s i Ni s t e r

By RoseTanPHR

98.6K 4.7K 253

A person who desires revenge should dig two graves. For he who plots to hurt others often hurts himself. But... More

Part 1
Untitled Part 2
Untitled Part 3
Untitled Part 4
Untitled Part 5
Untitled Part 6
Untitled Part 7
Untitled Part 8
Untitled Part 9
Untitled Part 10
Untitled Part 11
Untitled Part 12
Untitled Part 14
Untitled Part 16
Untitled Part 17
Untitled Part 19
Untitled Part 20
Untitled Part 21
Untitled Part 22
Untitled Part 23
Untitled Part 24
Untitled Part 25
Untitled Part 26
Untitled Part 27
Untitled Part 28
Untitled Part 29
Untitled Part 30
Untitled Part 31
Untitled Part 32
Untitled Part 33
Untitled Part 34
Untitled Part 35
Untitled Part 36
Untitled Part 37
Untitled Part 38
Untitled Part 39
Untitled Part 40
Untitled Part 41
Untitled Part 42
Untitled Part 43
Untitled Part 44
Untitled Part 46
Untitled Part 47
Untitled Part 48
Untitled Part 49
Untitled Part 50
Untitled Part 51
Untitled Part 52
Untitled Part 53
Untitled Part 54
Untitled Part 55
Untitled Part 56
Untitled Part 57
Untitled Part 58
Untitled Part 59
Untitled Part 60
Untitled Part 61
Untitled Part 62
Untitled Part 63
Untitled Part 64
Untitled Part 65
Untitled Part 66
Untitled Part 67
Untitled Part 68
Untitled Part 69
Untitled Part 70
Untitled Part 71
Untitled Part 72
Untitled Part 73
Untitled Part 74
Untitled Part 75
EPILOGUE

Untitled Part 18

1.3K 63 2
By RoseTanPHR


NAMATAY LAHAT ANG ILAW SA BULWAGAN. MAY NAPATILI SA GULAT, mayroong sa excitement. Namatay rin ang background music kaya parang nabulabog na nga bubuyog ang ingay ng mga bisita.

May nagbukas ng cell phone.

Iyon lang at nagsunod-sunod nang umilaw ang mga cell phone. Ikinaway. May sumigaw ng Gigi!"

Soon, everyone was chanting, "Gigi! Gigi! Gigi!"

Inilabas na rin ni Paige ang cell phone niya. Kinunan niya ng video ang paligid bago niya itinutok sa stage. Nagsimula ang drum roll. Sa umpisa ay para iyong vibration na pumapasok sa katawan nila mula sa sahig hanggang sa lumakas nang lumakas.

"Gigi! Gigi! Gigi!" Mas lumakas na rin ang sigaw ng crowd.

Nabuhay ang spotlight sa stage. Everyone gasped and then cheered. May malaking aparador na doon--wardrobe, kagaya ng sa pelikulang Narnia.

Pumailanlang ang monologue ng isang lalaki. Si Jerome siguro. He talked about how lonely and limiting the wardrobe was. He talked about his sadness and frustrations. Then he thanked his real friends and then his parents, especially his dear mother.

Lumipat ang spotlight sa mag-asawang nasa gilid ng stage. Umiiyak ang ginang na naka-mint green sleeveless top and matching palazzo pants. Hitik ito ng malalaking perlas at may Louis Vuitton bag sa braso.

At sabay sabay na nangyari, nabuhay ang mga ilaw, tumugtog ang Born This Way, bumukas ang wardrobe, lumabas si Jerome...Gigi.

Naka-Lady Gaga inspired outfit. All white, lots of lace and ruffles. Everyone cheered and screamed. Gigi made a show of destroying the wardrobe. People in black tights removed the pieces from the stage and replaced them with rainbow.

Namatay ang tugtog. Pinasalamatan uli ni Jamie ang ina.

Tinutukan ni Paige ng video ang ginang. Hindi na ito umiiyak. Parang gulat...shocked.

Lumapit sa edge ng stage si Gigi, inabot ang kamay ng ina. Parang ayaw ng ginang umakyat sa entablado.

Paige zoomed in.

