AQUIL'S PROVERBS
Dalawang taon na nga ang nagdaan ang dalawang taon na rin kami nakipaglaban nila Ether avisala eshma kay Emre pagkat hindi niya kami pinabayaan sa bawat laban namin.Malaki laki na rin ang aming anak ni Danaya ang aming mga hadiya at kaisa-isang apo na si Cassandra masasabi kong mas lalo pa silang gumaling sa pakikipaglaban sa katunayang palad ay pwede na silang hindi magsanay ngunit hindi maari baka makalimot sila sa mga taktikang itinuro namin kaya nandirito ako ngayon sa Azotea ng Lireo nagsasanay kasama ang mga paslit naghahanda sa malaking digmaan na paparating habang ang aking asawa ay kasama ng aming ibang kamaganak nagsasanay din sa may dalampasigan dahil nga sa propesiyang sinabi si Cassiopea may malaking digmaan na magaganap dito sa encantadia na maaring mangyari anong oras mula ngayon.
AQUIL:Magaling ngayon pwede na kayong magpahinga!😊
DASHA:Avisala eshma Ama!
ALANA:Avisala eshma Aldo!
ADAMUS:Avisala eshma Aldo!
CASSANDRA:Avisala eshma Ilo!
ALANA:Aldo Aquil maari ba kaming magtungo sa timog bahagi ng palasyo kung saan nagturo sina Ate Mira at Ate Lira kasama nila kuya Paopao?
AQUIL:Oo naman!😁
ADAMUS:Tamang-tama pagkat maari din tayong magturo ng ating mga nalalaman sa mga tinuturuan nila!
AQUIL:Mabuti naman kung ganon pagkat maging malaking tulong iyon para sa kanila.
CASSANDRA:Oo nga at kami rin ay nasisiyahan kapag nakatulong kami sa iba.
AQUIL:Napakapala namin na nagkaroon kami ng anak,apo,at mga hadiyang napakabuti katulad niyo at natitiyak ko na maging magagaling na pinuno kayo ng Encantadia sa pagdating ng tamang panahon.
DASHA:Avisala eshma Ama pinapangako namin na hindi namin kayo bibiguin,di ba guys?
ALANA:Oo naman!
ADAMUS:Oo naman!
CASSANDRA:Oo naman!
ADAMUS:Di ba pupuntahan pa natin sila ate Lira?
CASSANDRA:Ayy..oo nga pala!😊
At nagsimula na silang mag-ivictus patungo sa Timog bahagi ng palasyo nabigla nalang akon na may yumakap sa akin patalikod natitiyak ko si Danaya iyon.
DANAYA:Kumusta ang inyong pagsasanay?
AQUIL:Maayos naman at masasabi kong mas naging seryoso at disiplinado sila pagdating sa bagay na ito.(Sabi ko habang hinarap ko siya)
DANAYA:Mabuti naman kung ganon.
AQUIL:Di ba nagsasanay din kayo ng iyong mga kapatid kasama nila Memfes sa may dalampasigan?
DANAYA:Oo ngunit tapos na, sabi nila susunod sila dito.
AQUIL:Sa napakahabang panahon na nagdaan wala pa ding kupas ang iyong kagandahan.
Hinawakan niya ako sa aking pisngi..
DANAYA:Ikaw din naman e correi napakagwapo mo pa rin kahit lagpas isang daang taon kana.
Napakunot nalang ang aking noo sa tinuran ng aking asawa.
AQUIL:Ayos na sana yung gwapo,ngunit kailangan ba talaga may lagpas isang daang taon?
Napatawa nalang siya at pinisil niya nang bahagya ang aking ilong.
DANAYA:Hay nako Aquil I love you ka talaga!😀
AQUIL:I love you ka din!😁
Inilapit ko ang aking mukha sa aking asawa ilang distansiya nalang ay mahahalikan ko na siya ng biglang sumulpot ang kanyang mga kapatid kasama nila Azulan,Memfes,at Ybrahim.
