TWELVE MIDNIGHT

By andypalado

440 1 0

More

TWELVE MIDNIGHT

440 1 0
By andypalado

Kadalasan ang buhay ay di natin matanto, maraming pagkakataon, ang dumarating ay ang mga bagay na di natin sukat akalain. Mayroong mga bagay na nagpapasaya sa atin at marami ang mga bagay na sa kabila ng lahat n ating pagsusumikap tila ba'y wala itong kinahihinatnan. Wala tayong nakikitang magandang bunga.

Sa paglalakbay ko sa buhay, marami akong natutunan, marami akong nalaman, marami akong naranasan. Ang mga pangyayaring ito ang siyang araw araw na nagbibigay ng epekto sa patuloy kong magharap sa bukas.

Alos dos ng umaga, gising na ako. Pansamantalang magninilay nilay, buksan ang tv sa pamamagitan ng remote at pagdakay tatayo mula sa higaan at tutungo sa harap ng computer. Kadalasan ditto sa harap ng computer nawawalang tuluyan ang antok sa kamalayan. Kape ang siyang tangi kung kasama, karamay, kaibigan at siyang nag-iisang saksi ng lahat. Masasayang kabanata at minsan may kasamang luha ito ang nasasaksi ng baso sa aking kamay.

Litaw na ang sikat ng araw. Handa na muling harapin ang panibagong hamon ng buhay. Binuksan ko ang sliding door mula sa aking silid at tumanaw sa beranda. Maingay ang kapaligiran mula sa kasalukuyang construction na ginagawa sa kalapit bahay. Mataas ang aking kinalalagyan at mula rito tanaw ko ang mga nagaganap sa ibaba. Salansang ng sasakyan sa harap ng gusali at mga taong nagmamadali ang siyang namamasdan. Tangan ko ang baso ng kape habang patuloy na nagninilay.

Fifteen minutes before midnight. Ito ang nakita kung oras mula sa casio kung relo. Advanced ito ng fifteen minutes, kaya ang totoong oras sa kasalukuyan ay 12 midnight na. Malamig ang hampas ng hanging na humahalik sa aking pisngi at siyang gumugulo sa maayos kung buhok. Nakaupo ako dito sa tabing kalsada sa ibaba ng building na aking inuupahan. Mangilan ngilan ang mga tao na makikita sa labas at tanging hanay ng sasakyan ang siyang makikita sa magkabilang bahagi ng kalsada. Dito sa bansang aking natunguhan ganito ang matutunghayan, madalas akong magmamasid sa ganitong oras. Kadalasan pagkagaling sa trabaho, bibili ng softdrink at biscuit, uupo sa gilid at hahayaan na lilipas ang oras sa ganitong pagkakataon. Habang sinisip-sip ko ang softdrink mula sa straw, napansin ko na marami at malalaking mga building ang naitatayo subalit di nila naasip nuon pa na darating ang araw na dadami ang sasakyan at isa sa mga magiging problema ang ay parking.

Hating gabi na, subalit maaga pa rin sa ibang mga negosyante, nagbabakasakaling madagdagan ang kanilang kita hanggang sa pagalis ng gabi patungo sa umaga. Bukas pa ang kanilang mga tindahan.

"Bakit nga ba ako naririto pa sa labas at ano ang aking ginagawa sa ganitong oras na?" Natatanong ko sa aking sarili. Malalim ang tinatakbo ng aking isipan habang ako ay nagpapalipas ng oras. Dapat ako ay nasa loob na ng bahay at nagpapahinga?

Mula sa pailan ilan na tao naging madalas ang mga nagdadaan sa aking harapan.

