Your Childish Girlfriend

Por Pingisme

9.8K 539 9

A girl named Zaya Rosevelle Delfino, a very childish girl who fell inlove with Kim Betelgeus Mirafuentes. It... Mais

Your Childish Girlfriend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 89.1
Chapter 89.2
Chapter 90
Epilogue

Chapter 24

85 7 0
Por Pingisme

Gumising ako ng maaga upang makapaghanda na. Gustong-gusto ko na kasing pumasok para makita ko si Kim. Di ko nalang inaalala ang problema namin ni Mamay dahil ma'depress lang ako. Di pa rin kami nag-uusap. So eto ako sinisikap na maging ok. Pero naging ok na rin ako dahil kay Kim. He's a god send to me.

Nagbibihis na rin ako ngayon at pagkatapos ay nagsuklay. Tinalian ko ang buhok ko para maging mas maganda ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at sinuot iyon at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko si Mamay na nilapag ang pagkain sa hapag. At si Kuya naman ay nakaupo at nakapagbihis na ng uniporme.

"Kuya alis na ako" paalam ko at lalabas na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Kain ka mo na rito Zaya" seryuso niyang sabi.

"Ahm busog pa ako sa school nalang ako kakain"

"O, sige pupuntahan kita sa classroom mo"

Tumango lang ako at tinalikuran sila. Nakatunganga lang si Mamay kanina habang nakinig sa amin ni Kuya. Di rin ako nanghingi ng baon. Dahil may ipon naman ako. Dahil sa panlilibre ni Kim sa akin. Kaya nakapag-ipon ako.

Nang makarating ako sa eskwelahan ay bumuntong hininga ako at ngumiti. Ilang araw rin kasi akong absent. Ngayong lunes ko lang naisipan na pumasok.

Naglakad ako papasok ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. At nakita kong may text si Daisy sa akin.

Daisy: Nasa gymnasium kami. Magpapractice na simula ngayon.

Ako: Ok I'm on my way.

Dali-dali naman akong naglakad papunta roon. Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang mga kaibigan ko na nakauopo sa bleachers. Agad silang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"Namiss ka namin Zay" ani Reigna.

"Namiss ko rin kayo" nakanguso kong sabi.

"Group hug....group hug!" sambit ni Louisse.

At nag group hug kami at nagtawanan.

Naalala ko yung sinabi ni Kuya sa akin na pupuntahan niya ako sa classroom ko kaya tinext ko siya.

Ako: Kuya, wag ka sa classroom pumunta. Nasa gym kami ngayon for the practice. Boung araw kami dito.

Pagkatapos ay nakisali ako sa mga kaibigan kong nag-uusap at nagtawanan.

"You know what Zay. Palaging pumunta si Kim sa classroom natin" kinikilig na sabi ni Ellie at tumalon-talon.

"Really?" tumaas ang kilay ko at ngumiti.

"Sabi na nga ni Ellie diba? Uulitin pa niya?" pilosopong sabi naman ni Breah.

Hinampas ko siya sa braso."Panira ka talaga" inismiran ko siya.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Baka si Kuya na ito. Kaya dali-dali kong kinuha sa bulsa ko.

Kuya Zian Rumylle: Nandito na ako. I saw you with your friends.

Inilibot ko ang mata ko kung nasaan siya. Di ko siya nakita.

Ako: Where are you? Di kita makita.

Nakakuot ang noo kong tiningnan ang cellphone ko. Nang bigla akong kinalabit ni Joanna.

"Si Kim ang hinanap mo? Don siya oh" turo niya sa upoan na na kaharap namin at nakita ko naman siya.

"Hindi si Kim ang hinanap ko. Kung di ang Kuya ko!" malakas na sabi ko. At napalingon si Breah sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. At umiwas naman siya. Ano kaya ang meron nitong dalawa. Malalaman ko rin hahaha. Natatawa ako mag-isa. At nag vibrate ang cellphone ko.

Siya: Nasa pintoan ako.

Nang tiningnan ko naman ang pintoan sa may entrance. Ay nakita ko nga siya. Nakatayo, sumandal sa pintoan at nakapamulsang nakatitig sa amin.

Ako: Lumapit ka rito!

Tinitigan ko siya pagkatapos mag reply. Kahit malayo siya nakikita ko parin kung nasaan siya nakatingin. Kay Breah siya nakatingin.

Bad ka Kuya akala ko. Ako ang tinitigan mo!

Naglakad naman siya papunta sa amin. At malamig parin ang titig niya at nakapamulsa parin. Ang gwapo talaga ng Kuya ko. Kaya nga madaming nagkakagusto niyan eh. Ako lagi ang nilalapitan ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya or si Ate Zen. Pero sinusungitan sila nito kaya ako lagi ang lalapitan nila.

