Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

By allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... More

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 1: Preparation
Chapter 2: Incipient
Chapter 3: Signs
Chapter 4: The Booth and Stranger
Chapter 5: Crying in the Rain
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 12: Drops of Fluid
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 23: Home
Chapter 24: Bombarded by Crowd
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Epilogue
Note
Announcement

Chapter 28: Reanna Aguillard

4.6K 219 17
By allileya

GENEVIEVE

"What?!" I was flabbergasted by the news of Binx about Reanna.

"Von said that she's been suffering from a severe depression and has been undergoing treatment for a while now since she last visited you."

"Wha-What? Depression? Bakit hindi ko iyan alam?"

Nagpabalik-balik ako ng lakad sa harap niya habang kinakagat ang kuko, hindi mapakali.

"Pero bakit kailangang sa mental ward siya malagay? What did she do?"

"She tried to kill herself at kapag nakakakita siya ng ibang tao ay sinusubukan niya rin itong saktan at pinagsasalitaan ng kung ano-ano. Based on her actions, she already lost her... sanity."

"Don't you dare say it! Hindi siya baliw!"

She's my best friend and a sister to me! Wala silang karapatang husgahan ang pagkatao niya! She's just lonely and waiting for someone to comfort her. Kung wala lang sana akong allergy, natutukan at nabantayan ko sana siya. At hindi sana umabot sa ganito.

Half of this is also my fault.

Nanlulumo akong napaupo sa sofa dahil hindi ko na kaya ang mga nalalaman ko. Alam kong nasaktan ako ni Reanna pero napatawad ko na siya dahil kapatid ang turing ko sa kanya at mahal ko ang pagkakaibigan namin. Nasaktan ko rin siya, oo, at hindi ko alam na may pinagdadaanan din pala siya. Oh, my God, I feel so useless best friend.

"Binx, gusto ko siyang puntahan. I know she needs someone to lean on. Iniisip ko palang na... na mag-isa siya doon ay nasasaktan na ako. Paano pa kaya siya? Binx, please. I know she's scared. I want to go to her."

My whole body quivered when I said that and my heart begin to palpitate when tears rolled down to my cheeks.

"Reanna..." saad ko pa bago ko takpan ang mukha ko at punasan ang pisnging nabasa ng luha.

"Okay. I'll go with you but I need you to calm yourself first. Hindi tayo aalis hangga't ganito ka."

Lumapit siya sa 'kin at pinatahan ako. Sumandal ako sa dibdib niya at hinayaang bumuhos ang mga luha.

Kaya pala ay wala na akong naging balita sa kanya. I'm trying to reach her but I couldn't. I've been calling and texting her but I got no response from her. It's because she's suffering from a depression and she's in mental ward. Oh, how could they do that to her? Kilala ko ang best friend ko, hindi siya gagawa ng ikasasama niya pero ganun ba kasakit at kalungkot ang nararamdaman niya at umabot sa ganito?

What about her parents? Aunts or Uncles? Where are they? Bakit nila pinabayaan si Reanna?

Biglang pumasok sa isip ko 'yong araw na may kausap siya at tinawag siya nitong anak. Pero hindi ko makita at mamukhaan 'yong lalaki. Alam niya na kaya ang tungkol kay Reanna? Binibisita niya kaya ito? Bakit hindi niya na lang bawiin si Reanna?

Oh, my God, mababaliw na ako kakaisip tungkol sa nag-iisa kong best friend.

After a few hours, we decided to go to Reanna. Nagdala rin ako ng mga pagkain niya at kung ano pang puwede niyang kailanganin. Kung hindi kayang gawin ng mga kapamilya ni Reanna na mailabas siya doon ay ako na mismo ang gagawa ng paraan. She can stay in our house. Aalagaan namin siya.

"Excuse me? Pwede ba naming bisitahin si-" Natigil ako nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na pigura ng taong naglalakad 'di kalayuan. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko.

"Ano po iyon, Ma'am?"

Nabalik ang tingin ko sa babae saka siya binigyan ng ngiti.

"Uhm, may pasyente po ba kayong Reanna Hurston ang pangalan?"

"Check ko lang po, Ma'am, ah? Saglit lang po. Pumirma na po muna kayo rito."