Mula sa dalawang babae, na ang isa ay Filipina at ang kasama ay nasa anyo ng Indian. Naririnig ko ang wikang Ingles na kanilang ginagamit sa pag-uusap. Magkaiba man ang lahing pinagmulan at mayroong kanya kanyang salita, wikang ingles ang nagbubuklod sa kanila. Pinag-uusapan nila ang nakaraang trabaho, suot ang kanilang uniporme na maynakasulat ng pangalan ng restaurant na kanilang pinapasukan, may ilang metro man ang layo mula sa akin subalit makikita parin ito mula aking kinauupuan. Pasalubong sa kanila ay ang grupo ng mga kalakakihan. Apat na lalaki ang magkakasunod, at sa kabilang bahagi naman at dalawang lalaki ang marahang naglalakad. Dumaan sila aking harapan. May isang grupo ng kalalakihan na naupo sa bandang kaliwa, may ilang metro mula sa akin. Naririnig ko ang kanilang mga pag-uusap ngunit di ko ito maintindihan dahil sa ito ay sa wikang Hindi. Madalas magsalita ang lalaking naka polo na kulay puti at kapares ng pantaloon na itim. Sa kaliwang kamay niya ay may hawak na maliit na plastic bag at sa kanan naman ay ang kinakagat na mansanas.

Pagkaraan ng ilang sandali. May isang lalaki na dumaan at nagpasyang mamahinga sa bandang kanang bahagi ng aking kinauupuan. Sa gilid kami ng building, mayroong bahagi na maari mo itong upuan at panandaling magpahinga kung ayaw mo pang umuwi. Naalala ko an gaming lugar, pagdapit na ng hapon, bata matanda naglalabasan sa kalsada at doon sama samang magkukwentuhan ang mga makakapitbahay at ang mga bata ay tila bang nakawala sa hawla na masayang naglalaro. Napahugot ako ng hininga tanda na namiss ko na an gaming lugar. Naupo ang lalaki, dalawang metro ang layo mula sa akin. Nagbukas ito ng softdrink, Coca-cola at nagsindi ng sigarilyo. Sa ayos niyang ito ay galling din sa trabaho at naupo sumaglit para makapag-isip. Stripes na blue at puti ang kanyang polo at itim na pantaloon. Itim na leather shoes ang suot. Malalim ang tinatakbo ng kanyang isipan. Hithit buga ang ginagawa sa sigarilyo, kasisindi lang ng isa at sa isang iglap ay naubos agad. Di ko mabasa ang inisip at di ko mabigyan ng kahulugan kung ang laman ng kanyang isipan, trabaho ba ito o sa pamilya? Mula sa kanyang facial expressions di pangkaraniwan ang dinadala nito. Habang pinagmamasdan ko ang lalaking ito, tumatakbo sa aking isipan ang maraming katanungan. Iniintindi ang bawat panahon na dumaan, ina-analisa ang bawat pangyayari, maganda man o di kaaya aya.

"Bakit nga ba ganito ang buhay?" Tanong ko sa sarili.

"Di ko maintindihan bakit nangyayari ang lahat na ito at bakit kailangang pagdaanan? Bakit nga ba?"

Napahinto ako sa pagkarinig sa click ng lighter ng lalaki, napatingin ako sa kanya at nais na humingi ng isang stick ng sigarilyo, Gusto kong maranasan ang sarap na naibibigay mula sa paghigop ng sigarilyo at dahan dahang pagbuga ng usok nito. Makailang sandali pa filter na lang natira sa kanina lang ay sinindihan. Tulad ko di napapawi sa mukha ang kaninang facial expressions. Yumuyuko ako paminsan para di mahalat ng lalaki na siya ay aking inoobserbahan at sa bawat taas ng ulo ko at lilinga sa magkabilang bahagi ng kalsada. Napansin ko ang mga signs ng mga iba't-ibang establisimento. Parlor, tindahan ng cellphone, mini-grocery, tindahan ng mga CD at iba pa. Sa kaliwa bahagi nakikita ko ang sign ng panorama, arts engravers, gifts, sports award. Sa gilid ng aking mata nakita ko ang lalaki na tumayo ito at umalis. Ang mga lalaki sa aking kaliwa ay naroroon pa at Masaya pa rin silang nagkukwentuhan.

