Stuck Forever with You (Stuck...

By NerdyIrel

16.3M 184K 62.6K

Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's... More

Stuck in the Moment (book 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue
Author's Note

Chapter 4

347K 4.4K 608
By NerdyIrel

Nangangamoy end game ang MiGi sa princess and I ah! Hahaha. Can't wait to watch the Harana-sa-phone scene ni Gino at Mikay mamayang gabi!! So KV talaga! Hehe ^_^

--------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4

Kathryn’s POV

“Dinner?” Tanong sakin ni DJ while he’s playing with my hair.

Super hangin kaya dito!

Syempre, ang taas-taas namin eh!

  

I frowned at him kaya medyo nagtaka siya bigla. “Bakit babe? May sinabi ba akong mali kath?”


“Ayoko pang umalis dito” Angal ko.

Teka, napansin niyo ba na iba-iba tawag namin sa isa’t-isa?

Minsan tawag niya sakin, babe, bave, princess…baby.

Most of the time baby talaga.

Baliw lang kasi kami ni DJ.

Kung anong feel namin na tawagan, yun ang itatawag namin.

Hehehe.

“Eh sino bang may sabing aalis na tayo? Bilis! Sabihin mo sakin ng maitulak ko dun sa hagdanan”

(-_-)

“Akala ko ba dinner?”


“Oo nga kath. Dinner nga”


“Ibig sabihin nun, aalis na tayo…”


“Hindi nga sabi. Kulit mo naman baby eh!” Nagkamot pa siya ng ulo.

  

Wait lang!

NAGUGULUHAN AKO!

Malamang aalis kami para mag-dinner.

Saan niya gusto kaming kumain? Dito?

  

“Kath, dito tayo kakain”

Bigla niyang sinagot yung tanong sa utak ko. Ganyan naman siya eh!

May time nga na inakala kong may powers siya na mind-reading.

Pero sinabi naman niya sakin na nagkakataon lang yun at dahil kilala na rin naman niya kasi ako.

  

Kahit hindi daw ako magsalita, minsan nalalaman na niya kung anong iniisip ko.

  

“D-dito? Nagbibiro ka ba?”


“Bakit naman ako magbibiro?”


“Saan dito DJ?”

Hinawakan na lang niya yung kamay ko sabay hinila ako.

Nagulat ako nung napansin kong malaki pala ito.

Naglakad kami papunta sa right tapos napa-stop ako.

O_O

*speechless*

I can’t explain.

Bigla na lang akong parang napaluha.

Tapos tumingin ako kay Daniel.

TT_TT

  

Sino ba naman kasing hindi mata-touch kapag nakita ito?

Table for two. Punong-puno pa ng candles everywhere.

Naisip ko tuloy yung dati. A year ago.

Yung first date namin sa rooftop noon.

Pati na rin yung date sa Tagaytay.

Parang ito lang iyun eh.

  

Napatingin sakin si DJ and he looked surprised. “Oh, bakit ka naiyak? Halika nga dito”

Hinila niya ko bigla sabay yakap. Ako naman, hagulgol ng iyak.

Ang sweet niya grabe! Kung may langgam lang dito, for sure pinuntahan na siya!

“Daniel naman eh!”


“Ayaw mo?”


“Anong ayaw? Kainis ka! Pinaiyak mo na naman ako!”


“Tss pinaiyak? Wala pa nga akong ginagawa eh”


“Anong wala? This! Ano ito? Nakakaiyak kaya ito!”

Parang naguguluhan pa siya kaya medyo natawa ako. Slow lang??

“Daniel, thank you dito ah! Na-miss ko talaga ito! Ang tagal na nating hindi nagagawang mag-date. Parehas na kasi tayong naging busy. Naalala ko lang yung mga nangyare last year….kung paano tayo nagstart at kung paano tayo muntikan na mag-ending….”

Niyakap niya ko ng mas mahigpit na parang nagaalala na talaga siya. Umiiyak pa rin kasi ako eh!

>_<

“Sshhh ano ka ba! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kalimutan mo na yung nangyare a year ago? Ang kulit kulit mo! Sapakin kaya kita”

Alam kong pinapatawa lang ako ni DJ eh but you can’t blame me kung bakit bigla ko na lang naisip yun. Syempre yung dinner namin sa tagaytay, yung gabing sinagot ko siya, is like tonight lang. Parang same ambiance lang ang meron ngayon.