Then they all heard the mother hissed at her gay son, "Parlorista kang bakla?! 'yung pinagtatawanan?"

Halatang nagulat rin si Gigi sa reaction ng ina. Bumalik na lang ito sa gitna ng stage, sumenyas at pumailanlang ang Beyonce tune, nagsiakyat na rin ang backup dancers. At bago nagsimulang sumayaw, kinausap ang ina, "Yes, Mommy. I'm wearing your panties."

Na-videohan pa ni Paige na nag-walkout ang mama ni Gigi.

Hindi maintindihan ni Paige kung bakit siya natatawa sa mga pangyayari. Tawang-tawa siya sa ginang na nagmamadaling umalis, walang dudang yanig ang gobyerno pero ang Louis Vuitton sa braso, hindi natitinag.

Ayaw matanggal sa isip ni Paige ang imaheng iyon, naluluha na siya sa pagtawa.

At alam niyang hindi pa siya titigil. Nag-excuse na lang siya at lumabas sa side door. Huminto siya sa tabi ng isang palm tree, sapo ang tiyan, tumawa siya nang tumawa.

Narinig na lang niya ang boses ni Ty, "No offense ha, but I don't find it funny."

She looked up, "You're right." She laughed some more. "Sorry." Sinubukan niyang tumigil. Sa second try siya nagtagumpay. Tumuwid siya, ibinalik sa normal ang paghinga, "Sorry." Sabi uli niya kay Ty.

"Ikukuha kitang tubig."

"No, I'm okay." She touched his arm.

He gestured to the pathway leading to the pool area. Tumango si Paige. Naglakad na sila papunta sa swimming pool.

"Hindi si Gigi ang pinagtatawanan ko. Hindi rin 'yung sitwasyon. Natawa ako sa mama n'ya. Muk'ang tanga lang kasi. Ang...ipokrita, para s'yang tanga kanina.

"Sabi ni Gigi, sobrang thankful s'ya sa mama n'ya dahil tinanggap s'ya nung umamin s'ya, kinunsinti pa s'ya na mag-party. Nakakatawa kasi, may kundisyon pala. Okay lang maging bakla basta hindi ka astang parlorista." Nakarating sila sa swimmingpool area. Naupo siya sa isa sa mga recliners doon.

Ty sat opposite her, "Akala ng mama n'ya, bakla si Jamie pero pormang lalaki pa rin. 'kala ko rin ganun. Nagulat rin ako." Amin nito.

"Nakakalungkot lang kasi."

"Pero tawang-tawa ka."

"Sa sobrang lungkot , natawa ako. Nag-come out na si Gigi, lumabas na s'ya sa closet n'ya. Pero ang mama n'ya at tayong mga kagaya ng mama n'ya, nasa closet pa rin."

"Wow." Sabi ni Ty. "To some degree, guilty ako. I don't consider myself homophobic, but.. I dunno. I admit, na-bad trip ako nung malaman kong bakla si Jerome. Lagi kong nakakasabay sa shower 'yun, eh. Nakakalaro kasi namin sa basketball, kami nila Sean. So, minsan, sabay-sanay kaming nagsa-shower after. Wala na 'kong tinago tapos malalaman ko he's gay. Parang...ang shit lang. Alam n'ya itsura ng junior ko."

Natawa si Paige, "Hindi naman siguro n'ya ido-drowing at lalagyan ng caption, double Ty."

He chuckled and high-fived her, then turned serious, "Yun siguro ang pinakahirap gawin, I admit. 'yung ilagay sa isip na hindi naman sila sexual predators, na porke nakita n'ya kaming nakahubo't hubad eh, pinagnanasaaan na n'ya kaming lahat. Pinagpapantasyahan. Hindi ko alam. Pwedeng totoo, pwedeng hindi. What I know is, hindi na 'ko sasabay sa kanya mag-shower kahit kailan."

Napangiti si Paige. Ty's honesty reminded her of Nicko's. Mas emotional lang si Nicko. Ty was cool and collected. Mas mahirap basahin kaya siguro maa-appreciate mo talaga when he was being honest like now.

"Ganyan rin siguro mararamdaman ko kung---" Hindi niya naituloy. Tumunog ang cell phone ni Ty.

