Love at its Toughest (Love Se...

By FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 1: A Tough Beginning
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 6: A Tough Deceit
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 8: A Tough Consequence
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 10: A Tough Timing
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 12: A Tough Response
Chapter 13: A Tough Truth
Chapter 14: A Tough Marriage
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 23: A Tough Acceptance
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 16: A Tough Test

128K 2.7K 204
By FGirlWriter

Chapter 16: A Tough Test

"For you know that the testing of your faith produces steadfastness." -James 1:3

❤❤❤

"HINDI naman na kasalanan pa ng asawa mo kung ang dating girlfriend niya, eh, dating girlfriend din ng kapatid mo noon. Kahit naman sino walang kasalanan dahil wala naman kayong alam na magkaka-konektado kayo."

"I know that, of course," mahinang sabi ni Eunice kay Alfred. "Nagulat lang talaga ako. Sobrang dami ng nangyayari nitong mga nakaraan na lagi na lang akong ginugulat. And it's not really helping me." Eunice drank her hot tea.

Kaninang lunchtime nang magkagulatan sila ay mabilis na umalis si Frances nang hindi nila alam kung bakit. Si Terrence ay takang-taka na nandito sa bansa ang ex-girlfriend nito. She also saw a hint of anger in his eyes.

Halata namang nagulat talaga silang tatlo sa magkakakilala o magkakakonektado sila. When Frances left, mabilis na nagpaliwanag si Terrence sa kanya na hindi daw nito alam kung bakit nandito ngayon ang babae sa bansa. Nagpaliwanag ito kahit hindi niya hinihingi, but it somehow calmed her nerves.

At kahit halata ring wala na silang gana pareho ni Terrence na kumain ay kumain na lang rin sila. Parehas silang tahimik. Pareho silang nag-iisip, nagtataka.

"I'll take you home," sabi ni Terrence pagkatapos nilang kumain nang tahimik at walang imikan.

Umiling siya. "May gagawin pa 'ko. Makikipagkita pa 'ko kay Alfred mamayang hapon."

He looked surprise, again. "Nandito siya?"

"For work. Ngayong araw lang."

"Sasama ka sa kanya?" Kitang-kita ang pagtutol sa mga mata nito. "P-pero-"

"You know that he's my friend. Naging kaibigan ko na siya. Kaya walang masama kung lalabas kami mamaya. Afterall, I need company right now." Tumalikod na siya ngunit nahagip nito ang kamay niya.

"Eunice... We can't be like this forever. Iniiwasan mo 'ko. Kung hindi si Geoff ang lagi mong kausap, si Alfred naman. Tayo ang mag-asawa, dapat tayo ang nag-uusap. Tayo ang nagpapaliwanagan. Hinayaan na kita ng ilang araw. Naiintindihan kong ayaw mo pang marinig ang mga paliwanag ko. Hindi pa bukas ang isip mo na patawarin ako. Nagkamali ako, but please, hear me out," pakiusap nito. His eyes were begging, too.

Binawi niya ang kamay mula rito. "Sorry, Terrence, you loved a hard-headed girl."

"And I still love that hard-headed girl kahit lagi niya 'kong pinagseselos sa mga kaibigan niyang lalaki."

"Hindi kita pinagseselos! Nandyan lang talaga sina Geoff at Alfred para damayan ako."

"At alam mong mabilis nga akong magselos kapag sa'yo. At ngayon, parati mo pang ipiningangalandakan sa'kin na mas kailangan mo sila kaysa sa'kin. Kahit pa kaibigan mo sila, masakit sa'kin na mas alam nila kung anong nararamdaman mo at tumatakbo sa isip mo. Habang sa bahay, magkatabi nga tayong natutulog pero ang layo-layo mo naman," lumungkot ang tinig nito at mas humina ang boses. "Your coldness is killing me, baby," nahihirapang sabi nito.

Napayuko siya. "You know where I'm coming from, Terrence. And when I met you, I always looked up to you. I trusted you more than myself. Intindihin mo rin sana ako. Hirap pa 'kong i-live up ang mga natutunan ko noon about love and about faith. Hindi pa 'ko ganoon katatag." Then, she walked away from him...

Napabuntong-hininga si Eunice. "Alfred, alam mo bang naisip kong lumayo?"

Sumandal ito sa kinauupuan. "Lumayo? Gaano kalayo?"

She shrugged. "Let's say... Paris?"

Napakunot noo nito. "Kahit kailan, hindi naging solusyon ang pagtakbo sa problema. Isa iyan sa mga natutunan ko. At alam kong alam mo iyon."

