Still Waiting (KathNiel) [Fin...

By InnocentPen

428K 9.4K 711

How long can a man wait for the girl he barely knows? "If you love a person, you are willing to wait even if... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special Chapter-1
Special Chapter-2
Special Chapter-3
Special Chapter-4
Special Chapter-5

Chapter 2

22.4K 361 23
By InnocentPen

Chapter 2

Kinagatan ko ang sandwich na hinihingi ng isang katropa ko bago ko ibigay sa kanya iyon. Pagkatapos ay bumalik ang tingin ko sa babaeng nagpapagulo ng isip ko tatlong araw na mula nung una ko siyang nakilala.

"Anong tingin niyo kay Renia?" Wala sa sariling tanong ko sa mga bugok na ito habang kumakain kami ng lunch.

"Tingin ko...wala siyang gusto sa iyo."

Napatingin ako kay Christopher at binigyan siya ng matalim na titig. Nagkibit balikat lang siya at muling sumubo ng pagkain niya. Nagtawanam naman ang mga iba ko pang kasama.

"Pero seryoso, dude. Siya lang ang kilala kong hindi marunong ngumiti," sabi ni Braiden, siya ang masasabi kong machicks sa amin na isang mama's boy naman.

Naalala ko na naman tuloy ang mukha niya. Nakita kong ngumiti siya...is that a smile? Or maybe a smirk? Napapikit ako at ipinilig ang ulo.

Narinig kong nagtawanan ang mga kasama ko sa mesa. Naaaliw na pinapanuod nila ako habang hawak hawak nila ang mga spork nila.

"Iba ka, bro! Once in a blue moon ka na lang nga magkagusto, sa isang dragon pa!" kantyaw sa akin ni Jorg, isa sa mga pinakapaborito ng dean sa loob ng campus.

"I don't think she's a dragon..." but she can read minds. Muli kong ipinikit ang mata ko at pilit na tanggalin iyong babae sa sistema ko.

"Yes, she is! Isa siyang kalmadong dragon na dapat ay hwag na hwag gagalitin kundi...malilintikan na," dugtong ni Jorg. Kaya nagtawanan na naman sila.

Totoo iyon. Noong first day pa lang  ay nakita na namin ang ugali niyang iyon. May mga kaklase kami nagstay pagkatapos ng klase namin para pag-usapan si Renia. Hindi ko maiwasang makinig sa mga opinyon nila kay Renia. Hindi naman masasama iyon, they...we are just really curious.

Dahil nga katabi ko siya sa upuan ay nakikita ko ang mga babaeng lumalapit sa kanya at niyayayang kumain pero isa lang ang nakukuha nilang sagot mula rito. Iyon ay..."no".

May nakita akong higher level na lumapit kay Renia habang tahimik siyang kumakain. Mukhang gusto ng lalaki na makisabay na kumain kay Renia. Nakita kong nilibot ng mata ni Renia ang buong canteen pagkatapos ay pinaupo ang lalaki. Muntik na akong matawa nang magsimulang magligpit ng lunch box si Renia. Siya lang ang kakilala kong nagbabaon, kahit ngayong nasa College na.

Tumayo si Renia pagkatapos ay iniwan ang lalaking lumapit sa kanya. Nakita ko ang pagkamot ng lalaki sa batok. Shoot. One point for Renia.

Napangisi ako sa naisip ko. Sinusundan ko ang bawat galaw ni Renia palabas ng cafeteria. Hindi lang naman ako ang gumagawa non, halos lahat ng lalaki ay nakapokus sa kanya.

May narinig kaming tawanan ng mga kalalakihan habang lumalapit sa kawawang lalaking naiwanan ni Renia. Umupo ang mga lalaki sa table at kinantyawan iyong lalaki.

"Medyo tanga kasi. Lapitan ba naman ang dragon," sabi ni Jorg. Umiling na lang ako dito.

Nainis ako dahil mukhang set up iyon. Sinubukan ng lalaking gumawa ng move kay Renia without knowing her in the first place.

