His Love Series 2: Love You B...

By SapphireCastell

101 29 0

"Some people are just really blind. They already have the best thing infront of them. But they turn around an... More

••Prologue••
••Chapter 1••
••Chapter 2••
••Chapter 4••
••Chapter 5••
••Chapter 6••
••Chapter 7••

••Chapter 3••

13 3 0
By SapphireCastell

"CLEMENTINE"

Brielle's PoV:

Nakasimangot kong hinintay si Flynn dito sa mall. Ang feeling na siya ang nag-ayang mag-mall tapos siya pa ang wala dito. Grabe din naman tong si Flynn.

Bago ako makaalis sa bahay siniguro ko munang maganda ang itsura ko sa suot kong dress. Naglagay din ako ng kunting make up para hindi ako maputla tignan. Ayoko naman mapahiya sa harap ni Flynn. Kahit masakit aminin pero kapag lumalabas kami ni Flynn para siyang isang sikat na artista.

Palinga-linga ako para madali kong makita si Flynn. Kung saan saan na nga pumupunta ang paningin ko eh. Then murmurs started filling the air.

"Hala! May gwapo."

"Foreigner ata yan, girl."

"Ang gwapo. Mag-isa lang ata, tara ayain natin."

"Gaga! Parang may hinahanap eh."

Sakto pagtingin ko sa kanan ay nakita ko agad ang lalaking naka-shades. Nang makita ako ay agad niyang binaba ang shades niya at ngumiti sakin.

Sinalubong ko naman siya ng simangot. "Kanina pa kita hinihintay!"

"Excited ka naman ata masyado, panget." Nakangising sabi nito.

"Gago! Kasalanan mo kasi hindi mo sinabi kung anong oras tayo magkikita dito." Sabi ko.

Itinaas naman niya ang mga kamay niya sa ere. "Chill. Sige na nga kasalanan ko na."

Inirapan ko na lang siya na ikinatawa niya. "Tinatawa-tawa mo diyan?"

"Wala! Akala ko ba paglalawayin mo ako sa kagandahan mo?" Sabi nito.

Ngumisi naman ako at umikot sa harap niya. "Natamaan ka nhu?"

Nakatulala lang siya sakin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. "Tsk! Bakit ba ang panget mo?"

"Ano!? Nakakainis ka na talaga, Flynn, ah!" Sabi ko.

Napailing na lang siya at hinablot ang kamay ko. "Tara na. Mag-shopping na tayo... mahal na prinsesa."

"Mahal na prinsesa?" Nakangiting ulit ko sa sinabi niya.

He just snorted at me. "Prinsesa ng mga taong grasa."

"Siraulo!" Binatok ko na siya ng napakalakas.

"Aray!!" Sigaw niya at masamang tumingin sakin. "Hoi, babae, masakit yun ah! Paano kung malaglag ang utak ko sa ginawa mo?"

I raised my right eyebrow at him. "May utak ka pala?"

"Brielle, ikaw ha." Sabi niya sabay turo sakin.

Tumawa na lang ako at ako na ang kusang humila sa kanya sa iba't ibang botique. As I choose different clothes Flynn waits for me patiently without complain.

Tumigil lang kami para kumain ng masyado na akong maraming pinamili na binayaran naman lahat ni Flynn. Dun lang kami sa isang café.

"Sigurado ka bang ito lang lahat ang gusto mo?" Tanong ni Flynn kapagkwan.

Nilunok ko muna ang kinakain kong strawberry shortcake. "Oo nga. Eh bakit mo ba naisipang ilibre ako?"

"I just thought that maybe you are still depress from your break up with Edward. That's why I want you to be happy by bringing you to the mall." Sagot nito.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you. You are the best bestfriend I ever had."

Tumitig lang si Flynn sakin hanggang sa sumimangot ito. "Wag ka ngang ngumiti diyan. Mas lalo kang pumapanget."

Napatawa na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. As you guys know, Flynn is a good friend. Nung mga araw na umiiyak ako ay lagi siyang nandiyan at handang damayan ako. His shoulders are always ready for me.

He's always there from my ups and downs. Hindi siya nagsasawang pakinggan ang mga problema ko. At kahit marami na akong naging boyfriend na iniwan ako si Flynn ay laging nasa tabi ko. There's already a lot if guys who left me. But Flynn is an exemption because he never left.

Pero kahit minsan hindi ko narinig na nag-share ng problema sakin si Flynn. May mga panahon nga na feeling ko may dinadala siyang problema pero hindi niya lang sinasabi sakin. He always hide it with a smile.

Lagi ko din siyang naaabutang binabangungut. And he always shouts in his dream only one name. Freya. I don't know who's this Freya but I know there's something about her that makes Flynn shouts her name with fear. The fear of losing her or something?

