AUDREY'S
I'm still not in speaking terms with Grace. Dumaan na ang lahat ng tests at group activities, hindi pa rin niya ako kinikibuan. What's worse is that she's starting to disappear. Minsan na lang iyon nagpapakita at pumapasok. I haven't talked to Tristan yet pero sabi ni Wren hindi raw siya galit sa 'kin. I'm not buying it.
"Hindi siya papasok ngayon. Hayaan mo na, matututo rin iyon." Ani Adrian habang kinokopya ang answers ng isa naming homework sa minor. Tsk. College na nga, nangongopya pa.
Pinapak ko na ang chips na kanina pa nasa harap ko. Kapagod pumunta ng canteen. Damn. Sobrang sarap nito. New flavor?
"Masarap ang bawal." What the? Now he's eating the chips. Akin iyan eh. "Nanghihingi lang."
"Without permission."
"Tinatamad akong pumunta sa canteen eh."
I burst out laughing. We both thought the same. Nagets niya siguro ako kaya tumawa na rin siya. Ang saya pala. Having someone that can understand you and think the same way. He stopped laughing and stared at me. Nakasandal siya sa bench habang tinititigan ako. Sinampal ko na lang siya at tumawa ulit.
I wish Wren and I would come back to this. Yung simpleng tawanan lang. Good vibes palagi. Now it's totally different. I noticed him slowly changing after the break-up. Specifically after that incident in his room. Nagiging malamig na siya, mainitin ang ulo, palaging seryoso. Was it because of me? Was it my fault?
"Audrey, help." Narinig ko si Emma na nagrereklamo sa tapat namin kaya pinuntahan ko siya. It's about our new major requirement.
"All hail Emma the crammer."
Honestly, ang hirap-hirap nga nito. Individual requirement pero we're all working on it either by pairs or groups. Wala talagang awa si Sir. Ang mahirap masanay sa mga inconsiderate profs!
"Actually, ako na." Kinuha niya mula sa 'kin ang laptop niya at nag-open ng bagong document.
I just looked at it. Maybe she just wanted me to guide her..... Guess I'm wrong. She typed something in that new document. Something offensive? Should I call it that? Maybe, na-offend ako eh.
I DON'T LIKE HOW YOU'RE ACTING WITH ADRIAN. YOU HAVE WREN. YOU CAN DO IT WITH HIM INSTEAD.
Wala akong masabi. My eyes were fixated sa message niya para sa 'kin. Napalunok ako.
"Ang daming naghahanap ng isang Wren Castro pero ikaw na may Wren na, ti-ne-take for granted mo lang."
I'm offended but I couldn't say anything. Nagsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako nasaktan sa sinabi niya.
"He's not a trophy boyfriend."
Okay, that's it.
WREN'S
Nawawalan na naman ng time si Audrey sa 'kin. Naninibago talaga ako sa sarili ko. Hindi ako needy at lagi kong iniintindi ang mga tao sa paligid ko. Ngayon lang ako nagkaganito. Simula noong nakita ko silang dalawa na nagtatawanan, doon nag-iba eh. Hindi naman masama na humingi ng time sa kanya, 'di ba? Kahit ilang oras lang. O kay tatlumpung minuto sa lunch break, okay na. Hay, nababaliw na siguro ako.
Kumain ka na?
Nagbabasakali lang. Baka tulog pa iyon, alas dose pa naman ng tanghali. Baka nag-s-skip meals na naman iyon. Diet kuno. Ang payat na nga niya, nag-da-diet pa.
Anak ng. Muntik ko nang nabitawan ang phone ko nang nakita kong tumatawag siya. Himala at gising na siya?
"Hello—"
"Hi! Punta ka dito!"
"Bahay mo?"
"Café! First date natin kuno."
Ang init. Abot tenga ang ngiti ko. Nagmadali na akong magbihis para hindi na siya maghintay nang matagal. Ang tagal na naming hindi nakapunta doon. Ano kayang nakain niya at bigla siyang nagsurprise sa 'kin? Good mood siguro siya.
Nagjeep na lang ako patungo sa café para walang mabawas na oras. Mabuti nga at hindi masyadong traffic ngayon. Huminto ako sa tapat ng isang boutique para manalamin. Kaya pala ako naiinitan kasi sobrang namumula ako. Ewan! First time naman kasing gumawa si Audrey ng ganito. At sobrang naaappreciate ko iyon.
