Im Living Up With My Legendar...

By Kayehannah23

15.6K 352 8

Don't stop when you're tired,stop when you're done.You may see me struggle,but you will never see me quiting"... More

PROLOGUE
I-1
II-2
III-3
IV-4
V-5
VI-6
VII-7
VIII-8
IX-9
X-10
XI-11
XII-12
XIII-13
XIV-14
XV-15
XVI-16
XVII-17
XVIII-18
XIX-19
XX-20
XXI-21
XXII-22
XXIV-24
XXV-25
XXVI-26
WAKAS

XXIII-23

293 10 0
By Kayehannah23

Pagkapasok ko sa bahay nakita ko silang masayang kumakain.Nagulat naman sila sa presensiya ko.

""Kain""Pinagsandok pa ako ni Mama ng kanin kaya wala akong nagawa kundi kainin iyon.

""Si Hales""Agad namang tanong ni Brie.

Bago ko sagutin yun tiningnan ko ng masinsinan si Viel,umiwas naman ito sa tingin ko.Napapansin kong iba yung galaw niya kaya napailing lang ako at napangisi.

""Hindi ko alam""Walang emosyon na sabi ko.

Habang kumakain ako panay yung lingon ko kay Viel hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin kaya naghihinala na ako sa kaniya,Sa tuwing nagtatama yung tingin namin ngumingisi lang ako sa kaniya.

""Dito ako matutulog ma ha""Sabi ko sa kaniya.

Minadali ko ang pagtapos ng pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain umakyat ako sa taas,panay ang lingon ko baka may sumunod sa akin.

Pumasok ako sa isang guest room.Pagkapasok ko ang dilim.Hinay hinay kong sinarado ang pintuan at binuksan ilaw.

Una kong hinalungkat ang side table na may drawer inisa isa ko ang gamit baka nandon yung hinahanap ko pero wala.Inisa isa ko rin ang bawat pantalon baka nandon lang sa bulsa.Tiningnan ko ang bawat lalagyan na pwedeng paglagyan.Sa dinami dami kong hinanap kahit isa wala talaga akong mahanap.

Napapagod na akong maghalungkat pero ayoko parin tumigil.

Huling tiningnan ko ang ilalim ng kama at may nakita ako doon isang kulay pulang box binuksan ko yun at bumungad sa akin ang isang telang itim,hinalungkat ko ang likod non at laking tuwa ko ng makita ang isang pamilyar na cellphone

""Yes""Masaya kong sambit.

Bubuksan ko na sana pero nagulat ako ng biglang may dumampot noon sa kamay ko..

Nakipag-agawan naman ako sa kaniya pero hindi ko maagaw ginawa ko na lahat nagawa ko na rin siyang atakihin sa bawat suntok ko baka mapatumba ko siya at maagaw yung cellphone pero hindi ko magawa.

""Viel naman""Pagmamakaawa ko sa kaniya.

""Mapapahamak ka lang dito""Sobrang higpit ng hawak niya sa cellphone na yun na parang alam niya na ang laman noon.

Hindi ko man gawain ito at ito yung una beses kong nagmakaawa.Lumuhod ako sa harapan niya at tumulo yung luha kahit labag sa loob kong gawin yun.Ginawa ko dahil kailangan.

""Maawa ka Viel""Nangiyak ngiyak kong sabi.

Nakikita ko sa mga mata niya ang lamig ng tingin niya sa akin na parang walang awa.

""Wag mong susubukan na kunin ito""Turo niya sa hawak niyang cellphone.

Kumapit ako sa paa niya""Viel,Sige na please""Pagmamakaawa ko sa harapan niya.

Patuloy parin ako sa magmakaawa kahit parang tanga man ako sa paningin niya hindi ako titigil sa pagmamakaawa sa kaniya..

Nakita kong nagtagis yung bagang niya""Tumayo ka diyan""Diin niyang sabi.

Hindi ako tumigil nakaluhod parin akong nakatingin sa kaniya""Alam kong importante yan kaya ipaalam mo na sa akin""Tumulo ulit yung luha ko.

""Ayaw kong mapahamak ka Niks""

""Sa dinami dami kong ginawa sa buhay ko ngayon ka pa nag-aalalang mapapahamak ako?""

""Ito na yung ikapapahamak mo kaya dapat huwag mo itong malaman""

Tiningnan ko siya ng masinsinan""Kung ikaw yung sa pwesto ko dito tapos nagmamakaawa ka tapos gaganyanin kita anong mararamdaman mo,Wala kang puso""Galit kong sigaw sa kaniya.

""Kahit anong sabihin mo sa akin wala akong paki,kaligtasan mo nakasalalay dito""Sabi niya.

Napatayo ako sa pagkakaluhod ko at lumabas sa kwarto naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

May naisip na akong paraan,Alam kong mali man yun pero baka ito yung paraan para makuha yung gusto ko.