Naputol ako sa pag-iisip ko ng marinig ang paghila ng upuan sa harap ko. And there I saw Flynn sitting.

"Umalis ka?" Takang tanong ko.

"I told you that I will just buy something." Sabi nito.

Hindi ko man lang namalayan na umalis siya. Ganun ba kalalim ng iniisip ko para hindi ko mapansin na umalis tong si Flynn?

"So, anong binili mo?" Tanong ko sa kanya.

He shrugged at me. "Just something."

Tumango na lang ako sabay inom ng iced tea ko. Nagpapakasarap ng akong uminom ng may biglang sumulpot na lalaki sa may table namin at hingal na hingal itong umupo sa upuan na nasa gilid. Tatlo kasi ang upuan taga table.

"I'm so glad I found you here." Sabi nung lalaking hingal na hingal pa din.

"Pasensiya na pero table namin to. Kaya kung pwede lang umalis ka na." Flynn said bluntly na ikinanganga ko.

"Ikaw naman, Flynn." I'm also surprise that this guy also knows Flynn.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko sa lalaki.

Tumango naman siya na may ngiti sa mga labi. "We're bestfriends."

"We're not f*cking bestfriends." Sagot ni Flynn.

I instantly glared at Flynn. "Watch your mouth, Flynn."

Hindi naman makapaniwalang tumingin si Flynn sakin. Pero hindi na siya nagsalita pa at nakasimangot na ininom ang frappe niya.

"Hi, I'm Brielle Torres." Nakangiting pagpakilala ko.

Ngumiti din naman ang lalaki sakin. "I'm Clementine Vasco. Just call me Clement."

"Clement." I echoed.

I heared Flynn groaned. "Ano ba ang pinagkaiba ng Clementine sa Clement? Do you think that it will sound cool if you put away I-N-E from your name? Well, let me tell you. It only makes your name sounds so lame."

"Flynn, that was so mean." Sabi ko sa kanya.

Napatingin naman ako kay Clement ng tumawa ito. "Ayos lang, Brielle, sanay naman ako eh."

"Brielle, I'm only telling the truth." Flynn said as he rolled his eyes. "I'm not mean. I'm just brutally honest. It's not my fault truth hurts."

And that was Flynn's motto to himself. At isa pa. Flynn is really honest. Sasabihin talaga niya ang mga na no-notice niyang kakaiba. Ang masaklap nga lang. He will not filter his words. He will really describe it the way he sees it.

"Tama nga sigurong ikaw ang tinakbuhan ko, Flynn." Biglang sabi ni Clement.

"Bakit naman?" Tanong ko naman.

Tumingin naman si Clement sakin. "Brielle, noong una kasi kitang nakita... nagustuhan na agad kita. Kaya siguro tama lang ang naging desisyon kong humingi ng tulong kay Flynn."

And this Clement is also blunt.

"I'm sorry, Clement. Hindi pa kasi ako ready sa ngayon. Kaka-break ko lang sa dati kong boyfriend eh." Nakangiwing sabi ko.

"It's okay, I'll wait for you." Desididong sabi nito na tipid ko lang na nginitian.

"Tsk! I'll wait for you? Really?" Flynn said in a mocking voice. "Maniniwala siguro ako kung si Haru ang nagsabi nun. But it came out from your mouth. I thought I just heared a joke."

"Flynn!" Mahinang sigaw ko sabay siko sa kanya na binalewala lang niya.

Ano ba ang problema nito? He's usually friendly. Kahit lalaki o babae, o bakla man o tomboy, mabait tong si Flynn. But now it's different. He seems so annoyed by Clement's presence.

"I'm serious, Flynn. Gusto ko talaga si Brielle kaya willing akong maghintay." Sabi naman ni Clement.

Flynn just rolled his eyes and continued drinking his frappe with a frown. "Willing my ass."

"Flynn!" I glared at him and smiled at Clement. "Pasensiya ka na, Clement, ha? Medyo wala lang talaga sa mood si Flynn ngayon kaya nagkakaganyan siya."

"Okay, lang." Nakangiting sagot nito at parang nahihiyang tumingin sa lamesa. "Brielle kung pwede lang... can I get your number?"

Nagulat pa ako sa tanong niya pero tumango na lang din ako. "Sige! Walang problema!"

Binigay niya sa akin ang phone niya at ganun din ang ginawa ko. We exchange phones as we exchange numbers.

"Salamat, Brielle. I'll call you okay?" Nakangiting sabi nito ng makatayo ito.

"Sure." Simpleng sabi ko.

"Sige! Bye, Brielle, see you again next time." Masayang sabi nito sabay takbo na.

