The 49th Friend Request

By celeste_cardoso

10K 259 12

Kung sinuman ang ika-49 na lalaking magsi-send sa kanya ng friend request sa facebook kasehodang bading o dir... More

Chapter I: One Friend
Chapter III: Pusong Lito
Chapter IV: I Love You, Goodbye
Chapter V: A Thousand Years
Chapter VI: Terrified
Chapter VII: Sway
Chapter VIII: All of the Stars
Chapter IX: Say Something, I'm Giving Up On You
Chapter X: Thinking Out Loud

Chapter II: Torete

891 19 0
By celeste_cardoso

SAKTONG DALAWANG LINGGO matapos ang araw ng pagsisimula ng Oplan 49th Friend Request niya ay maghapong walang inatupag si Alessandra kundi ang bantayan ang kanyang netbook. Wala silang klase ni Chase nang araw na iyon. Kahit pa nga masidhi ang pag-akag sa kanya ng bestfriend na samahan ito sa National Library ay tumanggi siya. Kaya heto at hindi na nagtuloy ang binatilyo, nagbabad kasama siya sa kanyang inuupahang kwarto. Inabala na lamang nito ang sarili sa paglalaro ng Hangaroo.

"Yes!" bulalas niya na ikinagulantang naman ng lalaki. Masama ang tingin sa napalakas niyang pagsigaw. Sanay siya sa ganung pagsaway o pambabara ni Chase ngunit ngayon ay kumbinsido siyang may nagbago na nga sa kaibigan. Gut feel lang.

"Bakit ba?" asik niya dito. Sinalubong ang titig ng kaibigan na napagtanto niyang walang suot na salamin. Hindi sinasadyang napagyaman niya ang mga mata sa mukha nito.

Gwapo pala si Chase. Makapal ang kilay na bumagay sa bumbaying mga mata nito. Matangos ang ilong at mapula ang manipis na mga labing waring nanghihikayat ng halik. Pino ang balat na hindi naman gaanong kaputian. Aaminin niya, mas bagay kay Chase ang walang salamin. Bakit nga ba hindi niya napuna noong una ang angking kagwapuhan nito?

Teka, nagnanasa ba siya kay Chase? Sa bestfriend niya?

Eeew. Nagingiming sawata ng utak niya.

Kahit wala silang blood relation, pakiramdam niya ay incest ang nadama niya nang mga sandaling iyon. Iniwas niya ang tingin sa binatilyo bagkus ay ibinalik ang pokus sa pag-antabay sa netbook.

"Ano ba 'yan huh?" Hustong tumabi sa kanya si Chase, nakadapa. Magkadaiti at halos magkapalit na ang kanilang mga pisngi. Bakit ganun? Parang naasiwa siya. Wala naman siyang malisya kay Chase dati kahit pa nga noo'y madalas silang magharutan sa kwarto nang sila lang. Pero ngayon...ah ewan!

Kinalma niya ang sarili saka kunwang patay-malisyang hindi sinagot ang tanong ni Chase. Ito ulit ang nagsalita.

"Ano? Na-receive mo na ba ang 49th friend request mo?"

"27th guy na ito. Mga dalawang araw pa baka matapos na din-"

"Ang kahibangan mo." Putol ni Chase. "Wala namang masama sa pagiging NBSB ah. Darating ang 'the one' mo sa takdang panahon. No need to chase and hurry."

"Hindi mo kasi nararamdaman ang pakiramdam ng tuksuhin ng mga kaklase at i-pressure sa pakikipag-boyfriend. Palibhasa nagka-girlfriend ka na noong highschool. Malas nga ng babaeng iyon pinatulan ka." Ang tinutukoy niya ay ang ex-girlfriend nitong si Shirley na daig pa yata ang asong ulol sa kabubuntot noon kay Chase. Pati siya ay pinagselosan pa noon. Kaya marahil sa pagkasakal, ang bestfriend na mismo ang nakipag-break dito.

Humilata si Chase. Tumitig sa kisame. "Oo nga no? Nasaan na kaya si Shirley ngayon?"

"Bakit babalikan mo ba ang warfreak na 'yun kapag nalaman mo kung nasaan siya?"

"Curious lang. Saka wala namang masama kung ganun nga di'ba?" Humarap sa kanya si Chase. "Isa pa, marami rin naman kaming pinagsamahan."

