That Crazy Stalker

By CookiesNaMayCream

227K 4.9K 813

Zane Creed Zobel, a broken hearted girl who is trying to move on to her ex boyfriend named "Ziggy Andrew Alva... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17 University Week
CHAPTER 18 University Week (Unang pasabog!)
CHAPTER 19.2/2
CHAPTER 20 - MALDIVES
IMPORTANTENG ANUNSYO
CHAPTER 21 MALDIVES PART 2
CHAPTER 22 MALDIVES PART 3
CHAPTER 23 LAST MALDIVES (Pasabog)
CHAPTER 24
CHAPTER 25 "Mahal Ko" Official
Chapter 26
CHAPTER 27 "Team RARA vs Team Thomas"
MAHALAGANG ANUNSYO!
CHAPTER 28
CHAPTER 29 First Kiss
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35.1
CHAPTER 35.2
Author's Note
CHAPTER 36
CHAPTER 37
Author's Note
EPILOGUE
That Crazy Ex Girlfriend Teaser Video
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE
CHRISTMAS SHORT STORY CONTEST

CHAPTER 19.1/2 UNIVERSITY WEEK (Ikalawang PASABOG!)

4.3K 111 19
By CookiesNaMayCream

A/N Juice Colored! Maraming salamat po sa nag aabang ng update ko! Sobrang natutuwa po akong mag basa ng mga comment nyo at walang sawang pasasalamat ko po dahil dyan. Sa mga silent readers ko pero sobrang mag ingay sa twitter hahahaha! guys salamat din sa inyo! hinding hindi ako mag sasawang replayan lahat ng tweets nyo! at i followback kayo. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong umaasa na mas dadami pa ang mga STALKIES! Hahahaha

STALKIES daw ang tawag satin! Wag na aangal okies hahaha! 

Sorry din kung naging busy ako kasi ginawa ko yung kwento ng bulaklak! Hahaha sa mga hindi pa nakakabasa nako basahin nyo na! Ilang galong luha na ang naipon nun 

Ayun hindi ko na papahabain kasi mahaba na kaya game na UD na us! (Sorry sa mga hindi ko na rereplyan minsan, kasi guys minsan hindi na nag loload yung iba hahaha! MAHAL NA MAHAL KO KAYO! Keep Stalking STAKIES!

Sorry sa errors guys! aayusin ko lahat ng error kapag natapos na to okeys? XOXO!

------------------------------

THOMAS ALCANTARA POV

Dumating na ang time na makukuha na namin ang mga date namin, naknampucha ano? baklang bakla date hahahaha!

"Pre halika na i date na kita" sabi ko kay RARA matapos kong bayaran ang fee sa buy me event kanina

"Pssh! ang baboy pakingan Thomas!" nang didiri naman na sabi nya

"The Super hot ALCANTARA pre, wag na wag mong aalisin yan sa pangalan ko!" pangunuglit na sabi ko naman, dinadaan ko nalang sa ganyan ang kaba ko. Ang kaba ko na baka bukas makalawa pareho na nilang malaman kung sino at ano ba ang koneksyon nila sa isat isa

"Hangin mo talaga noh? alis na ko sama na ko kila Skye" sabi ni Zane

"Hindi ka aalis, alam ko naman gusto mo maka date si Rara e ahahahha kaya sige na kasama ka sa date namin, at wag mo na samahan si Skye! May date sila ni Sean si Max naman may date sila ni Ar-ar at si Kristina, hmmm si Kristina? teka, hahanapin ko muna pake ko kay Kristina" sabi ko naman

"Ang sama mo sakanya!" sabi naman nya

"Isama nalang kaya natin si Kristina pre?" sabi naman ni rara

"Ayoko! mag dadate nga kayo ni Zane! tas ano? date ko si Ngangabu? no way pre" sabi ko naman, ganyan ko kamahal si Zane, handa kong ibigay lahat ng bagay na ikakasaya nya kahit na masaktan pa ako, basta alam ko na nandyan lang sya sa tabi ko okay na ko kahit yung mata nya nakatingin parin sa iba.

