Tegami

By staywithmeforever

495 18 59

Ito ay tungkol sa PAG-IBIG... Basahin niyo na lang para malaman niyo. May pagka-seryoso rin ito. Sana maibiga... More

Author's Note

Tegami

366 17 59
By staywithmeforever

         Si Aaron ay tumatawa, nagbibiro, ngumingiti, nagsasaya, nag-iisip, nangangarap, nilalamig, naiinitan, giniginaw, sumisigaw, naiinis, nagagalit, nalilito, umaasa, napapagod, nabibigo, nalulungkot, nagluluksa, nasasaktan, nagdaramdam, naghihinagpis, nagmamahal, umiibig, umiiyak...

      Alas-otso na ng umaga, bumangon agad si Aaron. Kumuha siya ng papel at bolpen at nagsimulang magsulat ng kanyang nararamdaman. Nagkalat sa sahig ang mga lukot na papel. Tapon dito, hagis doon. Hindi siya matapos-tapos sa kanyang ginagawa. Maraming ideya ang sumisiksik sa kasuluk-sulukan ng kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano ang dapat isulat. Hanggang sa napuno na ng papel ang kabuuan ng kanyang silid. Nainis siya! Hinagis niya ang bolpen na hawak.

         Nahiga siya sa kama at kinalma ang sarili. Tumingin siya sa bandang kaliwa ng kanyang silid, doon nakapwesto ang koleksyon niya ng mga CD album ng mga gusto niyang bandang pinoy at bandang banyaga. At nahagip ng kanyang mga mata ang koleksyon niya. Pinagmasdan niya ang mga ito, awtomatikong gumalaw ang kanyang katawan. Kinuha niya ang CD album na "Nobela" ng kanyang paboritong banda, ang "Join The Club." Sinalang niya ito sa CD player. Pinakinggan ang unang kanta, guminhawa ang kanyang pakiramdam. Tahimik ang paligid, parang nasa ibang dimensyon ang kaisipan ni Aaron habang nakikinig ng musika.

       Lumipas pa ang ikalawa, ikatlo, at ikaapat na kanta, punung-puno na siya ng inspirasyon. Pinakinggan pa niya ang ikalima hanggang sa ikapitong awit, ang "Nobela."

         Sinabayan pa niya ito... 

"Ngumiti kahit na napipilitan...

At aalis, magbabalik

At uuliting sabihin na mahalin ka't sambitin

Kahit muling masaktan

Sa pag-alis ako'y magbabalik

Sana naman..."

         At nung matapos na ang kantang Nobela ay dinampot niya ang inihagis na bolpen, at hininaan nang bahagya ang CD player. Umupo siya at kumuha ng panibagong papel. Huminga siya ng malalim. Nagsulat siyang muli pero ngayon ay may kaginhawaan na sa kanyang kalooban. Nagsama-sama ang lahat ng kanyang ideya sa isipan at tila mga kadete na humanay sa isang pulutong. Ang kanyang isipan ay bihag na ng kanyang emosyon, damdaming mula sa kaibuturan ng kanyang puso.

           Kasabay ng pag-tugtog ng JTC ay patuloy pa rin siya sa pagsusulat. Tanging siya lamang ang may alam kung ano ang kanyang sinusulat. Liham ng pag-ibig ba ito?

        At sa wakas ay tumila na siya sa pagsusulat. Natapos na rin siya. Ngumiti siya habang nakatitig sa papel na para bang nakakita ng isang napakagandang liwanag. At sino nga naman ba ang mag-aakala na lyrics pala ng kanta ang kanyang pinagsumikapang tapusin? Ito ay alay niya para sa dalagang kanyang labis na minamahal, ang nagmamay-ari ng kanyang puso, at ang dahilan ng kanyang tunay na kaligayahan, si Pamela.

           Narito ang kanyang nilikha...