She pouted. "Kaya nga hindi ko rin tinuloy. Kahit pa may naghihintay sa'king career doon." She let out a breath. "I wanted to reconcile with Terrence. Because love is like that. And we should always work out this marriage. Pero kasi, sarado pa ang isip ko, ayokong ma-pressure na kaya kailangan ko siyang patawarin agad kasi mag-asawa kami. Ayokong mapilitan lang. Gusto kong maintindihan talaga. Mali ba iyon?"

Tinapik-tapik nito ang kamay niya. "Masyado ka pa kasing bata para mag-handle ng kasal. Pero, edad lang naman iyan. Maturity ang dapat basehan. Alam mo, nang pinayuhan mo 'ko noon tungkol sa malaking kasalanan ko, para kang anghel. Ramdam ko, parang mas matanda ka pa sa'kin. Mas nauna kang patawarin ako kaysa sa sarili ko. Kaya masasabi 'kong okay lang ang maturity level mo. Sa nakikita ko naman ngayon..."

"What?"

"Level ng paniniwala mo sa Diyos ang tumatagilid."

Nangalumbaba siya. "I know..." mahinang sabi niya. Noong na-comatose si Terrence noon, ang talagang natutunan niya ay ang pangako ng Diyos sa lahat nang nagmamahal Rito na 'All things work together for good'. He is love and He made life. Eunice held onto that. And she must admit, her faith was shaken because of what happened.

Minsan lang nagkamali si Terrence but it really blew her hard. And when you're hurt and your faith is not yet that strong, makakalimot ka na may Diyos pala. At ganoon mismo ang nangyari sa kanya.

"Naalala mo iyong sinabi mo sa'kin noon sa ospital?" untag ni Alfred.

Umiling siya. "What is it?"

Napangiti ito. "Sometimes, we must hurt in order to know, fall in order to grow..."

"Lose in order to gain, because most of life's greatest lessons are learned through pain..." patuloy niya.

"Noong sinabi mo iyon para akong nabatukan ng malakas, eh. Kasi totoo. Kapag natatalo, nakakakuha tayo ng experiences. Kapag natutumba, natututo tayong tumayo. Kapag nasasaktan, natututo tayong maging matibay. Alam ng Diyos na hindi kakayanin mabuhay ng mahinang tao sa mundo na 'to. Kaya sadyang hinahasa Niya tayo para mas maging matatag na tao."

She smiled. Warmth covered her heart that instant.

"Lagi kong tinatandaan iyon, Eunice, para mas maintindihan ko kung bakit kailangang mawala si Rachelle sa 'kin agad. Alam nating lahat na may rason, eh. Kaya kahit masakit pa rin na wala na iyong taong mamahalin ko habang buhay, nagpapatuloy ako dahil sa anak ko. Natuto kaya ako sa mga sinabi mo sa'kin. Naging inspirasyon ko rin kayong mag-asawa dahil sa mga pinagdaanan niyo. Iyong hindi kayo sumuko. Hindi mo sinisisi ang Diyos kung bakit ganoon ang nangyayari."

Niyukyok niya ang ulo sa ibabaw ng lamesa. She's started silently crying.

"Pagsubok lang 'to, Eunice. Sa inyong mag-asawa. Para mas tumatag pa ang paniniwala niyo sa Panginoon. Pagsubok lang rin 'to sa'yo, para mas matututo kang kumapit sa Kanya. Sabi mo pa, mas malapit ang Diyos sa mga nasasaktan at naghihirap ang kalooban." Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. "Kapag lumapit ka, papatatagin ka Niya. Totoo iyon. Sa'yo ko rin nakuha iyon."

"Terrence told me that."

"Saludo ako kay Terrence. Kasi nilalapit ka niya sa Diyos. Kung titimbangin nga ang kabutihan at pagmamahal niya sa'yo, walang-wala ang nagawa niyang kasalanan ngayon."

She sobbed. "He lied to me..."

"Inamin niya naman iyon, di'ba? At alam niyang mali iyon. Humingi siya ng tawad, sabi mo. Ngayon, pakikinggan mo lang ang rason niya kung bakit kailangan niyang magsinungaling."

"Gusto kong marinig ang paliwanag niya kapag bukas na ang isip ko. Kapag ready na 'kong tanggapin lahat ng sasabihin niya."

Tinititigan siya nito. Naglabas ito ng panyo sa bulsa at pinahiran ang mga luha niya. "Hindi pa huli na magdasal ka. Hayaan mong buksan ng Diyos ang isip mo. Para ang pagtanggap at pagpapatawad ay maging madali na lang para sa'yo."