"Excuse." Anito bago iyon sagutin, "Amber, whazzup?" Nakinig ito. Then, "Aw, shit. Okay. I'll check it out. Thanks." Tumayo na ito, "Tinatanong daw ng guard kanino 'yung Montero na naurungan sa parking, baka raw sa 'kin sabi ni Amber. Check ko lang."

"Sige. Dito lang muna ako." Dahil hindi naman talaga siya mahilig sa party. Mas gusto niyang iyong mga intimate na umpukan ng magkakatropa. Curious lang siya kung ano ang ganap sa coming-out party. Curious rin siyang makita ang iba pang kakilala nina Amber. Sa ganoong paraan, mas makikilala niya ang mga Solano.

At gusto rin niyang isuot ang bestidang binili ni Amber para sa kanya. Wala siyang perfect shoes para doon pero nang isuot niya ang ever reliable niyang white sneakers, bumagay rin sa damit.

Soulmate nga yata niya talaga.

Ni-replay niya ang video nang maiwan na siya ni Ty doon. Sumandal na siya sa recliner at itinaas ang mga paa. Hindi na siya natawa kaparis kanina. Nangingiti na lang siya.

Nag-text siya kay Mamsh at inenclose ang video. Deactivated lahat ang social media accounts niya dahil, siempre, ayaw niyang malaman ng kahit sino dito sa Pueblo kung sino talaga siya. Kahit ano'ng search ang gawin nina Amber, wala ang mga iyong makikita tungkol sa kanya at kay Nicko.

"Hi."

Napaigtad si Paige sa gulat, "Oh, h-hi."

"No, no, don't get up." Sabi ni Ollie at balewalang naupo sa recliner.

"K=Kumusta ka?" Tanong niya, inurong ang legs niya para makaupo ng maayos ang lalaki.

"I'm good. Medyo bored lang ako sa loob. Here--" inalok nito kay Paige ang hawak na beer.

"N-No, thanks. Hindi ako pwedeng uminom. May work pa ako bukas."

"Aw, c'mon. Beer lang 'to. Just a sip. Please?"

He was really handsome and he was giving her that puppy-eyed look. Hindi magtataka si Paige kung isang araw, bida na ito sa teleserye o sa pelikula. Na kay Ollie na yata lahat ang ingredients para maging superstar. Charm. Sex appeal. Great body. Great looks.

"O-Okay." She took a sip of his beer. May tumulo sa baba niya. He leaned down to wipe it off. His thumb lingered on her chin.

Hindi makagalaw si Paige. Presko ba si Ollie or he was just being nice? Probably the latter. Parang imposible namang salbahe ito. He was too good-looking to be bad. But then again....bigla itong ngumiti.

Shit.

Napatitig na lang siya sa bibig nito.

"Naniniwala na 'ko that some things are meant to happen." Sabi nito.

Hindi makakurap si Paige. Part thrilled that model and future superstar Ollie San Miguel chose to be with her, part scared because he was getting too close for comfort.

"How so?" Tanong niya, trying her best to appear cool.

"I was going to Siargao with some friends, for some reason, I changed my mind . Suddenly, I decided to be here, see if I could convince Amber to come with me. Now I now why." He touched her cheek.

Ginagap ni Paige ang kamay nito para pigilan ito pero hindi niya maalis-alis ang tingin sa mukha nito.

Maybe he took her gesture as a 'yes', he leaned some more and kissed her on the mouth.

Paige gasped.

What did just happen?

Teynga at leeg naman niya ang hinalikan nito. Tulala pa rin siya. Nangyayari ba talaga ito? Pero bakit? Attracted sa kanya si Ollie San Miguel?!

Again, part of her was thrilled.

And then, his hand was on her right boob.

Doon na natauhan si Paige.

"Wait..wait.. no.." itinulak niya ito. Marahan. Dahil kahit offended siya sa ginawa ni Ollie, ayaw pa rin niya itong ma-offend. How crazy was that?

"Relax--" bulong nito. He licked her neck.

Hilakbot na hilakbot si Paige, "Please, stop--"

"I don't want to , sweetheart--"

"No..no..shit." Na-realize niya, wala na siyang pakialam kahit mayamot pa sa kanya si Ollie San Miguel. Sumikad na siya ng malakas, "Tama na sabi! Ayoko!"