"There For You"

Don't be afraid 'coz you know I will be there for you

Whenever you're all alone I'll wipe your tears away

Before it fall down to your face I'll give you my sweet embrace

And baby I promise you forever I'll stay… I'll stay…

And every night I'll be your pillow you hug so tight

When your nightmare comes along I'll be there to make you strong

Like an angel I'll be there for you to guide your sleep tonight

I'll be there, the only one who'll stay with you forever

Bridge:

I know I'm not perfect

I can never be enough for you

But this is what I want you to know… I'll be there…

I'll be there, there for you, to wipe your tears away

I'll be there, the only one whom forever will stay

I'll be there, there for you, to guide your sleep tonight

I'll be there like an angel, I'll be there to stay

I'll be there… I’ll be there…

          Noong hapon ding iyon ay nagtungo siya sa tambayan nilang magkakatropa. Bitbit niya ang luma niyang gitara na pinangalanan niyang "Sunset." At pagdating niya roon ay medyo nagkakainuman ang kanyang mga katropa. Pinag-shot si Aaron, at bago pa sila tuluyang malasing ay binanggit niya na may ginawa siyang lyrics ng kanta para kay Pamela. Nagpatulong si Aaron na lapatan ng tono ang kanyang isinulat. Hindi naman nag-atubili ang kanyang mga katropa na tulungan siya. Habang nag-iinuman ay nilapatan nga nila ng tono ang isinulat ni Aaron. Buti na lang ay nabigyan nila ito ng tono bago sila tamaan ng alak. Pagkatapos ng inuman ay wasak silang lahat kaya roon sa tambayan na rin sila natulog.

         Pagkalipas ng isang linggo ay handa ng iparinig ni Aaron kay Pamela ang awitin na kanyang ginawa. Alas-sais pasado na ng gabi at nagtungo si Aaron kasama ang kanyang mga katropa papunta sa tahanan nina Pamela. Pusturang-pustura sila lalo na si Aaron na bitbit ang kanyang gitarang si Sunset. May kalapitan lang ang bahay nina Pamela kaya naglakad lamang sila. Kabado talaga siya sa kanyang gagawin dahil hindi na uso sa panahong ngayon ay panghaharana, subalit buo pa rin ang kanyang loob. Kinakantyawan nga siya ng mga katropa niya kung itutuloy pa ba nila dahil baka hagisan lang sila ng tubig ng mga magulang ni Pamela. Ginatungan pa nila at sinabing baka maglabasan pa ang mga aswang sa pagkanta niya at magwala ang mga kapitbahay nina Pamela, at tawanan silang lahat maliban kay Aaron.

           Dumating na sila sa tapat ng bahay ni Pamela. Kumakabog pa rin ang dibdib ni Aaron dahil sa kaba. At biniro siya ng isa niyang katropa na dapat humiram siya ng tapang ng loob kay Andres Bonifacio, at mahinang nagtawanan ang kanyang mga kasama. Pinatigil niya ang mga ito sa pagtawa, at sinabi na imbes na palakasin nila ang loob niya eh pinagti-tripan pa siya. Humingi naman ng pasensya ang kanyang mga katropa at sinabi na ituloy na nila ito.

            Heto na nga, nagpa-tao po si Aaron at nagsimula na siyang umawit habang nanggigitara ang isa niyang katropa. Lumabas si Pamela at dumungaw siya sa kanilang terasa kasama ng kanyang mga magulang at kapatid.

            Buong pusong hinarana ni Aaron si Pamela. At kilig na kilig naman ang dalawang babaeng kapatid ni Pamela, habang nakangiti lamang siya.

           Pagkatapos kumanta ni Aaron ay malugod silang pinapasok sa loob ng bahay. Sinabi ng mga magulang ni Pamela na hanga sila sa kanya dahil wala na raw nanghaharana ngayon. Labis naman na natuwa si Aaron nang malaman iyon.

         At hinarap na ni Pamela si Aaron. Iniabot ni Aaron ang isang bouquet na pulang rosas na paborito ni Pamela. Nagpasalamat naman siya at nginitian niya ang binata ng ubod ng tamis. Halos lumundag naman ang puso ni Aaron dahil sa labis na kagalakan. Nag-usap ang dalawa sa may sala habang ang mga katropa niya ay nasa terasa kasama ang dalawang kapatid ni Pamela, at sila ay nagkakantahan.

             Sinabi ni Pamela na ang ganda ng boses ni Aaron at nagustuhan niya ang kanyang inawit, ngunit hindi raw ito pamilyar sa kanya. At sinabi ng binata na ginawa niya iyon para sa kanya. Nagningning ang mga mata ni Pamela pagkarinig no'n. Ngayon lang daw niya naranasan na gawan siya ng kanta at haranahin pa. Labis naman natuwa si Aaron. Nag-usap pa sila at makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na sila.

        Umuwing abot-tenga ang ngiti ni Aaron at pakanta-kanta pa siya sa daan. Ngunit may malaking aso pala ang nakaabang at hinabol sila nito. Mabuti na lamang ay mabibilis silang tumakbo, at nang makalayo na ay nagtawanan na lamang sila habang hinahabol ang kanilang hininga.