PIRENA:Huwag muna ngayon Aquil pagkat maaga pa!(Pangaasar niya)
Napakamot nalang ako sa aking ulo..
AMIHAN:Huwag kang ano diyan Pirena wala yang pinagkaiba sa...😀
Pinanglakihan niya ng mata si Amihan para putulin ang dapat sabihin nito.
PIRENA:Sheda Amihan!huwag na nating pag-usapan ang mga bagay na iyan!
ALENA:Naabutan pala kayo sa Hathoria na...😂
PIRENA:Isa ka pa Alena!(Putol niya sa kanyang kapatid)
DANAYA:Tigilan niyo na si Pirena pagkat umuusok na ang kanyang ilong..
Napatawa nalang kaming lahat..
PIRENA:Tse!ewan ko sa inyo!(at umirap ang Hara ng Hathoria)
AZULAN:Mabuti pang umupo nalang tayo doon,para makapagpahinga.(Sabay akbay niya kay Pirena)
LIRA'S PROVERBS
Habang nagtuturo kami bigla nalang sumulpot sa aming harapan ang aking anak kasama ng aking mga pinsan.
CASSANDRA:Avisala!
ALANA:Avisala!
ADAMUS:Avisala!
DASHA:Avisala!
LIRA:Anong ginagawa niyo dito?
CASSANDRA:Nandirito kami upang tulungan kayo sa pagtuturo.
LIRA:Ang sweet niyo naman!😊
ALANA:Oo naman,handa kaming e-share ang bago naming nalalaman.
MIRA:Ang cute-cute naman ng kapatid ko!(Bahagya niyang pinisil ang ilong ni Alana at biglang nagsalita si Adamus)
ADAMUS:Pero mas cute ako!di ba Ate?
DASHA:Mas cute ka pero ako ang pinakacute!😀
MIRA:Kayo talaga! hindi lang kayo cute magaganda at gwapo kayo(Sabay akbay niya kay Dasha at Adamus)
LIRA:Di ba tutulungan niyo kami sa pagtuturo?
CASSANDRA:Oo Yna.
LIRA:Puntahan na natin sila kuya Paopao..
Nagsimula na kaming maglakad kung saan naroroon sina Paopao at Angelo nahinto sandali ang kanilang pagtuturo ng makarating kami doon dahil pinakilala ko sa aming tinuturuan ang aking anak at mga pinsan.
LIRA:Mga bata mukhang may mga bagong guro kayo pagkat tuturuan kayo nila Cassandra!😁
DIWATA1:Talaga po Mahal na Sang'gre?
LIRA:Oo naman!😀
MIRA:Handa nilang ipamahagi sa inyo ang kanilang mga bagong nalalaman!😊
PAOPAO:Kung ganon ay sila muna ang bahala sa inyo!😊
ANGELO:Natitiyak ko na magaling din sila magturo at marami kayong matutunan!😁
CASSANDRA:Avisala eshma Yna,ate Mira,kuya Paopao at kuya Angelo sa pagpapakilala niyo sa amin at pagbigay ng chance para turuan sila!😊
LIRA:Walang anuman anak.😊
DASHA:Kaya umupo na kayo doon mga Ate at Kuya kami nang bahala sa kanila!😊
Kaya umupo na kami at pinagmasdan sila na nagtuturo sa mga bata nakakatuwa talaga itong apat na makukulit na ito kahit na pasaway paminsan-minsan seryoso naman pagdating sa kanilang aralin at pagtulong sa kapwa.
ADAMUS:Ganito ha!sundan niyo kami Ire,duwe,kaskil!(Sabay kumpas sa patpat na kanyang hawak)
DIWATA2:Ang hirap na man niyan Rehav!
ALANA:Mahirap ito pagkat nag-uumpisa palang iyan,ngunit kung palagi kayong magsasanay magiging madali din iyan para sa inyo at naniwala kami na kaya niyo!😊
CASSANDRA:Oo nga,hindi natin alam balang araw mas magaling pa kayo sa amin!😊
DIWATA3:Avisala eshma sa pagtitiwala niyo sa aming kakayahan mga Diwani at Rehav
DASHA:Walang anuman iyon! sige subukan natin ulit ha..Ire duwe kaskil!
