Horror Remake

By sisanology

19.7K 397 78

They were supposed to shoot for their movie project when they noticed that one by one, their group mates were... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Epilogue.
Author's note/Facts

Chapter 11

802 18 5
By sisanology

 

Ayriene’s POV

 

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang bestfriend ko…wala na si Twaylem. Umalis si Warren at walang nagbalak na sundan siya. Ilang oras na lang…mag uumaga na pero masyado pa ring malakas ang ulan sa labas. Kailangan na talaga namin maka alis dito.

“Ayriene, okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Percy. “Ikaw kaya mamatayan ng bestfriend magiging okay ka kaya?” naiirita kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga lang siya saka iniwan muna ako at pumunta sa iba naming kasama. Hindi ko makita si Dominic wala rin si Drake. Si Aki nakatulog sa tabi ni ate Kyra. Si Nicko at Tyron naninigarilyo  sa may pinto ng auditorium.

Bakit kaya napaka kalmado lang si Kyra? Hindi kaya siya ang nagplano nito? Marami kasing posibilidad na siya ang nagplano or may alam siya sa mga nangyayari dahil unang una pa lang, ayaw niya na kaming pumunta dito.

Napailing ako at napabuntong hininga. Mali tong ginagawa kong pag suspetya sa mga kasama ko. Hindi rin naman kasi imposibleng may serial killer na nananatili sa islang to dahil sa pagiging restricted nito mula dati pa. Tumayo muna ako at lumapit kay ate Kyra.

Magsasalita na sana ako ng tumatakbong papasok si Drake. ”Nawawala si Warren!” basang basa siya at…may dugo sa damit? Nagulat din ako dahil sa hawak niyang kutsilyong may dugo. “D-drake bakit ka may k-kutsilyo?” kinakabahagan kong tanong.

Napabitaw siya sa hawak niyang kutsilyo at napasabunot sa buhok niya at nagtatakbo palabas. S-siya ba ang killer? Pero kung hindi siya, saan niya nakuha ang kutsilyo? Bakit ito may dugo?

“Susundan ko siya!” bakas ang galit sa boses ni Percy nang tumakbo siya palabas. Nabulabog na rin si Aki kaya nagising ito at walang anu-ano’y sinundan si Percy. Napatakbo na rin palabas sina Nicko at Tyron kaya sumunod na rin kami ni Kyra.

Bigla kong naalala ang bangkay ni Twaylem kaya tumakbo ako pabalik ng auditorium pero laking gulat ko ng makitang wala na ito. shit. Dali dali kong nilapitan si ate Kyra.

 “Ate! Nawawala ang bangkay ni Twaylem!”

 

Third Person’s POV

 

Biglang nagkahiwa-hiwalay ang mga natitirang sina Nicko, Ayriene, Kyra, Aki, Percy, at Tyron. Hindi nila alam kung nasaan sina Drake, Warren at Dominic. Sigaw ng sigaw si Ayriene umaasang mahahanap niya ang iba pero wala siyang natatanggap na response.

Napahinto siya sa pagtakbo at napaupo na lang hindi lang dahil pagod na pagod na ang katawan niya kundi pagod na pagod na rin siya sa pag iisip. Hindi niya na maintindihan ang nangyayari sa kanila. Hindi niya alam kung bakit may mga nangyayaring ganito sa kanila.

Naiiyak na lang siya ng makaramdam siya ng presensiya kaya nakiramdam siya sa paligid. Tama nga ang hinala niya kaya napahigpit ang hawak niya sa isang kahoy na kanina nya pa bitbit habang tumatakbo. Dahan dahan siyang tumayo at naglakad paurong, nagmamatyag kung asan na ang nagmamay ari ng yabag.

Bigla niyang nabitawan ang kahoy dahil sa gulat ng mag vibrate ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Isang text galing kay Dominic.

From: Dom baby ko

Ayriene, mag iingat kayo. Wag kayong maghiwa-hiwalay. Wag kang mag-alala sa akin, okay lang ako. Hahanapin ko ang killer at ako mismo ang papatay sa kanya.

 

Kinabahan siya pero napangiti dahil sa sinabi ng boyfriend. Biglang may pumasok na isang ideya sa isipan niya. Agad niyang dinial ang number ng pinsan niya. Matapos ang ilang ring ay sumagot ito. “Dino!” sigaw niya.

