LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PU...

Av asrah028

4.7M 72.7K 12.8K

PUBLISHED BY VIVA PSICOM Mer

LABYRINTH ACADEMY
INTRO: WELCOME TO LABYRINTH
CHAPTER ONE : THE L.A GANG
CHAPTER 2: FACE TO FACE
CHPATER 3 : PAYBACK
CHAPTER 4: UNKNOWN
CHAPTER 5 : L.A.C
CHAPTER 6 : KAHIHIYAN
CHAPTER 7: KOG-KOG
CHAPTER 8: CHOCOLATE BAR
CHAPTER 9 SONG
CHAPTER 10: ZIA'S PARTY
CHAPTER 11: LET'S DO THIS
CHAPTER 12: DEAL
CHAPTER 13: FISHY
CHAPTER 14: ALMOST
CHAPTER 15: GALIT-GALITAN
CHAPTER 16: DATE PLAN
CHAPTER 17: I WON'T GIVE UP
CHAPTER 18: BAD GIRL
CHAPTER 19: SOMEDAY
CHAPTER 20: JUST BE MY BOYFRIEND
CHAPTER 21: THIS IS LOVE
CHAPTER 22: PAKNERS IN CRIME
CHAPTER 23: OPLAN SELOS
CHAPTER 24: SUE is SHUUUU!
CHAPTER 25: THAT'S WHAT YOU DO
CHAPTER 26: ANG NAWAWALANG CHAPTER
CHAPTER 27: FRIENDSHIP
CHAPTER 28:DEATH THREATS
CHAPTER 29: DILEMMA
CHAPTER 30: JEALOUS
CHAPTER 31: IKAW AT AKO
CHAPTER 32: 100 DAYS
CHAPTER 33: ...WITH YOU
Chapter 34: SET UP
CHAPTER 35: LITTLE by LITTLE..
CHAPTER 37:GOODBYE
CHAPTER 38 REUNITE WITH A TWIST :)
CHAPTER 39: REVELATIONS pt1
CHAPTER 39 pt.2
LABYRINTH ACADEMY TRUE ENDING
2017
HI EVERYONE!
HAPPY NEW YEAR!
HI EVERYTHING!
HI READERS!
ANNOUNCEMENT ABOUT L.A

CHAPTER 36: WHY?

61.8K 942 262
Av asrah028

CHAPTER 36: WHY?

TAO

''Tao, bakit di mo na ako kinikibo?? May problema ba??'' tanong sa akin ni Twaylem. Simula kase ng malaman ko kung sino ang daddy niya.. Bigla akong nakaramdam ng pag ka walang gana kay Twaylem. Parang nagagalit ako sa sarili ko dahil sa lahat ng babae sa mundo.. Bakits siya pa..

''Tao..'' tuloy parin ito sa pag alog ng mg kamay ko.

''Kyd.. Tara labas tayo.'' napatigil sa pag kain si Kyd ng tawagin ko ang pangalan niya.

''Kumakain pa ako e. *munch*munch*. Kayo nalang ni *munch*munch* Twaylem yung lumabas..'' pag taboy nito sa akin.

''Tara.. Samahan kita. Dun lang naman sa labas diba??'' nung hilain ni Twaylem yung kamay ko, binawi ko agad ito. Napatingin lahat sila kay Twayelm.

Si Twaylem, parang na shock sa ginawa ko. Pero kahit bakas sa mukha niya ang pag tataka kung bakit ginawa ko yun, pinilit parin nitong ngumiti at hawakan ang kamay ko.

''Uuwi na ako.'' hindi ko liningon si Twaylem. At dire-diretsong nag lakad papalaayo sa kanila

Gusto kong mapag isip..

Dahil ang gulo.. Ang daming tanong na tumatakbo ngayon sa utak ko..

TWAYLEM

''Anong nangyare?? Nag away ba kayo??'' tanong sa akin ni Riyee.

''miss understanding lang siguro??'' may nagawa ba akong hindi niya gusto?? Bakit kailangan niya akong ipahiya sa harap ng maraming tao??

''Saglit lang.. Twaylem.. Huwag kang iiyak..'' sabi ni Kyd habang winiwave-wave niya yung dalawang kamay niya sa tapat ng mukha ko.

