ETHER'S PROVERBS
SA KAHARIAN NG NIYEBE
Nais namin makita kung ano na ang ginagawa ng mga diwata gamit aking kapangyarihan ngunit tanakreshna!bakit hindi namin sila makita?! sigurado akong si Cassiopea ang pakana kung bakit hindi namin sila makita.PASHNEA!
AGATHA:Paano iyan Bathaluman? Hindi na natin malaman kung ano ang kanilang susunod na hakbang at hindi rin tayo basta-basta makapasok sa kanilang kaharian pagka may pananggalang doon.
CRISELDA:Tama ang Hara Bathaluman kahit na mag-anyong pashnea ako hindi pa rin ako makapasok.
ETHER:Huwag kayong mag-alala pangatlong araw na ngayon at wala pa akong narinig na desisyon mula sa mga diwata katulad ng sinabi ko dadanak ang dugo dito sa encantadia!
ANDORA:Kung ganon ay hihintayin namin ang pagkakataon na iyan..
AZULAN'S PROVERBS
SA KAHARIAN NG LIREO
Pagkatapos namim ihatid ang aming mga anak at si Angelo patungo sa puno ng Asnamon dumeresto kami agad sa may dalampasigan malapit sa Lireo upang magsanay kasama ang mga kawal pagkat kailangan namin ihanda ang aming sarili para sa papapalapit na labanan.
AZULAN:Estasectu!
PIRENA:Sigurado ka Mahal?baka matalo pa kita sa pangalawang pagkakataon!(Pang-aasar ng aking asawa)
AZULAN:Unang laban pa lang iyon e correi baka ikaw ang mabihag ko!😋
PIRENA:Kung ganon ay tingnan na lang natin!(Sabay bitiw niya ng isang maliit na ngiti)
Nang walang pagdadalawang isip ay una siyang umatake agad naman akong umiwas sa pagkakataon na ito ay ginamit ko ang aking sandata na agad na man niyang napigilan ngunit pinaikot ko ang aking mga kamay kaya nabihag ko ang aking asawa sa aking mga bisig..
AZULAN:Gaya nga sinabi ko baka ikaw pa ang aking mabihag!(Paasar ko sa kanya sa pagharap niya sa akin ay hinalikan ko siya sa kanyang labi)
PIRENA:Hindi pa rin kumukupas ang kayabangan mo Azulan at nagnakaw ka pa ng halik!
Dahil diyan siniko niya ako sa aking sikmura kaya nabitawan ko siya..
AZULAN:Aray!
PIRENA:Ano suko ka na?!
AZULAN:Tulad ng aking sinabi noon wala sa pukabyularyo ko iyan!
Kaya nagtigisan kami ng galing sa espadahan pagkatapos ng ilang sandali ay nabihag ko siya uli sa pangalawang pagkakataon.
AZULAN:Naramdaman ko ulit ang bilis na pagtibok ng iyong puso aking Mahal na Hara!
PIRENA:Pagkat hindi mapigilan ang bilis na pagtibok nito kapag nandiyan ka aking Rama! e correi diu!
AZULAN:Mahal din....
Hindi ko natapos ang aking sasabihin ay bigla niyang tinapakan ang aking kanang paa kaya nabitawan ko siya uli..
PIRENA:Sabi ko na nga ba sa isang salita ko lang titiklop ka agad!
AZULAN:Ah...ganon!(Ilang metro lang ang kanyang layo kaya hinila ko siya papapalapit sa akin napahawak siya sa aking matipunong dibdib at pinalibot ko ang aking mga kamay sa kanyang baywang)
PIRENA:Wala naman tayong usapan na....
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin at hinalikan ko siya tumugon naman ang aking asawa at nilaliman pa namin ang aming paghahalikan saka lang kami bumitaw nang kinapos na kami ng hininga pagkatapos ay pinagdikit namin ang aming noo..
AZULAN:E correi diu Hara!
PIRENA:E correi diu Rama!
YBRAHIM'S PROVERBS
Patuloy pa rin ang aming pagsasanay ni Amihan kasama ang ilang kawal sa hindi kalayuan ay nakita namin ang Hara at Rama ng Hathoria na naghahalikan hay..nako ang dalawang iyon..pag-ibig nga naman minsan nakalimutan natin na may mga encantadong nakatingin..
YBRAHIM:Iba talaga ang mag-asawang Pirena at Azulan!