  

“Oo na po. Sorry na” Sabay yumuko ako.

“Tapos ngayon magso-sorry ka? Baliw ka rin eh noh? Tsk. Tonight is our anniversary. We’re supposed to be happy and having fun. Hindi yung nagiiyakan. Okay?” He stared at my eyes longer than the usual.

Ang drama ko rin kasi eh!

Tama siya! Dapat nagsasaya kami pero kanina pa akong umaga!

Nagalit kaagad ako dahil akala ko nakalimutan niya tapos ngayon, umiyak pa ko.

  

“Tama ka DJ. Kaya nga I’m sorry….”


“Wag ka nga mag-sorry, wala ka namang ginawang mali eh”


“Sabi mo yan! Sige na nga! Tara na, kain na tayo!!! Gutom na ko!!!”

I smiled at him para maniwala siyang okay na ko at kakalimutan ko na lahat ng pinaggagagawa ko.

Sorry naman ah! Sadyang ganito lang talaga ako!

Umupo na kami tapos nag-start na kaming kumain.

Napansin ko nga palang suot niya yung necklace namin.

Yung key at heart. Suot niya yung key…

^_^

Suot ko rin kasi yung akin ngayon…

  

After eating desserts, syempre busog na ko.

Kapag busog na ko, masaya ako.

Kapag masaya ako, nakangiti ako.

Kapag nakangiti ako, nakangiti na rin si Daniel.

“Alam mo Daniel, super thankful ako sa mama mo. Kung hindi siya nakipagtalo sa papa mo, eh di sana wala tayong anniversary. Sana nandun ka sa America. Magkalayo tayo….Kaya sobrang ang laki ng utang na loob ko kay Tita…”


“Kahit naman dun ako mag-college sa America, isasama pa rin kita. For sure papayag mama mo kasi---”


“Bakit naman siya papayag?”


“Ha? Ah…ehh…syempre gusto niyang m-masaya yung anak niya diba? Besides sasagutin ko naman lahat ng gastos”

Tumahimik na lang ako.

Sometimes ang weird ni Daniel.

Sometimes may mga nasasabi siya na bigla na lang niyang tinitigil or binabawi.

And that sometimes, always involved my family.

   

Nag-roll na lang ako ng eyes at pinalagpas yun.

Wala naman siguro siyang nililihim sakin.

  

“May ibibigay ako sayo” Sabi ni DJ.

 “Meron pa?”

  

Grabe. Yung pagpapagawa nito is more than enough.

Tapos yung dinner date pa namin is much much more than enough.

Di ko na yata kakayanin kung may dagdag pa dun!

Prinsesa na prinsesa lang talaga ang peg ko ngayon eh!!!

“Meron pa”

Tumayo siya bigla tapos nagulat ako nung lumuhod siya sa harapan ko.

Teka lang…

  

O_O

Omg! No way! Ano ito? Magpo-propose siya?

Ayoko! Masyado pa akong bata!!!

Di pa namin kaya maging magasawa!

Ano ba itong si DJ!! Kung ano-ano iniisip!!!

“Daniel----”


“Kath, uso kumalma. Mukha kang nabagsakan ng ewan…hahaha”

Nangasar pa!

Binuksan niya nga yung little box tapos napatitig ako dun sa may ring.

Tama nga hinala ko!

Hihingin niya yung kamay ko ngayon!

Pero mali nga kasi ito eh!!

Bakit naman ganito!!???

Bakit ang aga??

  

“Promise ring. Kath, Parang yang necklace lang natin, I’ll promise I’ll stay with you forever. Na eventhough naka-one year na tayo, hindi pa rin ako magsasawa. I will always love you. Only you. Can you promise me the same?”

Parang bigla akong nakahinga ng maluwag nung sinabi niyang promise ring lang yun.

“Teka, bago ko sagutin yang tanong mo. Para saan naman yung promise ring?”


“As a symbol of our love for each other”


“Dj, hindi na naman kailangan niyan diba? Sana hindi mo na lang ako pinagkagastusan. I mean, all this time lagi mo na lang akong binibilhan----”


“Yan ka na naman. Sinisira mo yung moment oh! Nabili ko na eh, wala ng urungan”

Tumawa na lang ako sabay ni-lend out ko yung right hand ko.