“Tang ina naman Ayriene! Umagang umaga tumatawag ka! Ano bang katangahan ang nagawa mo at nang iistorbo ka ng tulog?! 1:45 pa lang ng umaga!” inis na sigaw ng kanyang pinsan. Hindi niya na ito pinansin.

“Dino, diba nasa Batanes ka ngayon sa daddy mo? Tawagan mo ang mga pulis please! Nandito kami sa Provident High na isla! Kailangan namin ng tulong! May serial killer dito na iniiisa isa kami!” pero nadismaya siya ng biglang naputol ang tawag at namatay ang cellphone niya. “Fuck!” inis niyang singhal matapos ibato ang cellphone sa kung saan. Tumakbo na lang siyang muli upang hanapin ang ibang kasama.

---------------

“Tsk tsk, nagkahiwa-hiwalay na sila. Wala na yatang chance na may magliligtas sa inyo.” Tawang tawang sabi ng killer habang nakatingin kila Tanya, Anicka at Joseph na punong puno na ng naghalong dugo at pawis. Kakaiba na rin ang amoy nila at wala silang magawa kundi tiiisin ito.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isa pang killer. Nanlaki ang mata ni Tanya dahil sa nakita. Dalawa sila?! Nakasuot din ito ng itim na jacket at isang nakakakilabot na maskara.

“Nagsitakbuhan sila.”Deretsong sabi nito bago inilapag ang hawak na kutsilyo sa lamesa. “Sino ang isusunod mo?”Tanong nito sa kasamahan na nag kibit balikat lang. “Ako naman.”

Kinuha niya ang thermos na may laman na kumukulong mainit na tubig. Ipinatong niya ito sa lamesa at kinuha ang iilang cutter at mga blade. Inilabas niya ang blade ng mga cutter at pinagpuputol ito. Ganun din ang ginawa niya sa mga blade. Nang medyo madami dami dami na ito ay kinuha niyang muli ang thermos at lumapit kay Joseph.

“Videohan mo ako.” Utos ng salarin sa kanyang kasamahan. Sinunod naman ito ng isa at kinuha ang camcorder saka pinindot ang record button. “It’s your time to shine baby. Pag balik naming dalawa sa school at ipalabas namin to, for sure sasabihin ng mga critic na napaka realistic. Hindi nila alam na totoo nga.” Natatawang sabi nito.

Kinuha niya ang mga blade na pinagpuputol niya at itinapon sa loob ng bunganga ni Joseph saka tinanggala ng takip ng thermos at pinuno ng kumukulong mainit na tubig ang bibig nito.

Pilit nagsisisigaw si Joseph hanggang sa magsilabasan na ang dugo sa bibig niya. Unti unti nang nababasa ng dugo ang kanyang damit. Hindi pa nakutento ang salarin at kinuha ang kutsilyo saka ibinaon ito sa leeg ni Joseph.

Napasigaw si Tanya dahil sa takot samantlang iyak ng iyak si Anicka. Pinagtawanan lang sila ng dalawang salarin saka lumabas ng kwarto bitbit ang dalawang bag ng pana at ang kani-kanilang palaso. “It’s showtime.”

“Ikaw kumuha kay Ayriene at Aki. Ako kukuha kay Warren, Kyra at Drake.” Nagsitanguan ang dalawang salarin bago naghiwalay ng landas.

 ------------------------------------------------x.

innuendo means anything that gives off wrong idea, or sick minded thought.


Sino na ang hula niyong mga killers? comment niyo naman kung sino. 7 chapters to go. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

82.6K 4.2K 60
WARNING: UNEDITED! Highest rank- 14 in Mystery/Thriller (01/14/2018) Lahat naman tayo may ginawang pagkakasala. Pero ang pagkakasalang nagawa nila a...
9.1K 887 21
WARNING: INSPIRED BY THE RIDDLE. Read the disclaimer. Dorothea met this strange guy at her own mother's funeral. She thought that this stranger is a...
2.4M 88.2K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
1.3M 36.7K 164
NOW Published under Pop Fiction! ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kailangan pang pahirapan ang sarili. Maniwal...