          Nagpatuloy sa panliligaw si Aaron kay Pamela, pursigido talaga siya upang makamit ang puso ng dalaga. Paminsan-minsan ay dumadalaw siya sa bahay ng dalaga. Pinapakita niya sa mga magulang ng dalaga na seryoso siya sa panunuyo sa kanilang anak. Hatid sundo rin niya si Pamela sa eskwelahan.

          At isang gabi habang magka-text sila, sinabi ni Pamela na hindi naman siya nagpapahintay at pwede raw siyang manligaw ng iba. At saka sinabi niya na nanliligaw ulit sa kanya ang dati niyang boyfriend, si Justin. Gusto raw ng mga pinsan niya na magkabalikan silang dalawa. Tinugon naman ni Aaron iyon, sinabi niya na handa siyang maghintay hanggang sa matutuhan rin siyang mahalin nang walang pilitan, at ayos lang daw sa kanya kung nanliligaw din si Justin sa kanya. Hindi na no'n nag-reply si Pamela sa dahilang hindi alam ni Aaron. At ang gabing iyon ay hindi makatulog si Aaron sa kakaisip ng mga bagay na di maganda, gaya ng kung magkabalikan nga sina Pamela at Justin ay paano na siya. Umiyak siya sa ng mga sandaling iyon dahil baka mawala na si Pamela sa kanya. Ngunit paano mawawala si Pamela kung hindi naman ito naging kanya? Umiiyak pa rin siya hanggang sa makatulog.

          Isang buwan na ang nakalipas at tila malabo na ang pag-asa niya kay Pamela. Nawawalan na talaga siya ng kumpyansa para mapa-oo ang dalaga. Isang araw ay tinipon niya ang kanyang mga katropa sa kanilang tambayan, at nung kumpleto na sila ay niyaya niya ang mga ito na mag-inuman. Nilabas niya ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman, mabuti na lang at may mga kaibigan siyang handang gumabay at samahan siya. Naglasing ng husto si Aaron sa pagkakataong iyon, at nung di na niya mapigilan ay humagulgol na lang siya kakaiyak.

        Alas-otso ng umaga, bumangon na agad si Aaron. Kumuha siya ng papel at bolpen, at nagsimulang magsulat ng kanyang nararamdaman. Nagkalat sa sahig ang mga lukot na papel. Tapon dito, hagis doon. Pinatugtog niya ang JTC album. Kumuha siya ng panibagong papel. Huminga siya nang malalim. Nagsulat siyang muli, patuloy sa pagsusulat habang tumutulo ang mga luha buhat sa kanyang mga mata. Nagluluksa ang kanyang puso't isipan, ang kanyang katauhan. Tulala siya sa pagsusulat. Natapos na siyang magsulat ngunit nakikinig pa rin siya sa CD. Nang matapos ang lahat ng kanta, kumuha siya ng sobre at pinaloob doon ang sulat. Ipapadala niya iyon kay Pamela na nasa Cavite ngayon, doon kasi siya nagbabakasyon. Tinanong lang niya sa kapatid ni Pamela ang address ng tita nila sa Cavite.

          At natanggap na ni Pamela ang liham, ang sabi...

                                                                                                                                                       April 18, 2008

Mahal kong Pamela,

            Kamusta ka na? Sana ay ayos ka lang dyan. Ayos lang naman ako dito. Meron sana akong gustong hilingin sa 'yo. Ang nais ko sana pagbigyan mo ako sa pabor kong ito, huli na ito. Gusto kong sagutin mo na si Justin, magbalikan na kayo. Alam ko naman na hindi mo pa siya nakakalimutan. Ikaw na rin ang may sabi na aabot ng taon bago mo makalimutan ang taong minahal mo at handang magmahal muli ng iba. Ang ibig sabihin, may pagtingin ka pa rin sa kanya at mahal mo pa rin siya, tama ba o tama? At andyan din sa may Cavite si Justin, di ba? Kaya pala sa tita mo dyan ka nagbabakasyon.