Well, that Clement is not that bad. Ang cute naman kasi niyang ngumiti. Tsaka mukha naman siyang mabait.

Napatingin ako kay Flynn ng magsalita ito. "Ooh~ how I love to punch away that smile out of his face."

"Flynn, ano ba ang problema mo? Bakit ganun ang pakikitungo ma kay Clement?" Inis na tanong ko sa kanya.

"What!? Ayoko ko kasi sa kanya. Simple as that. I don't like his guts." Sabi nito.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Mabait naman si Clement ah!"

"Yeah right!" Walang pakealam na sabi nito.

Napailing na lang ako at kumain na lang. Siguro nga bad mood lang talaga ngayon si Flynn. But come to think of it...

Kahit kelan hindi ko pa nakikitang nainis si Flynn. Minsan naiinis naman siya. But not to the point that he will talk bad to that certain person. But now he just did.

***

Flynn's PoV:

Nagda-drive na ako pauwi ngayon at kasama ko pa din si Brielle na mula pa kanina na hindi ako pinapansin. Ano naman kaya ang ginawa kong mali ngayon?

Nang maitigil ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay ni Brandon kung nasaan nakatira si Brielle walang may gumalaw samin. Brielle never move to get out of the car. Kaya alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito.

She has something in mind that bothers her. And she wants to talk about it.

I cleared my throat to get her attention. "Brielle, galit ka ba sakin? Bakit hindi mo ako pinapansin?"

Narinig kong napabuntong hininga si Brielle at bumaling sakin. "I just thought that you're pissed. Ayoko lang dumagdag at tsaka I want you to cool off. Kaya hindi kita inisturbo kanina."

"By not talking to me?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko na tinanguan niya.

"I just thought that I will piss you more if I talk to you. Eh bakit ba kasi parang naiinis ka kanina?" Tanong din nito.

Napatingin naman ako sa labas ng bintana dahil dun. What will I tell her? Na naiinis ako kasi ayokong may lumalapit sa kaniyang lalaki?

"Hindi ko lang talaga gusto si Clementine." Dahilan ko na lang.

"Why? Mabait naman si Clement ah." Sabi nito.

Napatingin naman ako kay Brielle na nakatingin din sakin. "Do you... do you like him?"

I am hoping that she will say no. But I guess the angels are not by my side. Brielle nodded at me.

"Clement is kind. Ang cute din niyang ngumiti tapos friendly naman siya. I think he's harmless." Sagot nito.

Napatango na lang ako. "I see."

"Oh? What's with the face?" Tanong ni Brielle na nginitian ko lang.

Umiling ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Wala, pagod lang siguro ako. Sige na, pumasok ka na. Papabuhat ko na lang tong mga pinamili ko kay manong Dan."

"Sige. Salamat sa panlilibre." Brielle said with a grin and get off my car.

Bago pa siya makapasok ng tuluyan sa loob ng gate ng bahay nila ay lumingon pa siya sakin at kumaway. My car is highly tinted but I still raised my hand to wave back.

Nang tuluyan na siyang makapasok ay saka ako napabuntong hininga at ibinaba ko ang bintana ko para makausap si manong Dan.

"Sir Flynn!" Magiliw na saad nito sa pangalan ko.

"Manong, pakikuha na lang po ang mga pinamili na, Brielle sa likod. Paki dala na lang din po sa loob." Magalang na utos ko.

Nag saludo pa sakin si manong Dan. "Walang problema, sir Flynn."

I laughed a little because of his action. Nang makuha lahat ng paper bags sa likod ay nagpaalam na ako kaagad. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko pauwi sa bahay.

Tsk! Pakiramdam ko mauunahan na naman ako. Hindi na ata ako makakaalis sa bestfriend position ko sa buhay ni Brielle.

At first being her friend is good. But as time passes by, being just her friend sucks! It sucks and it tortures me.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako sinungaling na sinasabi ko lahat ng mga nahahalata ko at nararamdaman ko ng walang filter. But I can't bring myself telling Brielle what I'm feeling. Paano kung iba pala ang nararamdaman namin? What if this is just a one-sided love? If I confess to her and we don't feel the same, for sure we can't go back to the way we were if I did tell her.

Kaya mas mabuti na sigurong sarilihin ko na muna to. Maybe it's just too early for now.

I was about to put the key on the keyhole when I noticed that my door is open. I slowly open it without making a sound and put my guards on.

Palinga-linga ako sa paligid kung may masamang tao ba o ano. Baka naman pinasok na ako ng mga alien dito. Shit! Ano ng gagawin ko? Ah bahala na.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina dahil may narinig akong nag-ingay dun. Handa na akong sunggaban ang taga-ibang planeta na pumasok sa bahay ko ng makita ko ang kabuuan ng mukha niya.

