Enclave Series 1 : Rush Villa...

By _AyEnNe_

34K 1.5K 223

"It hurts when you have someone in your heart, but you can't have them in your arms" - Rush More

Introduction
Chapter ONE
Chapter TWO
Chapter THREE
Chapter FOUR
Chapter FIVE
Chapter SIX
Chapter SEVEN
Chapter EIGHT
Chapter NINE
Chapter TEN
Chapter ELEVEN
Chapter TWELVE
Chapter THIRTEEN
Chapter FOURTEEN
Chapter FIFTEEN
Chapter SIXTEEN
Chapter SEVENTEEN
Chapter EIGHTEEN
Chapter NINETEEN
Chapter TWENTY
Chapter TWENTY ONE
Chapter TWENTY TWO
Chapter TWENTY FOUR
Chapter TWENTY-FIVE
Chapter TWENTY SIX
Chapter TWENTY SEVEN
Chapter TWENTY EIGHT

Chapter TWENTY THREE

1.2K 57 15
By _AyEnNe_


"There is an immeasurable distance between late and too late"

- Og Mandino

********

After a few weeks

Brianna's (P.O.V)

Ilang araw at linggo na ang lumipas simula ng manatili akong balisa dahil sa dagliang pagkawala ni Rush. 

As in pagkawala na parang bula, ever since that intense event sa Zambales ay hindi na ito nagparamdam pa.

Ni ha at ni ho ay wala akong nakuha mula sa kanya even some of our friends.

I know this is not the first time na ginawa niya ang biglaang pag-dissapear. If I remember it correctly ay naging ganito din siya after nuong lumabas kami kasama sila Chord sa Paranaque. Pero kakaiba ito, dahil kung nuon ay araw lang ang lumipas bago ito nagpakita ngayon naman ay lumipas na ang ilang linggo pero ni tuktok ng ulo nito ay hindi ko masilayan.

Isang bagay na nakapag-pa apekto sa akin ng totoo.

I was in denial for a few days pero ngayon ay aaminin kong namimiss ko ito ng sobra. To the point na halos sisihin ko ang sarili dahil sa mga masasakit na salitang nabitawan ko during our argument. Alam ko hindi nya deserving iyon dahil sa magandang pakitungo niya sa akin. 

Tanga na nga siguro akong maituturing dahil ngayon ko lang na-aappreciate ang mga bagay ng ginawa niya para sa akin even the small things. Her gestures, all her kindness and immeasurable patience na tuwinang ipinapakita niya despite of my bitchy attitude is incomparable. Siya lang ang kaisa-isang tao na rumespeto sa pagiging maldita ko, na sa lahat ng pagiging sarkastiko at pambabara ko ay ngiting puno ng pang-intindi ang kanyang isinasagot. The only person whom I guess can sees the real me, the one who understand my pain and agony during the times na basag na basag ako dahil sa pagkawala ni Blue.

And It's killing me inside now while reality slapping me hard how stupid I am to treat her just like a toy na pwede kong paglaruan sungitan over small issues, a shock absorber ng aking mga walang ka-kwenta kwentang rants and a complete jerk when I treated her just like an ordinary person whom I presumed ay hindi ako kayang sukuan dahil sa malalim na pagmamahal nito sa akin.

But I was wrong dahil ngayon ay wala na ito at walang ibang ibig sisihin kundi ako.

If only I could bring back the time, siguro in that particular moment when she asks her to listen to her ay naglabas ako ng katiting na pang-unawa at pasensya. Hindi sana kami humantong sa ganito. 

Hindi niya sana ako sinukuan.

Hindi niya sana ako iniwanan.

i sighed deeply. 

Nasasaktan at nagsisisi na ako, Rush. Please come back to me.

"Bree, ano na naman bang ginagawa natin dito" himutok ng katabi kong si Alice. Kasalukuyan itong nakabuntot sa akin habang iniikot namin ang ilang classroom sa pagbabakasakaling mahanap ang taong sadya.

Si Rush.

"girl bakit ba hindi ka na lang mag-move on? Ilang beses mo bang kailangan madinig sa mga professor na nag-drop out na si Rush?" pagmamaktol nito ng hindi makakuha sa akin ng kahit na anong reaction.

Maaring sinabi ng Professor niya iyon but my instinct is trying to imply something. And it says na hindi totoo ang information na ibinibigay nila sa amin.

Napakuyom ang aking mga kamao. 

