The Prince's Fiancee

By HopelessPen

112K 4.8K 856

(Watty's2019 Awardee for Historical Fiction) Michelle Santiago was killed by a man in a dark suit. But instea... More

Foreword
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15

2

6.5K 302 29
By HopelessPen

2

Kung Sakali



Napasinghap ako ng hinigpitan ang bigkis sa aking beywang. Isang beses pang hinila ni Nana Helga iyon hanggang sa tuluyan ng magmukhang manipis ang aking beywang. Nang matapos siya ay hinayaan lamang niya akong ilaglag ang aking buhok.

"Sigurado ka bang pupunta ka sa kapitolyo, Binibini? Ano bang kailangan mo roon na wala rito?" nag alalang tanong ni Nana. Humagikgik lamang ako at hinawakan ang braso niya.

"Nana, naiinip ako dito. Hindi ba ako pwedeng lumabas man lang?" panlalambing ko. Tinitigan ako ni Nana bago agad na umiling.

"Naninibago ako sayo, Amelia. Magmula noong bangungutin ka, nag iba ka. Dati naman, hindi ka lumalabas ng mansyon. Ni ayaw mo ngang naarawan dahil takot kang masunog ang balat mo! Pero ngayon, mangangabayo ka pa papuntang Briaria! Nang ikaw lang mag isa!" tuloy tuloy na pagsasabi sabi ni Nana. Natatawa na lamang ako bago ko sinuot ang malaking sombrero bago ko kinuha ang ilang pirasong kwadros, ang mga gintong barya ng Setrelle.

"Mauuna na po ako, Nana," paalam ko. Napanganga na lamang si Nana habang ako ay tumakbo na papunta sa kwadra. Naroon ang kabayo kong si Magda, naghihintay na sa papalapit niyang amo.

Kung may isang bagay na gusto ko tungkol sa orihinal na Amelia, iyon ay ang galing niya sa pangangabayo. Lahat ng mga myembro ng limang mahaharlikang angkan ay marunong sa pangangabayo. Kahit na ako na ngayon si Amelia, lahat ng mga bagay na alam ng dating siya ay alam ko na rin ngayon.

Sumakay na ako kay Magda para makapunta agad sa Briaria. Habang nasa daan ay hindi maiiwasan na makakita ako ng mga minero. Punong hanapbuhay ng mga Klintar ang pagmimina at marami sa aming mga tauhan ay nanggaling sa mga Destal --- mga mamamayan na hindi kasama sa kahit na anong angkan.

Kumbaga, ang mga Destal ang mahihirap na mamamayan ng Setrelle. Sila ang hindi nabiyayaan ng regalo mula sa Dyosa kaya pinagsisilbihan na lamang nila kaming mga parte ng angkan. Sa lahat, ang mga Klintar ang may pinakamaraming pag aaring Destal.

Hindi ako sang ayon sa ganitong klaseng pamumuhay sa Setrelle. Kahit noong ako pa si Michelle na abogada, palagi kong pinoprotektahan ang mga mahihirap. Nagtatrabaho ako sa pampublikong attorney's office at madalas na hindi tumatanggap ng kahit na anong kabayaran mula sa serbisyo. Mas masaya akong malaman na may naipagtanggol akong nangangailangan kaysa ang magkaroon ng maraming salapi.

Itong huling kaso ko, nakalaban ko ang isang malaking pulitiko. Mayor ito ng Pasig at tumatakbong Senador sa eleksyon noong inereklamo siya ng isang dalaga sa salang rape. Ilang beses na akong sinubukang bayaran ng mga tauhan ng Mayor na iyon pero palagi kong tinatanggihan. Noong hindi ako tumalikod sa kaso ay nagbayad sila ng mga pekeng witnesses.

Pero sanay na ako sa mga madadayang laro at mga kalaban. Nakakuha ako ng solidong ebidensya laban sa kanya. Nakuha rin ng biktima ang simpatya ng publiko kaya mas naging madaling mabuwag ang tiwala ng mga tao sa Mayor. Ito ang dahilan kaya pinagtangkaan nila ang buhay ko. Kaya nila ako pinatay.

