BABY, LOVE ME RIGHT

By Iamjaelopez

10.9K 370 46

Age doesn't matter. Baby, JUST LOVE ME RIGHT! More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Prologue

4.3K 95 7
By Iamjaelopez


"Pa naman e! Magdo-dorm na lang ako. Kasama ko naman sina Pier at Arjhel. Kilala niyo naman ang mga kaibigan kong 'yon 'di ba? Isa pa't napag-usapan na namin iyon." Tungayaw ko kina Papa at Mama.

Ayaw nila akong payagan na mag-dorm. Ang gusto nilang mangyari ay doon ako makitira kay Tito Gregory habang nag-aaral sa kolehiyo.

Si Tito Gregory ay isa sa mga kaibigan ni Papa. Maliban dito, katrabaho niya ito. Pareho silang engineer sa isang construction company sa General Santos City. Ang bahay nito ay walking distance lang sa kung saang unibersidad ako papasok.

Ang nakakatanda kong kapatid na si Kevin ay doon nakitira noong nag-aaral ito at gumradweyt with flying colors despite of being a trouble maker in his high school years. Napatino daw ito ni Tito Gregory. Strikto kasi ito at takot si kuya rito. Kaya gusto ni Papa at Mama na do'n din ako tumira. Alam nilang hindi ako katulad ng kapatid ko pero mas mainam nang makasigurado raw sila. Mas madali nila akong mamomonitor.

"Huwag ka ng magpumilit, napag-usapan na natin 'to." Mahinahong sagot ni Papa pero bakas na sa mukha niya ang pagkainis. Kaharap pa niya ang isang blue print at pinag-aaralan ito.

"At mamaya mo na ako kausapin. Nakikita mo naman sigurong busy ako 'di ba?"

"Hindi ko naman sisirain ang tiwala niyo, Papa e. As if gagawa ako ng ikakagalit niyo. Promise kong makakapagtapos ako with flying rainbow colors." Nagtaas pa ako ng kanang  kamay.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Papa. Napasimangot ako.

"Payagan niyo na kasi akong mag-dorm. Wala ba kayong tiwala sa 'kin?!" Giit ko pa.

Pursigido talaga akong mag-dorm dahil nakapangako na ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko rin maging independent na isang kembot lang ay 18 na ako.

Nakakaintimidate kaya si Tito Gregory. Nakadagdag pa ang buhok nitong mahaba, makapal na bigote at balbas sarado pa.

Sabi ni Kuya, napakaistrikto daw niyon at hindi pwedeng labagin lahat ng sinasabi. Pero mabait naman daw ito pagdating sa ibang bagay. Sa katunayan, tinutulungan pa siya nito sa mga assignments at projects niya. Engineering din kasi ang kinuha niya at ngayon na nakapasa na rin sa board exam, nagtratrabaho na siya sa parehong kompanya na pinagtratrabahuan nito at ni Papa.

"Sayo may tiwala ako pero sa ibang tao at sa magiging paligid mo, wala. Ano ba kasing pinag-aarte mo? Mabait ang Tito Gregory mo at maganda pa ang bahay. Libre na lahat. Kuryente, tubig at pagkain. Saan ka pa hahanap ng ganoon sa panahon ngayon? Mag isip-isip ka nga. Atsaka isipin mo kami ng Mama mo. Marami tayong gastusin sa bahay lalo pa't malaki ang nabawas sa savings namin na sa iyo rin napunta dahil pabalik-balik ka ng ospital dahil sa pagkakadengue mo."

Napasimangot ako. Nangungunsensya pa itong si Papa e. Kasalanan ko bang sakitin ako?

"Mababa lang naman 'yong bayad sa dorm Pa e. Atsaka 'yong pagkain at mga utility bills ay paghahatian naman naming magkakaibigan." Hirit ko pa.

"Makakasama mo rin 'yang mga kaibigan mo sa eskwelahan. Maging praktikal ka naman kahit minsan!"

Napapiksi ako ng bahagya sa pagtaas ng boses ni Papa. Alam kong galit na siya. Kilala kasi siyang kalmado at mahinahon sa lahat ng bagay. Mukhang naubos ko ang pasensya niya.

Biglang sumulpot sa kung saan si Mama at tinanong kung ano ang komosyon. Si Papa ang nagsiwalat. Nang marinig ang pinagsisintir ko, nakapamaywang na hinarap ako ni Mama.

"Gusto mo bang mag-aral o hindi?" Tanong ni Mama sa kontroladong boses. Kabaligtaran naman siya ni Papa. Talakera at makabasag pinggan. Ihahanda mo talaga ang kalasag kapag siya na ang ngumangawa. Kaya nagulat talaga ako ngayon dahil himalang kalmado si Mama. Pero mas nakakatakot kapag ganito siya.

"Oo naman po."

"Eh 'yon naman pala e. Mag-aaral ka at doon ka titira sa Tito Gregory mo. Kung ayaw mo kaming sundin ng Papa mo, puwes kunin mo na lahat ng gamit mo at lumayas ka sa papamahay na 'to!"