Mula sa umalis na lalaki napaisip ako na di lamang ako ang nagiisang gising sa mga oras na iyon na may mabigat na dalahin. Buntong hininga na laman ang naging reaksyon ko mula sa pagiisip. Tumingin ako pataas sa aking harapan, kulay gatas ang nakikitang building. Sinipat ko ang kalangitan at nakita ko na madilim ito at ang hampas ng hangin at tila lalong lumalamig ito.

"Tag-lamig na nga." Ang muli kung turing sa sarili.

Pinikit ko ang aking mata at ninamnam ang lamig ng panahon at pinaglaro ko ang isipan at ako ay nakayuko. Bumaba sa aking ilong ang suot kung eye glass. Inayos ko ito at nagpatuloy sa paglasap sa lamig ng panahon sa labas. Umurong ako sa akong magkakaupo, nangalay ang aking binti mula sa di maayos kung pagkakaupo.

Mag-asawa ang sumunod na dumaan sa aking harapan, kasama nila ang isang maliit na bata na nakasakay sa stroller. Sa kabila man ng ganoong oras ay may gising pa mga bata.

"Iba talaga dito sa lugar na ito ang nasabi sa sarili.",

Itinaas ko ang aking kanan kamay para tingnan muli ang oras. Twelve twenty na pala. Kinuskos ko ang aking mata dahil sa may alikabok ng pumasok ditto sa kabila mang ng salamin na suot, nililibang ang sarili, habang patuloy sa pagiisip. Lumalim ng husto ang tinakbo ng isipan. Muling bumaba ang salamin na aking suot, inayos ko ito at inayos muli ang aking pagkakaupo. Inayos ko ang aking buhok mula sa paghampas ng malamig na hangin at iginala ko ang aking kamay sa akin mukha. Napansin ko sa oras na iyon na napapabayaan ko na ang aking sarili at mahaba na pala ang aking bigote at balbas.

"Masyado na ba akong abala sa trabaho at wala ng panahon sa saliri o dahil bas a sobra pagiisip ko sa mga bagay na nangyayari sa buhay at di ko namamalayan na nagmumukha na akong kawawa?" tanong ko sa aking sarili.

Inunat ko ang aking dalawang paa habang nakaupo. Nakaramdam na rin ako ng pagkangawit Inililis ako ang aking suot na pantalon hanggang sa may tuhod, hinaplos ko ang aking mga paa. Pinawi saglit ang mga sakit nito mula sa pagkakahaplos.

Sa di kalayuan natanawan ko ang isang lalaki na ang suot ay dilaw na damit at jogging pants, nagsasara na siya ng kanilang tindahan tanda na ang gabi ay malalim na talaga. Inunat ko muli ang aking paa at pinagkuros ito para makaramdam ng ginhawa mula sa pagkakangawit. Dalawang babae ang muling nagdaan sa aking tanaw. Marami ng minuto at oras ang dumaan mula sa aking pagkakaupo at pagmamasid sa aking paligid habang binabalikan ang mga pangyayari sa buhay ko.

Nakakaramdaman na ako ng bigat sa mata.

"Ano pa ba ang inaantay ko at nandito pa ako sa labas at di pa pumasok para matulog na? " Tanong muli sa sarili sa likod man nito ay alam ang kasagutan. Magkabilang paa ay nararamdaman ko na ang pangangalay at pati buong katawan ko ay gusto ng mamahinga. Pagod at antok na ang bumabalot sa aking katawan.

Paisa-isa na lamang ang mga tao na aking nakikita sa labas, puno na ng sasakyan ang parking lot. Madalang na rin ang mga na sasakyan na nagdadaan. Hikab at kamot sa braso ang madalas kong nagagawa sa sarili ko. Inip, pagod, bagot ang nararamdaman aisip ko ng umuwi para makatulog ngunit may alinlangan sa likod ng aking isipan para magtulak sa akin na tumayo at pumasok sa bahay. Pinadaan ko muna ang ilan panng sandali hanggan mabuo na sa aking sarili ang tumayo at pumasok sa para magpahinga.

