Love at its Toughest (Love Se...

By FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 1: A Tough Beginning
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 6: A Tough Deceit
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 8: A Tough Consequence
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 10: A Tough Timing
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 12: A Tough Response
Chapter 13: A Tough Truth
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 16: A Tough Test
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 23: A Tough Acceptance
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 14: A Tough Marriage

123K 2.5K 330
By FGirlWriter

Chapter 14: A Tough Marriage

"MY EX-GIRLFRIEND way back in college called me five months ago. Sinabi niya sa'kin na nagkaanak kami. Hindi ako naniniwala sa umpisa. Because when we broke up, she said she's inlove with another man. Pero kaya niya daw patunayan na anak ko si Cyla. I dared for a DNA test, and she agreed," panimulang paliwanag ni Terrence kay Eunice.

Sa kuwarto sila nag-uusap habang mahimbing nang natutulog ang anim na taong gulang na si Cyla sa kama nila. Nakaupo sa tabi nito si Terrence habang si Eunice ay nakatayo sa may tapat ng bintana.

"Nag-umpisa kaming magpa-DNA test. First, nagpadala ako ng DNA sample sa isang ospital sa Australia. And then, nagpadala rin siya ng DNA sample ni Cyla rito para sabay naming i-test."

Sa Australia na daw nanganak at tumira ang ex nito na hindi niya alam ang pangalan-dahil hindi siya interesadong alamin pa. Doon nanirahan ang babae at doon nito pinalaki at inalgaan ang anak for almost seven years.

"After months, lumabas ang resulta. She emailed me saying that she'll send the results to me. It's positive. Muntik ko na ngang makalimutan ang tungkol sa DNA test magsimula nang maging sobrang busy ako sa trabaho. Then, when I received the results from the hospital in Australia and from here..." Humina ang boses nito. "It's really positive."

Biglang pumasok sa alaala ni Eunice ang envelope na pinadala para kay Terrence ng isang ospital. Iyon ang may "CONFIDENTIAL" na nakalagay sa likuran niyon. Marahil ay doon nakalagay ang resulta ng DNA test.

She silently let out a breath. Naninikip ang dibdib niya.

"Natuliro ako, Eunice. Hindi ko alam ang gagawin ko, halu-halo ang nararamdaman ko. I was nervous, excited, mad, furious... happy. Mad at myself because I doubted my own child. Excited to see Cyla... nervous of what would happen next..."

Buti na lang at nakatalikod siya rito. Nagbabanta na kasi ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata na kanina niya pa pinipigilan magmula nang dumating ito.

Halata sa boses nito ang kasiyahan sa pagkilala sa anak nito.

Naisip niya, kaya ba niya pine-pressure ang sarili na mabuntis dahil sa kaalaman ng puso niya na sasaya nang ganoon si Terrence kapag nabigyan niya ito ng anak? Kaya ba siya kinakabahan sa tuwing malalaman niyang hindi siya buntis dahil sa nakatakdang presensiya ni Cyla sa buhay nilang mag-asawa?

"The business trip in Australia was true, Eunice. Umayon sa panahon ang business trip na iyon para makita ang anak ko. After a day in Australia, I finally saw my daughter..." His voice softened.

"The first time I held her, I knew she's really mine..."

Nakikinig siya rito ngunit hindi gumagana ang utak niya sa pag-intindi ng mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang isipin. Gustong niyang intindihin, ngunit hindi niya talaga ma-absorb ang mga nangyayari. What happened shocked her whole system because she wasn't prepared.

Ang tanging pumapasok lang sa utak niya ay muling nagkita si Terrence at ang ex-girlfriend nito. Nagkita ang mga ito para sa anak ng mga ito na hindi niya rin alam, dahil nilihim sa kanya ng sariling asawa... Hindi niya rin pala alam ang pagkakaroon ng communication nito sa babaeng minsan siguro nitong minahal.

"Frances doesn't want Cyla from the very start. Pinagtitiisan niya lang ang bata sa nakalipas na pitong taon, iyon ang sabi niya."

Frances. So that's the name of the bitch.

"And she's getting married now. Ayaw ng mapapangasawa niya sa anak niya kaya nagulat ako nang basta niya lang ibinigay sa'kin ang bata. She's really selfish. Mas pinili niya ang lalaki kaysa sa anak niya. I got so mad that I decided to bring Cyla with me. Hindi siya tumutol doon at para ngang natuwa pa siya. Tinuturing niyang pabigat ang sarili niyang anak."