Ibinigay sa amin ng babae ang isang makapal na notebook para makapagpirma na kami. Hmm, hindi ko alam na nagpapalog book pa sila. I also noticed the surveillance cameras and guards everywhere. Ang mga pinto at bintana rin ng pasilidad na ito ay hindi pang-karaniwan. Mukhang mahigpit ang seguridad dito, ah?

Pipirma na sana ako nang mapansin ko ang pamilyar na pangalan. Kumunot ang noo ko at hindi ko maiwasang maibulalas ang pangalan niya.

"Dr. Aguillard?"

Nakatingin lang ako doon at sinusuri ng mabuti kung siya nga ba iyon. Ang pirma niya ay parehong-pareho sa pirma niya sa mga papeles ko sa hospital. At ang nakalagay na oras...

"Binx, what time is it?"

"10:15 na. Bakit?"

Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin at tiningnan niya rin kung ano ang kanina ko pang tinitingnan.

My brows creased as I tilted my head, trying to find some answers.

Hindi kaya, si Dr. Aguillard ang nakita ko kanina? I don't know.

"Anong ginagawa ng doctor mo rito?" takang tanong ni Binx sa akin kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Iyan na iyan din ang tanong ko sa isipan ko Binx.

"I don't know. Base dito, kanina pa siyang 9:00 dito."

I'm curious. Ano nga ba talaga ang ginagawa ni Dr. Aguillard dito? May pasyente ba siya rito o kamag-anak? Pero sino? Teka, saka ko na muna iyon proproblemahin dahil si Reanna ang pinunta ko rito at hindi ang ibang tao.

"Ang nandito pong pangalan ay Reanna Aguillard. Iyon po ba ang bibisitahin niyo?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang apelyidong iyon sa babae.

"Uhm, hindi po Aguillard ang apelyido niya. Hurston po."

"Ang Hurston pong sinasabi ninyo ay middle name po niya."

What?

Nang makapirma na kami ni Binx at matapos ang pagdidiskusyon ko sa babaeng bantay sa mga personal informations ay pumasok na kami sa visiting area at sumalubong sa amin ang ingay ng mga pasyente kahit na may kanya-kanyang kuwarto, rinig na rinig pa rin ang ingay sa buong paligid. Marami rin ang nagkalat na guwardiya. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong pasilidad kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa mga nananatili dito. Oh, God. Bakit kailangang umabot sa ganito ang mga buhay nila?

Hindi ko kaya na makita silang ganito but I'm here for my best friend so might as well endure it muna.

Hindi na rin ako nilubayan ng apelyidong iyon at iyong pirma ni Dr. Aguillard. Hindi kaya magkapamilya sila? Kung oo man ay bigla tuloy akong nanliliit dahil kulang na kulang pa talaga ang alam ko tungkol sa best friend ko.

Bumuntong-hininga ako at tuloy-tuloy lang ang naging lakad namin hanggang sa maaninag ko ang mukha niya sa loob ng isang kuwarto na may malaking salamin. Hindi ko maiwasang matuwa kaya agad ko siyang nilapitan at yinakap.

"Oh, my God, Reanna!" Napaluha ako. "I missed you."

"Eve?"

Agad akong napatingin sa tumawag sa akin at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Dr. Aguillard sa harap ko habang nakaupo.

"Dr. Aguillard!" bulalas ko naman.

"Magkakilala kayo ng anak ko?"

"A-anak?"

I gasped and blinked several times. Oh, my God! Edi tama nga ang hinala ko kanina!

"Teka, teka, ikaw ang ama ni Reanna? Pa-paano... Reanna... wha-what?"

Hindi ko masabi ng diretso ang gusto kong sabihin because of confusion habang nagpapabalik-balik ang tingin ko kay Reanna at Dr. Aguillard. So, all this time, ang lapit-lapit lang pala ng ama ni Reanna sa akin? Wala namang nabanggit noon sa akin si Reanna tungkol sa ama niya at kahit kailan, ay hindi ako nagtanong tungkol sa pamilya niya.

Am I really her best friend?

I was shocked and surprised by this revelations coming from my doctor at sa ganitong sitwasyon pa kami nagkita-kita. Sinasadya ba ng tadhana ang lahat ng ito? Mukhang palagi na lang akong napaglalaruan ah?

Inilapag namin sa lamesa ang mga dalang pagkain namin para kay Reanna at ilang kagamitan sa ilalim ng lamesa. Sinubukan ko ring pakainin si Reanna.

"Her nurse said that she has no appetite and couldn't talk or sleep properly. She's been supervised ever since she got here but there's no change on her behavior."

