From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

55. Sorpresa

9.7K 430 339
By hunnydew

"Girlfriend mo ba 'yon, Mase?" interesadong tanong ni Dexter pagkatapos niyang pasakayin sa taxi si Elay dahil may pupuntahan pa raw ito. Tulad ng hiling ng mga kaibigang sina Dexter, Aaron at Ray na hindi magkamayaw sa paniningad ay ipinakilala na rin niya kanina ang dalaga sa mga ito.

"Hindi ah," agad namang pakli ni Clarisse. "Ganun talaga yun, touchy-feely," dagdag pa nitong labas sa ilong.

Pinagtaasan naman ito ng kilay ni Aaron. "Oh eh, bakit apektado ka?"

Umikot naman ang mga mata ng kausap. "Excuse me ha. Hindi ako apektado. Besides, diba may mga girlfriends na kayo, bakit kayo interesado dun? Mga salawahan!" pag-aakusa pa nito.

"Ikaw, masyado kang judgmental," depensa naman ni Ray. "Kuya Mac, ano'ng masasabi mo?" baling nito sa nakatatandang kapatid ni Mase na humalili sa paglalaro ng NBA Live nang umuwi sina Kier at Patrick.

Pinindot nito ang 'Pause' button na siyang dahilan ng paglatak ni Chad na kalaro nito at ni Charlie na nanonood ng laban. "Alam niyo kasi, parang kotse lang 'yan. Pwede kang sumakay sa iba-ibang kotse, basta sa tamang garahe ka umuuwi, ahahaha!"

Pinaikutan naman ito ng mata ni Chad. "Palibhasa gawain mo eh."

"At least ako, hindi pumapatol sa taong nakatali na," asik naman ng una.

"O...o...nag-uungkat na naman kayong dalawa ng nakaraan ha," pagpagitna ni Marcus na ikinatahimik na ng dalawa. "Partida, fruit punch pa lang 'yang iniinom natin. Pa'no pa kung Bacardi na?" iiling-iling na saad nito. "Ikaw na nga lang ang sumagot nang matino na ang mahita ng mga bata," baling nito kay Chino.

Ibinaba ni Chino ang baso bago nag-isip nang mabuti. "Well, may point naman si Mac. Wala naman talagang masama when you're just plainly appreciating beauty. Nagagandahan pa rin naman ako kina Anne Curtis at Sam Pinto kahit girlfriend ko si Llana. What's wrong is when you fantasize about being with that object of your appreciation when you're in a relationship."

"Weh? Eh pa'no kung may chance na maging kayo ni Sam Pinto? Never mo talagang iisiping maging girlfriend siya kahit kayo ni Ate Llana?"

Habang nagpapalitan ng opinyon ang karamihan sa mga kalalakihang naroon, tahimik lamang na nakikinig si Mason. Isa kasi iyon sa mga inaabangan niya sa tuwing makukumpleto silang magkakapatid. Marami siyang nalalaman sa mga talakayan nila.

"Parang nasa buffet lang 'yan eh, malaya kang tikman lahat. Tignan niyo ah," ani Mark. "Psstoy, Prinsesa..."

"Po?" sagot ng kausap na hindi man lang lumingon dahil abala sa paglalaro ng NBA Live dahil ito ang humalili kay Mark.

"Kapag nasa eat-all-you-can ka, papayag ka bang isa lang ang klase ng pagkain ang pwede mong kainin?"

Dahil sa tanong na iyon, tumigil sa paglalaro ang bunso at tinignan ang kuya nang naka-kunot-noo. "Nge. Bakit pa nag-eat-all-you-can kung isa lang pala ang makakain ko? Sayang ang pera non! Ang mahal ng bayad sa ganun tas isa lang? Dapat kumain ng marami para sulit!"

Tumayo si Mark at inilahad ang parehong kamay bago tumango-tango. "I rest my case, ladies and gentlemen..."