Patuloy lang ako sa paglalakad while scanning the area totally disregarding my friend kahit manaka-naka ko ng nararamdaman ang panggigigil nito sa akin.

"Bree!" hiyaw ni Alice sabay hablot sa braso ko which make me stop. "pwede bang tigilan mo na ang kagagahan mo? Atsaka ano pa bang kailangan mo duon sa tao? Hindi ba ikaw mismo ang nagtaboy sa kanya para lumayo ng tuluyan?" panunumbat nito na ikinainit aking ulo.

Matalim ko itong tinitigan at marahas na binawi ang braso sa mahigpit niyang pagkakahawak.

I could have slap her dahil sa panlilibak niya but then I know deep inside me ay totoo ang sinabi nito.

Tinalikuran ko ang kaibigan and didn't react on her ng muli itong magbato ng maanghang na salita. "nagmumukha ka ng tanga alam mo ba iyon?"

Napatigil ako at tila naapektuhan sa sinabi nito. 

A sudden pain strikes through my heart.

No, actually it hit my ego not my heart.

Pagpipilit na react ng aking isang bahagi na alam ko namang hindi totoo.

It really is my heart who's aching.

Binalingan ko si Alice and stare at her intently before I smile sarcastically "I know, at hindi ako titigil magmukhang tanga hanggang hindi ko nahahagilap si Villanueva. "I said coldy na ikinakunot-noo nito.

Akma nyang sasalagin ang sinabi ko ng tumagos ang paningin ko sa kanya at mahagip ang isang grupo ng mga babae.

An idea came swiftly kasunod ng awtomatiko kong pagsigaw "hoy pangit!" sigaw ko interrupting them from chit-chatting at tuluyang nakuha ang atensyon ng mga ito.

Nakuha ko din ang atensyon ng ilang estudyanteng nanduon but I did not bother at nagsimulang lumapit sa grupong aking tinawag.

Those are the girls na naka-iringan ko before.

Ang mga babaeng higad sa gym na umaligid kay Rush habang pinapanood nito ang basketball practice ni Storm.

"Brianna ano na naman ba ito?" bulong ni Alice habang nakasunod sa akin.

Hindi ko ito kinibo and then stop in front of the appalling face of girls na animo nailang ng makita ako. I stare directly to that one-person na syang humatak sa braso ni Rush ng maabutan ko ito sa ibaba ng bleachers.

I don't know if she recognizes me na kaagad na nasagot when she reacted.

"a-ako bang t-tinutukoy m-mo?" nagugulumihan nitong tanong trying to compose herself pero hindi napigilan ang mag-stutter.

I hissed.

Maang-maangan pa si loko.

"oo ikaw nga, sino pa bang pangit dito? "maldita kong pagsagot na ikinasimangot nito.

"Bree, ano ba. Kumalma ka nga" pang-aawat sa akin ni Alice. She even held my arms para sana hatakin ng palayo pero iniwanisawas ko lamang iyon.

Ang babaeng tinawag ko ay namutla at akma sanang maglalakad muli kasama ng mga kaibigan niya when I block their way.

"M-miss, ano bang atraso namin sayo" lakas loob na tanong ng isa sa mga ito.

Tinitigan ko ito ng masama and tilt my head "wala naman, pero may gusto akong malaman." I replied coldly "at gusto ko sagutin niyo ng totoo" dugtong ko na ikinatigil nila.

Animo ninerbyos ang mga ito. Ang isa sa kanila ay nakita ko pa kung paanong napalunok habang agitated na nakatitig sa akin.

"nasaan si Rush?" diretso kong tanong not bothering on the registration of confusion on their eyes.

Napipilan ang mga ito at nagkatinginan ng makahulugan atsaka magkakapanabay na umiling "e-ewan h-hind namin—"

"alam kong alam niyo" pagputol ko giving them my death glare.

"Bree, ano ba---"

"ssshhh! "baling ko kay Alice na akma na namang mamagitan.

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa mga kausap na animo nahihintakutan at hindi makapagsalita. Nagsihaba ang kanilang nguso at kumibot-kibot na animo may ibig sabihin pero hindi naman magawang isatinig.

"ano? Makikipagtitigan na lang ba kayo? Sagutin niyong tanong ko!" paghisterikal ko. Shouting on their worried face.

Ang kagustuhan kong matagpuan ang taong pina-ngungulilaan ay sukdulan na. I desperately need her to patch things up but these girls making me feel irritated. Alam kong may alam sila at nakaka-frustrate na hindi ko sila mapilit na maglabas ng kahit na anong information.