Sa dulo ng kakahuyan ay nakikita ko na ang makulay na Briaria, ang kapital ng Setrelle. Malayong malayo ang Briaria sa Apranya. Dito sa amin, tanging mga nagtatayugang puno at kweba ang makikita. Pero sa Briaria, naroon lahat. Mga makukulay na paninda, mga pagtatanghal sa siyudad, at mga nagtatayugang estatwa ng Dyosa at ng angkan ng mga Vaurian ang naroon.

"Bigyang daan ang binibini!" sigaw ng isang gwardya ng makita ang paparating kong kabayo. Nang makaabot ako sa pasukan ay agad akong pinagbuksan ng tarangkahan. Naglakad na lamang si Magda habang ang mga namamalimos na Destal ay kumapit sa laylayan ng aking damit.

"Nagmamakaawa ako, binibini. Hindi pa kumakain ang aking anak," sigaw ng isang ina na may hawak na batang payat. Akma akong bababa ng hinila ng isang gwardya ang tali ni Magda para mas mapabilis ang lakad ng aking kabayo.

"Sandali lamang---"

"May iba pang nasa likuran mo, Binibini. At ayaw nilang mahawakan ng mga Destal. Kung mararapatin sana ng binibini..." anas ng gwardyang may hawak kay Magda. Nilingon ko muli ang babaeng umiiyak na sa pagmamakaawa sa ibang mga aristokratong dumaraan.

Isinara na ang tarangkahan at nagmamadali akong bumaba kay Magda. Itinali ko siya sa ilalim ng isang puno at kumuha ng maliit na balde at nilagyan ng baon naming tubig. Dinukot ko ang isang maliit na karot sa bulsa at pinakain sa kanya iyon.

"Babalikan kita..." paalam ko sa aking kabayo. Inayos ko ang aking sombrero at naglakad na papunta sa naglilinyahang mga tindahan. Nagkalat na ang mga taong namimili. Ilang beses akong natapakan sap aa pero nagtuloy tuloy lamang sila at hindi humingi ng dispensa. May isa pang nabangga ako mula sa dala niyang bagahe pero hindi ako pinansin.

Inayos ko na lamang ang nagusot kong damit at dumiretsyo sa tindahan ng mga kumot at unan. Mabilis na lumapit sa akin ang tindero at tuwang tuwa akong iniestima.

"Binibini, may napili ka na ba? Mayroon akong kumot na gawa sa satin, sa seda o kaya naman ay sa pinya. Anong gusto mo?"

"Magkano ang gawa sa seda?"

"Limang kwadros, binibini," sagot nito. Dumukot ako sa aking bulsa at nagbigay ng limampung kwadros sa tindero.

"Binibini, sampung unan?"

"Oo. Ginoo, pwede bang humingi ng pabor? Wala kasi akong kasamang katulong. Maari bang pakihatid sa mga Destal na nasa tarangkahan ang mga unan na binili ko. Pakisabi na rin na sa susunod kong bisita rito sa Briaria ay dadagdagan ko ang mga unan," anas ko. Napanganga ang tindero bago tinuro ang mga Destal na nagmamakaaawa para sa pagkain na nasa labas lamang ng tarangkahan.

"Tama ba ako ng narinig? Itong unang seda, ibibigay ko sa mga maruruming Destal?!" nanginginig ng sabi ng tindero. Natigilan ako at tinitigan itong matapobreng lalaki sa aking harap.

"Ginoo, gusto mo bang sa ibang tindahan na lamang ako bumili ng mga unan? O patuloy mong kikwestyunin ang aking desisyon?" paghamon ko. Namutla ang tindero sa aking sinabi bago siya napayuko. Ilang segundo lamang ay tinawag niya ang kanyang mga tauhan para ilabas ang mga unan at dalhin iyon sa mga Destal na naghihintay.

