08-06
Haley:
Seriously what the hell?
I was gone for a week pagbalik ko bakit close na kayo ni Drew?!
At may pangiti-ngiti pa kayo?! Landi!
What happened to Cohen?!
Sari:
Grabe ganito pala feeling nang naflood?!
Haley:
Answer my question what's up with you and Drew?!
Sari:
Wala huhu di ba absent ka e nabanggit ko sa kanya. Alam niya naman na wala akong friends dito kaya nagvolunteer siya na tumambay sa store habang nagbabantay ako :( mukhang tanga nga siya kasi paikot-ikot lang siya don! For six hours!
Haley:
Ano siya tambay? Wala ba siyang ibang pwedeng gawin sa buhay niya?
Sari:
Hater hmp!
Haley:
So what happens with Cohen now?
Sari:
Anong ibig mong sabihin? We're friends
Haley:
Seriously? After everything you did to get him to notice you?
Feels like in this situation, ikaw yung paasa
Sari:
HALA BAKIT PARANG KASALANAN KO?
Hindi naman siya interested sakin! Bakit fault ko na tumingin ako sa iba?
At saka sinabi ko naman sa kanya na friends na lang kami
Sobrang forward ko na nga sa kanya na gusto ko siya pero puro haha lang nakuha ko. Dapat ba maghintay ako hanggang magustuhan niya ko? E paano gagawin ko may Drew na nandito sa tabi ko na nageeffort? Masama ba na gusto ko ako naman ineeffortan?
Ps, ayoko makipag away huhuhuhuhu nagtatanong lang ako, Haley :( labyu
Haley:
Maybe that's the reason? You're too forward. He might think na you're just playing around or something
Sari:
After all the trouble I did to get him to add me?
Haley:
Part of the chase
Sari:
Huhu :( pero friends naman kami
Saka di niya naman ako gusto
Haley:
What made you think na di ka niya gusto? Yung haha na message niya? From what you told me, tahimik talaga siya. I think that haha already means something
But then again it's just me
Mukhang okay naman kayo ni Drew landi niyo nga kanina e
Sari:
Hindi lang haha
Puro seenzone
Haley:
Duh ikaw na nagsabi na if he's putting you in the seenzone, it means ayaw niya na magmove on ka? Or something like that
Sari:
GRABE YOU ARE CONFUSING ME
THIS IS TOO MUCH FOR MY YOUNG MIND
Haley:
Gago hahaha ano ka toddler?
Sari:
Ang complicated naman magka jowa HMP
Gusto ko lang naman ng may ka in a relationship sa fb!
Haley:
Well, if you say so
Sari:
Uy grabe naman :(
Dapat ba magsorry ako sa kanya? Pinaasa ko ba talaga siya? Ayoko naman ng ganito grabe :(
Haley:
Let's just hope na hindi nadala si Cohen sa mga kalandian mo because you know what? It would suck for him to know that you're doing all these while telling him na you like him
Sari:
Grabe naman kasing mukha to?! Dinalhan na naman ako ng yakult tapos hinatid sa bahay HUHUHUH FORGIVE ME IF I AM WEAK
Haley:
Ewan ko sayo gaga ka two years ka ng ginugulo niyan ngayon mo pa naisipan na pansinin pagkatapos mong bulabugin mga tao sa Pilipinas. Pakiramdam ko bumabalik yung sakit ko sa konsumisyon sa yo. Bye na muna.
Sari:
HALEY MY LOVE HUHUHUHU I'M SORRY I LOVE YOU SEE YOU BUKAS. I PROMISE KAKAUSAPIN KO SI COHEN HUHU don't be mad :( labyu mwa