Kinaumagahan, idinilat ko ang aking mga mata, maliwanag na ang sikat ng araw. Marahan kong sinulyapan ang orasan na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. Ala Una Y Media. Tila yata napahaba ang aking tulog ang sambit sa sarili. Katabi ng orasang yaon ang isangapainting, mga painting na gawa ko pag ako ay nagpapalipas ng panahon. Tumayo at naupo ako sa isang couch sa loob ng aking kuwarto. Isang unan ang nakalagay ditto, minsan dito ako natutulog. Madalas pag galing ako sa trabaho dito ako uupo at magpapahinga at dito na rin nakakatulog. Humiga ako muli at sa pakiramdam ko ay antok pa at gusto pa ng katawan ko ang mamahinga. Ginala ko ang aking tanaw sa loob ng kuwarto ko, nagiisip, pinagmasdan ang paligid at napansin ko na makalat sa loob. Mula sa isang maliit na lamesa nakapatong ang maliit na Biblia, isang kahon ng tissue paper, mga alcohol pads, mga transaction slips mula sa iba' ibang bangko at dalawang baso na halatang ginamit na.Tumayo ako at inisip na magligpit, tumanaw ako sa labas mula sa aking bintana. Tirik na ang liwanag ng haring araw, maraming tao ang nagdadaanan, abala, maraming sasakyan na mabilis na nagdadaanan.

Inisip na ayusin ang silid sa kabila ng mabigat na pakiramdam. Subalit Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Ibig sabihin na mamaya na ako magaayos at lasapin ang araw na ito na wala trabaho at panahon para mamahinga. Nakaunat ang dalawa kung kamay, nakatunghad ang tanaw ko sa kisame, lumilipad ang isipan, walang kibo, di kumikilos, lutang ang isipan. Nahinto na laman itong pagiisip ko nang pumasok ang amoy ng nasusunog mula sa siwang nga air condition. Lumabas ako para alamin ito at nagtungo sa kusina, nakita ko ang isda na piniprito at mula doon nakaramdam ako ng pagkagutom. Mula sa kusina nagtungo ako sa banyo para ilabas ang likidong naipon sa magdamag at para matingnan ang sarili. Binuksan ko ang gripo hinugasan ang kamay at ang tubig na natira sa kamay ko ay siyang ginamit ko para ayusin ang aking buhok. Nagbalik ako sa kwarto at kumuha ng pera para makabili ng pagkain. Di ako mahilig magluto, halos sa loob ng mahabang, pagkaing instant ang nakakain ko.

Tangan ko ang biniling tinapay at isang bote ng strawberry milk. Naupo ako sa couch at pinatong ang mga ito sa maliit na lamesa sa harapan ko para kumain. Habang sumusubo naisipan kung bigyang sulyap ang aking diary para maisulat ang mga pangyayari sa mga nakaraang araw. Dinampot ko mula sa lamesa ang nakapatong na cello ballpen sa tabi ng aking diary. Binuksan ko ang tinapay at kinagatan habang binubuksan ko ang diary sa walang sulat na pahina. Sulat, kagat, inom ang aking ginawa. Natapos kung itala ang maghapon na pangyayari sa aking buhay kasabay nun ang pagkaubos ng aking kinakain at iniinum.

Sinandal ko muli ang aking katawan sa couch, nahimasmasan ang aking pakiramdam mula sa aking kinain at ininum. Bagong lakas ang naramdaman para harapin ang kung anumang hamon ng buhay ang ibibigay. Sa pagkakasandal ko mabilis na pumasok sa aking isipan ang balikan ang mga nakaraan sa aking pagkabata.

Maraming magagandang alaala at marami ring di maiwasang pangyayari na di mo naising mangyari subalit nangyari..yan ang buhay.

Kinamot ko ang aking ulo dahil sa kating naramdaman. Nagiging madalas ang pagpikit ng aking mga mata dahil sa hapding nararamdaman nito.

Mabilis na lumipas ang oras, lumipas ang maghapon sa loob ng aking silid hanggang sa ako'y mag-ayos ng sarili para sa susunod na pagpasok sa trabaho.

