Playlist

By GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. More

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

Halaga

205 11 1
By GreatGatsby08

Jackie's POV

11:11pm na.

Magwiwish ako.

Sana maging mabait na ulit saakin yung boyfriend ko.

Natatawa sa sarili na dumapa ako sa kama na kinahihigaan ko. Nag-good night na ako kay Tom pero hindi pa rin talaga ako makatulog.

Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ako nakakareceive ng message mula sakaniya na nagsasabing nakauwi na siya.

Ilang linggo na siyang busy sa trabaho, minsan pa nga ay out of town dahil siya ang pinapapunta ng boss niya sa sites ng mga projects nila.

Nakakamiss yung mga panahon na palagi niya akong sinusundo sa trabaho tapos sabay kaming magdidinner at yung mga weekends na siya yung kasama ko.

Minsan wala naman kaming ginagawa kundi tumambay lang sa bahay tapos maglaro ng PS4 tapos pag magsawa manonood naman ng movies habang kumakain ng popcorn. Minsan nauuwi pa nga sa asaran.

Napangiti ako sa pag-alala ng mga masasayang moments ng relasyon namin.

Anniversary na rin pala namin sa sunod na linggo. Ano kayang magandang gawin para sakaniya?

Alam ko na kung sinong the best na pwede kong tanungin.

Si Bakla!!!

Agad kong inabot yung phone ko na nasa ibabaw ng side table at dinial ang number ng bestfriend kong si Vice.

Ilang ring ang lumipas bago niya sinagot.

Sinalubong ang pandinig ko ng maingay na music at tila nagkakasiyahang mga tao.

Naku. Alam ko na kung nasaan to.

"Nasa bar ka nanaman no!?"

Mejo naiinis kong sabi sakaniya. Paano naman kasi, kagabi nasa bar nanaman siya tapos nung isang gabi andun nanaman siya tapos tuwing umaga eh panay ang daing na masakit ang tiyan.

"Hello? Jackie? Choppy ka. Saglit, ako ang tatawag."

Malakas na sabi niya saakin bago binaba yung tawag.

Inis na inis akong umayos ng upo sa kama habang hinihintay ang tawag niya.

Maya maya pa ay biglang nag-ring yung phone ko. Hindi ko na pinaabot pa ng dalawang ring iyon bago ko sinagot. Tahimik na sa paligid, baka lumabas. Wala na akong ibang naririnig na tunog kundi yung tunog ng mga sasakyan na dumadaan.

"Jackie? May problema ba?"

Tanong niya kaagad na may bahid ng pag-aalala ang tono ng boses. Agad naman napawi nun ang inis na nararamdaman ko sakaniya.

Hindi ko malaman kung bakit hindi ko talaga magawang mainis ng tuluyan sakaniya lalo na pag ganun siya, yung sobrang caring.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na una, may boyfriend ako at pangalawa, bakla si Vice. Sadya lang sigurong caring siyang nilalang.

"W-wala naman. May itatanong lang sana ako pero mukha namang busy ka. Sige na, bukas na lang."

Sabi ko. Saglit siyang natahimik bago tumawa ng mahina.

"Kilalang kilala na kita, Jackie. Hindi mo ako tatawagan kung walang mabigat na dahilan. Ano ba yun? May problema nanaman ba kayo ni Tom?"

Tanong niya. Napakunot noo naman ako sa tanong niya.

"Problema kaagad? Kay Tom kaagad?"

Mejo naiinis kong sabi. Para naman niyang sinabi na naaalala ko lang siya pag may problema kami ni Tom.

Bigla namang bumalik sa isip ko yung unang beses naming nag-away ni Tom.

Flashback....

Naglalakad kami noon ni Tom sa circle habang magkahawak ang kamay. Nagkukwento siya tungkol sa trabaho niya at kung gaano siya natutuwa sa mga ginagawa niya doon.

Interior designer siya sa isang firm sa Makati at mula nung na-hire siya dun ay palagi siyang good mood. Siguro ganun talaga pag yung ginagawa mo eh yung passion mo talaga.

Hindi ko alam.

Kasi ako, passion ko ang sumayaw. Pero sabi ng tatay ko ay wala raw akong patutunguhan pag nagsayaw lang ako ng nagsayaw.

Ending?

Ito sales executive sa isang car company. Maayos ang kita lalo na pag nakakabenta. Pero masaya ba ako?

Hmmmm.

Siguro. Pwede na.

"Hon? Huy! Narinig mo ba yung sinabi ko?"