"Kapareha ng araw-araw na pagseselos nya sa'yo? O ang pagtatago mo makaiwas lang sa obsessed na iyon? Kung makaakto naman kasi ang babaeng 'yun parang ikaw na lang ang lalaki sa mundo. Walang ka-taste taste."

Chase let out a grin, showing his pearly whites. "Ikaw na rin ang nagsabing obsessed si Shirley sa akin. That means, I have something in me na hinahabol ng mga babae. Maybe, it's the few kisses we shared at ilang advances nya..."

Tila diring-diring tinulak niya ang binatilyo. "Ang yuck mo huh? Ikaw, hahalikan ni Shirley? In your dreams Chase Casimiro."

"Hindi nga lang yata halik ang pinagsaluhan nami noon eh. Isa pa, she once told me I was a good kisser."

"Super yuck ka talaga. Pag hindi ka tumigil, lalayasan kita dito. At kung sakali mang totoo iyang ilusyon mo, napaka-kiss and tell mo naman."

"Okay, it's just kisses. Tumigil ka lang. At saka sa'yo lang naman ako nagkukwento." itinaas ni Chase ang dalawang kamay, nakaupo na ito sa kama. Bakas sa mukha ang tagumpay ng pang-aasar sa kanya.

Totoo nga kaya ang sinasabi ng mokong na ito? Kahit naman kasi alam niya ang lahat-lahat ukol kay Chase, may ilang personal na bagay pa rin itong nililihim sa kanya. Kung ganun, he is not as harmless as she thinks he is. Hindi kaya may malisya ito sa tuwing nagkakasama sila nang dalawa lang?

Tulad ngayon.

Asa, bulong ng isip niya. Nanaig ang isiping wala namang gagawin si Chase na ikakasira ng matagal nilang pagkakaibigan.


MATIKAS ANG TINDIG at higit sa lahat ay lalaking-lalaki tingnan si Randon habang tinatanaw ni Alessandra mula sa kabilang side ng basketball court na pinagpapraktisan ng mga kapwa nito varsity players.

Kasalukuyang nagpapahinga noon ang grupo at bagama't pawisan ay maaliwalas ang mukha ng gwapong binata. Hindi yata siya magsasawang papakin ng tingin ang mukha nito. Graduating na si Randon sa kurso nitong Computer Engineering. Mas matanda sa kanya ng limang taon ang hinahangaang binata.

Magiliw itong nakikipag-usap sa mga kasama at kahit malayo ay kitang-kita niya ang memoryado ng mukha ng player. Mala-Christiano Ronaldo ang sharp and dark features nito marahil ay sa dugong Espanyol. Kahit pa nga nakakatatlong semestre pa lang siya sa Saint Joseph, ginugol na niya ang buong panahon sa pangangalap ng impormasyon ukol sa kanyang ultimate crush mula nang una niya itong nasilayan noong Intramural nila.

Sa panahong iyon, lubusang nakilala niya ang binata. Hindi kaila sa kanya maging ang pagiging lapitin nito ng mga babae. Sa dami ng umaaligid na mga magaganda dito, batid niyang malabo ang tyansang magustuhan o pansinin siya nito.

Hindi siya pinanghinaan ng loob nang malaman ang tungkol doon. Para sa kanya, sapat nang nakikita niya o aksidenteng nasusulyapan siya ni Randon. Isa pa, wala namang masama kung may paghanga man siyang nararamdaman sa binata.

Natigil lamang ang pag-iilusyon niya nang kamuntikan nang mabuwal sa lakas ng pagtulak ng kaibigang si Celine. "Akala ko ba may oplan FB boyfriend ka na huh? Ano at naglalaway ka ngayon dyan kakatitig kay Randon?"

"Hindi naman. Wala akong klase eh kaya tumambay muna ako dito. Ikaw, ang aga mo yata?"

Pumuwesto sa kanyang tabi si Celine saka ipanaypay ang kamay sa pawisang mukha. "As usual, wala na naman ang professor namin sa Finance. Lagpas na ang grace period kaya lumabas na ako. Hindi mo kasama si Chase?"

"May emergency meeting sa discipline committee ang mokong eh."

"Ang sipag naman ng bestfriend mo." Tumikhim ito saka seryosong humarap sa kanya. "You know, he's likable. Sayang nga at tropa na tayo."

Umangat ang kilay ni Alessandra sa rebelasyon ni Celine. "May gusto ka kay Chase?"