Nahimigan niya ang talim sa tinig nito.

"For three days, I pulled all my strings para legal na maiuwi ang anak ko dito sa Pilipinas."

Lumunok siya at unti-unting huminga nang malalim. Dahan-dahang pinakawalan niya iyon pagkatapos.

She's trying her best not to cry. She's trying her best to understand but she just can't.

Nasasaktan siya. Sobra.

She's hurt not purely because he has a child from another woman, kundi dahil, nagawang magsinungaling at maglihim sa kanya nito. Kung dati, nagawa rin nitong magsinungaling para mapagtakpan na hindi pala totoong may annulment sila at napatawad niya agad, well the case now is different.

She thought, Terrence is the last person that would do that to her.

Napalunok na naman siya para pigilan ang luha. Ngunit, parang hindi niya na talaga kaya. "I-I need some f-fresh air," mabilis niyang sabi at saka tumakbo palabas ng kuwarto.

Agad siyang nagtungo sa work room niya.

"Eunice!" habol ni Terrence ngunit agad niyang kinandado ang pintuan pagkapasok niya.

"Eunice... open the door, please..." pagkatok nito.

She controlled her sob as her tears freely flow from her eyes.

"I'm so sorry, baby..." Terrence sincerely said, his voice cracked.

Napapikit siya. Napasandal siya sa pinto at tinapat ang mga palad sa kanyang mukha.

She cried aloud.

❤❤❤

TUMIGIL sa pagkatok si Terrence ngunit nanatili siya sa labas ng pinto.

Kaya naman dinig na dinig niya ang paghagulgol ni Eunice buhat sa loob ng kuwarto. He felt his heart squeeze when he heard the pain in her cries.

At heto siya, walang magawa upang patahanin ang asawa. Dahil siya na naman ang dahilan sa muling pagluha nito.

Paulit-ulit niyang minura ang sarili sa isip. He expected this to happen, lalo na at talagang hindi niya nasabi ng mas maaga kay Eunice ang pagdating sa buhay nila ng kanyang anak.

Isang napakalaki niyang gago!

Umupo siya patalikod sa pintuan at sinabunutan ang sarili. Tila unti-unti pang kinukurot ang kanyang dibdib sa patuloy na pag-iyak ni Eunice. He cannot comfort her. He wanted to cry with her.

Napakalaki ng pagkakamali niya pero hindi niya pinagsisisihan na iuwi ang anak. Ang pinagsisisihan niya ay ang hindi niya pagsasabi ng lahat ng nangyayari kay Eunice. Ngunit, mismong siya ay hindi alam kung ano ba ang kailangang gawin mula nang malaman niyang totoong may anak siya kay Frances.

Damn himself!

"I'm really sorry, baby... I'm really really sorry..." bulong niya na siya lang ata ang nakakarinig. Sinandal niya ang ulo sa pintuan. Wala pa siyang pahinga mula nang asikasuhin niya ang mga papeles ni Cyla ng tatlong araw. Dumagdag pa ang napakahabang flight. He wanted to rest already but everything is not yet settled.

Kung ang mga panahong ito ay isa lang sa mga normal na pag-uwi niya galing sa isang business trip, siguradong ang nakangiting mukha ng asawa ang mag-aasikaso sa kanya. Siguradong mapapawi ang lahat ng pagod niya kapag narinig niya ang masayang pagtawa nito. Sigurado siyang mawawala ang stress niya kapag nasa mga bisig niya ito. He had gone for a week and he really missed her.

He wants to hear Eunice's sweet kisses and 'I love yous'. He desires for her touch. He yearns for a loving time with his dearest wife.

But they just can't. Because he failed her. Big time.

Ito na siguro ang kapalit ng mga kalokohan niya noong college siya.

❤❤❤

"EUNICE, where are you going?" nag-aalalang tanong ni Terrence.

Parang walang narinig na nagtuluy-tuloy lang si Eunice sa paglabas ng bahay.

"Eunice," habol ni Terrence sabay abot sa braso niya. "Please, talk to me."

Galit na hinarap niya ito. Pero hindi siya nagsalita. Baka kapag nagsalita siya, maiyak na naman siya.

Marahang binitiwan ni Terrence ang braso niya. "Alam kong galit ka sa'kin. Just be mad at me, it's okay. Nasaktan kita but you know that if I just had a choice, I will never want to hurt you."

Umiwas siya ng tingin sa mga mata nito. He's like going to cry and she can't look at him. Dahil lalambot panigurado ang puso niya.