Mejo naiinis ang tono na sabi ni Tom bago kami parehong huminto sa pag lalakad. Napatitig ako sakaniya ng saglit, kita sa mukha niya ang pagkainis dahil hindi ko nanaman narinig yung sinabi niya.

Ayaw na ayaw niya kasi ng ganun. Yung pag may sinasabi siya tapos hindi ko pinapakinggan.

"Hmm? Sorry, hon. Ano nga yun?"

Sabi ko sabay ngiti sakaniya. Kumunot lalo yung noo niya sa sinabi ko bago niya binitawan yung kamay ko na hawak niya tsaka nagsimulang maglakad palayo ng wala manlang sinabi.

Agad naman akong naglakad para habulin siya at nung maabutan ko at agad akong humawak sa braso niya na. Agad naman niya iyong tinabig bago tuloy tuloy sa mabilis niyang paglalakad.

Naku.

Nainis na talaga.

"Hon! Wait lang. Sorry na. Uy!"

Sabi ko habang hinihingal na sa paglalakad kasunod niya. Humawak ako ulit sa braso niya at muli ay tinabig niya yung kamay ko bago huminto sa paglalakad at hinarap ako.

Namumula ang mukha niya sa inis at kunot na kunot ang noo habang nakatitig lang saakin.

"Alam mo, kung wala ka rin naman balak na pakinggan yung sinasabi ko sana hindi ka na lang nakipag-kita saakin! Wag mo na akong sunadan, kung ayaw mo akong kausapin, hindi kita pipilitin."

May gigil sa bawat salitang sabi niya saakin. Mejo napaatras ako sa galit na nakita ko mula sa mga mata niya. Natulala lang ako dahil ito yung unang beses na nakita ko siyang galit na galit.

Matapos nun ay tumalikod na siya saakin at naglakad na palayo.

Hindi ko na siya sinundan dahil baka lalo lang kaming mag-away.

Nanghihina yung mga tuhod ko sa nakita kong galit sa mga mata niya. Parang napakalaking kasalanan ang nagawa ko para magalit siya ng ganun saakin.

Umupo muna ako sa isang concrete bench doon at nagpahupa ng mga nararamdaman ko.

Alam ko naman na babalikan din niya ako, aantayin ko na lang. Baka nagpapalamig lang ng ulo. Napabuntong hininga ako bago ko inilabas ang telepono ko mula sa bulsa ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napunta sa gallery at namalayan ko na lang na tinititigan ko na pala yung mga pictures namin ni Tom. Isang taon na kami at sa loob ng panahon na yun ay hindi niya ako sinigawan o sinabihan ng kagaya ng mga nasabi niya kanina.

Pag naiinis siya ay palagi niya lang sinasabi saakin na kailangan niya lang huminga saglit tapos babalik siya tapos okay na.

Sa loob ng isang taon, ngayon ko lang nakita yung Tom na nakita ko kanina.

Kung kanina ay wala akong reaction sa nangyari, ngayon naman ay sabay sabay kong naramdaman lahat. Yung sakit ng sinabi niya, yung lungkot na nagawa niya akong iwanan mag-isa at yung takot na baka dahil dito ay maghiwalay kami.

Umiiyak na pala ako ng di ko namamalayan.

Ilang oras ko siyang hinintay pero halos wala ng tao sa paligid ay wala pa rin ni anino niya.

Nagpasya na akong tumayo mula sa kinauupuan kong bench at umuwi na.

Habang naglalakad ako pauwi ay bigla nalang may dalawang lalaking sumulpot mula kung saan.

Hinawakan nung isa yung kaliwang kamay ko habang ang isa naman ay sa kabilang side.

May kung anong bagay na idinikit sa tagiliran ko yung lalaking nasa kaliwang side ko bago nagsalita.

"Holdap to. Wag kang papalag kundi isasaksak ko sayo tong hawak ko."

Sobrang kaba ang bumalot sa dibdib ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin o kung paano magrereact sa mga nangyayari.

Naramdaman kong kinuha nila lahat ng gamit ko at wala manlang akong nagawa kundi umiyak na lang.

At kung suswertehen ka pa eh bumuhos pa ang napakalakas na ulan.

Tila namanhid ang buo kong katawan sa mga emosyon na sabay sabay kong naramdaman.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa lamig ng bumubuhos na ulan.

Umiiyak ako habang naglalakad kahit wala akong destinasyon na specific. Basta naglakad na lang ako ng naglakad hanggang sa namalayan ko na lang na nakatayo na pala ako sa harap ng isang pamilyar na gate.