Inilapag ko na lang ulit sa lamesa ang pagkain sana ni Reanna saka tahimik na umupo sa tabi ni Dr. Aguillard.

"She lost so much weight. Konti na lang, magiging kasing payat ko na siya." Napayuko ako at pinipigilan ang nagbabadyang luha.

"Reanna naman, pati ba naman dito ay makakabuo tayo ng goals? Body goals? Huwag naman oh, ang ganda-ganda na nga ng katawan mo, eh. So please, come back to us, okay?"

I'm trying to have a conversation with her but her eyes and attention are so lost mixing with no emotions. Nakatulala lang siya sa kawalan at parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

"You're his father yet you're doing nothing to get her out on this facility. She doesn't deserve to be here," namamaos na sabi ko kay Dr. Aguillard nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko habang nakatingin kay Reanna.

I noticed his movement on his chair and his stares at me but I didn't bother to look.

"I know and I tried. Pero hindi siya makakalabas dito hangga't walang progress sa kanya. Masyadong mahigpit ang pasilidad na ito kaya hinayaan ko siyang manatili dito for the mean time. Hindi naman ako papayag na magtagal siya dito so I'm trying my best to help her out."

I let out a heavy sigh as I closed my eyes and bit my lower lip.

"Para naman ito sa kanya," he added, melancholy.

"I'm her best friend. I feel so heavyhearted knowing na wala akong nagawa para matulungan siya sa kung ano man na pinagdadaanan niya." I tried to open up and tell Dr. Aguillard everything that I know about her doings when everything's still okay back then. "Last week ko lang nalaman and it feels like my whole world shattered. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan na buuin siya ulit but thankfully, you're here." Napatitig ako kay Reanna. "I'm more than thankful because I met her and seeing her like this, I couldn't help to blame myself. She's like a sister to me."

Sana pala hindi ko na lang siya noon inaway or sinigawan dahil paniguradong nadagdagan ko lang lalo ang pinagdadaanan niya. I didn't know it that time and I'm in pain too. Nasaktan din naman ako sa ginawa niya so it's very difficult for me when I was still in that situation. Pinagsisihan ko rin naman later on pero hindi siya bumalik at wala na akong alam tungkol sa kanya.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Eve. May pinagdadaanan ka rin naman pero mas iniisip mo pa rin ang kapakanan niya. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo."

"What you did for me in the hospital is already enough for me."

"To tell you the truth, this is all my fault. I'm his father yet wala akong ginawa noong umalis siya sa bahay. She was very angry to me at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko. I tried to explain everything to her pero ayaw niya akong pakinggan because she longed for her mom so much at ako ang sinisisi ni Reanna sa pagkamatay ng mommy niya."

Nabaling ang tingin ko kay Dr. Aguillard pero bumalik din naman agad kay Reanna. Ayokong magsalita o sabihin sa kanya na wala siyang kasalanan dahil wala ako sa lugar at hindi ko alam ang sitwasyon nila kaya nanatili akong tahimik at mas piniling makinig sa lahat ng sasabihin niya.

Reanna has been very secretive to me when it comes to her family. Palagi niyang nililihis ang topic kapag sangkot na ang pamilya namin at wala na akong nagagawa pa because I'm trying to understand her even though I know nothing.

"She was still young that time kaya kinausap ko ang tita niya na siya na muna ang bahala sa kanya. I also tried to talk to her several times but she keeps on pushing me away."

Biglang bumalik sa alaala ko ang pag-uusap nila noon na hindi ko sinasadyang marinig ko pero dahil sa kakuryosohan ko, ayon, narinig ko na lahat at ramdam na ramdam ko talaga ang galit at sakit noon ni Reanna.

"I'm sending her money and everything that she needs through her Aunt and she didn't know about it but later on, nalaman niya rin kaya lalo siyang nagalit sa 'kin. Anak ko siya kaya kahit na anong mangyari at kahit na gaano kalaki ang galit niya sa 'kin ay hindi ko siya papabayaan. I also gave her the job that she wants dahil alam kong ayaw niya nang tanggapin ang pera ko."

A memory of her flash back to my mind. She was so happy that time.

