sa railing, pinapanood ang paglubog ng araw.

Wala.

Parang bigla na lang siyang nawala nang wala kahit anong bakas. Wala siyang iniwan sa 'kin na kahit ano bukod sa mga alaala niya pati ang pink niyang laso.

Naalala ko kung paano sumayaw ang mahaba niyang buhok sa hangin. Ang brown niyang mga matang lumuluha. Ang ngiti niya sa tapat ng lumulubog na araw. Ang boses niya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.

Inis na inis ako sa pagiging duwagis ko. Sa mga oras na hindi ko siya hinabol. Sa mga oras na nakatayo lang ako habang pinapanood siyang maging malungkot.

Bago pa man ako makabawi, umalis siyang bigla at naiwan na lang akong nakalambitin sa ere. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin pero gusto kong dumating sa puntong kaya kong hawakan ang mga kamay niya at sabihing, "maayos na ang lahat".

--

MARAMI NANG PINAPAPASANG projects sa amin dahil matatapos na rin ang first quarter. Sa kwarto ko, punong-puno na ng colored papers pati printed research papers para sa iilang assignments. Ang nakakatawa, kahit hindi pumapasok si Avery, kada-deadline ay may pumupuntang lalaking naka-suit sa classroom para maipadala ang project niya. Maski ang mga group projects ginagawa niyang individual.

Tuwing may dumarating na kahit sinong kaugnay kay Avery, sinusubukan kong lapitan para kamustahin sa kanila si Avery pero hindi nila ako sinasagot. Kung madali lang sanang makausap sa Messenger si Avery, edi matagal ko na siyang m-in-essage doon, pero simula noong um-absent siya, hindi na siya nag-online sa kahit anong social media accounts niya.

Ngayon, nasa tambayan kami, kasalukuyang nagpo-procrastinate. Kami lang naman ni Paul at Kyle ang nandito dahil study hard ang motto ng dalawa.

"This is life," sabi ni Kyle saka uminom ng soft drink. "Without Santi means life."

Napatingin ako sa grounds. Break time namin ngayon at dapat nag-aaral na kami, pero wala akong ibang matinong magawa kundi umupo at tumingin sa mga tao.

Distracted kasi. Sabi ng iba para hindi ma-distract, nag-aaral sila. Hindi ko maintindihan kung paano nakakatanggal ng distraction ang pagre-review. Para sa 'kin kasi, ang mismong pagre-review ang distraction.

"Ano na kayang balak ni Avery," sabi ni Paul bigla. Napatingin ako sa kanya. Tinanguan niya ako. "May balita ka na ba sa kanya?"

Natawa ako. Paano ako magkakabalita sa kanya?

"Kasama mo lang akong naghihintay ng balita galing sa kanya." Napabuntonghininga ako. "Nakakainis talaga."

Tumawa si Kyle sa 'kin. "Oh, liver lover, boy."

"Manahimik ka, Kyle," sabi ko.

Bumagsak ang noo ko sa lamesa saka napapikit. Gaya noon, pagsara ng mga mata ko, mukha agad ni Avery ang nakita ko.

"Uy, si Jiyo, o."

Mag-iisang dekada ko nang nakikita si Jiyo at magkaklase kami kaya magkasama kami nang pitong oras sa isang araw. Hindi ko na kailangan pang lingunin si Jiyo para lang makita siya.

"Uy, Jiyo!" tawag ni Paul. "Parang dalawang set ng project 'yan, ah!"

Napakunot naman ang noo ko saka ko siya nilingon.

Naka-earphones si Jiyo at diretsong naglalakad. Sa kamay niya, may hawak siyang dalawang folder, project namin 'yon sa Creative Writing na naglalaman ng mga poems, at may tinakdang color coding si Ma'am Chua doon — blue folders sa boys at pink folders sa girls.

Nagtataka ako kung bakit may pink folder si Jiyo.

"Oh, my. Maglaladlad na si Jiyo."

"Hindi niya tayo nilingon," sabi ni Paul. "Ay — may earphones."

Agad akong tumayo saka dumiretso sa room namin.

May natitira pang tatlong subjects, at sa tatlong subject na 'yon, walang dumating na nagtatrabaho sa mga Vescilia na naghatid ng pink na folder.

