She's back. (KathNiel fanfic)...

By simplengbabae

11.3M 150K 16.5K

[BOOK 1] Ang dating pinapaglaruan, pinapahiya, at minsang pagpustahan ng crush na crush niya ay biglang bumal... More

She's back. ( KathNiel fanfic )
SB: Chapter 1
SB: Chapter 2
SB: Chapter 3
SB: Chapter 4
SB: Chapter 5
SB: Chapter 6
SB: Chapter 7
SB: Chapter 8
SB: Chapter 9
SB: Chapter 10
SB: Chapter 11
SB: Chapter 12
SB: Chapter 13
SB: Chapter 14
SB: Chapter 15
SB: Chapter 16
SB: Chapter 17
SB: Chapter 18
SB: Chapter 19
SB: Chapter 20
SB: Chapter 21
SB: Chapter 22
SB: Chapter 23
SB: Chapter 24
SB: Chapter 25
SB: Chapter 26
SB: Chapter 27
SB: Chapter 28
SB: Chapter 29
SB: Chapter 30
SB: Chapter 31
SB: Chapter 32
SB: Chapter 33
SB: Chapter 34
SB: Chapter 35
SB: Chapter 36
SB: Chapter 37
SB: Chapter 38
SB: Chapter 39
SB: Chapter 40
SB: Chapter 41
SB: Chapter 43
SB: Chapter 44
SB: Chapter 45
SB: Chapter 46
SB: Chapter 47
SB: Chapter 48
SB: Chapter 49
SB: Chapter 50
SB: Chapter 51
SB: Chapter 52
SB: Chapter 53
SB: Chapter 54
SB: Chapter 55
SB: Chapter 56
SB: Chapter 57
SB: Chapter 58
SB: Chapter 59
SB: Chapter 60
SB: Chapter 61
SB: Chapter 62
SB: Chapter 63
SB: Chapter 64
SB: Chapter 65
She's back... and she's mine. (FINALE)
Special chapter- 1
Special chapter- 2
Special Chapter- last

SB: Chapter 42

146K 1.8K 147
By simplengbabae

Itaas ang kamay, iwagaygay! ;D Uy! Fast forward tayo ha? :) 

Dedicated kay Lovingufornoreason. Hello there! *kaway kaway* Thank you sa pag fan saakin! Mwah mwah tsup tsup! 

Vote/Comment? Thanks!

Enjoy! ;)

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

-CHAPTER 42-

Daniel's POV:

// Graduation Day

"Good morning, My dear pupils!" 

"Good morning, Principal!" masayang bati ng lahat.

Maya maya pinaupo na niya kame at nag simula na ang ceremony. 

///

"Grabe tol! Ikaw? AS IN IKAW? Top 6?! Wow! pa-burger naman!" kantsaw namen lahat kay John.

Isipin niyo? isang chickboy na minsan seryoso eh top 6? HAHA. Ni hindi ko nga yan nakikitang nagbabasa ng libro eh, Whoa. Magic noh? Dejoke! HAHAHA. May tagong talino talaga yan.

"Woosh, eh yung isa nga diyan MVP!" tas tumingin ako sa itaas.

HAHAHA. Oo eh, MVP ako. Naks! 

"Eh si Khalil? Best in Science, anyare? HAHA. Inuto mo si ma'am noh?" sabay batok ni Albie kay Khalil.

"Inggit lang kayo ni Neil kasi may best in P.E nga kayo hati naman. HAHAHA!" tas nag apir ako, si Khal, at John.

Oo eh, pati sa award hati sila. Ewan ko dito sa dalawang to' parang kambal eh. Nagulat ako ng bumulong si Khalil saakin...

"Pre? di mo ba babatiin si Kath? Salutatorian?" sabay siko niya saakin 

Tas nginuso niya si Kath at Ria na nagtatawanan habang papalabas ng gym. Si Ria? siya ang Valedictorian. Galing noh, bestfriends talaga eh! Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Khalil.

"O-oy pre! Saan mo ko dadalhin?!" pagpupumiglas ko

"Kay Kath. Tutal babatiin ko naman si bebe eh." 

At oo nga rin pala, baby na nga pala niya si Ria at vice versa. WOOOOOSH. (_ _) Inggitero here! 

"A-ah Kath! RiaKO!" sigaw niya. Maka ko, feeling mo may aagaw sayo. Eh bantay sarado niya kaya si Ria! (__ ______) 

Napatigil sa paglalakad si Ria at Kath tas lumingon saamin. Shizzzz. *DubDubDubDubDub* ayan nanaman yung tibok ng puso ko. Unti unti namen sila nilapitan hanggang sa magkakaharap na kame. Nagkatinginan kame ni Kath pero umiwas agad siya ng tingin.