"Ehhh hindi naman kami mag dadate, kayo ni Rara ang may date! Bading ka kasi e binili bili si Rara" sabi ni Zane

"Zane kung gusto mo makita ABS ko di mo na kailangan mag parinig na bading ako." sabi ko naman

"Signal no 3" sabi naman ni Zane, psh? ganun na ba kahangin? honest lang naman e

"Ohhh sige na mag date na kayo" sabi ko naman

"Hindi ka sasama?" tanong ni Rara

"Hindi na pre, nakaka diri e hahaha saka malaki naman tiwala ko sa Zane Creed oh so beautiful Zobel ko hahaha ngayon pa nag tapat na ng pag ibig ang gwapong kagaya ko!" sabi ko naman ulit. Hayks! Kanina nung binili ko si Rara takot na takot talaga ako na mag karoon ng chance si rara na malaman na si Creed ang talagang Zobel na kababata namin at hindi si Quinn. Pero habang tinitignan ko si Zane alam kong nanghinayang sya, hayks hindi ko kasi talaga sya matiis, kaya ayan kahit masakit!

"Ohh sya pre alis na kami" sabi ni Rara at umalis na sila, umalis sila pero syempre! Susunod ako sa ayaw at sa gusto nila, ng hindi nila nalalaman. Psh para naman akong stalker nito e! 

----

ZANE POV

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Rara ng makarating kami sa parking

"Hindi ko alam, saan mo ba gusto?" batid ko na hindi sya masaya na ako ang kasama nya, siguro mas magiging masaya sya kung si Quinn ang kasama nya at hindi ako

Pero nakita ko kung paano alalayan ni Ziggy si Quinn papasok ng sasakyan, oo nga pala sila ang may date ngayon. Pero yung sasakyan ni Ziggy, parang bago, pero parang nakita ko na kung saan

"Alam ko na! sundan nalang natin sila Quinn"sabi ko naman na naka ngiti na parang chinecheer sya

"sure ka? si Ziggy kasama nya" sabi naman nya na parang nag dadalawang isip 

"Oo sure ako!" sabi ko naman

Hindi muna kami sumunod at medyo nag pahuli kami para hindi naman nila mahalata, familiar sa akin ang lugar na tinatahak namin pero nag sa walang bahala nalang muna ako dahil baka hindi naman papunta doon yung dalawa, dahil napaka imposible

"Ano ang mga nagustuhan mo kay Quinn?" wala sa sariling tanong ko

"Hmm, bata palang kami gusto ko na sya. Gusto ko yung mga mata nya na kapag binilhan mo ng cookies and cream icecream biglang kumukutikutitap, gusto ko yung tawa nya, yung tawa nya na mahinhin pero pati ako madadala ng tawa nya, gusto ko yung itchura nya kapag nag tatampo sya, gusto ko yung ngiti nya kapag kinakantahan ko sya, actually gusto ko lahat sakanya" sabi nya at saka ako nalungkot ng sobra, parang kahit isa walang inayawan si Rara kay Quinn, sakin kaya? may mga bagay kaya syang gugustuhin

"Gusto ko din yung pagiging matakaw nya sa patatas, gusto ko din yung itchura nyang kumain ng kanin na punong puno ng mashed kalabasa, gusto ko ultimong pamumula nya kapag nakakain sya ng hipon" sa sinabi nyang yun, parang naisip ko, ako din! Yun yung mga bagay na ginagawa ko! Pwede nya din akong magustuhan kung yun ang gusto nya kay Quinn, pero naisip ko, may isang bagay na wala ako HINDI AKO SI QUINN!

"Yun yung mga gusto ko sakanya NOON, pero parang wala na sakanya ngayon" sa sinabi nyang yun napatingin ako sakanya na nag iisip

Maya maya pa ay napunta kami sa lugar na pamilyar na pamilyar sakin, bumaba si Quinn at Ziggy sa sasaknya, pamilyar sakin ang lugar na yun at hindi ako pwedeng mag kamali

Ang lugar kung saan ko unang nakilala si Thomas ang lugar kung saan malapit ang bahay ng lolo ko nung nabubuhay pa sya

Ang bahay ampunan kung saan galing si Quinn

"Anong ginagawa nila dito?" wala sa sariling tanong ko

"Hindi ko din alam pero mas magandang wag na tayong bumaba para hindi nila tayo makita" sabi ni Rara

walang gate ang bahay ampunan na ito dahil nasaloob ito ng Village na pag mamay ari ng lolo ko, malapit dito ang bahay ni Lolo ang bahay kung saan ako lumaki at ang bahay kung saan una kong nakasama si Quinn nung ampunin na sya nila Tito.