Nakita ko si Brie na naghuhugas ng pinggan nilapitan ko siya at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

""N-Nikki""Nanginginig niyang sabi.

""Nikki huwag mong gagawin yan""Suway sa akin ni Mama.

Seryosong nakatingin sa akin si Viel""Ibaba mo yan""

""Sa isang kondisyon""Ngumisi ako sa kaniya

""Papakita ko yung video?""Agad nitong sagot napatango ako.

""N-Nikki please""Pagmamakaawa ni Brie sa akin.

Mas nilapitan ko pa yung kutsilyo sa leeg niya unting galaw lang ni Brie masusugatan talaga ito.

""Ibaba mo yan""Nagtagis yung bagang niya sa galit..

""Pakita mo na kasi yung video,ganon lang ka simple""Nakangisi kong sambit.

Nakita ko si Mama na papalapit para patigilin ako pero binantaan ko siya""Sige lumapit ka papatayin ko si Brie""

Mas lalong bumilis yung paghinga ni Brie at tumatagaktak yung pawis niya""P-please alisin mo yan -Niks""Pagmamakaawa niya.

""Hindi mo yan magagawa""Sabi ni Viel kaya natawa ako.Diniinan ko yung kutsilyo.

""AHHHH""Napasigaw si Brie.

""Pakita mo na kasi Viel""Sigaw ni Mama.

Nakita kong napairap siya at nagtaas ng kamay""Fine""Sabi nito at nilapag ang cellphone sa lamesa.

Sinigurado ko munang di niya yun maagaw kaya agad agad ko naman kinuha iyon at binitawan ko si Brie kitang kita ko naman ang luwag na ng hinga ni Brie.

""Password""Utos ko sa kaniya,Nagdadalawang isip pa siya kaya tinutukan ko na naman ulit si Brie.

""Viel""Pagmamakaawa ni Brie kaya walang nagawa si Viel kundi lagyan ng password kaya lumabas yung video.

Nanlaki yung mata ko at sunod sunod na bumuhos ang luha ko.Nagagalit ako sa sarili ko ng makita ko yun,bakit hindi ko nagawang mahanao siya.

""S-save me..I-I'm in h-h..ell""Yun lang ang sinabi niya at nakita ko sa huling video ang lugar at kitang kita ko ang paghihirap niya at parang unti nalang malalagotan na siya ng buhay

Kahit yun lang ang laman ng video gusto kong magwala sa nakita ko.Buong buhay ko napaniwala akong wala na siya.Lumaki akong naniwala sa isang kasinungalingan.Halos ikamatay ko na ang paghanap ng hustisya...

Pinagtatapon ko lahat ng bagay na nakita ko""PUTANGINA!!!""Sigaw ko at patuloy na pag-agos ang luha ko.

Gusto kong patayin yung mga taong nagpahirap sa kaniya gusto kong ilibing sila ng buhay..Mga punyeta!!

Pinahanda ko na lahat ng kailangan ko pupuntahan ko siya.Ililigtas ko siya hanggang kaya ko.Ayaw ko ng maulit na mangulila sa kaniya.

""Papa hintayin mo ako diyan""

Sabi ko na ba ganon yun kaimportante sa akin ang video kaya dali dali akong umuwi sa sarili kong bahay.

""Bratislava""Nakangising sambit ko.

Binuksan ko yung drawer ko na pinaglalagyan ng binigay sa akin ni Brie.Tiningnan ko ang naka ukit doon na lugar""Bratislava""

Napahalakhak ako ng malakas""Your my Ace""

                   ______◇◇◇______

NATAKOT ako sa pagwawala ni Nikki first time ko siyang makitang umiyak ng ganon ka grabe at yung pagwawala niya ng makita ang video at ganon din si Mama hindi makapaniwala sa nakita.Hindi rin ako mapakali gusto kong sumama kay Nikki at sabay kaming lalaban pero ano naman yung gagawin ko? Isa lang naman akong tao na walang kalaban laban.

Kahit hindi ko kilala yung lalaking yun pero ang lakas ng lukso ng dugo ko na kilalang kilala ko yun kaya nagsimula namang tumulo yung luha ko.

""Nikki""Pagpipigil sa kaniya ni Viel ng lumabas siya ng bahay.

Hindi talaga siya papigil grabe yung galit niya ng sinubukan ulit siyang pigilan ni Viel kaya hinayaan niya nalang ito.

Nakita kong nasapo ni Viel yung mukha niya""Fuck!!""Panay mura ang lumabas sa bunganga ni Viel.

Nakita kong yung pag-iyak ni Mama kaya sinabihan niya ako na gusto niyang mapag-isa wala akong magawa kundi sundin iyon.