Kadalasan maaga akong nakakarating sa trabaho at nakagawian ko ng dumaan sa cafetria para iminon ng kape bago magsimula ng trabaho..adik sa kape ang turing sa sarili. Apat hanggang limang beses magkape sa maghapon at mas marami pa kapag night shift.

Isa akong medical praktisyoner..buhay ang laging kasama sa araw araw. Buhay na dapat itawid mula sa kamatayan. Isang propesyon na higit na kinakailangan ng lahat.

Isa sa mga nakagawian kung habang ninanamnam ang init ng kape ay ang obserbahan ang paligid. bawat kilos ng mga tao roon ay masusi kong tiningnan. Meron nagiisang tulad ko, masaya ang wangis ng mukha at meron nagiisa subalit seryoso at tila malalim ang iniisip. Mga grupo ng tao na masayang nakakatawanan at kwentuhan. Bawat facial expression, bawat kilos ng kamay at katawan ay di nakakatakas sa aking mga pananaw.

Tumunog ang overhead paging.

"Code Blue..Code Blue ward......"

Napangiti ako sa aking kinauupuan dahil sa ilang minuto pa ako na ang nasa lugar para umattend sa code paging na iyon.

Nagpatuloy ako sa aking iniinum na kape at sa pakiwari ko ibang mga tao na ang kaninang nakikita ko na kasabay sa cafeteria.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa itaas ng kisame.

"Quarter to seven...maaga pa." ang sambit ko sa akin sarili.

Inikot ko ang aking sarili mula sa aking pagkakaupo para kunin ang diary sa aking bag. Ipinatong ko sa lamesa at muling binuksan ang bag para kunin ang ballpen.

Binuklat ko ang mga pahina hanggang sa dulo na walang sulat. Nagsimula akong sumulat. Sa bandang unahan ang date, ang lugar, ang oras.....

Malalim ang laman ng aking isipan, naiis na isiwalat lahat ng nararamdaman at pawang mga blangkong pahina ng diary ang siyang sumasalo ng lahat ng hinaing sa buhay.

Five minutes befero seven o'clock tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa aking post.

"Uy..sakto ka ngayon ah" sambit ng kasamahan ko. Tila wala akong narinig, tila walang kausap malayo ang takbo ng isipan.

Ibinigay sa akin ang endorsement, pitong pasyente ang naka-admit sa ward para ito ay aking ikotan at i-assess. Malalim ang takbo ng aking isapan habang patuloy na inilalahad sa akin ang mga pangyayari na naganap sa loob ng labindalawang oras at kung ano ang dapat kung gawin sa susunod na oras.

Natapos ang endorsement, kunting kwentuhan, kunting pag-uusap pa. Hanggang oras na para magpaalam ang aking kasama. Iniabot ang mga natirang mga gamit upang sa pagpapatuloy ko ay maaring magamit ko pa ito.

Naupo ako sa sulok ng lamesa, tanging ako na lamang ang natitira sa kuwarto na iyon. Mabigat, malamim, masalimuot ang laman ng aking isipan. Nakatanaw sa kawalan. Hindi ko namamalayan ang aking sarili, akin ng hawak ang isang gusting na iniwan sa akin ng aking kasamahan. Patuloy ang pag-iisip, nangingilid ang mga luha habang tumatakbo ang mga oras. Isa, dalawa, tatlong oras na pala ang nakakalipas mula sa aking kinauupuan. Hindi ko ito namalayan dahil sa bigat na nararamdaman ko.

Buo na ang aking isipan sa nabuong plano mula sa aking pagkakaupo. Ang nangingilid ng luha ay tumuloy na sa pagpatak. Butil butil hanggang sa tuluyang umagos. Ang tahimik na kwarto ay unti unti ng umiingay sa isang hikbi.