''BAKA, ANO.. NAKA SUMPONG LANG YUN..'' dagdag pa ni Law.

''O baka naman, ayaw niya na sayo. Kase masyado mo na siyang nasasakal.'' sabay bwelta ni Jodee.

Nasasakal ba siya? Pero.. paano? Hindi ko alam.

''Jodee ha, hindi ka nakaka tulong.'' sabi ni Donella.

''Oo nga, kung wala kang magandang sasabihin.. Tumahimik ka nalang.'' Ava added.

''Baket? Hindi ba totoo?? Hindi naman dating ganun si Tao e, pero dahil sa pag dating ng babaeng yan, LAHAT TAYO BINAGO NIYA. Kung tu-toosin hindi sila bagay ni Tao. Mas okay pa si Sue kesa sa kanya. Atleast si Sue, hindi nakikihati sa oras niya sa atin.. E yan? Lahat ng oras ni Tao, INAAGAW NIYA!!!''

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Yoshida..

At sinampal si Jodee.

''Diba sinabi ko sa inyo umuwi na tayo? Ano pang ginagawa niyo?! At ikaw naman Jodee, sinong nag sabi sayong mag salita ka?'' dahil sa nangyari, nabaling ang atensyon ng mga tao sa amin. Dahilan para pag bulungan kami.

''Twaylem..'' habang binigkas ni Tao yung pangalan ko.. hindi pa rin niya ako tinitignan.

''Ayoko na.''

''ayaw mo na ng ano?? Naiinip kaba?? Gusto mo ng umuwi?? Tara.. Ihahatid kita.. Gusto niyong mag club?? Tara.. Lipat tayo sa club.'' hinawakan ko ulit yung kamay niya, pero tumanggi itong hawkan ko yung kamaay niyaa..

''Gusto ko ng tapusin natin to. Walang kase kase.. Walang baket-bakit. We're finish.. At aalis na kami ng mga kaibigan ko dito.''

''Hah?? Pero.. baket??'' Bakas din sa mga mukha nina Kyd at ng iba pa ang pag kabigla sa sinabi ni Tao.

Nang nag lakad na papalabas si Tao, sunod-sunod na ding lumabas yung iba. I was about to follow them pero pinigilan ako ng daddy ko.

"Were are you going young lady?" napaka higpit ng pagka hawak ng kamay niya sa braso ko, at kung hindi pa siya pinigilan ni kuya uno.. Baka pilay na ako sa mga oras na ito.

"Follow me!" sabay hawak ng daddy ko sa braso ko, at kinaladkad papunta sa designated room namin ng kuya Uno ko.

"Dad! Nasasaktan ako!" pag pupumiglas ko dito. Pero hindi niya pa rin ako pinapansin at tuloy pa rin ito sa pag hila sa akin. Nang makadating na kami sa kwarto namin ni kuya sa hotel, halos ihagis niya ako sa kama ko.

"SINONG NAG SABI SAYO NA ISAMA MO YUNG MGA KAIBIGAN MONG WALANG BREEDING

SAPARTY NG KUYA MO!?!!!?!" nag form ng fist yung mga kamay ko.

"Ikaw, wala ka ng magandang ginawa kundi dungisan ang pangalan ko!" hindi ako kumikibo, dahil kung sa mga oras na to sinubukan kong mag salita, babagsak ng kusa yung mga luha ko.

"SA SUSUNOD NA MAKITA KO PA KAYO NG MGA KAIBIGAN MO NA PUMUNTA SA MGA PARTY NA PARA LANG SA MGA VIP, ITATAKWIL KITA KAHIT NA ANAK PA KITA!" tumawa ako sa mga huling kataga na binitawan niya.

"Anak? Kahit kalian dad hindi ko naramdaman na anak niyo ako. Ano ba ang naging kasalanan ko at ginaganito niyo ako? KAHIT KAILAN HINDI KA NAGING MABUTING AMA! AND PLEASE, HUWAG KANG UMARTENG MABUTI KANG AMA, KASE... WALA KANG KWENTA!"

"WALA KANG KWENTANG ANAK!!" hinawakan niya ako sa mukha, napatigil ito sa pag sampal sa akin nang mag salita ako.