"Congrats babe! Yieeee. Valedictorian siya! Kiss naman oh!" sabe ni Khalil.

Wow ha, PDA. (_ _") 

"Nye, ewan ko sayo. Saka anong kiss? Kiss mo mukha mo! Hehehe." tas kinurot niya yung ilong ni Khalil

"EHEM." Ako/Kath.

Napatingin silang dalawa nun saamin.

"Oh bakit? Nai-inggit kayo? Gaya na kasi kayo, dali!" Aria.

"H-ha? Ewan ko sayo, Ria. Oy mauna na ko ha? si Daddy eh hinahanap na ko." pagpapaalam niya

"Aalis ka na? Tss. Sabe mo treat mo ko?" Ria. Sabay pout pa niya. 

"Ha? Eh next time nalang, pwede? sama na naten sila Khalil. Talagang... pagbibigyan ko muna si Dad ngayon. PLEASE?" 

"Hmm. Kundi lang kita mahal. HAHA. Sige na! Ingat ka ha? saka paki sabe kay tito dadalaw din ako kamo. MWAH!" tas hinug niya si Kath.

Gusto ko sanang sabihin na 'Ako? pwedeng pa hug?' kaso asa naman kayong masasabe ko yun. (_____" ___) 

"A-ah. Khalil? D-Dj? Alis na ko ha. Ba-bye!" tas kumaway nalang si Khalil at tumakbo na papunta sa parking lot si Kath.

Kaso... nalaglag niya panyo niya. Pupulutin na sana ni Ria ng maunahan ko siya.

"Ako na magsasauli. Pagkakataon ko na rin to'." 

At ngumiting tagumpay naman yung dalawa. Tumakbo na ko papuntang parking lot. 

----------------------------------------------------------

Kathryn's POV: 

Kinapa kapa ko yung bulsa ko. Sabe na eh! may naiwanan ako... naiwanan or nawala? Aish. Di bale na nga. =3= 

Papasok na ko ng kotse ng may tumawag saakin.

"KATH!" 

Sa boses na iyon parang automatic akong napalingon sa likuran ko. TENEN~ sabe na eh, boses niya yun.

"A-ah b-bakit?" 

Unti unti siyang lumapit saakin... hanggang sa talagang nasa harapan ko na siya. Pero mukhang... mukhang nag iintay siya ng pasko kasi di niya masabe sabe yung sasabihin niya kaya ako na nagsalita.

"U-uhm Dj? Nagmamadali kasi ako eh, iniintay ako ni daddy. Kaya kung may sasabihin ka p-pwede bang sabihin mo na ngayon?" nagaalinlangan kong tanong

Oo alam kong gwapo siya at masarap siyang titigan pero... pero nagmamadali talaga ako at ang awkward tignan kasi nakatitig lang siya saakin. Natutunaw ako. (_ _"") 

"A-ah! K-kasi nalaglag yung puso mo para saakin eh.

"A-ano kamo?" hindi ko kasi narinig eh. 

Napatingin siya saakin nun parang nagulat ba?

"H-ha? ah wala. Sabe ko panyo mo, n-nalaglag mo eh. Ito oh." sabay bigay niya nung panyo ko.

"Ay oo nga. Salamat ha?" tas kukunin ko na kasi eh kaso nakahawak siya... kaya nagkahawakan kame ng kamay. 

Feeling ko tumigil yung pag ikot ng mundo, parang naging kulay gray yung paligid at tanging kameng dalawa lang yung may kulay... parang ayoko ng matapos tong oras na to'. 

*bzzt* 

Ay tutcha. Kakasabe ko lang ayoko ng matapos tong oras na to'... saka naman tutunog tong cellphone ko! =____________= Panira ka ng moment ah. Napabitaw tuloy kame sa isa't isa at kinuha ko yung cellphone ko.

Fr: Dad<3 

Baby? nasaan ka na? Pakibilisan. May meeting pa ako pagkatapos natin mag lunch. Ingat ka, Ily. :* 

Sweet ng daddy ko noh? pero panira eh. De joke. Oo nga sabe ko nga magmamadali na eh. Binulsa ko na yung cellphone ko at tumingin kay Dj na... nakatitig saakin. 

"Dj? sa-salamat sa panyo ah? Sige mauna na ko." akmang papasok na ko sa kotse ng tawagin niya ko ULIT.

"A-ano ba yun?" ako

"W-wala. S-sabihin ko lang sana na mag i-ingat ka. Yun lang, sige sorry kung naabala kita." 