            Ngayon naiintindihan ko na. Hindi na kita kailangan papiliin kung sino ang mas matimbang sa puso mo dahil alam kong siya ang pipiliin mo. Pero wala rin naman pala akong karapatan para papiliin ka. Kaya please lang, pagbigyan mo ako sa nais kong mangyari. Alam kong magiging masaya ka sa piling niya. Iyon lang naman ang ibig ko, ang kaligayahan mo. Ayaw ko rin na baka nahihirapan ka lang na sabihin sa akin na basted ako, kaya ako na mismo ang lalayo. Ako na ang magpaparaya para sa inyong dalawa. Ganun kita kamahal Pamela, kaya kitang pakawalan kung iyon ang ikaliligaya mo.

          Huwag kang mag-alala sa akin, okey lang ako. Dati pa man sinabi ko na sa 'yo na kahit hindi maging tayo basta maniwala ka lang na mahal kita masaya na ako.

       Salamat sa lahat ng pagkakataong nakasama kita. Salamat sa pagtawa sa jokes ko. Salamat sa pagtanggap sa pagiging korni ko, sa kabaliwan ko. Salamat sa pakikinig sa mga awit ko. Ikaw ang musika sa buhay ko. Salamat sa lahat-lahat.

           Lagi mo sanang tandaan na mahal na mahal kita. Ikaw ang langit ko, ikaw lamang ang nasa puso ko. Ikaw ang parol ng aking buhay. Mag-iingat kang lagi aking anghel. Mahal kita.

            Patawad, paalam Pamela.

                                                                                                                                                          Nagmamahal,

                                                                                                                                                         Aaron

          Pagkatapos mabasa ni Pamela ang liham ni Aaron ay bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha mula sa bilugan niyang mga mata. Tila nalungkot ang kanyang puso na para bang hindi na sila ulit magkikita ni Aaron. Tinawagan niya ang binata sa cellphone ngunit hindi ito sumagot. Halos hindi makatulog si Pamela ng gabing iyon. Sobrang lungkot ang kanyang nadama datapwat hindi niya alam ang dahilan. Mahal na nga ba niya si Aaron?

          Kinabukasan, umalis siya ng Cavite para umuwi ng Pampanga. Habang nasa byahe ay hawak-hawak niya ang sulat at tulalang nakatitig sa labas ng bintana ng bus. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkakagano'n. Basta ang tanging alam niya ay gusto niyang makita si Aaron sa mga sandaling iyon.

          Pagdating ni Pamela sa Pampanga ay dumiretso siya kina Aaron subalit wala na siya. Pumunta raw ang binata sa lolo't lola niya sa Davao at doon na siya mag-aaral hanggang sa magkolehiyo siya. Labis na nalungkot si Pamela sa nalaman at bumalong na naman sa kanyang pisngi ang mga luhang naghihinagpis. Parang sinugatan ang kanyang puso sa mga pangyayari. Iniwan na siya ni Aaron.

          Nagtungo na lamang si Pamela sa kanilang tagpuan, sa parke, at doon sinariwa niya ang kanilang  masasayang sandali roon. Noong ipagsigawan doon ng binata na mahal na mahal siya nito pati na ang pagkanta nito sa kanya habang papalubog ang araw. Ang lugar na iyon ay tinatawag nilang "Sanctuary."

       Papalubog na ang araw at uuwi na sana si Pamela nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone, isang bagong numero ang tumatawag. Sinagot niya ito at...

"Don't be afraid 'coz you know I will be there for you

Whenever you're all alone I'll wipe your tears away

Before it fall down to your face I'll give you my sweet embrace

And baby I promise you forever I'll stay…"

       Pagkatapos kumanta nung tumawag ay sinabi niyang lumingon siya sa may likuran. At paglingon ni Pamela ay tumambad sa kanya sa may di kalayuan si Aaron. Pagkakita pa lamang niya kay Aaron ay tumakbo na agad siya papunta sa binata sabay yumakap ng mahigpit, puno ng kasabikan. Kahit medyo nagulumihanan ang binata ay niyakap na lang rin niya ang babaeng kanyang sinisinta.

       Pinunasan ni Aaron ang luhang pumapatak sa pisngi ng dalaga. At humingi ng tawad si Pamela kay Aaron dahil hindi niya agad pinakita at pinaramdam na mahal niya rin ito. At bigla na lamang sinambit ni Pamela ang mga katagang...

"Mahal kita Aaron."

           Ang tanging nasambit ni Aaron ay...

"Mahal din kita Pamela. Mahal na mahal kita."

          At naglapat ang kanilang mga labi kasabay ng paglubog ng haring araw...

The Beginning...

FAN

VOTE

COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 158K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
11.4M 296K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
878K 28.5K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her entire life. Only a shel...
43.6M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...