"...saka...paano ko malalaman kung ano talaga ang gusto ko kung di ko titikman yung iba? Sempre may babalik-balikan ako. Yung pinaka-nasarapan ako," dagdag pa ng bunso bago muling ibinaling ang tingin sa TV.

Nakangiting napailing-iling naman si Mase sa tinurang iyon ng kanyang kapatid. Hindi niya inasahang magiging akma ang tingin nito sa pagkain pagdating sa usapang: salawahan ba o hindi ang pagtingin sa iba kahit may karelasyon ka na?

Napalingon na lamang siya nang tabihan siya ni Clarisse. "Nakakatuwa talaga sina Kuya mo. Lagi siguro kayong nagdedebate kapag sama-sama kayo?"

Dahil nasaid na ang fruit punch sa basong hawak, sinalinan muli ni Mase ang baso niya ng naturang inumin. Inalok pa niya si Clarisse subalit tumanggi ito. "Sina Kuya Chino at Kuya Mac lang ang ganyan. Lalo na 'pag nakainom. Hanggang sa makatulugan na nila ang pagtatalo."

"Ikaw? Ano ba ang opinyon mo dun sa topic?" interesadong tanong ng dalaga.

Uminom nang kaunti si Mason bago siya sumagot. "It's relative to one's set of values. I'm a very calculating person. I don't like making mistakes and certainly, I don't like doing things repeatedly. If I can do anything and everything in one try, I would. That's why I take my time in choosing well even when it comes to girls. And when I have made that choice, that's when I'll make my move. And when I make my move, I tend to have a laser-like focus. I can't let myself be distracted by others."

Hindi niya alintana ang paghahari ng katahimikan nang matapos siyang magsalita. Tila namatanda ang lahat ng mga nakapalibot sa kanya kaya naman muli niyang sinaid ang iniinom na fruit punch. Narinig pa niyang nagbulungan ang mga nakatatandang kapatid niya subalit hindi na lamang niya pinansin ang mga ito.

"Do you believe in finding 'The One'? That everyone has his or her destined partner in this lifetime?"

Bahagyang natawa si Mase sa tanong na iyon. "Anong silbi ng free will kung meron na rin palang nakatakda para sa'yo? I don't think God gave humans the sense of freedom kung hindi rin pala tayo pwedeng pumili. I do believe, however, that He will give us options—yung sa tingin Niya ay mga pwedeng THE ONE para sa atin. Pero tayo ang pipili sa mga choices na ibibigay Niya."

Mayroong napasinghap. "Sino ka?! Bakit ang daldal mo?"

"Yung totoo, ano ang iniinom ni Totoy? Painumin nga siya lagi nang hindi na tumahimik! Parang ang daming napagdaanan kung magsalita ah."

"Naka-record ba? I-record niyo! Dali! Baka ganyan siya 'pag nalalasing!"

Tinapunan niya ng matalim na tingin ang huling nagsalita. Si Ray. "Hindi ako lasing. Tinanong ako. Malamang sasagot ako."

"O, tama na 'yan. Kumain na muna kayo nang mahimasmasan. Masama ang umiinom nang walang laman ang sikmura. Charlotte! Bigyan mo na silang lahat ng paper plate tapos kumuha na kayo ng pagkain," anunsiyo ni Matilda at agad namang tumalima ang bunso sa pamimigay ng mga plato at plastic utensils.

Kasalukuyang nililigpit nina Mase ang mga basong ginamit sa fruit punch nang magpaalam na sina Dexter, Aaron at maging si Marcus na naka-duty pa sa St. Luke's. Muli siyang napasulyap sa wall clock at nakitang alas sais na pala ng hapon. Kinapa niya ang telepono sa bulsa bago sinilip iyon. Wala pang ibang mensahe bukod sa ilang birthday greetings na natanggap niya.

"Mase."

Lumingon siya at nakita si Clarisse na tila hindi mapakali.

"O, kain ka na," pakli niya sa dalaga.