Nginitian ko lang siya at pumasok na ko sa loob ng kotse. Nung umandar na yung kotse nilingon ko siya... Nag e-expect ako ng iba pang gusto mong sabihin saakin... tas naalala ko pala? masamang mag expect. Minsan.... nakakasakit. </3 

//

"Dad? Sorry po ah. Traffic po kasi eh." sabe ko nung pagkapasok na pagkapasok ko sa resto.

Bumeso ako kay daddy at umupo na sa harapan niya.

"Naaa, ikaw pa? kilos pagong ka." 

"Dad." tas sinimangutan ko siya

Nagulat ako ng may ilabas siya sa pocket niya... isang malapad na box. Tinulak niya yung box ng marahan papunta saakin. Nakatitig lang ako dun sa box.

"What? Don't tell me tititigan mo lang yan? Chanria, di yan mabubuksan ng tititigan mo lang yan. Believe me." full of sarcasm ni dad. Narinig kong tumawa pa siya eh.

"Dad? ano po ba to'?" 

"Box." seryoso niyang sagot.

Binigyan ko siya ng isang di makapaniwalang tingin. SRSLY! Ang isang CEO ng isang tanyag na kumpanya daig pa si Vice Ganda kung mambara! WOOO. DADDY! 

"Hahahahaha! Just open it, baby." 

Napailing nalang ako at kinuha yung box. Unti unti ko itong binuksan at... wow. Isa siyang charm bracelet na mayroon nag iisang pendant sa gilid na yellow star. Simpleng pendant lang... a gold star. Kinuha iyon ni dad at sinuot sa kanang kamay ko.

"Sa mommy mo yang charm bracelet na yan. Actually ako ang nag bigay niyan. Bago siya mamatay? she told me na ibigay ko yan sayo. Iniisip ko nga kung sa 18th birthday ko pa yan ibibigay sayo... pero naisip ko, baka hindi na rin ako umabot kaya ngayong graduation mo nalang." 

Yung nga ngiti sa labi ko unti unting nawala... 

"Dad? wag niyo pong sabihin na hindi na kayo aabot sa 18th birthday ko. Pa naman... aabot pa po kayo sa magiging apo ng apo ng apo ng apo niyo." Ewan ba. May masabe lang eh. Hahaha.

Marahan niyang kinurot yung ilong ko at ginulo yung buhok ko. Buti nalang di nagulo, huhu. 

"Hahaha. Ikaw talaga." 

"Dad? promise me? pag po natapos na lahat ng dapat niyong gawin dito sa Pinas? Promise me pupunta tayong America para mapagamot kita. I can't predict my future without you, dad." sabay hinawakan ko yung kamay niya.

"Promise, baby. Oh tama na drama, kain nalang tayo." 

Tumawa ako ng mahina at tinawag na niya yung waiter. Nung naka order na kame, nag intay lang kame ng saglit at nung dumating na kumain na kame. Habang kumakain kame halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa tinanong ni daddy.

"Kamusta na kayo ni Daniel, iha?" 

Mga ilang minutes din siguro ako nakatitig lang sakanya.

"Hey? May mali ba sa sinabe ko? Come on, don't deny it. Alam kong mahal mo ang lalaking yon." 

"P-po? p-paano niyo naman po nasabe?" 

"Let's just say na... may isang Barretto na nagsabe saakin." 

B-barretto? Si-- J-julia? P-pero... bakit? :O 

"B-Barretto po, daddy? Si Julia Barretto po ba?" 

"Oo. Kinausap niya ko nung isang araw... actually pinuntahan niya ko sa office ko. I was shocked nung nakita ko siya nung araw na yun, pero nag sorry siya sa lahat ng ginawa niya sayo. Maybe dahil sa ginawa sakanya ng daddy niya?" 

Ginawa ng daddy niya? ano ba yun?

"Ano po ba ginawa ng daddy niya?" 

"She's grounded. At matatapos lang yung punishment niyang yun if... if magiging sincere siya sa pakikipagbati sayo. Nung una? ayaw kong maniwala na sincere siya sa pagso-sorry niya pero nung nakita ko yung mga luha niya? totoo, baby. Maybe na-realize niyang mali talaga lahat ng ginawa niya sainyo lalo na sayo..." 

Napangiti ako... at least alam na ni Julia yung mga mali niya. 

"And ikaw? maybe it's time na ibalik mo na yung dating ikaw...

"Dating ako? Dad... aaminin ko po... mas gusto ko yung ako ngayon eh. You know? yung itsura ba." 