Some of the students started to circling us, eavesdropping from the commotion I caused pero wala akong pakialam.

Desperado na kung desperado pero hindi ko naman hahayaan na mabaliw ako sa kakaisip sa hinayupak na Rushmoore na iyon.

Ilang beses ko na siyang tinawagan at itinext pero hindi ko na makontak pa ang number niya. Hinalughog ko na rin ang mga kaibigan niya sa kani-kanilang building pero maski ang mga ito ay parang bulang nag-siwala. Even her conceited friend na si Storm ay makailang beses kong inabangan sa Gym pero ni tuktok ng blonde nitong buhok ay hindi ko nakita. Hanggang sa kinausap ko na lamang ang mga ka-team mate nito na aking ikina-dismaya because they all said the same thing.

Nag-drop out na daw si Storm.

What a coincidence hindi ba?

"h-hindi namin alam. Wala kaming a-alam sa i-itinatanong mo "one of them response stuttering. She wants to convince me for sure pero pumalya siya dahil ng makita ko kung gaano siya ka-agitated ay pinanliitan ko ito ng mga mata.

"your lying" diretso kong akusa "I know your lying" paninita ko then crossed the distance between us.

Umatras ito kapagdaka. Trying to avoid me.

"hoy Bree! Ano ba iyan?! Tigilan mo na nga sila" narinig kong pag pigil ni Alice pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko ito pinansin.

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makupot ko ang pangit na aking kausap.

"magsasabi ka ba kung nasaan si Villanueva o gusto mong ---- "

"a-ano bang kailangan mo kay Rush? Ha? " pagtatapang-tapangan nito kahit obyus naman na para itong magbe-breakdown.

"w-wala na siya dito nag-drop out na, hindi ba iyan din ang sinabi sayo ng mga teacher niya" pag-singit ng isa sa kanila.

Napabaling ako dito with creasing eyebrow.

Paano nito nalaman na hina-hunting ko si Rush sa mga teacher nya?

Natigilan ako pansumandali which they took it as a chance kaya dali-daling nagsialis at pumuga leaving me speechless and hopeless.

Damn it!

I cursed ng likod na lang ng nagsitakbong mga babaeng higad ang aking natanawan papalayo.

"what's that for?! "naninitang pukaw ni Alice sabay hablot sa aking braso " ano bang pumasok sa kukote mo at pati ang mga taong inosente ay dinadamay mo diyan sa kalokohan mo?!"

I sighed. "Alice please, not now" pakiusap ko wiggle her arm . 

Na drain ako sa aking ginawa. Nawalan iyon ng saysay ng hindi man lang nakakuha kahit isang clue sa ipinipilit ng aking utak at puso.

"your actions are confusing me Bree. Akala ko ba ay ayaw mo kay Rush? Then why like that? you suddenly change your mind and it's creeping me out. Ano bang pinag-iisip mo?! "patuloy nito yelling at me.

Umiling-iling ako and started to walk away from that area who's full of eavesdroppers. "hindi mo ako naiintindihan" malumanay kong tugon out of myself.

"sorry ha? Pero oo! Hindi talaga kita maintindihan!" nang-gagalaiting sagot nito habang nakasunod sa akin "This past few days ay napapadalas ang pag-space out mo, kahit nasa loob tayo ng classroom para kang litang at ni hindi ka makasagot sa recitation which is unusual for you. Kung ano-anong inaasikaso mo, kung ano-anong sinasabi mo. Nuong nakaraang linggo lang, you insisted that you saw Blue's cousin in the parking lot?" paglilitanya nito.

I abruptly pause ng maalala ang insidenteng iyon ng minsang ako ay pauwi.

Hinarap ko ang kaibigan at pinanliitan ng mga mata "and it's true! I saw her with my own eyes, sinundan ko pa nga siya hindi ba? She ended up in Multimedia Arts building." Iritadong paliwanag ko.

"so, paano mangyayari iyon? if sabi mo ay sa ibang bansa naglalagi iyong tao?" diskumpiyado nitong tanong which also started to bug me.

Paano nga bang lilitaw dito ang taong iyon kung sa U.S ito naka-base? At anong ginagawa nya dito? Sa naobserbahan ko ay pamilyar na pamilyar sya dito sa campus, even the guards ay hindi nag-abalang sitahin siya ng dire-diretsong pumasok sa gate. Ngumiti pa ang mga ito sa kanya and greeted her pero aside duon ay hindi man lang sya hinarang o sinita man lamang.