Hindi na ako nagpasalamat sa matapobreng tindero na iyon. Dumiretsyo ako sa pwesto ng mga prutas at namili ng pepwedeng ipangdagdag sa ibibigay ko sa mag ina na nakita ko kanina sa tarangkahan. Napansin ko ang isang pulang pulang mansanas at akma na sanang kukunin iyon ng may lapastangan nan ang agaw sa akin niyon.

"Anong---"

Narinig ko ang pagkagat noong lalaki bago niya ako binalingan. Nakasuot siya ng malaking kapuisa para matakpan ang kanyang mukha. Nang makita niyang nakilala ko na siya ay agad siyang ngumisi.

"Ang hirap magbantay ng isang binibini..." reklamo niya sabay kagat muli sa mansanas. Nilingon ko ang aking paligid at natantong ako lamang ang binibining nasa Briaria ngayon.

"K-kamahalan..." bati ko na lamang. Dumukot ng kwadros sa bulsa si Elric at inabot iyon sa nagtitinda.

"Binibini..."

Dahan dahan akong yumuko at nagbigay pugay.

"Magandang hapon, sa ngalan ng Dyosa ng Setrelle, Vaurian Elric," bulong ko. Patuloy lamang kumain ang prinsipe ng mansanas at walang pakialam sa aking pagbati.

"Anong ginagawa ng isang binibini sa ganito kataong lugar? Pinayagan ka ng iyong ama na lumisan sa inyong mansyon?" tanong niya habang tumabi sa akin. Lumayo ako ng kaunti para mas makapamili ng prutas ng lumapit na naman siya.

"Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong niyan? Anong ginagawa ng isang prinsipe rito sa kapital? Hindi ba dapat nasa palasyo ka at... at...gumagawa ng kung ano ano?" nauutal kong tanong. Lihim kong sinapak ang sarili ko dahil sa napakawalang kwenta kong sinabi. Narinig ko ang tawa ng prinsipe kaya mabilis akong napatingala rito.

"Kung ano ano? Patawad binibini, pero hindi ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko. Sa iyong pananaw ba, kung ano ano lamang ang ginagawa namin ng aking kapatid sa palasyo?" aniya, binigyang diin ang sarili kong mga salita. Kinagat ko ang aking labi at tumikhim na lamang.

"Patawad, kamahalan. Hindi ako maalam sa mga trabaho ng mga Vaurian. Hindi ko nais na maliitin ang ginagawa ninyo ng Prinsipe Amreit," nangigigil kong sabi. Sumandal si Elric sa isa sa haligi ng mga tindahan at binigyan ako ng mariin na tingin.

"Pero dapat ka ng masanay, Amelia, dahil balang araw, magiging Vaurian ka," aniya. Kumunot ang aking noo habang siya ay hinihintay lamang ang aking reaksyon.

"Hindi ka nagulat. Sinabi na ba ni Klintar Daniel sa iyo ang plano ng reyna na ipakasal ka sa akin pagsapit ng aking ika labing walong kaarawan?"

Doon ako nagulat sa narinig. Ayon sa libro, pagtungtong ng dalawampu't isang kaarawan ni Elric kami dapat magpakasal. Apat na taon mula ngayon pa iyon kaya....

Nanlalaki ang matang hinarap ko ang prinsipe na ngayon ay naguguluhan na sa aking reaksyon.

"Sa iyong ikalabing walong kaarawan?"

Tumango si Elric at lumapit sa akin. Ngayon ay nakayuko na siya sa akin at pinagmamasdan ang aking reaksyon.

"Bakit? Masyado ba tayong bata para maging mag asawa, iyon ba ang problema mo?"

Umiling agad ako. Hindi, Elric. Hindi iyon ang problema ko. Problema ko ay ang biglaang pagbabago ng kwento! Hindi ito ang nakasulat na nagyari sa nobela!

"Patawad. Hindi ko naisip na masyado ka pang bata. Labing anim ka pa lamang pala," mahina niyang sabi. Napabuntong hininga na lamang ako at muling umiling. Ganoon rin ang ginawa niya bago pumormal.