Maliit lamang ito at may magandang play ground sa harap, nung namatay si lolo ay inilipat ang mga bata sa charity namin nila Daddy

Dito ko unang nakilala si Thomas

"Alam mo dito ko unang nakilala si Quinn"sabi ni Rara, dito? dito din?

"Talaga paano?"tanong ko naman, hindi ko madirecha ng tanong si Rara dahil baka isip nya naman chismosa ako masyado

---------------

RARA POV

"Alam mo dito ko unang nakilala si Quinn" sabi ko kay Zane habang naka tingin kay Quinn at Ziggy na parang nag kwekwentuhan at nag kaka siyahan. Naging close sila ni Quinn? Hindi malabo dahil dito din naman kami naging mag babarkadang tatlo nila Thomas

"Talaga paano?" tanong ni Zane sa akin, napangiti ako habang tinititigan si Quinn at saka ko naalala ang lahat

FLASHBACH (Ohhh guys ready na? IKALMA NYO!!! KUMAPIT TAYONG LAHAT!!! haahaha)

Mag kaibigan na kami ni Thomas noon dahil magkaibigan din ang parents namin, bestfriend si Mama at ang namatay na nanay ni Thomas, ang tunay na nanay ni Thomas. Nasa isang event kami kung saan nag sama sama ang tatlong pamilya upang itayo ang isang bahay ampunan sa Village na pag mamay ari ng Matandang Zobel. Ito ang sign of partnership ng ZOBEL - ALCANTARA - LOPEZ

Nag lalaro kami ni Thomas noon ng may 3 bata  na kasing edad namin ang lumapit

"Hoy mga batang mayayaman anong ginagawa nyo sa play ground namin" maangas na tanong nila sa amin, hindi naman kami sanay sa basag ulo o kung ano mang away ni Thomas

"Gusto nyo bang sumali nalang sa amin makipag laro" sabi ni Thomas habang kumakain ng Chocolates nya

"May playground naman kayo sa mga bahay nyo pati ba naman to aagawin nyo?" sabi nung isa pa sa tatlong bata

"Bibigyan ko kayo ng chocolates basta makipag laro nalang kayo samin" sabi ulit ni Thomas

"Ayaw namin! Teretoryo namin to umalis kayo" sabi nung bata sabay hinila si Thomas dahilan para matumba sya

"Grabe naman kayo makatulak, masakit yun!" sabi ni thomas

"Sa taba mong yan nasaktan kapa?" pang aasar nung isang bata saka pinag tawanan si Thomas

"Halika na Thomas hayaan na natin sila" sabi ko naman, bata palang ako hindi na ako sanay na maging pala salita, mas gusto kong tahimik lang madalas

"Ayoko gusto kong mag laro Ryder" sabi ni Thomas na maiyak iyak na

"Ayaw mong umalis ha" sabi nanaman nung isang bata saka sinapa si Thomas

"Aray naman! Yung chocolates ko!" sabi ulit ni Thomas

"Kaya ang taba taba mo e puro ka chocolates!" sabi nung isa pang bata

Mangiyak ngiyak na si Thomas nung araw na yun kaya nilapitan ko sya

"Wag ka ng umiyak" sabi ko sakanya, si Thomas ang nag iisang kaibigan ko, sobrang close kami at mas ka close ko pa sya kesa kay Reaker "Bat ba ang dadamot nyo kung tutuusin naman kami ang nag pagawa nito" maangas na sabi ko sakanila

"Aba! at talagang aangas kapa ha" sabi nung pinaka malaki sakanila saka ako sinuntok, suntok pambata lang yun pero masakit!