“Tutal naman sayo rin manggagaling yung ipapalit diyan, eh di sige na. I promise you na you’re the only one I’ll love forever. Basta promise mo rin na papalitan mo yan ng engagement ring then wedding ring”

Natawa din si Daniel sabay sinuot na niya yung promise ring sa ring finger ko. Tumayo na siya while I stared at the ring for a moment and a smile suddenly appeared from my face.

“So payag ka talagang mapalitan yan ng engagement ring?”


“Malamang DJ. Payag ako…basta sayo manggagaling eh. Pero hindi pa ngayon, sa future na yun”


“Sakin manggaling? So payag ka na rin na sakin manggaling ang magiging anak mo?”

Natawa ako ng bonggang-bongga kasi super duper mega advance na naman magisip itong boyfriend ko.

“Ang aga-aga mo naman magtanong ng ganyan!”


“Ayaw mo nun? Atleast maaga na rin tayong magkaka-baby----”

*POK*

Ayun! Nakatanggap na naman siya ng batok from me.

“DJ ah! Mahaba pa naman yung time natin together, bakit ba parang kating-kati kang magmadali?”


“Wala lang. Trip ko lang”

(-_-)

Wahahahahahahaha.

Kalokohan!

“Teka, may ibibigay nga rin pala ako sayo”


He frowned a little bit pero napa-smile din siya kaagad. “Weh? Eh sa kuripot mong yan, may ibibigay ka? hahaha”

Di ko na lang pinansin yung sinabi niya. Lakas makapangasar eh!

Kinuha ko yung little box sa purse ko tapos inabot ko sa kanya yun.

“For you” ^_^

“For me?”


“Ay hinde, hinde. Para dun sa upuan kasi siya yung boyfriend ko at hindi ikaw”

Nagtawanan na lang kami tapos binuksan na niya yung box. He stared at it sabay ngiti sakin.

“How did you know?”



What he means is, paano ko nalaman na yan yung gustong-gusto niyang watch pero hindi niya mabili. Not because he can’t afford it but because I told him not to waste money. He never told me about that pero as his girlfriend, syempre malalaman ko rin yun.

“Eh kasi tuwing nasa mall tayo, lagi mo yang tinitignan kapag nadaan tayo dun sa shop. I figured out na baka gusto mo talagang bilhin yun”


“B-but kathryn…”

Hindi na niya natuloy yung sinabi niya kasi mukhang nagulat talaga siya dahil binili ko yun for him.

“Papayag ba naman ako na ikaw lang ang may gift? Syempre hindi ako magpapatalo! Ako pa!! Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo soon-to-be-Padilla kaya ito! Alam mo ba, pinagipunan ko yan for 4 months? Ang mahal kaya niyan! Kung hindi lang talaga kita love…naku, hindi ako mangangarap mabili yan! Yan ang pinakamahal na nabili ko, gamit ang pera ko. And proud ako dahil sayo ko ibibigay yun!”

Niyakap niya ko bigla ng sooobbbrrraaannnggg higpit!

“Kath thank you! Thank you so much!!! Pero sana hindi mo na lang din binili yan for me----”


“See? Ngayon alam mo na kung bakit ayaw kitang bilhan ako ng bilhan. Well, gagayahin ko lang sinabi mo noh! Nabili ko na eh, wala ng urungan!”

Tumawa kaming dalawa tapos sinuot na niya yung relo.

“Di ko na ito tatanggalin kahit naliligo ako, promise!”

Halos di na ko nakahinga kakatawa dun sa sinabi ni DJ…

Bumenta sakin eh!

Haha, eh mababaw na tao lang kasi ako!! ^_^

“Tara? Uwi na tayo??” Yaya niya.

>=/

“Ang saya-saya natin tapos bigla mong ika-cut! Ano ba yan! Wag muna please! Ayoko pa” Nag-pout pa talaga ako ng todong-todo pero umiling siya.

“I felt the same kath. Ayoko pang umalis kaso….according dito sa relong binili mo, 8:40 na. Until 9 ka lang diba? Gusto mo bang magalit ang kuya mo sakin? Syempre ayokong suwayin yung utos niya dahil baka hindi na niya tayo payagang magdate kapag ganun”

I sighed.

Kung nawala si Sofia dati, pumalit na ang dakilang bwisit na kuya ko.