"Tropa na nga lang di'ba? At saka matagal na 'yun."

"Ano naman nagustuhan mo sa ugok na 'yun. Bukod sa suplado eh nuknukan pa ng kontrabida."

"Grabe ka naman. Eh bakit ikaw? Ang tagal nyo nang magkaibigan. That means, you like him too."

Dama niyang nangapal ang tenga niya sa tinuran ni Celine. Um-echo ang sinabi nito. You like him too.

"Swak kaming tropa eh. Kahit naman mahirap hulihin ang ugali ni Chase, nagkakasundo pa din kami."

"Ang swerte mo naman."

"Malas kamo."

Ano ba ang ipinahihiwatig na ito ni Celine. Bukod sa rebelasyong naging crush pala nito si Chase dati, heto at kung anu-anong ideya ang isinasaksak sa utak niya. Bago pa man humaba ang usapan, tumayo siya saka hinila ang kaibigan.

"O akala ko ba ay panunoorin mo pa ang prince charming mo?"

"Basta halika na. Puntahan na natin si Chase. Baka mamuti na ang mga mata natin dito kakahintay sa kanya."

Mula sa gymnasium ay dumiretso sila sa administration building kung saan naroon ang opisina ng discipline committee. Malayo pa lang ay tanaw na niya si Chase.

Ayos na sana kung hindi sumulpot ang isang maputing babae upang kausapin ang bestfriend. Hindi na sila lumapit pa ni Celine. Naghintay na lamang sila sa bench na malapit doon. Nakadama siya ng biglaang pagkairita habang sinusulyapan ang babaeng kausap ng binatilyo. Napaka-touchy pa ng girl, malimit ang pasimpleng haplos sa braso ni Chase. Napuna ni Celine ang pag-iiba ng mood niya.

"Selos ka no?" panunudyo nito. Umirap siya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo huh Celine? Bakit naman ako magseselos eh bestfriend ko si Chase."

"Hindi na maipinta iyang mukha mo habang tinitingnan iyong dalawa."

"Naiinis lang ako kasi matatagalan na naman ang mokong. Mag-aalas sais na. Manonood pa kami ng One More Chance."

Napamulagat si Celine sa sinabi niya. "Iyong kay John Loyd at Bea? Uy sama ako."

"Sige. Ang tagal naman kasi ng mokong na ito." Muli niyang sinulyapan ang dalawa. Naaktuhan niyang may inabot ni Chase ang cellphone nito sa babae. Meron namang in-encode ang babaeng kausap doon.

At nakuha pang makipagpalitan ng number ng mokong gayung late na sila sa lakad nila. Ayaw niyang abutin sila ng last full show. May kailangan pa siyang tapusing project. Dangan nga lang at fan na fan siya ng Bea-John Loyd loveteam kaya't isiningit niya sa schedule ang panunood ng bagong pelikula ng tambalan.

Maigi at nakumbinsi niya si Chase kung hindi ay napaka-awkward manuod ng romantic movie nang mag-isa.

"Hey." Si Chase, humahangos na palapit sa kanila.

"Late na tayo Chase Casimiro. Inuna mo pa kasi pakikipaglandian mo."

Bahagyang napatda ang binatilyo sa inis na reaksyon ni Alessandra. "Init ng ulo mo. Alas sais pa lang ah."

"Six thirty ang umpisa. SM Manila pa tayo, maiipit na tayo sa traffic."

Kamot-ulo si Chase nang hilahin siya palabas ng dalagita. Sumunod naman ang kaibigang si Celine na hindi maalis ang tingin sa kamay ni Alessandra na nakakunyapit sa braso ng bestfriend nito. Umiling-iling saka humabol na lang sa mabilis na paglalakad ng dalawa.


EKSAKTONG MAG-UUMPISA ANG PELIKULA nang makapasok sila sa loob ng sinehan. Punung-puno ang lugar, karamihan ay magkakasintahan o grupo ng mga magkakaibigan katulad nila. Maswerteng may nakita pa silang bakanteng upuan na husto sa dalawang at isa sa likod. Si Celine na ang nag-volunteer na pumuwesto sa likod kung kaya't sila ni Chase ang magkatabi.

"Here we go." Kinikilig na usal niya habang tutok ang mga mata sa malaking screen.