Lalo siyang naiyak. Lalo kasing tumagos iyon sa puso niya. She felt guilty that she almost lost her faith when she needed it the most.

The only comfort and peace that she can find is when she let God take all her pain away.

It's really a tough thing to trust something to a God that she can't even see. But true faith is not "to see is to believe". She had to believe first, so she can able to see how God works wonderfully.

❤❤❤

PAG-UWI ni Eunice ng bahay ay wala pa ang asawa niya. Ang sumalubong sa kanya ay ang mga biyenan niya.

"Mama, Papa!" bulalas niya nang makita ang mga ito sa sala. "Kanina pa ba kayo?"

"Kaninang hapon lang. Buti at nandito ka na. Kanina ka pa namin hinihintay." Mabilis siyang niyakap ni Mama Theresa. "Kumusta ka na, anak?" anito habang hinahaplos ang pisngi niya. Mukhang kahit nasa malayo ito ay alam na ng mother-in-law niya ang nangyari sa kanila.

She smiled at her. "I'm feeling much better now, Mama."

"Are you sure. Kinakausap mo na ba si Terrence? Nakuwento niya sa'kin lahat ng nangyari."

"Susubukan ko na pong makipag-usap mamaya."

Ang laki ng ngiti ng kanyang biyenan. Niyakap pa siya ulit nito nang mas mahigpit. "Oh, I know that you'll eventually do that. Alam kong magkakaayos din kayo."

Sumunod na binati siya ng ama ni Terrence. "Nagkita na rin tayo ulit. Ang pinakapaborito at pinakamagandang manugang ko."

She hugged her father-in-law. "Ako lang naman po ang manugang niyo," natatawang sabi niya.

"Exactly. Kaya nga paborito kita."

"Ikaw talaga, Papa. Buti po at napadalaw kayo?"

"Ah, gusto namin makita at makilala si Cyla. Tumawag sa'min si Terrence, the day after he went home from Australia. We were shocked as he said the news, but, we just have to accept it. And we're worried about you..."

"Okay na po ako, Papa, Mama. I was enlightened, again, kani-kanina lang. At... sa tingin ko po, oras na rin para magkausap kami ng maayos ng asawa ko. Sa mga ganito pong panahon mas kailangan namin ang isa't isa," aniya sa mga ito. Before she went home, she had a quiet time inside her car. She cried one last time as she prayed. She prayed for strength and more maturity to understand Terrence and their situation right now. She asked for an open heart so she can forgive.

Amazingly, after that long prayer, she began to feel lighter. Kung kaninang umaga ay clouded pa ang pag-iisip niya, ngayong gabi, it was such a wonder to find herself smiling and ready to talk with Terrence. Now, she's really ready for the "kiss and make up" part.

"What a tough lady you are," Mama Theresa said. Hinila siya nito sa sofa at magkatabi silang naupo. "Hija, humihingi rin ako ng paumanhin sa nagawa ng anak ko. Kahit ako nagagalit sa kanya. Pero, tapos na, eh. Nagkamali siya sa paglilihim. Nasaktan ka na. Hindi na natin maibabalik."

She knowingly nodded. "Kaya ko naman pong patawarin si Terrence. Tama na po iyong mga nilaan kong araw para humupa ang sakit. Para bumaba rin po ang emosyon. Napag-isip-isip ko rin po na ang marriage is not always a bed of roses."

"Tama iyan, anak," singit ni Papa Enzo na tumabi rin sa kabilang bahagi niya. "Bago pa lang kayong mag-asawa pero nasusubok na kayo... Actually, mas marami pa kayong pagdadaanan na mas malala pa rito. Darating ang oras na ikaw naman ang mali at siya ang masasaktan. Meron ding oras na parehas kayong magkakamali, magsisisihan, mag-aaway hanggang sa pareho niyo nang nasasaktan, emotionally, ang isa't isa. There will come a time that you'll think of separating and just letting go."

"Coming from us na thirty years nang kasal, staying in love and keeping the marriage work is very tough," dagdag pa ni Mama Theresa. "It's a very rough road! But then, there's God. You and Terrence were married for a reason. You were in love with each other for a reason. Use your marriage to be a blessing to anyone who needs it. Never give up on each other."

"Trials are tests of faith-your faith as an individual, and your faith as a couple. All of these will make you mature and tougher."

Napasandal siya sa upuan at napatakip ng pisngi. "Pinapaiyak niyo naman po ako, eh. Kakaiyak ko lang rin po kanina."