Naiinis ako. Siguro sa halos isang buwan na wala si Avery, nakayanan kong mainis nang ganito sa nangyayari. May masama at napakapangit akong kutob.

Nabanggit ni Ma'am Chua na may project na si Avery. Kung kay Avery ang project na hawak kanina ni Jiyo, paano niya 'yun nakuha? Nagkita ba sila ni Avery? Inabot sa kanya? Hindi ako mapalagay.

Tapos na ang klase, wala man lang binabanggit sa 'kin si Jiyo na kahit ano tungkol do'n. Alam niyang nag-aalala kaming lahat kay Avery; bakit wala siyang sinasabi?

Pakiramdam ko, may tinatago silang dalawa sa amin.

Ano'ng meron?

Kung itatanong ko, magsasabi kaya siya ng totoo?

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ni Jiyo na matagal ko nang hinihintay si Avery na bumalik; hindi lang ako, maski iyong tatlo rin.

Mas mahalaga pa ro'n, malamang, ay alam din niyang gusto ko si Avery.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang sa nakauwi na lang ako, wala siyang sinasabi sa 'kin.

Pinilit ko na lang na kumalma. May dahilan si Jiyo, alam ko. Kakausapin ko na lang siya bukas kapag mas nakapag-isip na ako.

Ini-lock ko ang bike sa gilid ng pinto namin. Nang tingnan ko ang bakery, nagbabantay doon si Kuya Paco. Napakunot ang noo ko saka dumiretso sa loob ng bahay, at natagpuan ko ro'n si Mama na nagluluto ng tanghalian. Pumunta 'ko sa kanya at nagmano.

"Oh, nariyan ka na pala."

"Ma, nandito si Kuya Paco."

Hinugasan ni Mama ang kamay niya bago nagtadtad ng bawang. "Ah, oo." Isinalin niya ang mga natadtad na bawang sa maliit na mangkok bago kumuha ng sibuyas at nagbalat. "Nag-resign daw siya sa trabaho niya."

Nanlaki ang mga mata ko. "B-Bakit daw po?"

Nagkibit-balikat si Mama. "E . . . baka nahirapan," sabi niya. "Pero nagtataka nga ako, napakalaki ng sahod niya." Napatawa si Mama nang makita ang reaksyon ko. "Naku! Huwag kang mag-alala. Hindi naman siya macho dancer."

"H-Hindi ko naman naisip 'yon, Ma." Napakamot ako ng ulo.

"O, siya. Umakyat ka na't magpalit nang makakain na tayo."

Napalunok na lang ako at umakyat. Ginawa ko ang inutos ni Mama. Habang nagpapalit sa banyo, hindi ko sinasadyang mapansin ang kahuhubad pa lang na damit ng kuya ko.

Isang suit.

Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan kong kinuha ang nakasabit sa sabitan sa banyo at binuklat ang damit para mas matingnan nang maayos. Nagulat ako sa sobrang pamilyar ng damit na 'yon.

Ito . . . ito ang suot ng butler ni Avery, si Kuya Lucas. Hindi ako nagkakamali dahil may maliit na badge ng letrang V na naka-pin pa malapit sa kwelyo ng suit.

Naging driver ba si Kuya ng mga Vescilia?

Kung gano'n . . .

"Sa tingin mo ba talaga si Avery 'yang kasama mo?"

Dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Nanginginig kong sinabit pabalik ang suit ni kuya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Ibig sabihin ba nito, may alam si kuya tungkol sa mga Vescilia? Kung gano'n, alam niya rin ang lahat tungkol sa pagkatao ni Avery . . .

Kailangan ko siyang makausap.

>>

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 203 19
๑ sa labing-anim na tulang ito, sana'y magkaroon ka ng pag-asa. isaisip mo lagi na magpatuloy sa buhay kahit na mahirap.
83.4K 2.4K 15
WATTYS 2021 WINNER - ROMANCE CATEGORY Cassidy Prim, a public figure who despises being in the spotlight, headed to a lesser-known island to get away...
5.1K 618 26
This story is about the groom, told by the lady who couldn't be his bride. Book cover by @henloimnyx
16.7K 801 65
This story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are...