"ANAK? Natatawag mo lang naman akong anak pag may nagagawa akong mali diba?"

Hinawakan ko yung kamay niya at ikinabit ko sa malapit sa mukha ko.

"Sasampalin mo ako?? HA? SIGE! SAMPALIN MO NA NANAMAN AKO! DIYAN KA NAMAN MAGALING DIBA? SA PAG SAMPAL SA AKIN?! Sige! ituloy mo.. AT HABANG BUHAY NA KITANG KAMUMUHIAN!"

hindi itinuloy ng daddy ko yung pag sampal niya sa akin. At imbes, lumabas nalang ito ng kwarto..

Sana pag ka gising ko bukas.. Wala na to, kase kung panaginip man to.. Sana matapos na.. Gumising na ako.. Ayoko na. T__T

KINABUKASAN...

''Fifi.. Okay ka lang??'' si Donald yung unang lumapit at humarap sa akin. Yung iba kase parang ewan ko,

Parang umiiwas sa akin.

Pero, bakit?

ANONG GINAWA KO??

WALA NAMAN.

''Donald.. Sabihin mo nga sa akin.. Nasaan si Tao? Gusto ko siyang kausapin.'' nung banggitin ko na yung pangalan ni Tao, tila ba lumayo ito sa akin.. Na para bang, umiiwas siya sa tanong ko.

Tinignan ko lahat sila, pero parang hindi nila ako nakikita..

''Hoy Kydo, Britt itigil na natin toh. Hindi ako sanay na ginu-good time.''

Wala pa ring kumikibo sakanila.

''Ano ba? Napapano kayo?? Riyee?? Donella?? Mea?? Ano?? Para naman akong tanga nito na nakikipag usap sa hangin.''

''Urghhhh! ANO BA?!! MAG SASALITA BA KAYO O ANO??? KUNG GALIT KAYO BAKIT HINDI NIYO SABIHIN? HINDI YUNG IDINADAAN NIYO AKO SA WALANG KIBO-KIBO NA YAN!'' nag form ng fist yung dalawang kamay ko para huwag maiyak.

Kase, kahapon ko pa kailangan ng makaka usap.. Tapos ginaganito pa nila ako. Ang sakit sa dibdib.

''Sinabi kase ni Tao na huwag kang kausapin.'' Cold na pag kasabi ni Law. Emotionless..

''Dahil lang dun di niyo na ako kakausapin? Baket? Ano ba kayo?? Mga aso?? Susunod sa mga gusto ng amo niyo?'' lumaapit sa akin si Jodee.

''Hindi kami aso. Kaibigan namin si Tao at susundin namin yung gusto niya. KASE NGA KAIBIGAN NAMIN SIYA.''

''Baket hindi niyo ba ako tinuturing na kaibigan??'' nag simula ng may mamuong luha sa aking mga mata.

''Hinde, hindi ka namin kaibigan. Kakilala ka lang namin. Kaya kung pwede, huwag mo ng tanungin kung nasaan si Tao. Break na kayo, at wala na kaming pake sayo.. At kung pwede rin, huwag kang umarte na you belong with us. Kase, hindi ka namin itinuturing na isa sa amin'' tinignan lang ako ni Jodee nung bitchy look niya..

''so nakikipag plastikan lang kayo ganon??'' tinignan ko sila ng isa-isa, at nakatingin lang sila sa baba.

''ano pang ginagawa nito dito??'' napalingon ako ng marinig ko yung boses niya(TAO).

Pinag masdan ko lang itong pumasok sa classroom, at umupo sa upuan niya. Hindi niya ako pinansin.. At dire-diretso lang siya..

Lumapit ako sakanya..

''Sa labas nga tayo, mag usap tayo!'' ikinabit niya lang yung headphone niya sa tenga niya.

''SABI KO SA LABAS TAYO!'' halos pumiyok na ako dahil kanina ko pa nararamdaman na kahit anong minuto, iiyak na ako.

''Mag usap tayo.. Tanggalin mo nga yang p*nytang headphone na yan!!!'' hinablot ko yung iPad niya, at winasak yun.