May ilaw na nagmumula sa loob ng bahay.

Nanginginig man ay nagawa ko pa ring magdoor bell.

Maya maya pa ay may isang lalakeng nagbukas ng gate.

Nakapayong ito ng malaki at tila gulat na gulat na nakita ako.

"Jackie!? Jusko. Anong nangyari sayo!"

Nagmamadali niya akong pinayungan bago inakay papasok ng bahay niya. Hindi ko napigilan ang pag-iyak.

Mali. Humahagulgol akong parang bata sa harap ng bestfriend ko.

Ibinuhos ko lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko ng gabing yun at tahimik lang na nakinig si Vice saakin habang parang bata akong nakayakap sakaniya.

Wala namang malisya dahil alam ko na lalaki rin ang bet niya.

Kahit diring diri siya saakin pag niyayakap ko siya ay hinayaan niya lang ako.

Ni wala akong narinig na pangangaral mula sakaniya. Basta ipinaghanda niya lang ako ng hotbath tapos malinis na damit. Ipinagluto niya rin ako ng soup at hindi na nagtanong pa. Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa magkwento na ako.

"So, anong balak mo ngayon?"

Tanong niya saakin habang nakahiga ako sa sofa at siya naman ay nakaupo sa may paanan ko. Nagpunas ako ng mga luha bago sumagot.

"Ewan ko. Bahala siya."

Inis na sabi ko.

Ewan ko na talaga.

End of flashback...

Pero kinabukasan nun eh nagpunta si Tom sa condo ko at nagsorry na may kasama pang pa-flowers.

Dahil mahal ko siya ay pinatawad ko pa rin ito at kinalimutan na lang ang nangyari.

Pero naulit pa ulit ang mga away na yun at bawat beses ay nagiging mas malala.

Hindi pa nakatulong na naging mas busy siya sa trabaho niya at napakadalang na naming magkasama o magusap manlang.


"Oh? Natahimik ka. Problema nga."

Napabalik ako sa oras ng kasalukuyan nung marinig ko yung boses ni Vice mula sa kabilang linya kasabay na mabigat na buntong hininga.



Hindi ako makasagot dahil ang itinawag ko sakaniya eh masayang bagay pero parang bigla akong mas nalungkot?

Napabuntong hininga na lang din ako bago sumagot.




"Wala nga. Hindi nga kasi problema. Anniversary kasi namin ni Tom, gusto ko lang sana..."





"Happy anniversary. Wala akong jowa, wala ako sa alam sa ganyan."

Putol niya sa sasabihin ko sana. Biglang nagbago ang tono ng pananalita niya na nagpakunot naman ng noo ko. Ano yun?




"Oh? Bakit parang galit ka?"

Mejo natatawa na nagtatakang sabi ko. Saglit siyang natahimik sa kabilang linya bago ulit bumuntong hininga.





"Sorry. Mejo tipsy lang siguro. Sige, kita tayo bukas? Pagusapan natin. Pero libre mo ha!"

Kahit hindi ko siya nakikita ay alam na alam kong nakataas ang kilay niya ngayon at natatawa na. Tumawa ako ng saglit bago sumagot.



"Oo! Oo na. Ako na bahala. Sa dati na lang? Para malapit lang sayo?"

Sabi ko. Agad naman siyang pumayag. Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto bago ako nagpaalam para matulog na.



Hihintayin ko pa sana yung message ni Tom pero nakatulugan ko na lang din gaya ng madalas na na mangyari.










Vice's POV

Maaga pa lang ay nagising na ako. Ewan ko ba, baka dahil iniisip ko na magkikita kami ngayon ni Jackie at kahit alam ko naman na may boyfriend siya eh hindi ko maiwasan na maexcite.





"Ano ba naman to, Vice. Olats ka na nga sa lalake pati ba naman sa babae, ganun pa rin?"

Buntong hininga ako habang nasa harap ng full body mirror sa loob ng walk in closet ko at sinisipat ang suot ko.




Palagi akong ganito pag magkikita kami, hindi ko alam kung anong klaseng pagaayos pa ang gagawin ko para mapansin niya na iba na ako ngayon.





Napailing-iling na lang ako nung maaalala yung moment na narealize ko na parang iba na. Iba na yung tingin ko sakaniya.



Hindi na basta bestfriend na lang.


Yung feelings ko para sakaniya hindi na para sa isang kaibigan.



Iba na.