Walang reaksyon si Chase. Una, hindi ito mahilig sa romantic films lalo't higit tagalog. Baduy daw, ayon dito. Ikalawa, wala itong hilig na manuod. Mas feel pa ng kaibigan ang atupagin ang mga strategy at mind games nito sa laptop o cellphone.

"Kilig na kilig ka, wala ka namang lovelife."

Sinawata niya ang binatilyo. Ayaw alisin ang mga mata sa pinapanuod.

Eksenang kumprontasyon ng mga karakter ni John Loyd at Bea matapos ang break-up. Hustong napaluha siya sa isang madamdaming eksena, hindi napigil ang pagsikdo. Bumulanghit naman ng tawa si Chase bagaman kontrolado ito.

"Isa pa, isasaksak ko 'tong popcorn sa baga mo." Asik niya sa kaibigan. Pinahid ang uhog na tumulo kasabay ng pag-iyak.

Pigil ang tawa ng lalaki. Nahintakutan marahil sa banta ni Alessandra.

Alas nuwebe nang matapos ang pelikula. Sa liwanag ng kabuuan ng mall, banaag ang mugtong mata ni Alessandra, gayundin si Celine.

"Kayong mga babae, ang drama nyo din eh no?"

Hindi napigilan ni Alessandra ang sarili at tinuktok ang bestfriend. Ininda nito ang malakas na pagkakabatok niya.

"Ang violent. Parang hindi babae." Buyo nito.

"Isang pang-aasar mo pa, hindi lang iyan ang aabutin mo."

"Kaya walang boyfriend."

"Tumigil ka nga. Maghintay ka lang."

"Bakit? Tapos na ba iyang Oplan Facebook Boyfriend mo?"

Oo nga pala! Nakalimutan niyang i-check ang facebook niya maghapon. Nagkatinginan sila ni Celine sa sinabing iyon ni Chase.

"Huwag mo na kayang ituloy Les?" si Celine, pilit ang paghabol sa malalaking hakbang nila ni Chase palabas ng mall.

"Sus! Ngayon pa ba ako susuko eh limang friend requests na lang ang kailangan ko."

"Akala ko ba si Randon ang gusto mo? Nanuod ka pa nga ng exhibition game nya kanina di'ba?"

Sa tinurang iyon ni Celine, hindi inaasahan ni Alessandra ang pagdilim ng mukha ni Chase. Hindi gusto ang narinig.

"Kayo na rin naman ang nagsabi na wala akong pag-asa kay Randon. Lalo na itong ugok na'to." Tinapunan ng sulyap si Chase na kapuna-puna ang pananahimik. "Ayos na din 'yun, may contingency plan."

"I don't understand why you have to stoop down to being desperate magka-boyfriend lang." Walang kagatol-gatol na pahayag ni Chase. Blangko ang ekspresyon. May hatid na kirot ang sinabing iyon sa dibdib ni Alessandra. Umiral na naman ang unusually irked gestures and statements nito.

"I'm not desperate. Kung naiinggit ka, syotain mo 'yung babaeng kausap mo sa admin kanina. Tutal naman kulang na lang ipagduldulan ang mukha sa'yo."

Gustong bawiin ni Alessandra ang naibulalas ngunit huli na ang lahat.

"Selosan yata ito ah." Si Celine.

Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kahihiyan sa pagbanggit ng insidente ukol sa kausap ni Chase kanina. Nag-aalala siyang bigyang kulay iyon ng binatilyo.

O baka naman siya lang ang nag-iisip ng ganun?

Sinulyapan niya si Chase, nakangiti ito. Wala na ang kaninang inis na ekspresyon sa mukha. Bakit kaya?

Pinili niyang huwag nang umimik hanggang sa humiwalay na sa kanila si Celine at magkasabay naman silang sumakay ng jeep ni Chase pauwi. Wala silang kibuan hanggang makarating sa inuupahang dormitoryo.

Continue Reading

You'll Also Like

326K 8.7K 23
published under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only p...
174K 5K 28
Andrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan l...
64.8K 2.7K 20
Alyssa Montenegro was a timid rich girl who supposed to marry a man chosen by her parents. Isang areglong kasalang magliligtas sa ari-arian ng kanyan...
268K 7.5K 32
UNEDITED COPY. Nakilala ni Ara si Zephyrus "Zeph" De Villar nang gabing tumakas siya para hindi maging biktima ng white slavery. Dinala siya ng lalak...