"Pero wala na tayong magagawa, Binibini. Isa sa mga susunod na araw, dadayo kami ng reyna sa inyong tahanan para pormal na hingin ang kamay mo sa iyong ama," sabi niya. Bumagsak ang aking balikat at napatingin na lamang sa kanya.

Mamamatay ang Amelia sa nobela sa mismong bisperas ng kaniyang kasal kay Elric. Ibig bang sabihin nito ay malapit na rin akong mamatay dito?

Naramdaman ko ang kamay ni Elric sa aking balikat at napatalon ako. Mabilis niya akong inalalayan at hinawakan ng mahigpit. Yumuko siya para magkapantay ang mata naming dalawa.

"May dinaramdam ka ba? Malapit lang rito ang aking kabayo. Maari kitang dalhin sa palasyo---"

"Ayos lang ako," pagputol ko sa kanyang sinasabi. Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago niya natantong mahigpit pa rin ang hawak niya sa akin. Parang napapaso niya akong binitiwan habang ako ay napahakbang agad palayo sa kanya.

"Patawad..." sabay naming sabing dalawa. Tiningala ko siya at nahuli ko ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi. Mabilis naman niyang itinago ang kanyang mukha at ako ay nagkunwaring namimili muli ng mga prutas.

Nakabili ako (si Elric pala, dahil siya naman talaga ang nagbayad) ng dalawang basket ng ibat't ibang prutas. Hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay agad ng kinuha ni Elric iyon at binuhat.

Dumiretsyo ako sa bilihan ng tinapay at agad na inubos ang isang buong bandeha ng tinapay. Gulat man ay binayaran agad ni Elric iyon at binuhat. Hindi pa ako nakuntento at kumuha rin ako ng ilang pirasong minatamis para sa mga bata na naroon sa labas.

"Kakainin mo lahat ito, Amelia?" tanong ni Elric ng makalabas na kami sa tindahan. Puno na ang mga kamay niya sa mga pinamili ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Hindi. Ibibigay ko sa mga Destal sa labas ang mga iyan, kamahalan."

Natigilan siya sa paglalakad at tiningnan ako.

"Sa mga Destal? Binibini, nahihibang ka na ba?" mataas ang boses niyang tanong. Nahinto ang aking mga hakbang at hinarap ang prinsipe.

"Patawad. Hindi kita naiintindihan---"

"Kapag nalaman ng mga ministro o kaya ng hari ang ginagawa mong pagtulong sa mga Destal, maari kang makulong, Amelia!" impit niyang sigaw. Inilang hakbang lamang niya ang pagitan naming dalawa. Iyong asul niyang mata ay nagbabaga sa galit na nararamdaman habang nakatitig sa akin.

Nanlamig ang aking tingin at inabot lahat ng aking pinamili.

"Kaya ko ng buhatin ang mga iyan, kamahalan---"

"Klintar Amelia! Huwag mo akong suwayin! Isa ako sa dalawang prinsipe ng mga Vaurian, binibini! Kami ang pinakamakapangyarihan sa mga angkan kaya makinig ka---"

Hinila ko ang isa sa mga basket na dala niya at agad niya iyong nabitiwan. Naglakad na ako palayo sa kanya ng marinig ko ang mga yapak niyang humahabol sa akin.

"Ayon sa batas----"

"Wala akong pakialam sa batas! Namamatay na sa gutom ang mga tao roon, kamahalan. Hindi bato ang puso ko para hindi maawa sa kanila," mahina kong sabi. Napalunok ang prinsipe habang mukhang nakokonsyensya na.

"Alipin tayo ng batas, Amelia. Tungkulin nating sundin iyon," madiin na niyang sabi. Napapikit ako sa narinig. Hanggang dito ba naman, may hindi pa rin pagkakapantay?

"Kung ganoon, hindi ako magpapaalipin. Hindi ko paglilingkuran ang baluktot na batas ng Setrelle," anunsyo ko. Nagngalit ang kanyang bagang habang pinapanood akong makipagtitigan sa kanya. Maya maya ay yumuko ako para bigyang pugay ang prinsipe.