"Okay, uhm, I just wanted to tell you that uhm, this coming saturday is our graduation day and everyone is expecting you to be there so they sent me here to tell you that. I was actually planning to visit you pero sadyang wala talagang oras. You know, busy busy for school and... I already find a job. So, hindi ko na kailangang tanggapin ang pinansiyal na pinapadala sa 'kin ng magulang ko through the use of my tita. Isn't that amazing, Eve? I can use my own money for my expenses!"

Hindi ko alam noon na ang tinutukoy niyang magulang ay si Dr. Aguillard. Ano kayang mararamdaman ni Reanna kapag nalaman niya lahat ng ito? Her dad is grieving for her forgiveness and base on everything that he said to me, alam kong gusto niya ulit maayos ang father-daughter relationship nila. Lahat ginawa ni Dr. Aguillard para sa anak niya at kahit kailan ay hindi niya ito sinukuan. He's a good and very responsible father but sadly, kabaliktaran ang nakikita ni Reanna sa kanya. Sana lang ay magkaayos na sila kaya kailangang gumaling na si Reanna sa lalong madaling panahon. I want to help her.

Nasasabi ko ang lahat ng ito dahil I, myself, experienced being with Reanna's father for a long time.

"She was kind and bubbly pero nang magkamalay na siya ay doon na siya paulit-ulit na nagtanong tungkol sa mommy niya. She came out to her bubbly dome and anger encage her mind and heart. Wala na akong ibang magawa. Napakawalang-kuwenta kong ama dahil hinayaan kong lamunin siya ng galit."

Napatingin ako sa kanya at nakita ang mga mata niyang puno ng lungkot habang patuloy na bumubuhos ang mga luha niya. Hindi ko alam kung paano mag-comfort lalo na sa mga magulang na kagaya niya kaya tinap ko na lang ang likod niya.

"I know she'll understand. Let's hope and pray for her fast recovery para po magkasama na ulit kayo."

Kung ang anak ay kayang tiisin ang mga magulang ay kabaliktaran at dobleng sakit iyon sa ating mga magulang. Alam ko naman na mahal ni Reanna ang ama niya pero pinapangunahan lang siya ng takot dahil sa mga nagawa niya. Dahil sa takot na iyon ay nauwi sa ganito. Masyado niyang dinamdam ang lahat at naging sarado ang isip niya sa mga positibong bagay. Even God, nakalimutan niyang nandiyan Siya.

"If you don't mind po, can I ask you about what happened to her mother?" 

He looked away and so am I.

Habang nakatingin kay Reanna ay wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mukha niya lalo na sa mga mata niya. Blangko ang lahat and that scares me more. What happened to my bestfriend that I used to know?

Reanna, please. We need you. I want to gain our friendship back and prove to you that I can be more than just a best friend. Let me do it for you, alright?

"We've been married for years but before that, naging doctor niya ako sa loob ng ilang taon at alam kong hindi siya pwedeng magkaanak because it can cost her life..." he said, trying to open up the topic again and answering the question that I gave to him.

Akala ko nga hindi na siya magsasalita pa dahil alam ko kung gaano kasakit balikan ang isang nakaraan na pinipilit mong kalimutan ang sakit na dinulot nito. But I guess, kahit anong pilit nating burahin ang nakaraan sa buhay natin, it will come back to haunt you again and again until you realize something and until you accept it. Our past is part of our present and the answers that we're seeking right now will be given to us if we take a glimpse into the past. Or better if not just even a glimpse.

"Pero pinili ko pa rin siya at pinakasalan dahil mahal na mahal ko siya. Until one day, she was so happy back then when she told me about her pregnancy. I'm happy too but I can't help to get sad too because I know what will happen to her and to our baby. Naging maingat kami sa pagbubuntis niya at araw-araw ko siyang nakikitang masaya habang nakahawak sa tiyan niya. Bilang asawa niya, I don't want to ruin her happiness so I chose to support her."

Bakit parang... ang sakit ng dating sa akin?

Napatingin ako sa kanya at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Hanggang sa dumating na nga ang due date niya and I needed to choose between her and the child..."

Bigla siyang napatigil. Naramdaman ko rin ang sakit na patuloy na bumabalik sa kanya. Tama ba na tinanong ko pa siya tungkol doon? Damn it! I'm such an idiot.

Pero naiintindihan ko na ang lahat ngayon though hindi ko nararamdaman ang nararamdaman nila.