Isang buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Clarisse. "Kahit gusto ko pang magstay, nandiyan na yung sundo ko," malungkot na saad nito kaya sinamahan na niya itong magpaalam sa mga naroroon bago inihatid ang dalaga sa gate kung saan naghihintay na ang kotse nito. "Gift ko pala sa'yo," saad nito bago kinuha mula sa bag ang isang makapal na aklat na naka-ribbon at inabot sa kanya.

Matamang tinignan ni Mason ang bagong-bagong aklat na 'Deception Point' ni Dan Brown. Marahil dala ng alak at hinaluan pa ng tuwa ay naikulong niya sa isang mahigpit na yakap si Clarisse. "Salamat ah. You never miss any of my birthdays despite the fact that I don't even know yours. Thank you, Clarisse."

"Y-You're welcome...uhm...h-happy birthday, Mase," nauutal na sagot ng dalaga bago niya ito pinakawalan at pinanood itong sumakay ng kotse't tuluyang umalis...

Kung kailan naman pumarada ang asul na sports car kung saan lulan kaninang umaga si Louie.

Malapad ang ngiti ni Mase nang lapitan niya iyon at agad na tinungo ang passenger's side nang mamatay na ang mga headlights. Nagkusa na siyang buksan ang pinto. "Akala ko hindi ka na—"

"Uy, ayos ah, may taga-bukas pa ng pinto! Teka, diba ikaw ang may birthday!" manghang bati ni K na bumaba, pinsan ito Louie at nakababatang kapatid ni Kuya J. "Ang swerte ko naman! Yung birthday boy pa ang nagbukas ng pinto ko. I feel so special."

Bumukas-sara ang pinto ng driver's seat at muling nagliwanag ang mga mata ni Mase. Subalit si J ang bumungad. "Disappointed again?" nakangising bati nito.

"Ah, si—" pagsisimula niya.

"Si Louie ba? Nakow! May ibang kasama eh. 'Yaan mo, idaan nalang natin sa inuman!" pagpapalubag-loob ni K na umakbay pa sa kanya bago iginiya papasok ng tahanan.

Muli pang nilingon ni Mason ang sasakyan ngunit wala nang ibang bumaba.

Wala pa rin si Louie.

Mas lalo pang umingay ang tahanan nila nang mapagsino ng mga kuya niya ang mga bagong dating. At mas na-excite pa ang kanyang mga kapatid nang malamang may tatlong bote ng Hennesey na dala ang mga ito bilang regalo raw nila kay Mason. Hindi na rin naman tumutol ang mga magulang dahil sa likod-bahay naman napagkasunduang uminom ng mga kalalakihan. Inilabas na rin ang speakers at ikinabit iyon sa telepono ni J upang i-set daw ang mood.

Samantalang bumalik naman sa pananahimik at kunwaring pakikinig si Mason. Nakisalo na lamang sa katuwaan datapwat hindi na niya mawari kung ano ang pinag-uusapan. Maya't maya niya ring sinisilip ang telepono upang tignan ang oras at kung may natanggap bang mensahe. Hindi na rin siya muling umimik kahit na sinimulan na rin siyang painumin ng rum gamit ang inumin na dala ng mga bagong dating na inihalo sa coke.

Dumating na rin ang matalik niyang kaibigang si Nile na datapwat kibuin-dili ng mga kuya niya'y todo-asikaso naman ng kanilang mga magulang at ni Charlotte. Wala na rin siyang maintindihan sa mga usapan ng mga nakatatanda sapagkat naging seryoso na ang daloy ng diskusyon. Hindi na rin niya alintana ang mabilis na pagkaubos ng pulutan kaya naman muling pumasok sina Chino at Chad upang kumuha pa ng maitutulak.

"Sige guys, una na 'ko," pukaw ni Ray na hindi namalayan ni Mase na kasama pa rin pala nila. "Hinihintay na ako ni Mom." Tumayo pa ito't nakipagkamayan sa mga kuya at bisita, animo'y nangangampanya. O marahil ay dahil batid nitong pinsan ni Louie ang dalawa.

