BLACKLIST (ON HOLD)

By paperdeity

3.7K 213 99

I am not your ordinary type of girl. And this is not your typical cliché story. It's not about a heroine look... More

Blacklist™
Prologue
Chapter I: Chaos
Chapter II: Shadow
Chapter III: Regnum Mortem
Author's Note (Not an update)
Chapter IV: Lewis University

Chapter V: The Twin Elements

211 19 7
By paperdeity

Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag sa kambal. Yttrium is pouting at the same time glaring at her, while Thallium is giving her her best dead-panned look. Napabuntong-hininga na lang siya, mas gusto niya kapag hyper ang dalawa kesa sa ganitong seryoso ang mga ito. Hindi kasi siya sanay.

She's about to drag Storm out of their room nang bigla siyang harangin ng kambal. Wala tuloy siyang choice kundi sumunod sa dalawa. She may be the top agent of Shadow but when it comes to the twins, she's as soft as a marshmallow. Kaya naman isa sa mga rason kaya ayaw niyang may nakakaalam ng pribadong buhay niya ay dahil na rin sa baka gamitin ito laban sa kanya. And who knows what she will do if that happens.

"Yttrium, pwede nang gawing sampayan 'yang nguso mo sa haba." Pilit na pagpa-pagaan niya sa paligid. Pero inirapan lang siya ni Yttrium saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. She's still pouting. Gusto niyang iuntog ang ulo niya sa mesa. She doesn't know how to handle this kind of stuff.

Ibinaling niya ang tingin kay Thallium para humingi ng tulong and she almost sighed in relief nang makita ang pagbuntong-hininga ng dalaga saka humarap sa kakambal.

"Yttri..." Tawag ni Thallium sa kakambal.

"Kevine Demnise Montgomery!" Nagulat siya nang sa pagharap ni Yttrium ay sabihin nito ang buong pangalan niya.

"Wh-what?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya dito. But she almost laughed out loud nang bigla ulit itong sumimangot.

"Kilala mo pala si Yummy eh! Kunwari ka pa kaninang walang pakialam habang kinukwento ko siya sayo." 'Di niya mapigilan ang mapanganga sa sinabi ni Yttrium. Wala naman siyang ideya na si Linux pala ang kwine-kwento nito kanina. Kung hindi pa pumasok ang huli ay hindi niya malalamang nag-enroll pala sa university nila ang ugok na 'yon. Lagot talaga sa kaniya ang isang 'yon!

Ang natatanging bagay na masasabi niyang normal sa buhay niya ay ang pagiging studyante niya sa Lewis University at nang maging kaibigan niya ang kambal na si Thallium at Yttrium. Everything else is complicated. Ngayon nagkaroon na naman siya nang dagdag na isipin. Paano niya sasabihin sa kambal kung bakit kilala siya ng binata na hindi malalaman ng mga ito ang tungkol sa pagiging agent niya?

"I don't know him, Yttri." Sinubukan niyang ngumiti pero pakiramdam niya ay mas nagmukha itong ngiwi.

"Pwede bang mangyari na baby ang tawag ni Yummy sayo pero hindi mo siya kilala?" Naniningkit ang mga matang tanong ni Yttrium sa kanya, medyo sumandal pa ito sa lamesa para mailapit ang mukha nito sa mukha niya.

"I swear, Yttri, I have no idea kung bakit tinawag ako ng lalaking yun na ba—" Pakiramdam niya ay biglang may bumura sa lalamunan niya. Damn. She can't even say that word. "Ba—baby..."

"Hmm..." Binigyan siya ni Yttrium ng nanunukat na tingin kaya naman ibinaling niya ang paningin kay Thallium na kanina pa tahimik. Pero tinitigan lang siya ni Thallium na parang hindi rin naniniwala sa sinabi niya. Napabuntong-hininga na lang siya. She'll just make a story up para hindi malaman ng kambal ang totoong koneksyon niya kay Storm.

Huminga siya ng malalim saka muling tumingin sa kambal. Buti na lang at walang masyadong tao na dumaraan sa pwesto nila. "I—I sort of know him. "

"Sort of?" Tumaas ang kilay ni Yttrium, ang kaninang galit at nagtatampong expression sa mukha nito ay napalitan ng curiosity. Mukhang nakuha rin niya ang atensyon ni Thallium dahil pareho na ngayon ng facial expression ang kambal.

"Well, yeah?" Ang daming naglalarong idea sa isip niya kung ano ang gagawing dahilan sa kambal, lalo na kay Yttrium. You could call her mean, pero nagpapasalamat siya na may pagka-dense si Yttrium dahil madali lang itong maniwala sa mga sinasabi niya. "Uhm... we're freelance models..." Gusto niyang sakalin ang sarili sa sinabi. Sa dinami-rami ng pwedeng gawing rason pagmo-modelo pa talaga ang naisip niya. "I'm doing a part time job as a model so I-- um, sort of know him?" Ngumiti siya pero tulad kanina ay pakiramdam niyang mas mukhang ngiwi ito kesa ngiti.

Nakita niya ang biglang paglaki ng mga mata ng kambal. She didn't expect that it would be that easy na mapaniwala ang mga ito.