"She talked to me and told me that I need to choose our child. Siya rin ang nagbigay ng pangalan na Reanna. To be honest, ayokong tanggapin ang mga sinabi niya noon pero nang mailabas na niya si Reanna ay sobrang saya ko noon because she look like her mother very much. Pero sa kabila ng saya ay siya namang pagkawala ng asawa ko at ng ina niya."

I blinked several times dahil nararamdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Paunti-unti ay sumisikip ang dibdib ko at may bumabara sa lalamunan ko na kung ano. Of course, she'll choose her child! Sino ba namang magulang ang papayag na mabuhay siya instead sa anak niya na nasa loob ng sinapupunan? Oh, the sacrifices our parents are making.

"She died and our daughter lived. Napakasakit para sa akin ang mamili sa kanila dahil parehas ko silang mahal pero ayokong biguin ang asawa ko at ang lahat na sakripisyong ginawa niya. Pinalaki ko si Reanna sa abot ng makakaya ko at ibinigay ko sa kanya lahat ng pagmamahal at atensyon ko kahit na napaka-busy ko sa trabaho ko. Ginagawa ko pa rin lahat para masuportahan at magabayan siya sa mga pangangailangan niya."

Oh, my God! This is too much.

"Kapag kailangan niya ako sa paaralan ay agad akong pumupunta at kapag natatakot at umiiyak siya ay nandoon ako para patahanin siya at pasiyahin. I tried everything para maging best daddy sa kanya pero mommy niya pa rin ang hinahanap niya. Iyon ang isa sa naging mga kahinaan ko dahil alam kong balang araw ay magtatanong din siya tungkol sa mommy niya. And that day came..."

Suminghap siya at namamaos na pinagpatuloy ang gusto niya pang sabihin.

"She asked about her every day when she turned eight pero pare-pareho ang naging rason ko hanggang sa tuluyan na nga siyang magalit sa akin at umalis. Hinabol ko siya pero naabutan kong may kausap siyang isang babaeng kaedad niya rin ata. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng babae pero nakita ko ulit siyang masaya kaya hinayaan ko siya kahit na masakit. I also called her aunt to fetched her."

I remember! I am that girl!

Hindi ko alam noon na iyon na ang rason pero ginawa ko rin ang lahat para mapasaya siya noon at doon nabuo ang pagkakaibigan namin. I couldn't help to smile dahil sa kasungitan niya noon sakin pero I accepted her whole. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit siya ganoon. Naiintindihan ko na. It's such a relief na nakukuha ko na ang lahat na sagot.

"Nalaman ko rin na ang ginagamit niya nang apelyido ay Hurston, apelyido ng mommy niya. Nasaktan ako pero kung iyon ang ikakagaan ng loob niya ay hinayaan ko. Kahit kailan ay hindi ko kinontra ang gusto niyang mangyari sa buhay niya so I supported her from a far. I'm still so proud of her because of her achievements in life. Pero kulang na kulang pa rin dahil mas gusto kong nakikita siya sa bahay pag-uwi ko at nahahawakan, nahahalikan, nayayakap. I miss her so much, Eve, every single day and missing her is like living in hell."

Don't say that, Dr. Aguillard. Things happens for a reason. I mean, for a good reason. Yes, good reason only. Only good reasons...

Reanna is so lucky to have Dr. Aguillard as her father but she chose to be in pain and anger instead of being with him. She doesn't need to feel and live that way because of her mother. Dr. Aguillard is here at hindi bang maling isipin na mag-focus tayo sa mga bagay na meron tayo ngayon at hindi iyong patuloy tayong hinihila pababa.

Life is short and we'll never know kung kailan ito babawiin sa atin. Instead of resenting people in your life, why don't you just spend your remaining time with them? It would be better in that way, right? Right?

You'll leave them with a healthy and happy memory without causing any discomfort. Pain can be kind, but if you let your mind control your body without you as a driver, it can cause you endless pain and sorrow. When the suffering overpowers your body and your soul, you will forget how to be a reasonable person.

"Even though she's just a little girl, she knows the feeling of having a mother and losing her at the same time. Because of that longing, different emotions shook her out and this happened."

Continue Reading

You'll Also Like

179K 572 5
Keila Adrienne Ferrell Montenegro a cold hearted woman but it all changed when she laid her eyes on a hot and sexy conceited man. Will she be able to...
333K 25.7K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1M 28.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
1.1M 5K 9
Their game is already over. Now It's their turn to take over. Never ending LIES and CHALLENGES will test even the new generation. Just remember the...