Nang biglang marinig nila ang malakas na pagsinghap ni Charlotte. "ANDIYAN NA SI BESPREEEEEEENNNN!"

Kitang-kita ni Mason kung paano nagliwanag ang mukha ni Ray kasabay ng pagtalikod nito sa direksiyon ng bahay. "Ah, mamaya na lang pala. Nagtext pala si Mom na gagabihin siya," sambit pa nito bago inayos ang kwelyo ng polo, sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay, at kunwang tinignan ang telepono.

Kahit pa sinenyasan na siya ni Nile na nasa loob ng bahay, hindi kumibo si Mason. Wala pa siyang inaamin kay Ray tungkol sa tunay na nararamdaman niya para sa ex-girlfriend ng kaibigan. Kung makikipag-unahan siya kay Ray sa pagsalubong kay Louie, para na rin siyang umamin.

Hindi pa siya handang umamin. Lalo na't nakainom siya.

"O, akala ko aalis ka na?" takang tanong ni Chino rito nang makabalik sa likod-bahay, dala ang isang plato ng barbecue at inilapag iyon sa mesa.

Malawak naman ang ngiting ibinigay ng binata. "Uhm, mamaya pa po."

Datapwat muli na namang kumalabog ang dibdib, nanatiling nakaupo si Mase. Wala namang kasiguraduhang si Louie nga ang dumating. Baka naman si Chan-Chan lamang iyon.

"Baka nag-aalala na ang mom mo. Sige na..." tila nagpipigil-ngisi pang dugtong ni Chino.

Subalit naunahan siya ni Ray na tumayo. "'De, ayos lang po," tanggi nito habang unti-unting lumalayo sa grupo.

"Kailangan ka ba naming ihatid?" pilit ni Chino subalit hindi na yata ito narinig ng kausap dahil nagmadali na itong pumasok sa loob ng bahay. Umiiling itong bumaling kay Mason. "O ikaw, wala ka talagang balak salubungin ang pagsintang irog mo?"

"Moment niya yun. Ayokong masira," simpleng tugon niya bago tinungga ang natirang rum coke sa basong hawak niya.

"The hell? Anong moment niya? Moment MO. It's your birthday! Why give the spotlight to someone else?" asik nito sa kanya bago hilahin ang braso niya't halos kaladkarin papasok ng bahay.

"They had a past," maigting niyang saad at nabato si Chino. Ginamit niya ang pagkakataon upang hilahin ang braso at magtungo sa palikuran upang maghilamos at nang mahimasmasan.

Subalit ang plano niyang maghilamos lamang ay nauwi sa mabilisang paliligo. Napagtanto niyang hindi magandang humarap sa bisita na amoy-alak. Nagsipilyo na rin siya't nagbihis ng panibagong damit hanggang sa may kumatok sa kwarto nilang magkakapatid.

"Nakaalis na si Ray. Tapos ka na bang mag-ayos?" naka-ngising bungad ni Nile sa kanya.

"Nainitan ako e," palusot niya't patay-malisyang nilagpasan ang kaibigan patungo sa sala kung saan nagkukumpulan na ang mga tao at naririnig niya ang baritonong boses ni Hiro na umaawit ng 'happy birthday' mula sa pintuan.

Halos ipagtulakan din siya palabas hanggang sa magharap sila ni Louie.

Ramdam ni Mase ang pagtigil ng oras nang makita ang dalaga. Tila nabingi siya sa presensiya nito na tila wala nang ibang marinig at mapansin kundi ang kaharap. At kahit kalat na ang dilim, pakiwari niya ay nagliwanag ang paligid sa kabigha-bighaning kaharap.

Naka-puting bestida ito na lagpas lamang ng tuhod ang haba. Nakatirintas ang mahaba nitong buhok at naka-flat shoes.