"Ano lalaban pa ba kayong dalawa?" sabi ulit nung batang feeling leader sakanila

"Hooooooooooooooooy! anong ginagawa nyo" biglang sigaw nung isang bata na feeling ko mas matanda samin dahil mas matangkad sya at mas mukang kuya namin

"Sino ka naman" tanong nung leader leaderan ng 3 bata, pero mukang natakot sya kasi mas malaki yung bata na sumigaw kanina

"Ako? ako ang kokonyat sa inyo pag di pa kayo tumigil alis!" sabi ulit nung bata na sumigaw

"Sinong tinakot mo?" sabi nung batang sumipa kay Thomas

"Ikaw! May nakikita ka bang di ko nakikita? ano aangal ba?" hamon ni Kuya

saka kumaripas ng takbo yung tatlo at bumelat pa

"Ok lang kayo?" tanong nya samin

"Oo kuya salamat!" sabi ni Thomas na tuwang tuwa palibhasa walang kapatid yan kaya tuwang tuwa kapag may bagong nakikilala. Friendly si Thomas hindi gaya ko na masungit, pero ayaw maki pag friend sakanya ng iba dahil daw mataba sya, hindi daw sya makatakbo pag habulan, natataya sya agad sa tagutaguan dahil malapad pa sya sa puno na tinataguan nya.

"Anong mga pangalan nyo?" tanong nung bata

"Ako si Thomas Blaze Alcantara, at sya naman si Rydel Axel Lopez" sabi naman ni Thomas

"Ahhh ako si Ziggy Andrew Lapaz! pero soon Alcantara na ako kapag kinasal na si Mama at Papa pero Chubz Lapaz ang tawag sa akin" sabi sa amin ni Chubz

"Friend ka na namin ha!" tuwang tuwang sabi ni Thomas, at saka kami nag larong nag laro ng araw na yun. 3 araw ang event at sa bahay ng mga Zobel kami matutulog ni Thomas

nung unang gabi ng natulog kami nag kulong lang kami ni Thomas sa loob ng kwarto namin kasama si Reaker nag laro lang kami ng Playstation nun at kung ano ano pa, kinabukasan nakita ulit namin si Chubz, Hindi namin masyadong nakakasama si Reaker dahil lagi syang nakabuntot kay mama

"Alam ko na since friends na tayong tatlo dapat may trademark tayo!" sabi ni Chubz

"Mag susugat ba tayo kuya Chubz at pipirma parang sa KKK?" tanong ni Thomas

"Hindi! mag palit palit tayo ng pangalan! Bagay sayo yung Chubz! Chubz Lapaz! tapos ako si Ryder Axel Lopez at ikaw naman" turo nya sa akin "Ikaw si Thomas Blaze Alcanta" sabi ni kuya chubz

"Ayh ayoko! bakit chubz ako! Ziggy nalang kuya maganda naman yung ZIggy" sabi ni Thomas

"Ehhh mataba ka Chubz ka nalang" sabi ulit ni Chubz

kaya simula nun nag palit palit kami, ang rule nun ayh kapag may bago kaming makikilala yun yung pangalan na gagamitin namin, 

Kinagabihan nun, huling gabi na ng pag tulog namin sa bahay ng mga Zobel kaya sabay sabay kaming nag Dinner

si Reaker ayh katabi ni mama at mag katabi naman kami ni Thomas

"Ito nga pala ang apo ko, ang nag iisang taga pag mana ng mga Zobel" pakilala ng matanda sa kanyang apo pag lingon ko nakita ko ang isang batang babae na kasing edad ko lang siguro. Kulang ang salitang maganda para sakanya dahil magandang maganda sya

Hanggang sa nung gabing yun nakipag kilala kami sakanya ako bilang si Thomas at si Thomas bilang si Chubz since tanda nga daw ng pag kakaibigan namin ang pausong switch names ni Ziggy. Simula nun lagi na kaming nag papahatid sa driver ni Thomas para pumunta sa batang babae na hindi ko na masyadong maalala ang pangalan, sa bakod nila may butas para daanan namin dahil ayaw namin na malaman ng mga magulang namin na dito kami pumunta ni Thomas.

Kung paano kasaya ang pag kakaibigan naming tatlo habang si Chubz/Ziggy naman ay hindi namin alam kung saan saan na nag pupupunta.