''ANG SABI KO MAG USAP TAYO!'' Tumayo ito at nag lakad papalabas ng classroom.. Sinundan ko naman ito.

Nakarating kami ng rooftop ng walang imikan.

(NOW PLAYING:NASAAN KANA BY AKUZTIKS

sabayan niyo ng music para ma-feel niyo lalo yung emotions)

''Ano pang pag uusapan natin? Di pa ba malinaw sayo yung sinabi ko kahapon?'' nakatingin lang ito sa malayo..

''Ganun lang ba talaga yun? Akala ko bang..'' bago ko paman matuloy yung sasabihin ko.. Nag salita ulit ito.

''Nakakasawa na, boring na.Ayoko na sayo yun lang yun''

''naririnig mo ba yung sarili mo??'' tanong ko dito, habang pinipigilan ko pa ring hindi maiyak..

''Nasasakal ba kita??'' hindi ito umimik..

''Yung ugali ko ba yung problema? Yung pagiging bossy ko ba?? Ano? Sabihin mo.. Kase, napaka imposible namang makipag break ka ng walang dahilan'' hindi pa rin ito umimik.. Nakatingin parin ito sa malayo..

''walang problema. Na realize ko kase na, hanggang ngayon si Sue talaga yung mahal ko.'' natawa ako bigla sa sinabi niya, pero yung tawang may halong luha.

''ano to? Joke? Panakip butas ako ganon? Sabi ko na nga ba dun din mauuwi ito. Tanga ko kase, bat ako naniwala sa mga sinasabi mo..'' kusa ng bumagsak yung mga luha ko.

''Kung wala na tayong pag uusapan... Pwede na ba akong umaalis? Hinahanap na ako ni Sue.'' ng marinig ko yung pangalan ni Sue..

Wala na, hindi ko napigilan yung sarili ko. Umiyak ako sa harap niya na parang bata, yung iyak na may halong hikbi.

Bago ito umalis, may sinabi muna siya sa akin..

''at kung maari, huwag ka ng iiyak sa harapan ko.. Hindi ako maaawa sa paganyan-ganyan mo. Kaya kung pwe-pwede tumigil kana..''

''Hindi ako yung tipo ng tao na iiyak sa harap ng taong mahalaga sa akin para lang kaawaan ako. Kase yung mga luhang to? Bumabagsak lang pag sobrang sakit na..''

''Edi huwag kang mag pahalaga ng tao ng hindi ka umiiyak. Tsaka, simula ngayon huwag mo na akong hanapin.. Kase, wala na akong pake sayo.'' hinila ko yung polo niya at sinampal siya.

''Masisisi mo ba ako kung pinahalagan kita? Minahal kita e! Yun lang yun.. Ngayon, bakit wala lang sayo kahit makita mo akong nasasaktan ako? Hah?? Anong nangyare?? Gulong gulo na ako.. akala ko ba pag pakiramdam ko guguho na yung mundo ko, tutulungan mo ako? Tao.. Ngayon kita kailangan..''

Wala pa rin itong sinabi,

''gag0 ka! Gag0 ka! Bakit mo ako sinasaktan mo ako ng ganito?? Mahal naman mahal kita aah!.. Pero bakit ginaganito mo ako? Akala ko ba..'' tuloy parin ako sa pag hampas sa braso niya.

''Twaylem.. Sorry.''

Pag katapos nun, tinanggal niya yung pag kakahawak ko sa polo niya,

"Balang araw maiintindihan mo din ako."

Nag lakad na ito papalayo, at umalis na siya..

TAO

''Ano pang pag uusapan natin? Di pa ba malinaw sayo yung sinabi ko kahapon?'' ayoko siyang tignan, dahil kailangan kong panindigan itong pinasok ko.

''Ganun lang ba talaga yun? Akala ko bang..'' bago niya paman matapos yung sasabihin niya, nag salita na ako.

''Nakakasawa na, boring na.Ayoko na sayo yun lang yun''

"Hindi ako nag sasawa na kasama kita kahit araw-araw pa, ayaw kitang iwanan.. kase hindi ko kaya"

''naririnig mo ba yung sarili mo??''