Bumuntong-hininga ang kaharap at animo napapagod itong tumunghay sa akin.

"seriously girl, what do you want to do? Why can't you just let go from the things that keeping you from moving on? Kay Blue. Lalo na kay Rush. Why can't you just accept the fact na wala na siya. Sumuko na, sinukuan ka na niya "pangaral ng aking kaharap na tuluyang pumukaw sa aking pag-iisip.

I stared at her intently.

Para akong sinampal sa mga sinabi niya but then I remained still. Never given up my composure and shrugging the negative thoughts. "my instinct said not to give up" malumanay kong tugon kasabay ng unti-unting pagdungaw ng luha sa aking mga mata.

Napipilan ang aking kaharap. Napalunok at binalot ng pagtataka ang kanyang mukha.

"I love her Alice and I'm fuck up dahil sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon lang nag-sink in sa akin iyon." pag-amin ko helplessly.

"oh, my god!" she reacted but I completely disregard it and continue on confessing to her.

"She fights for me for a long time and I guess ako naman ang dapat na lumaban sa ngayon. I'm not giving her up kaya kahit na gaano ka-imposibleng mahagilap siya ay gagawin ko iyong posible sa paraang alam ko. "I stated with tears started to stream down my face. Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit na nangingi-babaw and the only way I know is to loosen it by crying and telling everything sa taong pinaka-malapit sa akin.

Alam kong nagugulumihan pa rin ang kaibigan lalo pa at ngayon nya lang ulit ako nakita kung gaano ka-helpless. Because the last time that I become like this is when Blue passed away. After that, ipinangako ko sa sariling hindi na muling hahayaang umiyak ng dahil sa ibang tao pero heto ako.

Nasasaktan at nangungulila.

"mahal mo na?" ang tangi nitong komento matapos lumambot ang expression ng kanyang mukha.

Tumango-tango ako, bow my head while still trying to suppress my full emotion kahit alam kong wasak na wasak ako sa harapan nya.

"I'm already in love with her but I'm too stubborn to admit it" I confess letting myself cry leasing out the pain from the deepest part of my heart. Surrendering my pretentious mask and Laid out everything without inhibition making me fully exposed to any kind of emotion.

"oh, girl" Alice reacted, then comforting me with her tight hug. "I'm sorry I misjudge you"

She caresses my back comforting me, habang ako ay umiiyak at hinahayaang

Ilang sandali kami sa ganuon ayos when she pulls herself away and stare at me.

"hahanapin natin siya, we will do everything to get her back" assuring me with her genuine smile while wiping my tears away.

Tumango-tango ako at tipid na ngumiti sa kaharap when we heard someone cleared her throat.

"I think I'm the one you need ladies" anito na siyang nagpalingon sa aming magkaibigan.

I creased my eyebrow ng matunghayan ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Maski si Alice ay humalukipkip pa ng pagmasdan ang nag-interrupt sa aming dalawa.

Matangkad itong babae, maputi, makinis with a short-layered haircut and boyish outfit. She's wearing a gray hoodie and although nangungusap ang mga mata nito ay hindi mapag-kakaila ang kayabangang taglay-taglay which remind me of Rush friend na si Storm.

Pareho silang maangas tignan, parehong guwapo at parehong malakas ang awra.

"stop checking me out, hindi iyan ang pinunta ko dito" mayabang nitong usal smirking while shifting her gaze between me and my friend.

Umingos ako and about to react ng maunahan ako ng aking katabi.

"excuse me lang noh? Youre not that appealing to my eyes" mataray nitong pambabara.

"oh really?" pagsita ng aming kaharap " kaya pala halos tumulo na ang laway mo sa pagtitig sa akin" dugtong nito.

"aba at ga---"

"Alice" pukaw ko sa aking kaibigan kasabay ng pagpigil dito sa akmang pagsugod sa aming kausap. "let me handle this" pakiusap ko dito.

She pause for a while trying to compose herself and nodded reluctantly.

I sighed then shifted my gaze to the person in front of us.

"who the hell are you? And what do you want?" masungit kong pagtatanong matapos itong panliitan ng mga mata.

Ayusin mong pagsagot mo, dahil kung hindi ay tatamaan ka talaga.

I mutter to myself.

The girl with a pretty smug face smirk and step closer, emphasizing how tall she is "ikaw ang may kailangan sa akin" nakakaloko nitong sagot tilting her head animo aliw na aliw sa pagtitig sa akin.