"May nasagap akong balita," sabi ni Jorg kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Alam ko kung bakit mailap si Ms. Dragon," sabi pa niya. Ngumisi siya sa akin pagkatapos ay kinindatan ako. Masyadong pabakla talaga ang isang 'to. "Gusto niyong malaman?"

Hindi ako tumango dahil alam kong kalokohan lang iyon. Ganon din ang ginawa ng iba. Padabog na ibinagsak ni Jorg iyong kutsara niya sa plato nito.

"Kahit ayaw niyong sabihin ko, sasabihin ko pa rin," sabi nito pagkatapos ay tiningnan kami isa isa.

"Mailap  siya kasi pinipigilan niyang ma-in love. Kasi..." lumapit pa ito sa amin na parang may malaking sekretong ibubunyag. Nagpaloko naman iyong dalawa at lumapit din naman kay Jorg.

"Kasi...Mapagpigil ang surname niya!"

Ngumisi pa iyong sira ulo pagkatapos sabihin iyon at proud na proud sa binitiwan niyang joke. Is that even a joke?

Isa-isang pinagsasapok nina Braiden at Christopher si Jorg habang pinapaulan ng mura.

"Fck you, dude. Nakakatawa iyon," sabi ko.

Nanahimik naman bigla iyong tatlo, nakatingin lang sila sa likuran ko. Alam ko na . Nandito na naman iyong Sandra. Hinawakan ko na ang bag ko at tumayo at saka sumenyas sa mga kasama ko na tatakbo ako pero bago ko pa iyon nagawa ay biglang nagsalita ang taong nasa likuran ko.

"I don't think it is a joke either."

Namutla ako gaya ng pamumutla ni Jorg. Samantalang sina Braiden at Chrisopher ay nakuha pang sumipol

Paano niya narinig iyon samantalang nakaalis na ito nang sabihin ni Jorg iyong joke. Fck. She is really something.

Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Bigla akong natakot na humarap sa isang babae.

"Don't you ever insult that name."

Nakita ko ang paglunok ni Jorg pagkatapos ay huminga ito ng malalim.

"She's gone," sabi ni Braiden pagkatapos ay humalakhak ito na sinabayan pa ni Christopher.

Napaupo ako bigla at sinipa si Jorg sa ilalim ng mesa.

"Panira ka talaga, Jordan Jimenez," sabi ko.

Akala ko ay sasagot ito pero nagulat kaming lahat ng tahimik lang siya habang may iniisip.

"Bakit...paano niya tayo narinig?"

Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanila. Hindi ko sinabi na nabasa ni Renia ang isip ko noong isang araw dahil baka pagpyestahan nila ito. Pero ngayon...mukhang malalaman na nila. Knowing Jorg, daig pa nito ang isang babae kung magchismis.

Nagkibitbalikat sina Braiden at Christopher.

"Baka malapit lang ito kanina kaya narinig niya," sabi ko na lang.

Mukhang hindi kumbinsido si Jorg, "She already left the cafeteria before I cracked that joke."

Talaga bang iyon ang unang iisipin niya? Hindi muna niya inisip na humingin ng tawad.

Tumayo ulit ako at kinuha ang bag ko. Iniwan ko na sila doon. Pupuntahan ko siya sa library dahil alam kong doon ito pumupunta pagkatapos nitong kumain but I was surprised when I saw her standing straight at the doorway.

"What are you doing here?" gulat na tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako pero hindi nagbago ang expression nito sa mukha. "I heard you are going to say something."

Napalunok ako at talagang napamangha sa mga ginagawa niya. Bawat galaw ng labi nito ay napakaperpekto that I want to touch every part of her lips with mine. Stop, Jeth. She can read minds.

"Yes. I...we are sorry for what happened," sabi ko.

"Wala kang ginawa. You did not even laugh," she said while looking at me intently.

Anong dapat kong sabihin? Did she just give me a compliment?

Tumalikod siya sa akin pagkatapos ay bahagyang naglakad palayo.

"Thank you," sabi nito sa akin.

Bakit siya nagpapasalamat? Sinundan ko siya hanggang sa library. May isang oras pa kami bago magsimula ang susunod na klase.

Kumuha siya ng libro sa may History section. Habang ako naman ay kumuha na lang ng libro sa may Fiction.

Umupo ako sa tapat nito. At imbis na basahin iyong librong hawak ko ay siya ang binasa ko. Binasa ko ang bawat sulok ng mukha. Which is impossible dahil wala namang letrang nakasulat sa mukha nito.

"Bakit ka nagpapasalamat?" tanong ko sa kanya.

"Because you chose not to tell your friends about my secret."

Patuloy pa rin siya sa pagbabasa habang sinasagot niya ang tanong ko.

"Kung secret mo pala iyon, hindi mo dapat pinapahalata," sabi ko at bahagyang napaatras nang tumingin siya sa akin at bahagyang nakataas ang isang kilay nito.

"Tinuturuan mo ba ako?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita, "Hindi naman sa ganon pero makakahalata talaga sila kung ganyan ang ginagawa mo."

"I just can't shut my mouth while they are insulting my name," sabi niya. Napakaimportante talaga ng pangalan niya para sa kanya. Sabagay, sino ba ang hindi?

"Ako na lang ang hihingi ng tawad para sa kanila."

"You are teaching them to be coward," sagot niya at bumalik sa pagbabasa.

"I am not...I just wanted you to forgive them--"

"That's ridiculous."

Sinuko ko na ang gusto ko. Mas mabuti siguro kung sila mismo ang humingi ng tawad at hindi ako.

"Saan mo napulot ang skill na iyan?" Pag-iiba ko ng topic.

"This is not something can be found everywhere."

"I mean... paano mo natutunan iyan?" nag-aalangan kong tanong. Hindi ko alam kung sasagutin niya ito.

"I was born with this skill," sabi nito at hindi na muli akong pinansin.

Pinapanuod ko siya habang tutok na tutok siya sa libro. Sana naging libro na lang ako.

Habang pinapanuod ko siya ay parang nagiging familiar ang mukha nito. I think I have seen her before. Hindi ko lang alam kung saan.

Ten minutes bago ang next class ay tumayo na si Renia at sinundan ko siyang magbalik ng book. Ibinalik ko na rin ang kinuha. Sinusundan ko pa rin siya hanggang sa makalabas kami ng library.

"Don't tell me you'll go inside?" tanong niyo at itinuro ang cr. Mabilis akong umiling at tumalikod. Pero hinintay ko pa rin naman siya.

Ano ba itong ginagawa ako? Para akong patay na patay kung sumunod kay Renia. Napailing ako at nagsimula ng maglakad. Pupunta na lang ako sa next class na mag-isa.

Hindi pa ako nakakalayo ay may biglang sumagi sa utak ko. Ano bang masama sa pakikipagkaibigan?

Napakamot ako sa batok at nagsimulang bumalik sa tapat ng cr. Sakto naman ang paglabas ni Renia mula doon.

Normally, bago lumabas ang ibang babae sa banyo ay mag-aayos muna sila but Renia is really different. Sabagay, maganda na talaga siya kaya hindi na niya kailangan ng kulay sa mukha.

Hindi na naman niya ako kinakausap. Mukhang magkakaroon ako ng kaibigan na parang multo, magandang multo.

"Dati alien, ngayon multo. Ano pang itatawag mo sa akin?"

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang nagsalita. Ano daw? Hindi ko nakuha ang sinabi nito.

"Huh? Ano?"

I feel like I am the most stupid person when I am with Renia.

Hindi niya ako sinagot bagkus umiling lang siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

Sinayang ko iyon. Ang tanga mo, Jethro. You must be very attentive when you are with her. She moves unexpectedly.

Ano bang magagawa ko kung natutulala ako sa ganda niya? Sht.

Continue Reading

You'll Also Like

599 74 39
He is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyo...
42.4K 2.5K 44
Lucy Altaria is dubbed as the most violent person in school. She's the type of girl who believes that talks are useless and using your fists will alw...
15K 1.2K 35
18-year old Suna is socially inept, the reason why she's always misunderstood by others. Totally deviant from the typical school girl, the things tha...
72.3K 1.5K 22
COMPILATION of inspirational messages, personal thoughts and opinions including Bible Verses that will encourage you on your journey with God. Chris...