"You're a freelance model?!" Sabay na sabi ng kambal. Hindi tuloy niya mapigilan ang pagsilay ng isang tipid na ngiti sa labi.

"Uhm, I guess so..." She answered skeptically. She really needs to practice on how to make up excuses. She's a terrible liar. Luckily, Yttrium is the dense type.

"Huh? You guess? Ano ba talaga, Kevi?" Napatingin siya nang magsalita si Thallium, marahil ay nagtataka dahil sa walang kasiguraduhan ang mga pinagsasabi niya. Muntik na niyang makalimutan na sa kambal, Thallium is the suspicious one. Kung hindi nga lang may sa pagka-clumsy ay papasa itong detective.

Tumikhim muna siya bago muling magsalita. "Yeah, I'm working as a freelance model. Hindi naman porque CEO si Dad ng isang private company, I should always depend on him. Kaya I decided to do modelling as a part time job."

I want to pat myself at the back after saying that. I couldn't believe that I came with that reason. Good job, Demi.

"So paano mo nakilala si Yummy?" Tanong ni Yttrium sa kanya. Matamang nakatingin sa kanya ang kambal. Hindi pa pala tapos ang pag-iisip niya ng rason.

"I think nakasama ko siya sa isang photoshoot. Hindi ko na masyadong maalala pa." Ganyan nga, Demnise. Lie. Sana lang kapag nalaman ng kambal ang pagsisinungaling niyang ito ay mapatawad siya ng mga ito.

"Kaya pala..." Tatango-tanong sabi ni Thallium. Binigyan naman niya ng nagtatakang tingin ang kaibigan. "Kaya pala minsan, bigla ka na lang magpapaalam sa klase natin pagkatapos ay hindi ka na bumabalik."

'Di niya mapigilan ang gulat na naramdaman. Napapansin din pala ng kambal ang bigla-bigla niyang pagkawala. Minsan kasi bigla na lang siyang ipapatawag ng Shadow para sa isang misyon kaya 'di maiwasang mag-cut siya ng klase. Minsan pa nga ay hindi niya maiwasang lumiban sa klase dahil na rin sa may ibang misyon siya na umaabot ng dalawa hanggang tatlong araw. She still feels lucky since hindi siya binabagsak o drina-drop ng mga professors niya. Ayaw man niyang isipin ay maaaring may kinalaman ang daddy niya dito.

Hindi na niya kaya pang tagalan ang tingin ng kambal, kaya naman may naisip siya para matigil na ang mga ito sa katatanong sa kanya. It's a risk since hindi niya hawak kung ano man ang sasabihin ni Storm pero bahala na. She knows that the twins are eager to meet that jerk.

Huminga muna siya ng malalim bago sabihin ang nasa isip. "Gusto niyo ba siyang makilala?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kambal. Kita niya ang pagrehistro ng tuwa sa mukha ni Thallium kaya naman hindi rin niya mapigilang mapangiti. "I can introduce the both of you to him."

"Kahit ako?" 'Di makapaniwalang tanong ni Thallium sa kanya.

"Yeah, I know na gusto niyo siya parehong makilala." Sabay na napatili ang kambal sa sinabi niya. Yes, she feels guilty, lying to the twins, pero wala siyang ibang choice.

"Pero nakakatampo ka talaga, Kevi." Nagtatakang napatingin siya kay Yttrium. "Halos lahat alam mo tungkol sa aming dalawa ni Thalli, pero kami, halos walang kaalam-alam tungkol sayo." Rinig ang lungkot at tampo sa tinig ni Yttrium.

She can't blame them because Yttrium is right. Ang alam lang ng kambal ay dalawa na lang sila ng Daddy niya, na ang Mommy niya ay namatay nang ipanganak siya nito. The twins don't need to know everything about her lalo na ang tungkol sa trabaho niya. Natatakot siya na baka kapag nalaman ng kambal ang totoong ginagawa niya ay matakot ang mga ito at layuan siya.

"Wait, tatawagin ko lang si Linux para makilala niyo." Nginitian niya ng tipid ang kambal saka umalis. Hindi niya alam kung anong isasagot sa sinabi ni Yttrium kaya naman the only way she could think is to escape.

Hindi naman siya nahirapang hanapin si Linux dahil pagliko pa lang niya sa corridor kung nasaan ang classroom nila ay kita na niya ang kumpulan ng mga babaeng estudyante, may taga-ibang department pa. Napailing na lang siya. Wala pang isang araw ang lalaki ay dinaig pa nito ang artista sa dami ng fans.

"Model ka ba?" Tanong ng isang babae na base sa unipormeng suot ay taga-ComArts department.

"Ganun ba ako kagwapo para pagkamalan mong model?" Kinindatan ito ni Linux at kulang na lang ay himatayin ang babae sa kilig.

"But you look familiar; I think nakita na kita sa isang commercial or show." Saad naman ng isang nakasuot ng Engineering uniform.

"Ganun talaga kapag gwapo, Babe, madalas mapagkamalang may kahawig." 'Di niya mapigilan ang pag-ikot ng mata nang muling kumindat si Linux at sabay-sabay na umirit ang mga babaeng nakapaligid dito.