Mason felt his chest swell just by the sweet smile she has on her face when their eyes met. Iyon na yata ang pinakamagandang regalong natanggap niya mula sa napakagandang dalaga.

Hindi niya matandaan kung kailan ito tumabi sa kanya ngunit namalayan na lamang niya ang sariling pinakikinggan ito habang nagsasalita.

"Uhm...can you close your eyes?"

Dagliang tumalima si Mase datapwat nais niyang sanang tumanggi. Iniisip kasi niyang baka mawala si Louie sa kanyang pagdilat.

"Blow the candle na, Mason! Make a wish! 'Yung abot-kamay lang. Malapit naman na eh," narinig niyang panunukso ni Chad.

Nang biglang tumahimik ang lahat, nagtanong na rin siya. "Pwede na bang imulat?"

"Oo." Kahit bulong lamang iyon, natitiyak niyang nakangiti pa rin ang dalaga.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad na ibinaling ang tingin sa dalagang katabi. Subalit sa iba ito nakatunghay. At nang humarap siya sa direksiyon kung saan ito nakaharap—

"Ang kyot niya diba? Huehue."

Agad na napaatras si Mason nang makita ang aso na buhat ni Charlotte at nakadikit pa ang pisngi rito. Dala ng labis na pagkabigla ay nahatak pa niya si Louie at ginawa pa itong pansalag sa tuta. "ANO YAN?!" taranta niyang tanong habang hindi namamalayang mahigpit na siyang nakakapit sa magkabilang balikat ng dalaga.

"Maybe it's about time you face your fears? Happy birthday," simpleng saad ni Louie habang nagtatawanan ang iba pang mga naroroon.

Buong magdamag na wala sa huwisyo si Mason at hindi makausap nang matino si Louie. Wala na rin siyang pakialam sa mga kuya niya at mga pinsan ng dalaga na tinutukso sila sapagkat maya't maya ay tinitingnan niya ang tuta. Pakiwari kasi niya'y sa oras na bitawan ni Charlotte ang aso ay lalapain siya niyon.

Nanlaki ang mga mata niya nang matapos kumain ay tumayo si Louie upang kunin ang aso mula sa matalik nitong kaibigan. "Hello there, baby boy," paglalambing nito. "Kawawa ka naman, ayaw ka man lang hawakan ng...ng...ni Mase..." nakangising pagpaparinig nito.

"Hindi sa ayaw ko. Nasabi ko na sayong takot ako sa aso diba?" depensa niya.

Hinimas-himas pa ng dalaga ang balahibo niyon bago muling kinausap iyon. "Bakit naman sila matatakot sayo? Eh ang cute-cute mo? Pagkatapos kong pag-isipang mabuti na ikaw ang ibibigay ko, hindi ka pala tatanggapin."

"Ano—"

"Hayaan mo, iuuwi na lang kita. Nandoon naman sina Porky at Choppy. Kaya lang big na sila. Baka ma-OP ka, 'no. Kasi kapag may klase na ako, maiiwan kang mag-isa sa condo," pangongonsiyensiya pa ni Louie.

Napakamot na lamang sa batok si Mason. "Ano—"

"Hay nako, halika na nga. We're not wanted here—"

Mabilis na tumayo si Mase upang pigilan ang akmang pagtalikod ng dalaga. "Hindi...ano... Ah.. Akin na—"

"Yehey," agad naman nitong bawi at iniabot ang tuta kay Mase. "Alagaan mo siyang mabuti ha. Nasa cart lahat ng gamit niya. May feeding bottle, shampoo, suklay, powder, leash..." walang-patid na bilin nito habang kinakabahang hawak ni Mason ang aso malayo sa katawan niya.

"A-Ahh...h-huwag mo akong kakagatin ha?" pabulong niyang paalala sa asong tila gustong kumawala sa mga hawak niya.

Narinig din niyang napabulanghit si Louie bago ipinagpatuloy ang pagbibilin. "Kumpleto na rin yung mga papeles niya. Nabakunahan na rin. Nasa sasakyan ni Hiro yung isang sako ng dog food. Pagkatapos ng isang buwan, pwede mo na siyang unti-untiing pakainin ng kanin."