May pag-aala sa mukha ni Viel ng lumapit siya sa akin""Mag-impake ka bukas na bukas lilipad tayo papuntang Bratislava""

Hindi na medyo nagugulo yung iniisp ko hidni parihas noong una,Ngayon unti unti ng promoseso sa utak ko ang nangyayari.

""Tangina Pagnapahamak ka talaga Niks""Rinig kong bitaw ni Viel sa salita at napasuntok sa pader.

Sa nakita ko kanina hindi talaga magpapapigil kanina sa nangyari kaya masama yung kutob ko na may gagawing masama si Nikki.

""Shit Viel kinakabahan ako sa gagawin ni Nikki""

Binaling niya yung tingin niya sa akin""Alam kong mapapahamak si Nikki pero hindi yun susugod ng ganon pag walang panglaban""

Pagka-Umaga umalis naman kaming lahat papuntang Bratislava.Pagkarating namin doon may naghihintay sa amin ng limang kalalakihan at biglang lumabas yung boss nila..

""Lord""Bati ni Viel,Yumuko naman silang dalawa ni Hales bilang pagsamba kaya ginaya rin namin yun.

""May balita na ba kayo kay Nikki,""Pagaalalang tanong ni Hales.

""Meron na""Seryosong sambit ng Lord nila.

Nagulat ako dahil hindi ko inakalang nakakaintindi ito at nakakapagsalita ng tagalog.

""Anong balita""Sabat ko kaya grabe yung tingin sa akin ni Lord napaatras naman ako at nagtago kay Mama na nakatulala lang habang buhat buhat si Leigh na tulog.

""Hinamon niya si Barbados""Simple nitong sabi na walang takot.

Nasapo ni Viel yung mukha niya""Fucking shit!!!""

""Believe her""Ganon nalang yung nasabi ni Lord.

Mas sobra akong nag-alala kay Nikki baka mapaano siya.Ang lakas ng loob niyang hamunin yung King ng Bratislava para lang makita si Papa.

Nakatulala akong sumakay sa limousine ni Lord.Sila naman masinsinang nag-uusap.

""Pag nakita kong buhay pa si Nikki ako papatay sa gagong yun""Inis na sambit ni Viel.

""Viel""Suway ko at hinampas sa balikat.

""Mabubuhay ang anak ko""Napalingon kami kay Mama na biglang nagsalita.

""Si Nikki yun kaya huwag niyong maliitin yung kakayahan niya""Si Lord.

Pagkarating namin sa bahay ay este mansion ni Lord napanganga ako sa ganda niya,Sa labas palang makikita mo na kung gaano kalaki yun parang mahihiya ka pang pumasok doon.

Pagkapasok namin sinalubong kami ng napakaraming katulong halos lahat sila binati si Lord.

""Dobrý deň Lord"" Bati nila kay Lord sa sariling lenggwahe nila.

""Pošlite ich do svojej izby-Send them to their room""

""Áno,Pane""Sagot ng katulong.

""Sumunod kayo sa kaniya""Utos ni lord kaya sumunod kami.

Dinala niya kami sa kaniya kaniya naming kwarto.Pagkapasok ko namanghs ako sa sobrang laki parang lahat kami magkakasya dito.Hindi na ata matatawag na kwarto parang isang bahay ang laki niya.

""Thank you""Nakangiti kong sambit,hindi man lang ito ngumiti sa akin at lumabas na ito.Baka hindi lang nakakaintindi ng sinasabi ko.

Pagkaupo ko sa sofa,maya maya may kumatok kaya pinagbuksan ko ito.

Tinaasan ko sila ng dalawa kilay""Yes?""

Bigla namang pumasok yung dalawa""Dito nalang kami hindi kami sanay ang laki ng kwarto""Pagrereklamo ni Hales.

Umupo namna silang dalawa sa sofa.

""Gago talaga si Nikki""Sabi ni Hales.

""Ano na kaya ginagawa niya ngayon""Pag-aalala kong sabi.

""Malamang nakikipaglaban na""Sarkastikong sabi ni Viel.

""Ilang taon ding naghanap ng hustisya si Nikki sa kaniyang ama halos ginawa niya na lahat,Lahat na pinaghihinalaan niyang gumawa ng pagkamatay ni Tito pinapatay niya tapos sa huli malalaman niya lang na sa bansang ito nandito lang yung Ama niya""Napabuntong hininga si Hales at humiga sa Sofa.

Mga ilang araw rin kaming andito sa mansiyon ni Lord wala parin kaming balita kong ano na nangyayari kay Nikki,kahit si Lord ayaw niyang sabihin sa amin kung anong nalalaman niya,Pinagbabawalan niya rin kaming lumabas kaya walang mahakot na balita yung dalawa.Tsaka sa linipas na araw simula nong umalis si Nikki napansin kong hindi na namin nakikita si Dark.