The rest are history

Nag kagusto kami pareho ni Thomas sa batang iyon, pero mas pinapansin nya ako kesa kay Thomas. Masaya sa pakiramdam pero ayoko kapag nag tatampo si Thomas sa akin, kaya nung isang araw napag desisyunan namin ni Thomas na babalikan namin ang batang Zobel kapag lumaki na kami

END OF FLASHBACK

"Ganon kami nag ka kilala ni Quinn" nilingon ko si Zane at parang gulat na gulat sya

Tinignan ko si ZIggy na akmang hahalikan si Quinn,  kaya dali dali akong bumaba ng kotse at sinapak si Ziggy

"Pucha naman ZIggy ano mag pipinsan ba talaga ang trip mo" sabi ko sakanya, ng makabawi ay ngumisi sya sa akin at mas lalong kinainis ko kaya sinapak ko ulit sya

"Lagi nalang ba ako masasapak, dati ako lang ang tumutulong sa inyo para hindi kayo masapak ahhh, bakit ngayon ako na sinasapak nyo?" sabi nya

"Rara anong ginagawa mo dito?" tanong ni Quinn sa akin

"Ako ata dapat ang mag tanong, bakit parang gusto mong halikan ka nga nya?" tanong ko

"Hindi nya ko hahalikan, hinihipan nya lang yung mata ko kasi ano... kasi napuwing ako" sabi ni Quinn kaya nawala ang tensyon sa pagitan namin

"Hahaha ako ang date ni Quinn pre so alis na muna kami ha" sabi ni Ziggy at hinila si Quinn palayo

"Mag usap nalang tayo mamaya Rara ha"sabi ni Quinn sa akin at sumakay sa sasakyan ni Ziggy

"ok kay lang?" tanong ni Zane na hindi ko napansin nasa likod ko na pala

"Oo ok lang ako sorry nabigla lang kasi ako" sabi ko

"Halika upo tayo dun" sabi ko ulit

"Mahal mo ba talaga sya?" tanong nya sa akin na hindi ko alam bakit ganun yung titig nya

"Oo, hindi naman ako magagalit ng ganun kung hindi e" sabi ko naman

"Paano kung hindi pala sya yung kababata mo, mamahalin mo parin ba sya?" napaisip ako sa sinabi ni Zane, minsan ko na ding tinanong ang sarili ko ng nakilala ko si Zane, inisip ko paano kung sya pala yung batang yun at hindi si Quinn. 

"oo" sagot ko nalang sakanya

"kung ganun mahal mo sya sa kasalukuyan hindi sa kung ano sya nung nakaraan"mapait na ngiti ni Zane at hindi ko alam kung bakit

"Siguro" sabi ko nalang dahil hindi ko na alam ang sasabihin

"Kung ganon sundan mo na sya, wag mo ng bigyan pa si Ziggy ng chance baka maagaw pa nya si Quinn" sabi ni Zane

"Paano ka?" tanong ko naman

"Pre ako na bahala" biglang lumabas si Thomas

"Kanina ka pa dyan?" tanong ko

"oo, kaya sige na sundan mo na sya" sabi ni Thomas at umalis ako at nginitian ko si Zane, kailangan kong sundan si Quinn kahit anong mangyari yan ang sabi ko sa isip ko

------------

ZANE POV

Kwinento ni Rara ang lahat, ang lahat lahat. Bumalik sa ala ala ko ang lahat, naalala ko ang nangyari, ako! Ako ang batang yon, gusto kong sabihin sakanya, ako yung batang hinahanap mo at hindi si Quinn mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. 

Saka lumabas si Rara sa kotse, kitang kita ko kung paano sya nag madaling lapitan yung dalawa, kitang kita ko ang selos at galit, kitang kita ko na mahal nya si Quinn at parte lang ako ng nakaraan, mahal nya si Quinn kahit walang ako sa nakaraan

"Pucha naman ZIggy ano mag pipinsan ba talaga ang trip mo"  sabi ni Rara kay Ziggy, kaya dali dali akong sumunod sakanila, nag ka tinginan kami ni Quinn. Madami din akong tanong noon pa man pero parang nalalaman ko din unti unti

"Lagi nalang ba ako masasapak, dati ako lang ang tumutulong sa inyo para hindi kayo masapak ahhh, bakit ngayon ako na sinasapak nyo?" sabi ni ZIggy

"Rara anong ginagawa mo dito?" tanong ni Quinn kay Rara na halatang nagulat din

"Ako ata dapat ang mag tanong, bakit parang gusto mong halikan ka nga nya?" tanong naman ni Rara at ramdam na ramdam ko ang selos nya, at ramdam na ramdam ko din ang selos ko, ako dapat yun! RARA ako dapat! 