Ever since nagpasagasa ako, umayaw na siya kay DJ.

“Pauso kasi ni kuya eh! Feeling niya siya si Marcos para magbigay ng curfew hours sakin. Aish!”


“Hayaan mo, pag nasa-America na tayo, for sure wala ng curfew hours yan”

Napatingin ako sa kanya.

He keeps on saying na someday, sa America kami titira.

As if naman mayaman ako!!!

“Sige na nga, kahit labag sa loob ko, umuwi na tayo ng masungalngal ko kuya ko” He just laughed tapos inalalayan na niya ko.

Neil’s POV

Titig na titig ako sa clock.

Fifteen minutes na lang, 9 na.

Kapag na-late si Kath ng one minute, ililipat ko na talaga yun ng school.

“HUY!!!” Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko nung sumigaw si Mama.

“Ma naman oh!” Angal ko.

“HAHAHAHA! Eh daig mo pa yung tulalang baliw kakatigi diyan sa orasan, hayaan mo na nga kapatid mo. Tutal naman anniversary nila ni Daniel. Bigyan mo naman ng extension”


“Bakit ma? Kailangan gabihin ka ng uwi kapag anniversary niyo ng boyfriend niyo? Ang pangit tignan na ginagabi ng uwi ang isang babae”


“Daig mo pa papa ni Kath kung magalala. Hindi naman late ang 9 ah!”


“Aish! Basta! Kapag hindi talaga siya dumating, ililipat natin siya ng school”


“Bahala ka diyan…ayokong magalit sakin si Kath”


“Mama, hindi ko ma-gets si Kathryn. Bakit hindi siya kay Enrique magkagusto? Tss. Hindi man lang niya naisip na pwedeng maulit yung nangyare noon?”

Umupo si mama sa gilid ko sabay binatukan ako.

“Alam mo neil, wala naman kasalanan si Daniel noon. Parehas lang silang naging biktima ng kalokahan ng isang mangkukulam na si Sofia. Besides, kung mangyare sa inyo ni Yen yung nangyare sa kapatid mo, sa palagay mo ba kakayanin ni Yen ma-inlove sa iba?”

Tumahimik ako nun.

“Syempre hindi. Mahal niya ko eh”


“That’s it. It is as simple as that. Hindi matuturuan ang puso na magmahal ng iba. Just accept the fact na ang gusto ng kapatid mo ay si Daniel. Nagkaroon man sila ng onting pagaaway nun, parehas naman nilang hindi ginusto yun. Kaya wag mong sisihin si DJ. Kawawa yung tao”

“Tss basta! Ten minutes na lang ma. Wala pa rin akong nariring na kotse sa labas”

Tumawa na lang si mama tapos iniwan na ko.

Paranoid na kung paranoid.

OA na kung OA.

Alam kong isang taon na nakakalipas pero

Hindi ko maiwasang hindi sisihin si DJ.

Siya ang dahilan kung bakit muntikan ng mamatay ang kapatid ko.

“Goodnight. Love you more” Napatayo ako nung narinig ko boses ni Kath.

Tumingin ako sa bintana tapos nakita ko siyang nagwe-wave ng buh-bye kay Daniel.

Pumasok na si Kath ng bahay tapos nakita akong naka-cross arms.

Nag-roll eyes lang siya tapos naglakad na.

“Hep hep hep! Wala man lang good evening? Hello? Hi?”


“Tss. Kuya, kailangan pa ba yun? Besides, titigan mo pa yang relo, hindi ako late sa curfew hours MO!”

Tumalikod na ulit siya kaso nagsalita ako ulit.

“Napakasungit mo talagang shrek ka!”


“Anong sabi mo?”


“Shrek! Tsaka bakit ka ba nag-dress at nag-heels? Feeling mo naman bagay sayo”


“Aish! Kuya, nakakainis ka na ah! Wag ka nga mangielam! Di ko naman kayo pinakakielamanan ni Ate Yen ah”


“Uy! Bwisit na siya!!! Iiyak na yan! Hehehe”


“Sinong hindi mabwi-bwisit sayo? Anniversary namin ni Daniel! Alam mong wala na kaming masyadong time sa isa’t-isa dahil sa studies ko tapos binigyan mo pa ko ng CURFEW HOURS! Kuya malaki na ko! Alam ko naman ang tama at hindi eh! Nakakaasar ka lang dahil parang pinaglalayo mo talaga kami ni Dj. Just accept the truth na hindi mo kami mapaghihiwalay!!! Grr!!!” Tumakbo na siya paakyat ng stairs papunta sa kwarto niya bago ako makapagsalita.