"Linux." Hindi man ganun kalakas ang pagkakasabi niya pero sabay-sabay na natahimik ang mga babaeng nakapalibot kay Linux, kasabay nang pagtingin ng mga ito sa direksyon niya. Tss. They can stare all they want, she doesn't care. Walang emosyon lang siyang nakatingin ng diretso kay Linux.

"Hey there, baby!" Kita niya ang biglang pag-asim ng mukha ng mga babaeng nakapalibot kay Linux, some are even glaring at her. "Wala pang isang oras na 'di mo ko nakikita, miss mo na ako agad? Tsk. Tsk. Kailan ka pa naging clingy? " Kasabay nito ay paglapit ng binata sa kanya.

Kinuyom niya ang mga palad at baka bigla niyang masapak ang binata. Nakangisi naman itong tumungo sa kanya ng makalapit na ito. She hates him more for being tall.

"Can we talk?" Hindi pa rin nagpapakita ng emosyong tanong niya sa binata. She needs to warn him bago niya ipakilala ito sa kambal. She can feel that she can trust this guy. Ayaw lang talaga niyang tanggapin ang pagiging mahangin nito.

"Hmm..." Humakbang papalapit sa kanya ang binata kaya naman di niya mapigilan ang mapa-atras. "We're already talking, baby." Sabay ng pagsabi nito ay ang pagkindat din sa kanya ng binata. Hindi niya mapigilan ang mapangiwi sa tinuran ng binata. Ugh! Nagawa pa talagang magpa-cute nito sa kanya habang nakatingin sa kanila ang mga babaeng fans nito.

"In private..." She stole a quick glance at his fan girls at nakita niya ang masasamang tingin ng mga ito sa kanya. Tsk. Isaksak nila sa baga nila si Linux. "At tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng baby kung gusto mo pang masikatan ng araw bukas."

Hindi na niya hinintay ang sagot nito, tumalikod na siya at dire-diretsong naglakad papunta sa direksyon ng lobby. 'Di pa man siya nakakalayo ay nahabol na siya ng binata at saka siya inakbayan.

"So what is so important that you need to talk to me in private?" Tanong ng binata sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalakad saka marahas na inalis ang kamay ng binata mula sa balikat niya. Kunot-noo'ng tumingin siya sa binata. She won't deny that the guy has looks. Ebidensya na ang maraming nahuhumaling dito kahit unang araw palang nito sa eskwelahan nila. Plus there is this sense of mystery in him, or is it danger? At makikita mo lang ito kapag seryos ang itsura ng binata.

"Why are you here?" Aniya rito. Luminga linga siya sa paligid para siguraduhing walang makakarinig sa pinag-uusapan nila. Nakita naman niya ang pagkunot ng noo ng binata. "Inutusan ka ba ni Daddy para bantayan ako?!"

"Hmm..." Umakto pang parang nagiisip ang binata. "I can't tell you the reason, Baby. Code of secrecy, remember?"

Napamura siya ng mahina. She almost forgot about that. Pero sigurado siyang ang Daddy niya ang nag-utos dito and she has this gut feeling na dahil din ito sa magiging misyon nila.

"Fine! Just don't you dare mess with my normal life!" Tinalikuran na niya ang binata ng maramdaman niya ang biglang paghawak nito sa siko niya.

"I'm not going to mess with your life, Baby. I'm going to make it more exciting." Hindi niya napigilan ang gulat na rumehistro sa mukha niya ng makita ang seryosong mukha ng lalaki. "At iyon lang ba ang sasabihin mo kaya ka bumalik? O baka naman gusto mo lang talaga akong makita ulit?" Muling sumilay sa mukha ng binata ang nakakalokong ngiti. Hindi niya maintindihan ang sarili pero saglit siyang na-blangko dahil na rin sa lapit ng mukha ni Linux sa mukha niya. One wrong move ay pwedeng magdikit ang labi nila. Damn.

Marahas niyang itinulak ang binata, rinig niya ang mahinang pagtawa nito na animo'y tuwang-tuwa sa pagkailang niya. Tss. "Why would I want to see you again? Just seeing your face irritates me." Kunwari pa niyang pinagpag ang uniform na para bang nadumihan ito sa pagkakadikit kay Linux.

"Aminin mo na kasing na-miss mo ako agad, Baby."

"Will you stop calling me baby! You're not my mom at mas lalong hindi ako mukhang sanggol!" Ikinuyom niya ang mga kamay at baka bigla na lang niyang masuntok ang binata. He's really getting into her nerves.

"Hmm... Kung ayaw mong tawagin kitang baby, how about cupcake?" Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Linux. This guy is impossible. Hindi na talaga niya ma-differentiate kung malakas lang talaga trip nito o nagtatanga-tangahan.

"God! You're impossible! D'yan ka na nga!" Tinalikuran na niya ang binata. Rinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya pero hindi na niya ito pinansin at dali-daling bumalik ng lobby.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Euphemia🌸 

Continue Reading

You'll Also Like

262K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...