Napapadyak na lang ako sa inis. Kapag si Mama na ang nagdesisyon, tapos na agad ang usapan. Nakita kong napatawa si Papa sabay hawak sa balikat ni Mama. Sinamaan ko siya ng tingin pero sandali lang iyon dahil mas malala ang pinupukol ni Mama sa akin.

Nagwalk-out na lang ako at pumunta sa kwarto. Doon ako nagdamdam at kinausap sa chat ang dalawang bruha. Nalulungkot man sila dahil hindi nila ako makakasama, natutuwa pa rin sila dahil pinapakita lang ng parents ko kung gaano sila kaprotective sa akin.

Asus! Nasasabi lang nila 'yan dahil mabait sa kanila ang mga magulang ko. Kapag nandito sila sa bahay ay mas tinuturing pa silang anak kaysa sa akin.
  
  
"MA, BA'T wala pa si Kuya? Sabi niya ihahatid niya ako sa bahay ni Tito Gregory ngayon." Tanong ko kay Mama na nasa kusina at naglilinis.

"Hindi ba nasabi sayo ng Kuya mo na hindi ka niya mahahatid? May meeting siya sa kanyang kliyente." Sagot nito. Nangunot ang noo ko.

"'Di ba Linggo ngayon? Atsaka nangako siya sa akin na ihahatid niya ako. Sinong magbubuhat nitong gamit ko?"

Ngayong araw kasi ako lilipat kahit sa susunod pang linggo ang simula ng klase. May aasikasuhin pa kasi ako sa school. Nakakapagod din kasing bumiyahe araw-araw. Isa't-kalahating oras din ang nailalaan ko kada biyahe. Double ride pa. Nakakangawit ng puwet kaya mas mainam nang makalipat na ako ngayon pa lang.

Wala rin kasi ang magaling kong Tatay dahil pinaayos nito ang bulok naming pick-up truck sa talyer. Kung bakit 'di pa kasi sila bumili ng bago. Oo nga pala, dapat bibili sila noong nakaraang taon pero dahil nagkasakit ako, naudlot iyon.

"Sabi ng Papa mo, dadaanan ka raw ng Tito Gregory mo. Saktong pumunta siya ng Koronadal City kanina kaya nakiusap ang Papa mo na daanan ka na lang pagpauwi na siya ng Gensan. Maghanda ka na riyan, at baka mamaya-maya lang ay darating na 'yon."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Dadaanan ako ni Tito Gregory dito? Wow, grabeng abuso na ito ah. Ako na nga ang makikitira, ako pa ang susunduin?

Napaka talaga nitong sina Mama at Papa. Tinteyk advantage ang pagiging mabait ng kaibigan nila. Oo at malaking tulong ang pagtira ko rito sa kanila pero hindi ba sila nahihiya? Ni hindi nga namin ito kamag-anak. Sabagay, mas mahirap pa rin makitira sa kamag-anak.

Magsasalita na sana ako nang makarinig ako ng busina sa labas. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Huling kita ko kay Tito Greg ay noong naka-confine ako sa isa sa mga hospital sa Gensan kung saan dinalaw niya ako. That was ten months ago.

"Baka si Gregory na 'yan." Lumabas mula sa kusina si Mama. Ako naman ay binuhat na ang mga gamit ko palabas. At napanganga ako nang makita ang lalaking kausap ni Mama. May anghel bang bumaba sa langit na nagbigay ng liwanag sa madilim kung buhay? Charot!

Don't tell me si Tito Gregory ang gwapong nilalang na 'to? He's different from his caveman look before. Pang-army ang gupit niya at naka-shave na ang mukha. Inaamin kong napopogian ako sa kanya noon kahit mahaba ang buhok niya at may bigote't balbas pero ibang-iba ang dating niya ngayong malinis ang kanyang mukha. Napakagwapo niya. Mas bumata siya sa kanyang edad.

"Keon!" Tawag niya sa akin sabay ngiti. Ang gwapo! Nang-init ang pisngi ko at kung may anong naramdaman ako sa dibdib ko.

"H–Hello po." Bati ko at nahihiyang lumapit dito.

Magmamano sana ako pero napatawa siya at sinabing hindi pa siya matanda. Ginulo niya lang ang buhok ko at kinurot ng bahagya ang pisngi ko. Nakatingin lang ako sa dibdib niya. Ang taas din kasi niya. Siguro lagpas sa anim na talampakan habang ako ay limang talampakan at limang pulgada lang.

"Greg salamat talaga at pumayag kang tumira itong bunso namin sa bahay mo. Hindi pa nga nakakabawi ang panganay namin tapos itong si Keon naman ang makikitira sayo." Si Mama.

"Ayos lang 'yon. Hindi naman kayo iba sa akin. Isa pa't natutuwa akong may makakasama na ulit ako sa bahay." Saad nito.

"Kung bakit hindi ka pa kasi nag-aasawa? Mahirap tumandang mag-isa." Usisa ni Mama.