"come one Bree! She must be one of those attention seekers. Nagsasayang lang tayo ng oras" pagsingit ng katabi kasabay ng paghatak sa akin.

I didn't react and just go with the flow hanggang malagpasan namin ang taong kausap pero hindi pa kami tuluyang nakakalayo when that person shouted something na nakapag-patigil sa akin.

"alam ko kung nasaan si Villanueva!"

Mula sa pagkakatigil ay kunot-noo akong lumingon dito and stare at her intently observing kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"I can lead you to her" dugtong nito then tinapunan ako ng nakakalokong pagngiti.

I walk towards her ng hindi pa rin nag-rereact ng muli itong nagsalita. "I mean of course kung gusto mo lang naman pero kung--- "

"who the hell are you?" madiin kong pagputol sa kung ano pa nyang sasabihin.

She hissed at arogante akong tinitigan "hindi na importante kung sino ako"

" importante sa akin!" pagpupumilit ko. "because if you're just fooling me then your messing with the wrong person"

Kumunot ang noo nito kapagdaka at tinitigan ako ng buong kaseryosohan. Pamaya-maya ay umiling-iling, namaywang and put on her smug face.

She sighed at look straight into my eyes "Danielle Limuaco "

I pause for a while and then hissed ng makilala ang aking kaharap. 

"so, you are the famous Dani Limuaco" i said sarcastically na sinundan ko ng pagtaas ng isa kong kilay. 

"eh kaya naman pala mayabang kasi apo ng nagmamay-ari ng eskuwelahang ito" bulong ni Alice.

"may problema ba tayo babaeng taratitat?" baling ni Dani sa aking kaibigan.

Natameme si Alice pero ng makabawi ay hinawi ako nito at hinarap si Dani "wala akong problema... pero baka gusto mong gawan kita ng problema?" mataray nitong pagbwelta.

The girl in front of us smirk at animo hindi man lang natinag sa panlilibak ng aking katabi. "baka gusto mong patalsikin kita dito" pananakot nito.

Ang yabang talaga!

"ows, talaga? Kaya mong diktahan ang lolo mo? Gayung bali-balita ay halos itakwil ka dahil sa mga kalokohang pinag-gagawa mo dito?" buwelta ni Alice kasunod ng paghalukipkip at pagtitig sa kaharap ng mariin.

Kung pabalang sumagot ang kaharap nito mas abnormal itong kaibigan ko dahil kailan yata ay hindi ito madaling masindak.

The smug on Dani's face, abruptly fade away at napalitan iyon ng galit. Nagtagis ang bagang nito na animo may nasaling ditong emosyon kung kaya hindi ito nakahuma sa maanghang na buwelta ng aking kaibigan.

I mentally raised my eyebrow ng maobserbahan ang kagyat na pagbabago ng reaction nito.

Akalain mo nga namang ang suberbiyong nilalang na ito ay may kinaiilagan.

Nagpalitan sila ng matalim na titig but then ng hindi ko na matiis ay ako na mismo ang pumagitna sa kanila. Besides, kailangan ko ang tulong ng isang ito para matunton ang taong minamahal.

"stop it you two" pagsuway ko sa kanila matapos gumitna. 

Dani then glance at me with coldly.

"magkita tayo bukas. 6:30 pm, Equipment Room sa gilid ng Gymnasium" matipid nitong turan.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Alice at walang kibong tumalikod.

Kumunot ang noo ko sa inasta nito pero magkagayonman ay hindi ako nagdalawang-isip kunin ang atensyon nito.

"Dani!" I shout at her na ikinatigil lang nito. 

Ni hindi ito lumingon at nanatali lang na nakatayo na tila inaantay ang anumang sasabihin ko "thank you for helping me" dugtong ko na halos ikapiyok ko.

Yumuko ito at bumuntong-hininga. "I'm not helping you, I'm doing this for myself" matipid nitong sagot ng hindi man lang nag-abalang sumulyap sa amin. Pagkausal nuon ay kagyat na itong naglakad palayo habang nakabulsa ang dalawang kamay sa suot-suot na hoodie.

Alice and I exchange strange look.

"did I press the right button?" makahulugan nitong tanong.

Umiling ako "nah, I think you pressed the wrong one" pagdidiin ko na ikina-kibit lang nito ng balikat.

<Dani Limuaco photo above>

Continue Reading

You'll Also Like

851K 29.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
803K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...