"Hindi nya ko hahalikan, hinihipan nya lang yung mata ko kasi ano... kasi napuwing ako" sabi ni Quinn pero alam kong nag sisinungaling lang sya, pero napakalma nun si Rara, sa simpleng sinabi ni Quinn kumalma na agad si Rara

"Hahaha ako ang date ni Quinn pre so alis na muna kami ha" sabi ni Ziggy at hinila si Quinn palayo

"Mag usap nalang tayo mamaya Rara ha"sabi ni Quinn kay Rara at sumakay sa sasakyan ni Ziggy

"ok ka lang?" tanong ko kay rara kahit alam kong hindi naman sya okay, ako din kasi hindi okay e. Nung nalaman ko na ako yung batang yun gusto kong matuwa kasi may chance na ako, pero sa nakikita ko ngayon parang kailangan ko ng bitawan ang pag asa

"Oo ok lang ako sorry nabigla lang kasi ako" sabi nya

"Halika upo tayo dun" sabi nya ulit

"Mahal mo ba talaga sya?" isang tanong na alam ko na ang sagot pero gusto ko lang malaman galing sakanya, its more fun kapag nasasaktan e

"Oo, hindi naman ako magagalit ng ganun kung hindi e" diredirecho nyang sabi kaya napapikit ako, ninamnam ko yung sakin, yung pakiramdam na kinuha yung bagay na gustong gusto mo, yung dapat naman talaga sayo pero kinuha ng iba

"Paano kung hindi pala sya yung kababata mo, mamahalin mo parin ba sya?" nag babakasaling tanong ko sakanya, baka sakali naman na sabihin nyang hindi, baka sakali naman na sasabihin nya na mas gusto nya yung dati kesa yung ngayon. Pag asa! kahit konting pag asa lang ohh

"oo" sagot nya sa akin, ngumiti ako sakanya, ngiti na masaya pero nasasaktan. sabi nila hayaan mo yung taong mahal mo kung saan sya sasaya.

"kung ganun mahal mo sya sa kasalukuyan hindi sa kung ano sya nung nakaraan"mapait na ngiti habang sinasabi ko yun sakanya, mahal nya si Quinn kung ano sya ngayon, yun ang alam ko. Kahit wala pa yung ala ala ng nakaraan, Yung alaala ko sa nakaraan.

"Siguro" sabi nya

"Kung ganon sundan mo na sya, wag mo ng bigyan pa si Ziggy ng chance baka maagaw pa nya si Quinn" sabi ko sakanya, sa laro ng pag ibig uso ang tanga tangahan, bingi bingi-an at bigay bigayan. Handa mo syang ibigay sa iba basta masaya lang sya. 

"Paano ka?" tanong nya, AKO? inaalala mo ba ko? ni hindi mo nga ako naalala, hindi mo naalala ang pangalan ko. Basta alam molang batang Zobel, naalala mo yung mga bagay na ginagawa ko noon pero nag bulagbulagan ka kahit hindi mo nakikita yun kay Quinn ngayon? Inaalala mo nga ba talaga ako?

"Pre ako na bahala" biglang lumabas si Thomas

"Kanina ka pa dyan?" tanong ni Rara, hindi na ako nagulat na nandyan sya, lagi naman syang nandyan para sakin e

"oo, kaya sige na sundan mo na sya" sabi ni Thomas at umalis si rara, sana hindi sya umalis, sana tinanong nya manlang ako kung posible kayang ako yung batang yun since dalawa kaming Zobel. Pero hindi umalis sya. Dun ko na realize na hindi ang bata sa nakaraan ang minahal nya kundi ang Quinn sa kasalukuyan

"Sabi ko na nga ba dadating ka" sabi ko kay Thomas, si Thomas na laging nandyan kapah kailangan ko

"Kada iiyak ka naman dumadating ako" sabi nya

"Yun ba ang lagi mong sinasabi na "iba sa alam ko?"" tanong ko sakanya at tumango sya