Nang nakita ko na ang café ay tinakbo ko na ito. Ayokong magsayang ng oras. Sa pagmamadali ko ay malapit ko nang matapon ang iniinom na kape ng nakasalubong ko galing sa café. Ang sobrang excited ko ba?
Abot tainga na ang mga ngiti ko. Para na siguro akong baliw tingnan. Mas lumapad pa ang ngiti ko nang nakita ko si Audrey na kumakaway sa 'kin. Ang swerte ko talaga sa kanya kahit minsan may topak siya. Sobrang okay na yung araw ko.
Okay na sana. Kung hindi ko lang nakita si Adrian na palapit sa kanya.
Anong ginagawa niya dito?
Naiinis ako. Pinapunta raw ako kasi miss niya ako pero parang hindi ako yung namimiss niya ngayon eh. Parang si Adrian yung boyfriend niya at ako yung dakilang third wheel nila.
Uupo sana ako sa tabi niya kaso may tinatapos pa raw silang requirement sa major nila kaya doon na lang ako pumwesto sa tapat nila. Okay.
"Hala, paano 'to? Kulang ako ng isa pang research material. May extra ka?"
"Yup. Tinira ko 'to in case may kulang sa paper mo."
Okay. Ikaw na.
"Thanks! Savior ka talaga."
Okay. Siya na.
"Tangi—" Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
Pinagtitinginan na nila ako ngayon. Nginitian ko si Audrey at pinakita yung game sa phone ko na hindi ko naman talaga nilalaro.
Minasdan ko si Audrey at ang kupal sa tabi niya na nag-uusap ngayon. Mukha na siguro akong mamamatay-tao sa inis ngayon. Hindi, galit. Ugh! Selos. Selos. Selos. Nagseselos ako kay Adrian ngayon at mas naiinis ako kasi hindi man lang ito napapansin ni Audrey. Simula noong nakarating ako dito, siya palagi ang kinakausap niya.
Ano pa bang silbi ko dito? Third wheel? Tagapagbantay? Yaya?
Pinapunta ba niya ako dito kasi may pinapamukha siya sa 'kin? Pinapaselos niya ba ako? Kasi kung ganun nga ang gusto niyang mangyari, epektibo eh. Talong-talo ako.
Hindi ko na sila natiis na tingnan. Umalis na ako doon na walang pasabi. Bwiset. Okay na sana yung araw ko eh. Sana hindi na lang ako nag-expect. Madidismaya lang naman pala ako sa huli.
"Wren!"
Huminto ako at hinarap siya na malapit nang madapa nang humarap ako sa kanya.
"Wren, ano iyon?"
Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Ganyan ka ba talaga ka manhid, Audrey? Ano iyon?" Heto na naman tayo. "May hindi ba ako nalalaman? Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito ngayon?" Sabay tingin ko sa kalalabas lang na Adrian sa café. Malayo-layo ang kinaroroonan namin ngayon kaya siguradong hindi niya kami maririnig.
"Inuunahan mo na naman ba ako? Wren, please! Kababalik lang natin."
Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ba't niya ako binabaliktad?
"Sabihin mo naman sa 'kin kung bakit ka nagkakaganito ngayon—"
Wala na akong pakialam kung nag-eeskandalo ako dito sa labas.
"Nagseselos ako, Audrey! Nagseselos ako kay Adrian. Ayan, masaya ka na? Pwede na ba akong umalis para naman ay ma-enjoy mo na yung quality time niyong dalawa?"
Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. Malakas ang pagkakasampal niya sa 'kin. Pumipitik yung sakit ng pagsampal niya pero hindi ako natatalaban.
"I don't know who you even are right now."
"Mas hindi kita kilala. Quits."
Tumalikod na ako at tumakbo palayo sa impyernong iyon. Ngayon lang ako nagalit nang ganito. Kahit sino pang umaway sa 'kin, si ate Chris, si Tristan, pati si Keith, hindi ako nagalit nang ganito ka sobra. Hinding-hindi ako makapaniwala na si Audrey lang pala ang makakapagpagalit sa 'kin ng sobra.
Ngayon masasabi ko na.
Pagod na ako.