"S-Sige...a-ano pala ang pangalan niya?" nag-aalangang tanong niya.

"Ako na nga ang nagbigay, ako pa ang mag-iisip? Assignment mo na 'yan," natatawang pakli nito bago bumaling sa mga naghahagikgikang mga pinsan. "Kuya! Mauna na ako sa kotse! Hiro, bahala ka na kung magpapaiwan ka. Basta ako, uuwi na."

Hindi na niya ito napigilan nang magpaalam na rin sa lahat bago umalis dahil nahihintatakutan pa rin siya sa isang-buwang gulang na tuta. Lalo pa noong sinabi ng ina nilang hindi pwedeng ipasok sa kwarto ang aso dahil allergic si Mark sa balahibo ng mga hayop.

Kaya naman napilitan siyang magpalipas ng gabi sa sala, habang ang aso ay pagala-gala sa sahig at maya't-maya'y inilalabas niya sa hardin upang makadumi o makaihi iyon.

Doon na rin niya napagtantong hindi pa pala siya nakakapagpasalamat kay Louie kaya naman pinadalhan niya ito ng mensahe.

To: Louie Kwok

Thank you nga pala sa pagpunta :) at sa unexpected birthday gift. I was really surprised :)

Napangiti siya nang mabilis itong nakasagot.

From: Louie Kwok

Mukha nga :) ano nang pangalan ang ibibigay mo sa kanya?

Matamang pinagmasdan ni Mason ang tuta na inilagay na ni Charlie sa cart nito at mukhang nahihimbing na. Maingat niyang binuksan ang takip niyon at kagat-labing tinapik-tapik ang malambot na balahibo niyon. Beagle pala ang breed ayon sa mga papeles na binasa niya.

Binawi ni Mase ang kamay nang gumalaw ang tuta at humarap sa kanya; tila nakipagtitigan at nakikiusap na muli niya itong hawakan. Lumunok muna siya at unti-unting inilapat muli ang kamay sa ulo nito at magaang pinasadahan ang malalaking tenga at ang maliit na katawan. Inulit-ulit niya iyon hanggang sa pumikit na muli ito.

Ano kayang pangalan ang akma para rito na magsisilbing taga-paalala na rin sa nagbigay niyon sa kanya?

Muling kinuha ni Mason ang mga dokumento habang nag-iisip. Pinasadahan niyang muli ang bawat pahina hanggang sa makita ang pirma ng bumili.

Mason E. Pelaez c/o Louie Anotinette R. Kwok

Napahilata siya sa sofa at mabilis na tumipa ng mensahe.

To: Louie Kwok

Lark :) his name is Lark :)

===

A/N: the end. tara, tapusin na natin dito ang kwentong MaLou... sakit sa bangs magsulat ng overflowing kilig eh. hahaha.. Pakiramdam ko kailangan kong magpasak ng headset para di ko marinig ang mga tili niyo...alam ko kasing tatagos sa screen eh, hahahaha :D pansinin din po ang gif ni Mase para masaya :D haha

Sulit naman siguro ang paghihintay diba? Sulit na sulit ang birthday ni Manly Sapio diba? nabading lang talaga sa tuta, hahaha.. at si Louie na ang bipolar XD hahahaha

November 16 po, Sunday.. kita-kita po tayo sa Precious Pages Store ng SM North. Probably, after lunch ito. Nandoon po ang buong Power NInjas :) Idadaos po namin ang meet-and-greet para po sa mga hindi nakapunta noong MIBF :) Sana po this time, mapaunlakan niyo na po ang kahilingan naming makapiling kayo :)

Feel free to comment and get drunk with C2 Apple, hahahaha XDDD

-hunny

updated on October 2, 2014 Wednesday 11:30pm

Continue Reading

You'll Also Like

346K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.5M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
102K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.