Naramdaman niya na niyakap siya ni Mama Theresa. Inakbayan naman siya ni Papa Enzo. "We love you, Eunice. Anak ka na rin namin kaya kapag may problema kayong mag-asawa, puwede niyo kaming tawagan."

Ibinaba niya na ang mga kamay at parang batang yumakap sa mga ito.

Is she blessed or is she really blessed to have loving in-laws like them? Bigla niyang na-miss ang mga magulang niya na matagal nang nawala sa kanila ng Kuya Eugene niya. Sigurado, kung buhay man ang mga ito ay ganitong payo rin ang ibibigay sa kanya ng mga ito. She also missed her favorite uncle, Daddy Johnny. Alam niyang busy na rin ang uncle niya dahil sa mga apo nito sa long-lost son nito. But she'll pay him a visit one of these days.

"Lola, Lolo, I took a bath already!" Nakangiting lumapit sa kanila si Cyla na halata ngang bagong ligo pa lang. "Mommy! You're home!" Tumakbo na ito at mabilis na kumandong sa kanya.

Cyla looked so happy as she looked at her. "Lola, Lolo, Mommy showed me this morning how to make a dress."

"That's nice, apo! Mommy Eunice is really good in making clothes."

"Yes! And there's many many pretty dresses upstairs. I will make one also when I grow up. Right, Mommy?"

She held her by the waist. "Right, baby," she answered, smiling at her. Bigla niyang naalala na nakita niya na kanina ang totoong ina nito. And by the looks of Frances na parang hindi man lang nakokonsensya na basta na lang nito inalis ang anak sa buhay nito, her heart just easily went for Cyla.

Suddenly, she understood why Terrence decided to take Cyla home.

Naramdaman niya ang pagdantay ng kamay ni Mama Theresa sa balikat niya. Napatingin siya rito.

"Mabuti't tanggap mo ang bata."

She smiled and nooded. If she can accept and love Renz, si Cyla pa kaya na totoong anak talaga ng asawa niya? "Honestly, noong una, hindi ko pa po masyadong matanggap. I was hurting and being unreasonable. But now, wala talagang rason para hindi ko tanggapin si Cyla sa buhay ko, sa buhay namin ni Terrence. She deserves love. And I-I'm willing to give it to her." Parang maiiyak na naman siya. The things she realized overwhelmed her.

Now, she can't wait for Terrence to come home so they can talk, settle their issues, forgive each other, kiss, and...probably, make love.

Ngunit, natapos na ang dinner at nakaalis na ang mga biyenan niya ay hindi umuwi si Terrence. Tumawag ang sekretarya nito para sabihing nagkaroon ng emergency board meeting ang kompanya kaya masyado nang gagabihin si Terrence sa pag-uwi.

Gayunpaman, Eunice patiently waited for her husband to come home. Pagkatapos niyang asikasuhin si Cyla sa pagtulog ay pinilit ni Eunice na hindi makatulog.

But that day was very tiring for her. Hindi niya na namalayan na nakatulog na siya kahihintay kay Terrence.

Nagising na lang siya kinabukasan na nakita si Terrence na nag-eempake ng mga gamit nito!

Mabilis siyang napabalikwas nang bangon. "Terrence! W-Where are you going?" tanong niya agad rito. "Why are you packing your things? Iiwan mo na ba 'ko?" she panicked.

Napalingon ito sa kanya. "You need space and time, right?" His face void of any emotion.

Biglang pumasok si Cyla sa nakabukas na pinto. Nakabihis ito at may pink backpack sa likod. "Papa, are we going already?"

"Yes, baby. Aalis na tayo," sagot ni Terrence sa anak nito.

"W-Wait! Bakit aalis kayo?" Napatayo na siya at lumapit kay Terrence. Parang maiiyak na naman siya. Sumikip bigla ang dibdib niya. Iiwan na siya ni Terrrence dahil sa hindi niya pagpapatawad rito agad? "A-Are you going to leave me? Don't do this to me, Terrence," pagmamakaawa niya agad.

"Aalis kami. Pupunta kami sa malayong lugar ng anak ko."

"But, Terrence-"

He surprisingly grabbed her hand. "And you're going with us, baby."

Cyla held her other hand. "Come on, Mommy! We're going to paradise!"

Naguguluhang napatingin siya kay Terrence na nakangisi na. "W-What?"

"Aalis tayo, Eunice. We're going to a place where I can have your trust back," he sweetly said.

Napalunok siya. "T-Terrence..."

"Let's go!" Cyla happily said.

And off they went to paradise.


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
110K 5.2K 46
Condemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. ...
3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS
26M 785K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...