Alas onse y media, walang tinag sa kinauupuan. Tila walang planong gumawa para trabaho na iniatang. Ang hikbi ang nababalutan ng isang hagulgol. Nagiging malakas ang kapit ko sa gunting na nasa aking mga kamay. Iniikot ikot ito. Buong buo na ang aking sarili ng gawin ang isang hakbang na maaring magpapabago ng takbo ng aking buhay.

Sa mga sandali na iyon, nanunumbalik sa aking alaala ang mga taon na nagtadaan. Mula sa aking pagkabata na dating tampulan ng papuri at paghanga hanggang sa paglaki na itinuturing na isang halimbawa. Naging maayos ang pamumuhay, nagkaroon ng kasama sa buhay at nagka-anak. Dahil sa kagustuhan na maging maunalad ang buhay, mula kasipagan at pagsusumikap naging maayos ang buhay ngunit sa isang iglap gumuho ang lahat. Lahat ng pagsisikap at napalitan ng kalugmukan.

Sumasagi sa aking isipang na maaliwalas na larawan ng aking anak. Masaya nakangiti na nakatanaw sa akin. Dalawang larawan ang nakaguhit sa aking mukha sa mga sandaling ito. Isang larawan ng kabiguan, larawan na tila bang katapusan na ng lahat. Kawalan ng pag-asa. Kawalan ng lakas para lumaban sa hamon ng buhay. Sa isang banda nakaguhit ang ngiti dahil sa nakikitang gunita ng aking anak. Ito ang nagbibigay ng lakas ito ang nagbibigay ng pag-asa para lumaban sa buhay. Larawan ng katatagan.

Matigas ang pagkakahawak ko sa gunting sa aking kanang kamay. Ang luha ay patuloy na pumapatak. Ang hagulgol ay pilit na pinipigilan dahil sa mga ingay na aking naririnig sa labas ng pintuan. Dalawang babae ang naguusap, masaya nagbibiruan.

Mula sa aking pagkakaupo, napansin ko na ang oras ay sampung minuto na lamang at hating gabi na. Naging matagal nang sadya ang pagkakaupo. Isang sunod sunod na buntong hininga ang aking pinakawalan. Pinikit ko ang aking mga, kinapitan ko ng mahigpit ang gunting sa aking kamay. Isang desisyon na aking isakakatuparan sa mga sandaling iyon. Ang hikbi na pinipigil at muling lumakas at ako nagpalahaw. Naging isang nakakabingi na sigaw at iyak ang aking pinakawalan. Wala ng naririnig kundi ang aking sariling tinig at iyak.

Sa aking pagkakapikit. Ang natatanaw ko ang mukha ng aking anak, na mula sa masaya ay nagbago, me takot, me kaba. At tila mayroong multo na nakikita. Iniunat ang mga kamay at patuloy na nakatingin sa aking kinaroonan.

"Daddy, mahal kita daddy. Huwag daddy !!!!" ang paulit ulit niyang sigaw. Nanlalaki ang mga mata. Natatakot.

Isang nakakasilaw na liwanag ang huli kung natanawan.

"Code blue! Code blue!..." ang salitang na pumapaimpapawid mula sa head over paging ng hospital. Tanda ito ng mayroong emergency na nagaganap. Nagkakagulo ang lahat. Takbuhan, salubungan. Nurse, doktor. Lahat ay nagiging abala. Kanya kanyang galaw. Kanyang papel na ginagampanan.

"Let's prepare for intubation. Continue CPR" ang sigaw ng doktor na siyang leader para sa nagaganap na emergency situation.

Inihanda ko ang mga gamit para sa isang intubation. Paglagay ng tubo sa bibig ng pasyente upang ito ay makahinga ng maluwag.

Twelve midnight. Isang buhay ang naisalba mula sa maagap na pagtutulungan ng mga staff ng hospital. Mula sa pangunguna ng magaling na doktor at sa maagap na kilos ng bawat isa.

Higit sa lahat. Twelve midnight. Nang maisipan ko nang wakasan ang aking buhay, subalit dahil sa pagmamahal sa pamilya. Nagbigay ito ng lakas ng loob at bagong sigla para harapin ang bukas.

Continue Reading