AMIHAN:Sinabi mo pa at may alas na tayo kapag nag-aasaran!😊
YBRAHIM:Oo nga at hindi na ako magtataka na masundan si Alana!😀
AMIHAN:Alam mo huwag na natin pag-usapan ang dalawang iyan baka matapilok kawawa naman!😂
Natawa naman ako sa tinuran ng aking asawa pagkatapos ay nagpatuloy nalang kami sa pag-ensayo.
YBRAHIM:Maghanda ka na Amihan!
AMIHAN:Baka ikaw ang maghanda nanalo ka man sa una nating laban ngunit sa oras na ito ikaw naman ang aking madadaig!
YBRAHIM:Tingnan lang natin!
AMIHAN:Estasectu!
Nagsimula na kami magtagisan ng galing sa pakikipaglaban at espadahan masasabi kong bumabawi talaga siya pagkat sa oras na ito ay mas maliksi at mabilis ang kanyang kilos.
YBRAHIM:Bumabawi ha!(Sabi ko habang nakipaglaban)
AMIHAN:Di ba sabi ko sayo na baka ikaw naman ang aking madaig!
Pagkalipas ng ilang sandali ay katulad ng kanyang sabi natalo niya nga ako pagkatapos ng aming pag-ensayo ay nagpahinga kami at umupo sa may buhanginan at ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat
MEMFES' PROVERBS
Nagtagisan kami ni Alena ng galing sa espadahan nanalo man ako noong unang laban namin ngunit sa tingin ko ay madadaig niya ako sa oras na ito pagkat nilabas niya ang lahat ng kanyang angking galing sa pakikipaglaban kahit gaano ako kabilis ay mahuhuli niya talaga ako.Ilang sandali lang ay natalo niya nga ako.
ALENA:Ano ka ngayon Mahal!ang yabang mo noong una ngunit ngayon tila ang tahimik mo?(Sabi niya sa mapang-asar na tono)
MEMFES:Hindi ha! tahimik lang talaga ako!
ALENA:Talaga ba?!
MEMFES:Oo!
ALENA:Eh..bakit ngayon ko lang nalaman na tahimik ka pala?!(Dagdag niya pa)
MEMFES:Hindi ka ba naniniwala?
ALENA:Hindi eh..
MEMFES:Ah ganon..
Kikilitiin ko sana siya ngunit napigilan niya ang aking mga kamay at saka tumakbo papalayo sa akin..
MEMFES:Kapag nahuli kita hahalikan talaga kita!
ALENA:Hindi mo ako mahuhuli!
Naghabulan kami na parang mga bata pagkatapos ay nahuli ko nga siya at inakap patalikod.
MEMFES:Sana ganito lang tayo lagi..
(Sabi ko habang nakayakap pa rin aking katipan)
ALENA:Sana nga ngunit may suliranin tayong kinakaharap ngayon.
MEMFES:Alam kong malalagpasan natin toh..Mahal..
Humarap sa akin si Alena at hinalikan niya ako sa labi na imbis ako ang hahalik sa kanya..tapos ay hawak kamay kaming bumalik sa aming pinagsasanayan.
AQUIL'S PROVERBS
Naghaharap kami ngayon ng aking asawa sa ikalawang pagkakataon pagkat natalo niya ako noong una kaya kailangan kong makabawi sa aming labanan ay ibinigay ko ang lahat ng aking makakaya pagkalipas ng ilang sandali ay nanalo rin ako sa ikalawa naming laban.
DANAYA:Magaling Mahal wala pa ring kupas ang iyong kagalingan!😊
AQUIL:Ikaw din naman sa pagdaan ng ilang taon ay mas lalo kang gumagaling sa pakikipaglaban at mas lalo kang gumaganda!😊
DANAYA:Ikaw talaga nakuha mo pang mambola ha(Sabay pisil niya sa aking ilong)
AQUIL:Nagsasabi kaya ako ng totoo!😊
DANAYA:Patunayan mo nga?
Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan sa kanyang labi pagkatapos ay naisipan namin puntahan kung saan naroroon ang aming ibang kamag-anak.
GENERAL'S PROVERBS
Nagtipon silang lahat sa malaking mesa malapit sa babay upang magpahinga,nag-uusap,at nagkatuwaan ng biglang sumulpot si Ether na naghugis ahas sa kanilang harapan.