"Maari mo na akong iwan, kamahalan. Nawa'y biyayaan ka ng Dyosa," anas ko at akmang babalik na sa tarangkahan ng biglang may humila sa aking braso. Napaurong ako at agad na bumangga sa kanyang katawan.

"Napakatigas ng ulo mo, binibini," bulong niya. Napangiti na lamang ako ng mapait bago siya bahagyang itinulak. Tinitigan ko lamang siya habang isa isa niyang kinuha ang mga basket ng pagkain.

"Ang sabi ng aking mga kaibigan, isa ka sa mga mahaharlikang diring diri sa mga Destal. Na katulad ng ibang mga angkan, galit ka sa kanila at malupit. Anong nag iba?" kuryosong sabi ng prinsipe. Nagkibit balikat lamang ako at tinulungan siya sa pagbubuhat.

"Walang nag iba kamahalan. Ako pa rin si Amelia Kleona ng angkang Klintar."

Napailing na lamang siya habang natawa. Lumingon siya sa paligid at hinila ako bigla sa may gilid.

"Mamayang gabi ko ibibigay..."

"Anong---"

"Mamayang gabi, kapag tulog na ang mga gwardya. Sa ganoong oras ako nagbibigay ng tulong sa mga Destal. Hindi maari ngayon, makikita tayo ng mga ministro. Magiging malaking gulo kapag nalaman ito ng hari," aniya. Bumagsak ang aking panga habang siya ay natatawang nakatingin lamang sa akin.

"Seryoso ka?" bigla kong sabi. Kumunot ang noo ni Elric habang nakatingin sa akin.

"Tutulungan mo ang mga Destal?"

Tumaas ang sulok ng labi niya at tumango.

"Katulad mo, binibini, naniniwala akong mali ang batas ng Setrelle. Pero may mga digmaan na hindi mo maipapanalo habang tirik ang araw. Sa katahimikan ng gabi, kapag tulog na ang lahat at wala ng matang nagbabantay, doon maari na tayong makalaya sa batas," aniya. Tiningnan niya ang mga Destal na nasa tarangkahan at nagmamakaawa pa rin para sa pagkain.

Napuno ng kaligayahan ang aking dibdib kaya di ko napigilang abutin ang kamay ni Elric. Nagulat siya sa ginawa ko at agad niyang tiningnan ang mga palad naming magkahawak.

"Salamat, kamahalan."

Umusbong ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi bago siya sumandal sa pader na nasa aming gilid.

"Sa labing pitong taon ko bilang Vaurian, ni minsan wala pa akong nakadaupang palad na nagkaroon ng pakialam sa mga Destal, ngayon lang. Nagagalak akong pareho pala tayo sa aspetong ito, Amelia," anas niya. Napatango na lamang ako. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay at hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo akong nakaramdam ng saya.

"Magiging mabuti kang hari, kamahalan..." sabi ko. Tumaas ang kilay niya bago natawa na para bang imposible ang sinasabi ko. Pero hindi siya katulad ko na alam na ang mangyayari sa mundong ito. Kokoronahan ka, Elric. Ikaw ang susunod na hari ng Setrelle.

"Kung sakali..." aniya habang itinataas ang palad ko. Dinala niya iyon sa kanyang labi bago hinalikan ang likod nito.

"Magiging mabuti ka ring reyna, binibini..." bulong niya. Naramdaman ko ang pag iinit ng aking pisngi kaya mabilis kong hinila ang aking palad. Tumikhim ako at agad na yumuko para magbigay pugay rito.

"Paalam, Vaurian Elric. Nawa'y patnubayan ka ng Dyosa."

Sumandal siya sa pader at tiningnan ako ng mariin. Bahagya rin niyang iniyuko ang kanyang ulo para sa akin at ngumiti.

"Patnubayan ka rin ng Dyosa, Klintar Amelia."

Kinagat ko na lamang ang aking labi at nagmamadaling binalikan ang aking kabayo sa tarangkahan.

Continue Reading

You'll Also Like

Sa Taong 1890 By xxienc

Historical Fiction

81.2K 3.5K 71
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 79.6K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.5M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
429K 19.3K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...