Kahit kailan talaga napakapakialamera ng isang 'to. Pero oo nga nu? Matanda na itong si Tito pero wala pang asawa. Gwapo naman siya at malakas ang karisma. Alam kong may anak siya sa ex-girlfriend niya kaso nasa puder nito ang bata at naninirahan sa ibang bansa. Siguro ang lungkot-lungkot ng buhay niya.

Hindi sumagot si Tito at tumawa lang. Inaya siya ni Mama na pumasok sa loob pero tumanggi siya dahil may gagawin pa raw siya pagkatapos niya akong ihatid sa bahay niya. Pinadali naman ako ni Mama at nilagay na namin ang mga gamit sa dala nitong sasakyan.

"Kapag gumawa ito ng kabalastugan, sabihin mo agad sa akin ha."

"Ako na ang bahala sa anak mo. Mukhang wala naman sa itsura ng batang 'yan ang magpasaway."

"Pagalitan mo rin kung tatamad-tamad ha. Hindi porket pinatira mo iyan sa bahay mo ay hindi na gagawa ng gawaing bahay."

Gusto kong patahimikin si Mama. Kailangan ba talagang ipahiya niya ako? Atsaka alam ko naman ang gagawin ko. Siyempre may kahihiyan pa rin naman ako sa katawan.

"Sige na Tes, aalis na kami."

"O siya. Sige" Tinawag ni Mama ang atensyon ko. "Magpakabait ka. Huwag matigas ang ulo. Tandaan mo lahat ng bilin ko sayo."

Napaikot ako ng mata. "Oo Ma. Bye na. I love you!"

"I love you too. Ingat kayo."

Sumampa na rin si Tito Greg sa pick-up. Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan, kumalat agad ang mabangong amoy niya. Nang magtama ang tingin namin, nginitian niya ako.

"Anong kurso ba ang kinuha mo?" Tanong niya nang bagtasin namin ang daan patungong Gensan.

"Financial Management po." Mahinang sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Maganda iyan. Pero ayaw mo bang mag-engineering? Ang Papa at Kuya mo ay parehong kurso ang tinapos. Lumihis ka ata." Tanong niya.

Napapikit ako dahil sa lalim ng boses nito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Tila hindi ako mapakali. Tumatatak sa isipan ko ang mukha niya.

"H–Hindi naman kasi ako ganoon katalino tulad nina Papa at Kuya. Baka madisappoint ko lang sila." Sagot ko.

"Huwag mong i-down ang sarili mo. Financial Management is a good choice too. Maganda na rin na ibang kurso ang kukunin mo para iwas kompetisyon sa inyong tatlo."

Hindi na ako nagsalita. Naging tahimik na rin si Tito. Mayamaya rin ay muli siyang nagtanong tungkol kina Mama at Papa. Nagkwento rin siya tungkol sa pagtira ni Kuya Kevin sa kanya. Kahit papaano ay naging kumportable akong makipag-usap sa kanya.

Makalipas ang isa't-kalahating oras ay narating namin ang bahay niya. Huling punta ko rito ay noong grade five pa ako. Dito kasi ginanap ang second birthday ng anak niya. Nang mga panahong iyon ay maayos pa sila ng kanyang ex at malapit pa silang ikasal. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit nauwi sa hiwalayan.

Agad na itinuro sa akin ni Tito ang magiging kwarto ko. Namangha ako sa itsura. Sigurado ba siyang dito niya ako papatirahin sa bahay niya? This is too much actually. Magiging sagabal ako sa tahimik niyang buhay.

"Ikaw na ang bahala rito ha. Feel at home. Mag-aayos muna ako dahil may pupuntahan pa ako." Anunsyo niya.

"Sige po."

"Huwag mo na akong i-po Keon. Nakakatanda e." Saad niya at napatawa. Napatango lang ako at bahagyang ngumiti.

Pagkaalis niya ay nilibot ko ang kabuuan ng silid. May sarili rin itong banyo. May study table pa. Mabuti na lang at hindi ako nagpumilit na mag-dorm. Tama sina Mama at Papa. Saan pa ako hahanap ng ganito.

Inayos ko na rin ang mga gamit ko. Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto para libutin sana ang bahay. Pero biglang sumulpot sa kung saan si Tito Greg na walang damit pang-itaas!

Kitang-kita ang ganda ng katawan niya. Malapad na dibdib at flat na tiyan kung saan umuumbok ang malapandesal na abs. Nang-init ang buong katawan ko.

Nang makita ako ni Tito Greg, unti-unti siyang lumapit sa akin. Titig na titig siya sa mga mata ko habang nakangiti. Ilang saglit lang ay kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sa kanyang katawan.

***

DISCLAIMER:

This story is a work of fiction. Any resemblance to actual names, places, events, businesses and the likes are use fictitiously.

Do not copy, distribute and transmit in any forms and by any means. Any action mentioned above is subject to plagiarism which is punishable by law.

Continue Reading

You'll Also Like

823K 38.7K 29
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.4M 32.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...