Gusto kong magtanong sa dalawa baka may alam sila pero nahihiya ako na baka kung anong isipin nilang dalawa.

Nag-aalala na ako kay Mama dahil ilang araw din siyang nagmumukmuk kaya ako muna yung nag-aalaga kay Leigh.Lagi kong iniisip kong ano na ba ang nangyari kay Nikki? Buhay pa ba siya?Yun yung isa kong kinakatakot na baka isang araw mabalitaan nalang namin na patay na siya.

""King Barbados ang pangalan ng Hari dito sa Bratislava""Sabi ni Hales habang nakatingin sa laptop at nakita namin yung lalaking matanda na pero nakakatakot ang mukha.

""Sa mansiyon na yan diyan nakatira ang King""Turo ni Viel sa kulay ginto na mansiyon mukhang maliit lang dahil sa layo.

Kahit sa malayo kitang kita yung disenyo ng mansiyon,Nakakatakot parang demonyo ang nakatira sa loob.

Bumukas yung pinto kaya napalingon kaming tatlo sa papasok.

""Dark??""Sambit ko ng makita siya.

""Andito ako para sabihing ayos lang si Nikki""Walang pag-aalinlangan niyang sabi.

Napatayo si Viel""Paano naging ayos ang kalagayan niya""May diin niyang sabi at kinwelyuhan ito.

""Viel huminahon ka""Suway ko sa kaniya kaya napairap ito at kalmadong binitawan si Dark

Seryoso akong tumingin sa kaniya""Ano na nangyayari sa kaniya?""

Binalingan niya ako ng isang seryosong tingin""Tinanggap niya yung hamon ni Brabados na makipaglaban sa ibang tauhan,tapos kung dapat.mapanalunan niya yun""Ani ni Dark.

Napamura si Viel sa narinig niya.

""Bat niya ba nilagay yung sarili niya sa ganong sitwasyon""Mangiyak ngiyak kong sabi.

""Isa laban sa lahat?? Tangina mo Niks""Si Hales.

""Tinanggap niya yun kapalit ng kalayaan ng kaniyang Ama,Bukas ng alas kwatro ng umaga magsisimula yung laban""

""Paano pag hindi na nakabalik si Nikki ng buhay""Nawawalan na ako ng pag-aasa..

""She win""Tiwalang tiwala si Viel sa kakayahan ni Nikki.

Kumunot yung noo ko""Paano ka nakakasigurado?""

""Kilala ko si Nikki hindi yun papatalo kahit hirap na siya sa huli lalaban pa rin yun""Seryoso niyang sabi.

Napangiti ako sa sinabi niya nagbabasakali ulit ako na babalik siya bukas ng malakas saamin.

""Pagnatalo si Nikki walang saysay rin yung nilaban niya dahil mamatay rin si tito""Papaliwanag ni Dark.

""Hindi mo ba siya napigilan?""

""Si Nikki papapigil?? Never""Si Hales.

""Nakita ko siya kanina mukhang ayos naman siya""Si Dark.

""Paano mo siya nakita??""Pagtataka kong tanong.

""Nakapasasok ako""Pagyayabang niya.

""Pwede??""

""Yes pero mamayang alas kwatro ipapasara na yun dahil mag-uumpisa na yung laban tapos bukas ng gabi malalaman""

""Ganon kahaba?""Takang tanong ni Hales.

Bakit ba pinasok ni Nikki yun?
Gago ka talaga Nikki

Sa tuwing naiisip ko kung anong pahahantungan ni Nikki tumutulo yung luha ko.

""May tiwala ako sa galing ni Nikki pero ewan ko lang kung kakayanin niya yun.Imagine isa laban sa lahat??Ang dami ng tauhan ni Barbados""

Tuluyang nawalan ako ng pag-asa sa sinabi ni Dark.

Kung kelan ang saya ko na dahil mabubuo na yung pamilya namin dumating naman itong laban..

""Hintayin nalang natin yung resulta bukas ng gabi""

Bukas pa ng gabi malalaman kung anong mangyayari sa ganon kahaba??Makakaya ba yun Nikki.

Sobrang dami ng tauhan ni King Barbados para malabanan niya yun lahat..

Hinihiling ko nalang na sana malabanan niya at makaya niya yun...

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pagnawala na yung kaisa isa kung kaibigan.Tapos nakasalalay pa yung buhay ni Papa sa laban ni Nikki,pagnatalo si Nikki wala rin lahat lahat ng pinaghirapan niya para makuha si Papa..

Continue Reading

You'll Also Like

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.8K 827 38
Cara Mallari, a high school student who prefers to spend her time alone at the library. Her miserable life has no effect on her positive outlook on t...
386K 11.7K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
1.5M 58.8K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...