"What?" He asked.

"Tang*na naman, Emmette, ano bang kabobohan to!?" Inis na tanong ko.

"Bakit ba? Sa sarado ang pamamahay mo eh kaya inakyat ko na lang." Sagot nito.

I showed him a meme look. "At kelan ka pa naging akyat bahay?"

He just shrugged at me and ate the chocolates that he get in my fridge and started eating it. Binili ko pa naman yan para may kainin si Brielle dito.

"Trespassing to, Emmette." Sabi ko na lang habang kumukuha ng apple juice sa ref.

"It's not. Unless you report me." He said.

"Eh ano ba ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. I have nowhere to go. My feet just brought me here." He replied.

Ano daw? May sariling isip ba ang mga paa niya? Tsk! Mga weirdo! Si Haru ay isang weirdo, ganun din si Takeo, pati ba naman tong si Emmette? Mabuti na lang at matino ako.

"That was a very nice reason you have there, man." Sarcastic na sabi ko.

He just showed me a sarcastic smile and heave a sigh. "Pumunta ako dito kasi may mga bata na pumupunta dun sa bahay ko."

"Your students?"

"Yeah... my students. Kahapon nung nasa meeting ako biglang may tumawag na pulis sakin. Ang sabi may tatlong bata daw na umakyat sa gate ng bahay ko." Paliwanag nito.

"At ano naman ang koneksyon mo sa mga batang yun?" I asked him.

Emmette sighed again. "Mga kaibigan ni Nash."

"Nash? Yung pinsan mong taga-bukid?" Tanong ko ulit.

"Yeah. Nash doesn't know how to open a door. He doesn't even know how to play games in a computer. He also don't know how to make coffee in a brewing machine. And he's too kind for his own good." Problemadong sabi ni Emmette.

"Well... you can't blame him. Lumaki siya sa bukid, malayo sa teknolohiya. Kaya hindi na nakakagulat yan." Sabi ko naman sabay ubos ng apple juice ko.

"I'm not blaming him. I'm just worried. He has to know how life works in a modern society. I just want him to know that the world is too cruel for him to be so kind." Emmette said and faced palm.

"Yun na nga, Emmette. Masyado ng  malupit ang mundo at mga tao ngayon at nangangailangan ito ng tao na magpapakita dito ng kabutihan." I said.

Geezz.. I don't even know what I'm talking about. Basta sinabi ko lang ang gustong sabihin ng utak ko.

Narinig ko naman na bumuntong hininga si Emmette at tumayo ito. "Siguro nga tama ka."

"Talaga?" Gulat na sabi ko. "I mean, of course I'm right."

Napailing na lang si Emmette at tinapik ang baikat ko. "Ghe, aalis na ako. Baka nakakaisturbo ako sayo."

"Duh! Ngayon mo lang nalaman?" Pagbibiro ko.

But Emmette just raised his middle finger at me as he exited my house. "Whatever, you lil' f*cker!"

"Hoi! Gago, bad yan! Anong lil' f*cker pinagsasabi mo diyan? Sumbong kita sa mommy mo eh!" Sigaw ko sa kanya para marinig niya.

I even heared him shouted. "Siraulo!"

"Isara mo yung gate, Emmette! Kapag pinasok ako ng alien dito kasalanan mo tang'na ka!" Pahabol ko pa.

I never heared him reply. Ang narinig ko na lang ay ang pagsara ng gate ko at ang pag lock nito. Oh diba? Rinig na rinig ko.

Tsk! Makatulog na nga lang. Akala niyo ah! Masama pa din ang loob ko mga par. Mukha kasing nagustuhan na agad ni Brielle yung si Clementine. Humanda lang sakin ang punyetang yun.

🌹💜🌹

Continue Reading

You'll Also Like

504K 31.7K 65
"Sshhhhh....." he hushed and pinned us against the wall leaving no space between us. I held onto his biceps with my hand in reflex. He shook his head...
182K 6.9K 55
ရိပ်ချေ ကိုကြီးကိုချစ်တယ် ။ ကိုကြီးလည်း ရိပ်ချေကိုချစ်လာရင် ဖွင့်ပြောပေးနော် ။ နွေဦးရိပ်ချေ 🍀 နေမခန်း & နွေဦးရိပ်ခ...
795K 8K 67
𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞𝐬 𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐨𝐲𝐬 ✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦ don't forget to vote, share and comment. 🤍
1M 56.4K 29
This book is about the two daughters-in-law of Rajputs who have gotten married to the two Rajput siblings and are best friends as well even before be...