"Ah yes yes. Fine, kahit hindi mo na ibalik yung itsura mo dati... ibalik mo nalang yung mga nawalang tao sa buhay mo noon... yung mga taong pilit mong pinagtatabuyan ngayon. Bakit di mo sila ibalik sayo? I mean... di mo siya ibalik sayo?" 

"Dad... gusto ko man po siyang ibalik saakin ulit.. Hindi na rin naman po siguro pwede. Kasi dad? Feeling ko ako nalang yung umaasa eh, maybe talagang friends lang kame... or baka nga hindi pa friends." alinlangan kong sabe.

"You know what? Hindi ko alam kung bakit ko sasabihin to' sayo... pero baby? I know naman na may inaasahan ka pa. Wag ka lang mapapagod ha? pero kung hindi mo na talaga kayang umasa dahil sobra na... ikaw na ang mag desisyon. Sige na, kumain ka na." 

Ngumiti ako sa sinabe ni daddy. At least suportado niya ko sa mga desisyon ko sa buhay... :) 

//

Papasok na ko ng bahay ng humabol si Daddy. May meeting pa daw siya eh, mayang 8 pa uwi niya.

"Oh pa ano yan?" kasi may inaabot siyang invitation.

"Birthday ni Julia sa Sunday. And iniimbita ka niya, sige na. Mag lock kayo nila manang ha? ily." tas kiniss niya ko sa noo at umalis na.

Pumasok ako sa bahay at umupo muna sa living room. Binuklat ko yung invitation... wala yung details lang naman tungkol sa party niya. Mas matanda pala ako ng isang taon kay Julia? HAHA. Mag 16 palang siya sa Sunday. Hmm. Tas napansin ko yung sticky note...

Kath, 


Maybe nagtataka ka sa mga kinikilos ko... pero promise! Sincere na to' wala ng kalokohan. Kaya please? sana makapunta ka sa party ko. Hope to see you! :) 



xoxo, Julia. 

Tinupi ko na yung invitation at umakyat na sa kwarto ko. Pinatong ko nga pala sa bedside table ko yung invi. Nagbihis na ko at humiga na muna, uuuugh. Kapagod. Masaya ako dahil naka graduate na ko... New chapter nanaman sa buhay ko, sa buhay nameng lahat. Saamin kaya ni Dj? meron pa? 

Napa sigh ako sa naisip ko... sana. 

*bzzt*

Fr: Riaaa<3 

Chandypotpot! Punta ka bukas dito sa house ko, PWIS? Hahaha. :* 

To: Riaaa<3 

Yup. Expect me there. Mwah. Tulog muna ko ha? :** 

*sent*

Unti unti ko ng ipinikit yung mga mata ko... at dinalaw na nga ako ng antok.

---------------------------------------------------------

Daniel's POV: 

*bzzt* 

Fr: Aria

Uy, pupunta daw si Kath. Magdiwang ka. HAHA. :D 

YES! 

To: Aria

Yown. Salamat ha? wag mo sasabihin na nandun kame. Gegege. :) 

*sent*

Napasandal ako sa headboard ko at napangiti... Na realize ko kasing tama na ang katorpehan. Masyadong maikli ang buhay sa pagpapaka torpe. Ewan, nung kanina? sinayang ko nanaman yung pagkakataon. Pero di bale... bukas? sisimulan ko na ang pagpaparamdam ko sakanya. Shizz, multo ako eh. (_ _) 

Naalala ko tuloy yung... kumanta kameng dalawa ng Lucky. Nung time na yun? sobrang saya ko. Di ko alam kung bakit... pero dun ko talaga naramdaman na siya lang talaga. Saka sa tuwing nakikita ko siyang kasama si Khalil? dun ko naisip... bat nga ba ako nagselos nun? ah oo... mahal ko na nga kasi talaga siya nun. Deny lang ako ng deny. 

Saka nung nahulog siya saakin. Literally... nung nasalo ko siya? yung tibok ng puso ko. GRABE! at yung... nagkukuhanan kame ng video? nasalo ko siya nung muntik na siyang matapilok. Dun yung sobrang bilis ng tibok ng puso ko eh... feeling ko sasabog na. 

Sigurado na talaga ako... siya na nga talaga. At sana? ako pa rin, Kath... sana. 

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

NAKO. Ikaw na nga! HAHAHA. Magpa-party na kayo dahil hindi na torpe ang DJ natin, ay ni Kath pala. HAHAHAHA! 

---simplengbabae:***

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
552K 7.5K 33
2nd Half of Stalking the Gangsters :)
2.9K 84 14
Horror stories with less than 2000 words. Short Yet Shocking Written by Lee Rafael ©️ Google Images (For the pictures included in the story)
80.7K 3.2K 30
"baby, don't run please....."