Pagkalipas ng ilang sandali ay nakukuha na ng mga paslit ang itinuro nila Adamus
DIWATA2:Madali lang pala!
ADAMUS:Mabuti naman na nakuha niyo agad ang itinuro namin magtiwala lang kayo sa inyong sarili,dahil diyan mag-memerienda tayo pagkat nagugutom na ako!😁
Nagtawanan naman kaming lahat sa tinuran ni Adamus pagkatapos namin kumain kasama ang kanilang mga tinuruan ay naisipan nila na magtungo sa Azotea kung saan naroroon ang aming mga magulang
Pagdating namin doon ay naabutan namin silang nagtawanan at nag-asaran kitang-kita ko na pinalo ni Ashti Pirena ang braso ni Aldo Azulan kaya napasigaw ito ng..
AZULAN:Arayy!! para saan iyon?
PIRENA:Ashtadi ka kasi!
Napatawa nalang kami nila Mira ng lumapit na kami sa kanila ay bumati kami at bumati rin sila pabalik
AMIHAN:Tapos na ba kayo sa pagsasanay niyo anak?
LIRA:Oo,Nay 😊
MIRA:Yna bakit mo pinalo si Ama sa braso?
PIRENA:Pagkat naisipan niyang pag-usapan ang mga bagay na di dapat pag-usapan...
MIRA:Kaya pala naging ashtadi na naman po pala kayo Ama!😂
AZULAN:Hindi naman anak nais ko lang pag-usapan ang ginawa namin ng....
Hindi na nakatapos si Aldo Azulan sa kanyang sasabihin na pinanglakihan siya ng mata ni Ashti Pirena at tinaas niya ang kanyang dalawang kamay bilang sinyales na sumusuko na siya..
AZULAN:Hehe..poltre Hara hindi na po mauulit! (Sabay halik niya sa pisngi ni Ashti)
PIRENA:Dapat lang!
ALANA:Ama napapansin ko lang ha..parang takot na takot ka kay Yna,bakit po?
AZULAN:Hindi naman ako natatakot sa iyong Yna mahal na mahal ko lang siya!😊
ALANA:Ayyiie...kinilig ako!..😊
PAOPAO:Maiba lang tayo,lalabas pala kami nila Mira ng encantadia ngayon pagkat pupuntahan namin si Tita Ange.
CASSANDRA:Wow!lakas makachange topic kuya huh!
LIRA:Cassandra!(Saway niya sa anak)
CASSANDRA:Hehe...sarreh peace po tayo Yna..✌
ALENA:Sige,yung bahay na pinapagawa natin tapos na ba?
ANGELO:Oo Hara mga gamit nalang ang kulang akala nga namin dalawa't kalahating taon pa bago matapos dalawang taon lang pala.
ADAMUS:Pwede ba kaming sumama?
DASHA:Oo nga medjo matagal na panahon din kaming hindi nakapunta doon.
DANAYA:Sa susunod nalang kayo sasama pagkat may mga aralin pa kayong dapat tapusin ngayon..
ADAMUS:Ayy..oo nga pala thank you Ashti sa pagremind mo sa amin..
DASHA:Mauna na po kami..
CASSANDRA:Bye po sa inyong lahat..
ALANA:Tara na!
Saka nag-ivictus patungong silid aklatan samantalang sila Angelo ay naghanda na para sa paglabas nila ng encantadia.
ETHER'S PROVERBS
Dalawang taon na ang nakalipas ni isang laban hindi pa namin napagtagumpayan pashea! Hindi pa kami basta-basta makakubkob sa kahit saang kaharian pagkat nilagyan ito ng pananggalang ng mga ni Minea dalawang taon na ang nakaraan!Kung ganon ay makipagkasundo nalang ako sa mga diwata sa ibang paraan.Kung hindi ko makukuha ang mga brilyante kukunin ko ang mga bagay na napakahalaga sa kanila.