Ang nakakatawa nga lang eh nung naamin ko yun sa sarili ko ay pinapanood ko siya habang umiiyak at nagpapakalasing dahil nag-away sila ng boypren niyang walang kasing bait.





Hindi ko maisip kung ano bang hindi niya makita kay Jackie at kung tratuhin niya ito eh parang basura lang.




Napailing na lang ako dahil sunod sunod ko nanamang naalala yung mga pagkakataon na umiiyak si Jackie.



Habang pinapanood ko siyang umiiyak ay sumasabay naman ang pinong kirot sa dibdib ko.


Na mas lalong lumalala pag nalalaman ko na isang sorry lang nung isa eh okay nanaman siya.





Bakit ganun?



Kung sino pa yung taong gusto kong mahalin ng lubos at alagaan, siya pa itong hindi ko na nga makuha ay hindi pa tinatrato ng maayos ng taong nagmamay-ari sakaniya.





Bahala na nga.





Gaya ng palaging nangyayari ay 30 minutes early nanaman ako sa usapan namin.



Ayoko talaga kasi na nalelate ako.



Umorder na ako ng inumin at pagkain namin at umupo na sa paborito naming spot.




Sa tabi ng aircon sa bandang likuran ng shop.




Kahit naman sinabi kong sagot niya, eh hindi ko pa rin talaga maiwasan na paglaanan siya ng lahat ng bagay na kaya kong ibigay.





Uminom ako ng mainit na kape habang pasulyap-sulyap sa pintuan. Inaabangan yung nagiisang babaeng nagpatibok ng beki kong heart.





Pero ibang nilalang ang nakita kong papasok ng glass door.


Napakunot noo ako dahil sigurado akong si Tom yun. Nakasuot ito ng kulay abong cap at white na oversized shirt at maong na pants. Pero bukod pa dun eh may iba pa itong suot.






Babae.




May babaeng nakapulupot sa braso niya. Agad nag-init ang ulo ko sa nakita ko.







Kitang kita ko kung paano sila naghaharutan habang umoorder at paminsan minsan pa ay nagismack.





Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naglakad palapit sa dalawa.








Nakita ko kung paanong naubos ang dugo sa pagmumukha nung lalakeng tinititigan ko.






"V-Vice? Ka-kasama mo ba si--"






"Umalis ka na bago ka niya abutan dito kasama yang accessory na dala mo."

Putol ko sa uutal utal niyang salita. Nakipagtitigan siya saakin at nakipagtagisan din ako ng tingin sakaniya.





Maya maya ay tumango siya bago walang sabi sabing umalis.







"Tang ina. Tang ina talaga!"

Inis na inis kong sabi sa sarili ko habang nakaupo sa table na inukopa ko kanina.


Wala pa si Jackie at mejo kinakabahan na ako dahil baka tinawagan na siya ni Tom o baka kung ano nanaman ang nangyari sakaniya.



Ilang ulit ko na siyang tinatawaga  pero walang sagot.






Ilang oras ang lumipas pero walang Jackie na sumulpot. Isa isa ko na ring tinawagan ang mga kakilala namin pero wala rin silang alam.






"Jackie, nasan ka na ba."

Kinakabahan kong sabi sa sarili ko habang nagmamaneho papunta sa condo niya. Nagbabakasakali na sa pangatlong pagkakataon eh andun na siya.


Naikot ko na lahat ng lugar na posible niyang puntahan pero wala siya.




Ilang ulit ko na siyang sinubukang tawagan pero puro ring lang at sa huli ay cannot be reached na ang number niya.







Habang nagmamaneho ako ay bumabalik sa ala-ala ko yung gabing nasabi ko sakaniya na gusto ko siya.







Flashback....

Pinapanood ko si Jackie habang payapa nang natutulog sa kama ko.


Andito nanaman siya, pinagod nanaman ang sarili sa kakaiyak dahil apat na oras nanaman siyang naghintay kay Tom pero hindi nanaman ito sumipot.




"Sus. Kung ako boyfriend mo, Jackie, hindi ako magdadalawang isip na pag-laanan ka ng oras. Kaso hindi eh. Siya ang mahal mo."

Mahinang sabi ko habang nakaupo sa gilid ng kama at inaayos ang mga hibla ng buhok niya na tumatabing sa mukha niya.



Napakaganda niya pa rin kahit namumugto nanaman ang mga mata sa kaiiyak.



Napabuntong hininga ako habang tinititigan ang payapa niyang mukha na kanina lang ay balot ng sakit at lungkot.