"oo Twaylem, naririnig ko yung sarili ko.. Pasensya na pero.. naguguluhan lang ako. Gusto ko munang lumayo sayo.. Gusto kong magalit sayo.. Pero hindi ko yata kaya"

''Nasasakal ba kita??'' hindi ko ito inimik.

''Yung ugali ko ba yung problema? Yung pagiging bossy ko ba?? Ano? Sabihin mo.. Kase, napaka imposible namang makipag break ka ng walang dahilan''

"walang problema sayo Twaylem.. Ako yung may problema."

''walang problema. Na realize ko kase na, hanggang ngayon si Sue talaga yung mahal ko.''

"hinde, ikaw yung mahal ko.. Hindi siya. T_T."

''ano to? Joke? Panakip butas ako ganon? Sabi ko na nga ba dun din mauuwi ito. Tanga ko kase, bat ako naniwala sa mga sinasabi mo..'' ng mapansin kong nag simula na itong umiyak, nag form ng fist yung kamay ko, kase..

Yung mahal ko.. Sinasaktan ko.

''Kung wala na tayong pag uusapan... Pwede na ba akong umaalis? Hinahanap na ako ni Sue.'' Gumawa nalang ako ng excuse para maiwasan siya, dahil pag nag tuloy-tuloy ko pa siyang nakitang umiiyak sa harapan ko..

Baka pati ako umiyak din.

Bago ko siya iniwan, may sinabi muna ako sakanya...

''at kung maaari, huwag ka ng iiyak sa harapan ko.. Hindi ako maaawa sa paganyan-ganyan mo. Kaya kung pwe-pwede tumigil kana..''

"sorry kung dahil sa akin umiiyak ka ng ganyan."

''Hindi ako yung tipo ng tao na iiyak sa harap ng taong mahalaga sa akin para lang kaawaan ako. Kase yung mga luhang to? Bumabagsak lang pag sobrang sakit na..'' napahinto ako sa pag lalakad ng maring kong sabihin niya yun.

''Edi huwag kang mag pahalaga ng tao ng hindi ka umiiyak. Tsaka, simula ngayon huwag mo na akong hanapin.. Kase, wala na akong pake sayo.'' hinila niya yung sleve ng polo ko at sinampal ako. I deserve that slap by the way..

''Masisisi mo ba ako kung pinahalagan kita? Minahal kita e! Yun lang yun.. Ngayon, bakit wala lang sayo kahit makita mo akong nasasaktan ako? Hah?? Anong nangyare?? Gulong gulo na ako.. akala ko ba pag pakiramdam ko guguho na yung mundo ko, tutulungan mo ako? Sayo ako sasandal?? Tao.. Ngayon kita kailangan.. Kase... unti-unti ng gumuguho yung mundo ko.. Kay sana sabihin mo na sa akin yung problema.. Hindi ko alam kung anong ginawa ko..''

Hindi ko pa rin ito iniimik. Kailangan kitang tiisin Twaylem, patawad kung ikaw yung mag dudusa..

''gag0 ka! Gag0 ka! Bakit mo ako sinasaktan mo ako ng ganito?? Mahal naman mahal kita aah!.. Pero bakit ginaganito mo ako? Akala ko ba..'' tuloy parin ito sa pag hampas sa braso ko, pero bawat hampas sa braso ko.. kasabay nun yung pag bagsak ng luha niya.

''Twaylem.. Sorry.''

Tininggal ko yung pag kakahawak niya sa sleeve ng polo ko..

"Balang araw maiintindihan mo din ako."

Sa totoo lang, ayoko namang gawin yun. Kase mahal ko naman talaga si Twaylem, pero kailangan ko lang talagang gawin toh. Para mapanatag na yung mga magulang ko.

''Ginawa mo na ba yung sinabi ko..'' napatigil ako sa pag baba ng hagdanan.

''Si...'' dahan dahan ko itong liningon patungo kase ito ng rooftop.

''Sino ka?''

''ako.. Ang kapatid mo..''

''ikaw si.. AKIRO..''

MALAPIT NIYO NG MALAMAN KUNG SINO SI AKIRO!

KAYA STAY PUT! ♥

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

3.5M 92.6K 58
[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala ng lubusan. Bawat ngiti katumbas ay kasin...
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
910K 38.1K 54
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang pag...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...