"Oooh, feisty." Sabi nito, kinubabawan ulit siya. This time, diniinan na ang mga braso niya. Hindi siya makapiglas. Siniil siya ng halik , ipinasok ang dila sa bibig niya . Kinagat niya. Napasigaw ito. "Shit!"

Sinipa niya ito at nagmadali siyang tumayo.

"Come here you bitch!" Hinaltak lang siya ni Ollie, napaupo uli siya. Sinikmuraan siya nito, "Dami mong arte."

Nanlambot siya sa suntok na natamo. Ipinasok ni Olllie ang isang kamay sa loob ng damit niya, hinila ang underwear niya. Ang isang kamay ay nakadiin sa bibig niya.

"Get off her, Ollie!" Tinig ng babae. Hindi si Amber. Si Blanche.

Bumitaw kay Paige ang lalaki, "Hey, we're just having fun." Sabi nito.

"Fuck off." Sabi lang ni Blanche.

Tumayo si Ollie, inayos ang damit, parang nagkibit balikat at balewalang umalis.

Parang noon lang nakahinga si Paige. Tumingala siya kay Blanche, "T-Thanks."

"That's what you get for being stupid." Sabi nito.

"I'm not stupid." Sagot ni Paige. Nanginginig pa rin siya pero hindi niya gusto ang sinabi ni Blanche, sa babae natuon ang galit niya.

Yumuko ito at dinuro siya, "You're so naïve, Paige. You don't belong here."

Tumayo siya, "Dahil hindi ako mayaman? Hindi ako sosyal? Hindi ko pag-aari ang mundo? Pero kung talagang estupida lang ako, bakit takot na takot ka sa 'kin at kailangan mo pa akong pagbantaan? Ano ang tinatago mo, Blanche?"

"What are you talking about?"

"Hindi ako kasing tanga ng inaakala mo. 'wag kang magmaang-maangan d'yan. Tinawagan mo ako at binantaan, I want to know why. Kung hindi mo sasabihin, nasa 'yo 'yun pero hindi mo ako mapipigil na alamin kung bakit."

"I did not...oh, shit. You have to be careful, Paige." Sabi nito at iniwan na siya.

Hindi siya bumalik sa party. Naghanap siya ng comfort room at doon hinamig ang sarili. It took several minutes bago niya naramdaman na kaya na niyang harapin sina Amber.

Lumabas siya at hinanap ang babae sa party. Amber was at the bar, waiting for her drink.

"Where have you been?" Tanong nito, inutusan ang bar tender, "Make it two."

"Kailangan ko nang umuwi, Amber." Aniya. Ibinaba ng bartender ang dalawang inumin sa counter. Kinuha iyon ni Amber ibinigay kay Paige ang isa. She took a sip. Masarap naman ang mangasul-ngasul na likido. Parang mas kumalma pa siya nang malapatan ng alcohol ang sikmura niya.

"The party's just starting." Sabi ni Amber.

"Tumawag kasi si Mamsh, masama ang pakiramdam. Nag-aalala ako." Dahilan niya.

"Oh. Ihatid na kita para mas mabilis?"

"Hindi, 'wag na."

"I insist. Baka mamaya, may nangyari na kay Mamsh, at least may sasakyan tayo--" inubos nito ang cocktail.

Paige did the same.

Nakiraan sila sa mga sumasayaw. Sinalubong sila ni Papa John.

"Have you heard?" Sabi nito kay Amber, hinihingal.

"What?"

"Si Blanche. Naaksidente!"

"What?" Bulalas ni Amber. "Where?"

"Nandun pa raw sa may Terazza, hinihintay pa ang ambulans'ya." Sumenyas si Papa John na sumunod sila dito bago ito nagtatakbo palabas.

Continue Reading

You'll Also Like

100K 6.5K 50
"Is she mine?" Freen asked with shaky hands watching the little kid playing on the playground. Her hair cascade on her shoulders, her eyes were brown...
Fate By Mani

General Fiction

341K 18.2K 96
fate : be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Often people try to navigate through life with their own plans and wonder why thi...
1.3M 117K 60
RATHORE In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emoti...