"Ikaw si Chubz, sya ang Thomas na nakilala ko" sabi ko sakanya

"Galit ka ba sakin?" tanong nya

"Bakit naman?" tanong ko

"Dahil nag sinungaling ako" sabi nya

"Hindi ka naman nag sinungaling, hindi mo lang sinabi" sabi ko sakanya

"pero may karapatan kang malaman" sabi nya naman

"Mahal mo talaga ako noh?" tanong ko

"Mula pa noon kahit may Rara na noon at may rara parin hanggang ngayon, First Love never dies?" sabi nya

"True love never dies" sabi ko naman

"Nung una ayaw kong sabihin dahil natatakot ako na kapag may Rara nanaman ichapwera nanaman ako: mapait na sabi nya

"Pero nung tumagal, ayaw ko ng sabihin dahil natatakot akong baka masaktan ka" sabi nya at tumingin sakin

"Bakit hanggang ngayon gusto mo ko?" tanong ko sakanya

"True love" sabi nya at ngumisi

"Mahal nya si Quinn at hindi ako na galing sa ala ala ng nakaraan" sabi ko sakanya

"paano mo naman nasabi" tanong nya

"Dahil hindi manlang sya nag dalawang isip na pwedeng ako yung Zobel na hinahanap nya" sabi ko naman

"hindi kasi ugali ni rara mag tanong e"sagot nya

"Anong nangyari sayo CHUBZ" pag iiba ko ng tanong dahil masyado na akong masukista kakaisip kay Rara

"Inubos ko lahat ng chocolates ko at hindi na ko nag pabili, para maging macho na ako gaya ng sabi ko sayo. Ginawa ko lahat para higitan si Rara, Chess ang gusto kong laro pero dahil magaling si rara sa basketball mas ginalingan ko mag basketball kaya nga ako ang Captain dati pero ngayon sya na. Gusto kong sumayaw pero dahil lagi ka nyang kinakantahan noon at tuwang tuwa ka nag aral akong kumanta, gusto ko ng drums, pero dahil pinangako nya na mag aaral sya mag gitara mas nag aral ako at ginalingan ko para matalo sya. Lahat ng bagay ginawa ko para matalo sya kahit minsan nag kukusa nalang syang mag patalo, pero sa isang bagay talaga, sa isang bagay na yun ko sya di matatalo, SYA ANG FIRST LOVE MO" sabi nya

"Pero hinahanap ko pa ang true love ko" sabi ko at saka ako ngumiti sakanya

A/N Guys!!!!!!!!! Inaantok na ako hahahahahaha may karugtong pa sana to pero bukas ko nalang i popost, bukas ng gabi promise pero i popost ko na to ngayon para may mabasa kayo. Pero aminin nyo naman! kabog na itooo! Bukas i popost ko yung katuloy nito yun yung sa (UNIVERSITY BALL NA) tapos nun Madives na guys! Nandun na ang pangatlong pasabog kaya kapit lang! feeling ko ilang chapter nalang matatapos na to tapos book 2 na!

Team Thomas wag muna pakasaya! =))) Hindi pa alam ni Rara na si Zane yung batang Zobel

at Team Rara wag muna malungkot! hindi pa tapos ang laban! =))))

Peroooooooooo guys! Team Rara ba o Thomas? hindi ko din alam sino makakatuluyan ni Zane!!! Hahahaha

Ayun! Tweet nyo ako @Lhaieofficial

Promise bukas i popost ko yun katuloy nito

CHAPTER 19.1/2 muna ito yung bukas CHAPTER 19.2/2 orayts? Goodnight

Continue Reading

You'll Also Like

104K 2.6K 38
Makalipas ang limang taon, muling nag balik si Zane Creed sa Pilipinas. Sa kanyang pag babalik she also want to start a new beginning with her ex bo...
370K 5.8K 43
Simula pa noong mag-college si Lara wala na siyang ibang nakasama kung hindi si Kevin na boyfriend nito at si Chelsea na best friend. Sa kanilang dal...
217K 6.1K 38
"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pina...
18.8M 422K 44
Hurt from her previous relationship, Lana Lopez does her best to avoid falling for unreachable playboy Zeo Alcante. But when they both acknowledge th...
Wattpad App - Unlock exclusive features