Nang makalapit siya ay tumayo ako. At lumapit sa kanya. Nagtaas ako ng kilay at nag cross arm dahil nakay Breah parin ang tingin niya. At si Breah naman ay lumingon sa kanya at umiwas. Natahimik naman kaming magkaibigan.

"Kuya!" sigaw ko. Kaya napabaling na siya sa akin at seryuso akong tiningnan."ako ba talaga ang pinunta mo rito? Or yung iba jan?" nakataas parin ang kilay ko at ngumiwi.

"O, binigay ni Mamay" nilagay niya sa kamay ko at tinalikuran ako.

"Kuya wait!"

Huminto siya at lumingon sa akin. At malamig na naman niya akong tinitigan.

"Ok go....sungit!" pahabol kung sabi. Pero patuloy parin siyang naglakad. Hanggang sa nakalabas na siya.

Bumaling ulit ako sa mga kaibigan kong nakanganga ngayon. Na nakatitig sa pintoan na nilabasan ni Kuya. Biglang tumili si Daisy.

"Kyaaaaa!.....ang gwapo talaga ng Kuya mo. Mukha siyang si Deib Lohr. Yung character na binasa natin sa wattpad? Kyaaaaaa oh my ghad" malakas na tili niya.

Napatawa naman akong nakatitig sa kanya. Nakisali na rin ang iba naming kaibigan. Si Breah lang ang walang reaksyon. Nakatunganga lang siya at nakaupo. Tinabihan ko siya.

"Wag kang magpa uto kay Kuya. Babaero talaga yon" sabi ko at inakbayan siya.

"Anong pinagsasabi mo?" walang emosyong sabi niya. At nakatitig parin sa kawalan.

Di ko alam kong anong nangyari sa kanila ni Kuya. Pero ang tanging alam ko lang ay may namamagitan sa kanila. Gusto kong tanungin si Kuya or si Breah pero di ko magawa. Baka masyado lang akong nakialam.

Yon lang ang palagi kong iniisip. Hanggang sa nag simula na ang practice. Pinalabas kami para magpractice. Kung paano makarating sa upoan. Sobrang init kaya naghanap kami ng puno na masisilongan. Timing na nakatabi ko si Breah at umopo kami sa damo.

"Breah, nag-away kayo ni Kuya?" tanong ko nang di siya tiningnan. Nakatingin lang ako sa iba naming kaklase.

Bumuntong hininga siya."Eh.....kasi yang Kuya mo....napakababaero. Alam niya namang may girlfriend na siya. Sumama pa sa ibang babae" nangingig ang boses niya at suminghot. Kaya tiningnan ko na siya.

Nakita kong pumula ang mata niya at may butil ng luha ang kanyang pisngi.

"Owemji! boyfriend mo ang Kuya ko-!"

"Shhh....wag ka ngang maingay" inirapan niya ako at inalis ang luha niya sa pisngi.

"Pero paano.....nangyari? As in? kay-"

Di ako natapos sa sasabihin ko ng biglang sumulpot sa harapan namin si Kim. Napatulala naman ako sa kanya at umawang ang bibig ko. Tumayo naman si Breah at humalakhak. At umalis.

What the?! no manners ka talaga Breah!

"What are you doing here?" yumuko ako at nilalaro ang damo.

Umopo siya sa damo at tumabi sa akin.

"Hmmmmm....na miss lang kita" simple niyang sabi.

"Tsssss.....wag kang pa fall. Di ka naman-" di ko tinapos.

"Na ano Zay?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinamaan ng tingin. Nag-taas lang siya ng kilay at ngumiti.

"Na ano?" ulit niya.

"Di ka naman marunong sumalo!" deritsa kong sabi. Humalakhak siya.

"Marunong ako sumalo....pag ikaw ang nahulog" nakangisi niyang sabi.

Napatulala naman ako sa kanya. At kumalabog ang puso ko at nag-iinit ang pisngi ko.

"Wag ka nga!" tumayo ako't iniwan siyang tumatawa.

Bumalik ako sa linya kahit sobrang init. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ano ba?! napaka traydor mo. Bigla-bigla ka nalang kakabog. Sabi ko sa sarili ko.

Continuar a ler

Também vai Gostar

516 52 28
|| Mafia Series #1 || A Brat and a Cold Person met. A story of sacrifices,betrayal,love,family and friendship... *** Eun-ha Akina Miyamoto, a 20 yea...
1K 104 15
Isang anak ng pinakamalakas sa underground society ang siyang nawawala hindi nakaligtas ang mga magulang ng mga ito ngunit buhay pa ang lalaking anak...
10.8K 607 87
Naranasan mo na bang mainlove sa Isang LALAKI at worst sa Isang BAKLA? Yong Hindi mo sinasadyang makita Siya ng magaganda mong mga mata ay Hindi mo n...
180K 7.6K 200
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...