I remained quiet.

Wow. First time magalit ng ganun yun sakin ah!

Mukhang nainis ko nga talaga…

Kasalanan niya yan!

Nagpasagasa kasi siya last year, ayan tuloy…naging over-protective ako.

Kathryn’s POV

Ewan ko ba. Umiinit talaga dugo ko kay Kuya.

Nakakainis na kasi siya! Sumosobra na!!

*Kring. Kring*

Di ko na tinignan kung sino yung tumatawag, sinagot ko na lang kaagaad yung phone call.

Me: Ano? Anong kailangan mo?

DJ: Oh? Bakit parang badtrip ka? Iniwan kitang ngiting-ngiti kanina ah. Nawala lang ako for minutes, na-miss mo na ko kaagad.

Napangiti ako dun.

Hay, stress reliever ko talaga si Daniel.

Me: Si Kuya kasi eh…

DJ: Ah. Gets ko na. Wag mo na nga patulan kuya mo. Alam mo namang mas isip bata yun kesa sa atin. Ganito na lang, isipin mo na lang ako ng kiligan ka kahit papaano.

^_^

Eh mukhang gumagana na yung sinasabi ni DJ eh! Hahaha.

Me: Lagi namang ikaw ang iniisip ko eh.

DJ: Ah. Kaya pala lagi kang kinikilig.

Me: Hahaha ganun na nga yata! Haha.

DJ: Gabi na pala, may homeworks ka pa. And for sure, pagod ka na. Sige na, buh-bye na muna. Pahinga ka ah. Wag mong masyadong i-stress ang sarili mo. Baka mamaya magkasakit ka niyan. Happy anniversary ulit, I love you.

Me: Yup, matutulog na ko. Nagawa ko na kanina pa sa library yung mga assignments ko. Thank you ulit kanina, di ko makakalimutan yun. Hehe. I love you more. Goodnight.

DJ: Sweet dreams. Dream of me okay?

Me: Haha, alright. Bye!!

DJ: Babye.

In-end ko na yung phone call niya tapos nagdecide na kong maligo. After kong magbihis, humiga na ko kaagad sa kama tapos tinitigan ko yung ring na nasa kamay ko.

Kinuha ko kaagad yung pink diary ko, actually…book 2 na ito.

Naubusan na ng page yung book 1 eh.

Dear Pink Diary,


                Anniversary namin ni Daniel ngayon! ^_^


                Akala ko kinalimutan na niya yun, yun pala sinadya niya lang umacting para mainis ako sa kanya. Nagulat na lang ako nung bigla siyang nagyaya for a date. And guess what? Grabe yung ginawa niya! Nagpagawa lang naman siya ng sariling beautiful spot kung saan kaming dalawa lang ang allowed dun.


                Effort kung effort talaga si DJ noh? Kung may babae lang na matatawag mong swerte, ako na yun. Swerte ako dahil ako yung ginaganito niya. Swerte ako dahil ako yung taong minahal niya. Tama siya, sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya, ako pa napansin niya.


                And this promise ring? Nagulat ako nung binigyan niya ko nito. Siya lang siguro yung kilala kong lalake na todo ang pagiging faithful. Kasi binigyan niya ako nito to show me na ako lang talaga. Na ako lang forever. Ang sweet niya super!!


                Sana tumagal pa kami ng isa pang year, lima, sampu, fifty, one hundred, eternity!! Feeling ko kasi, ang saya nun! Tsaka wala na kaming balak pang magkahiwalay. Kami na talaga!

                                                                         Inlove pa rin,

                                                                                            Kathryn ♥


-----------------------------------------------------------------------------------


Na-miss ko na yung umaabot sa 300+ comments yung mga nagko-comment....hehe

SURPRISE ULIT! After 2 days, updated kaagad!! Hehe. Lalabs na lalabs ko kasi kayo eh! wahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

35.6K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...
31.5K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
328 133 80
Olivia Dela Torre purchased a charming pocket notebook and filled its pages with heartfelt pictures and cherished memories. She carefully documented...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...