"Pero sana, m-matanggap mo si Cyla. Her mother rejected her. At wala ng karapatan si Frances sa kanya. Gusto kong lumaki si Cyla sa'tin. Because I believe, we can shower her with love. She needs me. She needs you," mahinang sabi nito.

She held her fist and looked down. "T-Tatangapin ko naman talaga siya, Terrence. Alam ko unti-unti matatanggap ko siya kung sinabi mo nang mas maaga. Lahat tatanggapin ko when it's concerning you, Terrence. Because I love you that much!" she emphasized. "If you think that I would not accept Cyla because of the fact that she's your love child, then you're wrong. Hindi mo dapat tinago sa'kin ang tungkol dito noon pa. Ang una mo sanang ginawa ng malaman mong may anak ka ay sinabi mo sana sa'kin agad."

Matapang na sinalubong niya na ang mga tingin nito. But it was a wrong move. She saw his eyes filled with guilt and... longing while looking at her.

Oh, heck! She wanted to hug him tight but she stopped herself. She missed him so much. But all of these happened.

"Sinabi mo sana sa'kin agad para sabay nating hinihintay ang mga DNA results. Para hindi mo na kailangang magsinungaling sa'kin para itago ang tungkol dito. Para hindi mo mag-isang kinukupkop ang problema. Para sana nagtulungan tayo sa dapat gawin, dapat gawing kilos. Para nakapag-plano tayo ng mga dapat aasahan sa mga susunod na araw. Para sana magkasama tayo sa Australia para makipagkita sa kauna-unahang beses sa anak mo. Para tayong dalawa ang umasikaso kay Cyla para maiuwi natin siya sa Pilipinas. Para hindi lang ikaw ang napagod. Para hindi ako nabibigla nang ganito. Para hindi ako nasasaktan. Para hindi ako nagagalit sa'yo ngayon. Sana sinabi mo na sa'kin noon pa!" Naramdaman na naman niya ang pagbagsak ng mga luha. "K-kasi asawa mo'ko, diba, Terrence? Dapat nagtutulungan tayo!"

"Eunice..."

Umiwas siya nang tangkang hahawakan siya nito. "S-Sabi mo, 'open communication' ang kailangan ng marriage. Then, why did you keep this from me?! You told me to trust you..." Napahikbi siya. "And I trusted you... but you broke it...

"Bakit naman ganoon, Terrence?" nasasaktang sabi niya. He's supposed to be her angel-to guide her when she's lost, to guard her from pain. Ang asawa niya ang inaasahan niyang mas magpapaintindi sa kanya ng mga bagay ngunit bakit ito mismo ang nagpapagulo ngayon?

"Dapat ba talaga akong masaktan ng ganito para lang makita kung gaano dapat katatag ang pagmamahal ko sa'yo? Damn it, Terrence! Damn it! Lagi na lang akong nasasaktan. Nang dahil sa'yo. Napapagod na'ko..." parang batang angal niya. "Alam ko naman na kung ano ang love pero bakit ganito? Hindi ko maintindihan!"

"It's my fault, baby. It's my fault... I'm so sorry, I'm so sorry..." nagsisising wika nito at hinawakan ang kamay niya. Nangungusap ang mga mata nitong nagsisimula nang mamula sa pagpipigil ng pag-iyak. "P-Please, forgive me... Kahit hindi pa ngayon, maiintindihan k-ko... K-Kasalanan ko lahat ng 'to."

"It's your damn fault but why am I the one who's hurting?!"

Tumalikod na siya at mabilis lumabas ng gate. Naghihintay na sa labas ang cab na kanina niya pa pinatawag.

Hindi siya hinabol ni Terrence.

Mas mabuti iyon. Because she really wanted to be away from him.

Sinabi niya sa driver kung saan siya dapat dalhin. Then, she went on crying. Kaya pagdating niya sa pad ni Geoff at nakita nito ang itsura niya, walang kung anumang salita na niyakap siya nito nang sobrang higpit.

Hinayaan lang siya ni Geoff na umiyak sa mga bisig nito. Hindi siya nito binitawan hanggang sa wala na naman siyang maiyak.

All of the things she learned about love, on how to handle unexpected situations, and all the things Terrence taught her to do, nakalimutan niya iyong lahat. Masyado siyang nasaktan dahil nasira ang tiwala niya kay Terrence. Ilang beses niyang tinanong kay Terrence kung may problema ba ito sa mga nakalipas na buwang nagdaan pero wala itong sinasabi. He chose to hide the truth from her. It's a betrayal. Mali bang nasasaktan siya ng ganito ngayon?