PIRENA:WARKA! ano't bigla-bigla ka nalang sumusulpot?!😡
ETHER:Nagambala ko ba ang inyong kasiyahan?!
DANAYA:Anong kailangan mo?!
ETHER:Pangatlong araw na ngayon ngunit wala pa akong narinig mula sa inyo alam niyo naman ang mangyayari di ba?!
ALENA:Ang sagot ba namin ang iyong hinahanap?!
ETHER:Oo at alam niyo naman nasa mga kamay niyo ang kaligtasan ng buong encantadia di ba?
AMIHAN:Alam mo namang HINDI ang aming desisyon di ba?!
AZULAN:Sobrang tayog ng iyong pangarap Bathaluman na kahit sa panaginip ay hinding hindi mo kayang abutin!(Pang-iinsulto ng Rama ng Hathoria)
YBRAHIM:Ngunit ipagpatuloy mo lang ang mangarap ng gising!
ETHER:Lapastangan! kung ganon man ay magkita-kita nalang tayo sa digmaan!
AQUIL:Hihintayin namin ang araw na iyan!
MEMFES:Huwag kayong tatangis kung kayo ay aming madaig!
ETHER:TANAKRESHNA!(Saka nag-ivictus pabalik sa Kaharian ng Niyebe)
PAGSAPIT NG HAPON.
SA KAHARIAN NG ADAMYA
Naisipan nila na doon na sa Adamya gaganapin ang pagpupulong kung paano lansihin ang panig nila ni Ether pagkat natitiyak nila na kung sa Lireo nila gaganapin ang pagpupulong ay babalikan sila ng masamang Bathaluman.
MEMFES:Bilang Rehav ng Adamya sinimulan ko na ang pagpupulong na ito.Ngayon na ginagambala na tayo ni Ether kailangan natin mag-isip ng paraan upang sila'y lansihin.
PIRENA:Di ba may sinabi si Ether na kukunin niya ang mga mahalagang pag-aari natin kung hindi natin maibigay ang kanyang nais?kung ganon ay kailangan natin ng mga nilalang upang maging huwad na mga diwani at Rehav.
YBRAHIM:Magandang ideya iyan Hara ngunit paano?
PIRENA:Sa tulong ni Cassiopea batid namin natin na isa siyang makapangyarihang nilalang.😊
AZULAN:Meron din akong naisip na mas lalong malansi ang panig nila,di ba merong mga nilalang na magpapanggap bilang mga Diwani at Rehav natitiyak ko na ang sunod nating gagawing hakbang ay palalabasin sila ng palasyo sigurado akong papatayin ni Ether kapag nakita niya ang mga iyon pagkatapos ay magpapanggap tayo na nagluluksa.
DANAYA:Maganda ang iyong naisip Rama na paniwalain ang panig nila Ether na patay na sila,at wala naman tayong idadamay na mga Encantado sa plano di ba?
AZULAN:Wala,pagkat may kakayahan si Cassiopea na makalikha.😊
AQUIL:Alam ko na ang ibig niyong sabihin Hara at Rama sa mga oras na iyon ay medjo maging kampante si Ether pagkat akala niya ay nabawasan tayo ng kakampi ngunit hindi niya akalain na kukunin nila Pirena at Danaya ang pagkakataon na iyon upang maminsala sa kanilang armas.
PIRENA:Magaling Mashna!
AMIHAN:Matalinong plano ngunit malaman at malaman din iyon nila Ether na nilalansi natin sila?
ALENA:Malalaman niya kung pupunta sila mismo sa mundo ng mga tao upang alamin na buhay pa ba sila o hindi.
MEMFES:Ngunit may propesiya si Mata na dadalhin ni Ether ang digmaan sa mundo ng mga tao.
YBRAHIM:Huwag muna natin isipin iyan pagkat mahabang panahon pa bago iyan mangyayari may sapat pa tayong panahon para maghanda para diyan.
AMIHAN:Sabagay,kailan ba natin simulan ang plano?
PIRENA:Dalawang araw bago ang digmaan pagkatapos ng araw na iyon ay maminsala na kami ni Danaya sa kanilang armas.
DANAYA:Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon..
MEMFES:Sumasang-ayon na nga tayong lahat kaya Bilang Rehav ng Adamya ay tinapos ko na ang pagpupulong na ito.
Pagkatapos ng kanilang pagpupulong ay naghapunan na sila at sa Adamya nalang nagpapalipas ng gabi.