"Kung mag-joke talaga yung tadhana, wagas eh. Haaay. Andito ako, handang mahalin ka ng mas higit pa sakaniya pero yung pansin mo, nasa kaniya lang."

Mejo napalakas yata yun ng kaunti dahil gumalaw mg kaunti si Jackie. Bigla akong kinabahan.



Baka narinig niya ako.





Inantay ko kung anong susunod na mangyayari pero nanatili lang itong nakapikit.



Nakahinga ako ng maluwag bago tumayo mula sa kinauupuan ko sa tabi niya at sinulyapan pa siya ng huling beses bago tuluyan nang lumabasng kuwarto.

Na-evict nanaman ako sa sarili kong kuwarto pero ayos lang.




Ayos lang basta si Jackie.






End of flashback...

"Jusko, Jackie. Mahanap lang kita. Mahanap lang kita, gagawin ko na lahat para lang maging akin ka."

Nasabi ko bigla out of frustration. Papark na ako nun sa basement ng building ng condo ni Jackie. Hindi pa ako nakababa pero nakita ko na kaagad na andun na yung kotse niya.






Nagmamadali akong bumaba ng kotse at halos patakbong tinahak yung elevator. Ilang ulit ko ring pinindot yung button ng floor ng unit niya at habang paakyat ay paulit-ulit ko itong pinipindot.






Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinabahan nung bumukas yung elevator.






Parang hindi ako mapalagay at parang may mali.




Mabigat ang bawat hakbang ko habang papunta sa unit niya at nanlalamig na ang buong katawan ko nung makarating ako sa harap ng pintuan nun.






Humawak ako sa doorknob ng pintuan pero wala akong lakas para pihitin yun.





Alam kong dapat naka-lock yun pero sinubukan ko na ring pihitin.




Bumukas ito.





Dahan dahan ko iyong binuksan.








Sinalubong ako ng malamig na hangin na galing sa loob kasabay ng paglingon saakin ng ilang pares ng mga mata.






Napalunok ako.





Bawat isang nandoon ay nakatingin saakin na para bang....






"A-anong nangyari bakit.... Bakit.. Nasaan si Jackie?"

Nanginginig ang boses ko sa pagbigkas ng bawat salita.




Si Madc ang unang lumapit saakin.






Namumula ang mga mata nito na tila galing sa pag-iyak.



Napaatras ako nung akmang yayakap siya saakin.






"No."

Sabi ko pero alam namin pareho na hindi yun tungkol sa yakap. Isa isang pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya.









"No! Hindi. Asan siya? Asan.."

Napaluhod ako sa panghihina ng mga tuhod ko kasunod ng mga luhang biglang bumagsak mula sa mga mata ko.






Kitang kita ko ang mga nanginginig kong kamay na nakakuyumos pareho.









"I-- Hindi ko--"

Hindi ko masabi ang gusto ko dahil sa mga hikbi. Sobrang sakit ng dibdib ko, para itong sasabog sa sakit.






Naramdaman kong may humawak sa balikat ko na lalo lang nagpaiyak saakin.







Hindi ko maintindihan.






Sana tumakbo na lang siya saakin. Sana tinawagan na lang niya ako.




Handa naman ako palagi na damayan siya. Handa naman ako palagi na yakapin siya pag nasasaktan siya.


Andito lang naman ako para pangitiin siya pag umiiyak siya.






Handa akong subukang buo-in yung paulit-ulit na winawasak ni Tom.




Bakit, Jackie?




Saan ako nagkulang.






"Kasalanan ko. Kasalanan ko to. Dapat kagabi pa lang. Dapat..."

Sisi ko sa sarili ko. Walang nagsalita sa mga taong andun pero naramdaman kong may mga bisig na yumakap saakin at kagaya ko ay humihikbi rin ito.






"Anak, wala kang kasalanan."

Bulong saakin ng mommy ni Jackie. Pero ayaw tanggapin iyon ng isip at damdamin ko.











Tang ina.









Sobrang sakit naman nito.









Yung taong pinapangarap ko, balewala na nga sa iba tapos ngayon.....













Tuluyan pang nawala....











End.

------------

Halaga
By PNE



Wala ako sa katinuan ngayong araw na to kaya pasensya na sa typo at sa kwento.

😌

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 95.5K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
645K 67.4K 26
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
3.2M 187K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
308K 7K 41
I'll be adding your age in the chapters and you will be with BTS as siblings!! Also BTS will always be older than you or Jungkook as your twin. Taehy...