Hindi lahat ng bagay, kaya niyang intindihin. She's new in handling love, her faith is not even that big. Yet, she remembered to silently pray. She prayed to God to take all the pain away.

"So, what do you want to do?" Geoff softly asked after she told him everything that had happened that day.

Sumubsob siya sa dibdib nito. "Take me away from here, Geoff..."

"Are you sure? Kaya mong malayo kay Terrence?"

Naiyak na naman siya. Hindi naman niya kasi kaya. But she needed space. A whole lot of space. Baka kapag nalayo siya, makuha niyang maintindihan ang mga nangyayari ngayon. Maybe, if she's away, she'll miss Terrence more and it would be easy for her to forgive him.

Nasa kalagitnaan siya nang pag-iisip nang tumunog ang doorbell ni Geoff. Sandaling iniwan siya nito sa sala at saka nagtungo sa pinto.

"What are you doing here?" Geoff angrily asked.

Napalingon si Eunice at nanlaki ang mga mata niya nang makita sa labas ng pinto si Terrence. Paano nitong nalaman na pumunta siya kay Geoff?

"Susunduin ko lang ang asawa ko."

"That's not possible. She's staying here for the moment."

"Let me in! I'm taking my wife home! Eunice!" tawag sa kanya ni Terrence na hindi makapasok ng tuluyan dahil nakaharang si Geoff at pinipigilan ito sa pagpasok.

Tumayo siya at tumakbo papasok sa kuwarto ng kaibigan. Ngunit bago pa niya maisara ang pinto ay may sinabi si Terrence.

"Eunice! I'm hurting, too, baby," nasasaktang sabi nito. "I'm hurting because you're hurting. I want to wipe your tears away but I just want to cry with you, too. I want to comfort you but I need it, too, as much as you do. Hindi madali lahat ng ito para sa'kin, Eunice. As much as I want to be the perfect husband to you, I'm still a man who has weaknesses and shortcomings... And I'm really a father now, my decisions would always affect my child. As much as I want to be your angel all the time, baby, tao pa rin ako. "

She can feel his pain. But she can't just be okay for now. Hindi niya pa kayang matanggap nang ganoon kabilis. It's not everyday that your husband will come home from a long trip, at may anak na pasalubong.

Sinara na niya ang pinto ng kuwarto. Naririnig niya ang pagtawag ulit sa kanya ni Terrence at ang pagpapaalis rito ni Geoff.

Tumahimk nang matagal bago siya kinatok ng kaibigan. Geoff told her that Terrence went home.

"Rest, Eunice. Sleep tonight. You cried enough for today," sabi nito habang nakahiga na siya sa kama nito. Iniwan na siya nito roon at natulog na sa may sofa sa sala.

Then, she received a text message from Terrence:

I love you, baby. Please...always remember that.

Hindi na siya nag-reply at in-off lang ang phone. She tried to sleep. Ngunit, hindi pa rin siya makatulog. Tulala lang siya habang nakatitig sa kisame. When she shut her eyes, doon niya lang naramdaman ang pagod. She fell asleep.

Pagkagising niya kinabukasan, nabawasan kaunti ang bigat sa dibdib niya. Pero alam niyang simula sa araw na iyon, mag-iiba na ang lahat ng bagay.

Hindi niya tinuloy ang planong lumayo. Nagpaalam siya kay Geoff at umuwi siya ng bahay.

Nang makita siya ni Terrence ay agad siya nitong niyakap. But she didn't hug him back. Then, she saw his daughter, innocently looking at them.

Nilayo niya ang tingin at kumalas sa yakap ng asawa.

"Don't expect that everything will be just like before," seryosong sabi niya-o isa ba iyong banta?

"Baby..."

Nilagpasan niya ang asawa at umakyat na siya ng kuwarto nila.

Ang hirap. Ang hirap pa lang mapanatili ng pag-ibig sa puso, most especially, when you had enough of life's endless trials.

Habang tumatagal, pahirap nang pahirap mahalin ang isang Terrence Aranzamendez.


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

129K 424 159
compilation of the best stories- a must read on wattpad add this to ur libraries! ------- highest ranking- #1 in bestwattpadstories ❤️
10.1M 162K 41
PART 2 OF Practicing My First Real Kiss. May first kiss na ba kayo? AKO? HINDI KO ALAM! Pero, considered bang first kiss kahit 'NAKALIMUTAN' mo na? ...
2.7M 75K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS