Traje de Boda Trilogy 1: Char...

By Vanessa_Manunulat

543K 16.7K 421

Traje de Boda Trilogy More

Simula
Triplets
Charo
Ang Nakaraan
Celestina, Agustina, Beatrice
Ang Paghihiwalay ng Landas
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Book Info

Ang Sumpa

13.6K 493 9
By Vanessa_Manunulat

NAKANGITI si Sion habang ginugupit ang sinulid. Senyales iyon na tapos na ang pagbuburda niya sa kanyang traje de boda. Halos walong buwan niyang ibinurda ang maselang bulaklak na disenyo niyon. Kahit noon pa ay mahilig na siyang magburda at dahil sa ilang taon niyang panonood kay Señor Ovidio ay napakarami niyang natutunan na siyang ginamit niya sa pagtahi ng sarili niyang traje de boda.

"Napakaganda, anak," wika ni Inang.

"Kumusta po ang inyong pakiramdam?"

"Naku, ako'y huwag mong alalahanin." Nilapitan nito ang trajeng nakasabit sa barandilyang malapit sa kisame. "Sadyang napakahusay ng iyong kamay. Napakaganda nito, nararapat lamang isuot sa araw na iyong kasal. Napakatagal kong nanalangin na sumapit ang araw na iyon." Nag-init ang kanyang mukha. Sa edad na beinte-otso at matandang-dalaga na siya kung ituring ng marami. "Kunin mo ang aking baul, anak."

Ibig niyang tumutol; nasa baul ang lahat ng gamit nito sa pangungulam at panggagamot na ipinatabi na niya rito, ngunit hindi niya ito makuhang tanggihan. Tumalima siya. Inilabas nito mula sa baul ang isang pilak na sisidlan at mga kandila. Nagpakuha ito ng tubig sa kanya. Gamit ang mga tuyong dahon ay gumawa ito ng tsaa na ipinainom sa kanya, saka nito binasa ang dahong naiwan sa sisidlan.

"Diyos ko... Isang trahedya. Kailangan natin itong pigilan. Mabilis, ilabas mo ang lahat ng laman ng baul. Sumunod ka na lamang sa akin, nakikiusap ako sa iyo, anak."

Sa pakiwari niya ay mapapaiyak ito kung hindi siya tatalima kaya't sinunod niya ang gusto nito. Hindi pa nagtagal at mas maraming kandila na ang may sindi. May isinulat ito sa isang papel na inorasyunan nito, saka ipinasok sa isang maliit na botelya. Nagluto ito ng mga dahon at langis na sa huli ay inabot nito sa kanya.

"Kailangan mo itong ipainom kay Agustin. Lahat ng laman nito."

Tumango na lamang siya kahit hindi niya iyon maaaring gawin sa lalaki. Mukhang napanatag na ito at nagtungo na rin sa silid nito. Tahimik lang siya, iniisip kung ano ang posibleng nakita ng kanyang inang sa tsaa. Natutukso siyang itanong dito ngunit sa huli ay pilit niyang inisip na lipas na ang panahong umaasa sa ganoon ang mga tao. Makabago na ang mundo.

Pinagmasdan na lamang niya ang kanyang traje at napangiti. Ikakasal na sila ni Agustin sa susunod na buwan. Bakit magkakaroon ng masamang pangyayari? Nakatulog siyang iyon ang laman ng isip at kinabukasan nang magising siya ay dala niya ang ngiting iyon, hanggang sa mga sumunod na mga araw. Ang langis na ibinigay ni Inang ay kanya nang itinapon.

Isang gabi, tatlong linggo bago sumapit ang araw ng kanyang kasal ay nagtungo sa kanilang bahay ang kawaksi sa tahanan nina Agustin, hinahapo.

"Ano ang problema, Concha?" tanong niya rito.

"Madali, sumama kayo sa akin doon kina Celestina!"

Agad nga siyang sumama rito, panay ang tanong kung ano ang problema ngunit ayaw nitong sabihin. Siya na lamang daw ang makakakita noon. Lakad-takbo sila patungo sa hacienda nina Celestina at nang makarating doon ay nakita niya si Pino.

"Ano ang nangyayari?" tanong niya rito.

"Tara sa kamalig nang makita mo," wika ng lalaki na agad tumakbo. Agad siyang sumunod dito at nang makarating na sila sa kamalig ay nagtaka siya sapagkat wala namang kakaibang nagaganap doon.

"Ano ba talaga ang nangyayari, Pino?" May galit na ang tinig niya.

"Napakaganda mong tunay, Sion," wika nito, hinawakan ang latigo nito.

Nakadama siya ng kilabot. "A-ano ang ibig nitong sabihin, Pino?"

Ngumiti ito, iginalaw ang kamay at napasinghap na lamang siya nang makita ang latigong gumuhit sa ere. Sa isang iglap, nabiyak ang kanyang bestida. Dalawang igkas pa ng latigo ay tumambad ang kanyang kahubdan dito.

Napaiyak na siya, nakatakip ang mga braso sa dibdib. "Parang awa mo na, Pino, huwag mong gawin ito..."

"Gagawin ko ang lahat ng nais ko sa iyo, Sion, at ipinapangako kong sa langit ka pupunta." Agad siya nitong hinapit at sinibasib ng halik.

Naunawaan niya sa mga sandaling iyon na dapat niyang umisip ng paraan upang makatakas dito kaya nagpatianod siya. Kailangan niyang makakuha ng tiyempo at saka niya kukunin ang latigo nitong nabitiwan na nito sa pagkahayok sa kanya. Ngunit hindi pa man ay bumukas na ang pinto ng kamalig at iniluwa sina Celestina at Agustin.

Animo sinapian ng masamang espiritu si Agustin nang lapitan nito si Pino at suntukin. Hindi ito tumigil hanggang hindi duguan ang lalaki. Sa puntong iyon ay naibalot na niya sa katawan ang sira niyang damit. Umiiyak na nilapitan niya si Agustin ngunit agad siya nitong itinulak palayo.

"Ito pala ang igaganti mo sa akin sa kabila ng lahat?!" galit na wika nito.

"Hindi mo nauunawaan---"

"Wala na akong ibang dapat unawain kundi mas masahol ka pa sa isang bayaran!" Hinubad nito ang abrigido at initsa sa kanya. "Umalis ka na rito!"

Nakiusap siya rito ngunit tinalikuran siya nito at umuwi siyang humahagulgol. Naghintay siyang puntahan ni Agustin at nagtangka ring puntahan ito ngunit hindi na siya pinapasok sa lupain ng mga ito. Nakarating na lamang sa kanya ang balitang hindi na tuloy ang kanilang kasal.

Naging bida siya sa bulung-bulungan, diumano ay nakiapid siya kay Pino. Nasira ang kanyang dangal sa balitang iyon. Sinabi niya sa kanyang Inang ang lahat ng nangyari at isang umaga ay natagpuan niya ito sa silid nitong wala nang buhay, kipkip sa dibdib ang isang manyikang lalaking mayroong malaking karayom na nakatusok sa dibdib. Sa araw ding iyon ay nahulog sa burol si Pino, nasaksak ng matulis na bato sa dibdib. Bagay lamang iyon sa kanya, tanging naisaisip niya.

Kahit naipalibing niya ang kanyang Inang ay hindi pa rin siya makaalis sa kanilang bayan, umaasang magkakausap pa sila ni Agustin, sa kabila ng lahat, ngunit isang araw ng Lunes ay naging bisita niya si Celestina.

"Ano ang kailangan mo?" tanong niya, malamig ang tinig. Hindi siya tanga para hindi mahulaan na may kinalaman ito sa pangyayari ngunit dahil wala siyang ebidensiya ay wala siyang magawa. Wala na si Pino, at si Concha ay umalis na rin sa bayan na iyon, ayon sa mga kasamahan nito.

Isang makapal na sobre ang ipinatong nito sa mesa. "Heto ang bayad para sa traje de boda mong hindi mo na magagamit. Ikakasal na kami ni Agustin, kailangan ko ng traje." Sinalat nito ang tiyan. "Nagdadalang-tao na ako at ayaw kong lumaki ang tiyan kong hindi pa kami naikakasal. Tanggapin mo na ang pera at saka ka magsimula ng panibago, tutal naman ay sirang-sira na ang pangalan mong matagal na ring sira."

Nakatigagal lamang siya rito, labis na nasaktan at nabigla sa ibinalita nito.

Tumawa ito. "Ano at hindi ka makapaniwala sa sinabi ko, muchacha?"

"I-ikaw ang dahilan... pinlano mo ang lahat. Alam kong may gusto ka kay Agustin subalit hindi ko kailanman naisip na kaya mong gawin ang ganito sa amin! Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo?" Napaiyak siya.

"Mahina ka, Sion, iyon lang ang kasalanan mo. Nagkataong hindi pupuwede sa aking hindi makuha ang gusto ko. Iyon ang pagkakaiba nating dalawa. Kung naging magkatulad tayo, disinsana'y hindi nakawala sa kamay mo si Agustin... Hayan ang pera. Dalhin mo sa bahay ang traje. Madalian ang kasal at sa Sabado na iyon gaganapin. Kailangan ko nang maihanda ang traje." Ngiting-ngiting tumalikod ito at umalis na.

Tinungo ang pinagtaguan niya ng traje at isinabit iyon sa barandilya. Inilabas niya mula sa baul ng kanyang inang ang isang pulang kandila at sinindihan. Ipinatak niya iyon sa sahig sa tapat ng traje habang nag-oorasyon. Kinabukasan ay dinala niya ang traje de boda kay Celestina. Ngiting-ngiti ang babae sa kanya.

"Napakaganda ng traje de boda na ito. Tila hindi gawa ng isang muchacha."

"Ang perang ibinigay mo sa akin ay bayad-danyos sa pagkakalat mo ng maling balita tungkol sa amin ni Pino at pagkawasak ng dangal ko. Pero hindi mo kayang bayaran ang sakit ng pag-agaw mo sa akin kay Agustin. Kaya isinusumpa ko, lahat ng magsusuot ng traje de boda na iyan ay hindi makakatagpo ng kaligayahan kailanman... Kung gaano karami ang luhang iniyak ko ay doble ang papatak mula sa mga mata ng hangal na magsusuot ng traje de boda na gawa ng sarili kong mga kamay... At hindi matatapos ang sumpa hangga't hindi ka magmamakaawa sa aking patawarin ka."

Tumawa ito. "Ikaw ang hangal sa pag-iisip na magmamakaawa ako sa iyo."

Tumalikod siya at naglakad palayo. Sa paglabas niya ng kabahayan ay siyang pagdating ni Agustin. Nagtama ang kanilang mga mata at sa ilang sandali ay wala siyang nakapa sa puso niya kundi ang nakalulunod niyang pagmamahal dito...

Continue Reading

You'll Also Like

3M 250K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
9.2K 113 11
Sophia Fisher has always been a nice girl, she's a good sister, daughter, and friend. She's the type of girl who keeps her promises. She's been anxi...
1.5M 92.9K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.8M 113K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...