This is their daily routine, si Quen ang mauunang gumamit ng banyo sa umaga, si Mara naman ang mauuna sa gabi. Habang nasa shower si Mara nagbibihis naman si Quen sa kuwarto nila. Nagbibihis naman si Mara habang inaayos ni Quen ang beddings niya. Si Quen ang unang umaalis ng bahay sa umaga, si Mara naman ang huli at siyang maglalock ng gate.
Bago umalis si Quen ng monday morning, tinanong muna nito si Mara, "What time will you get home?"
"Mga two thirty."
"Mga three thirty naman ako, kung mahihintay mo ako pwede kitang samahan mag grocery mamaya."
Nasorpresa si Mara sa sinabi ni Quen, hindi siya nag expect nang ganito, yung mag lalaan ng oras ang lalaki para lang samahan siya kung saan. Nakatayo ngayon si Quen sa tapat ng pinto habang siya naman ay nasa itaas ng hagdanan.
"By the way, here is your license, pinadala kahapon ni Dad."
Bumaba naman si Mara para abutin ang lisensya niya "Salamat" sabi nito.
Hinawakan na ni Quen ang doorknob, nginitian siya at saka nagpaalam
"Well, have a good day."
"Ikaw rin, ingat." sagot nman ni Mara
Nakaalis na si Quen pero nakatingin pa rin si Mara sa pinto, naaalala niya ang napakaguwapong si Quen at ang pag ngiti nito sa kanya bago umalis. Biglang sumagi sa isip niya ang itsura ng tatay niya tuwing umaga, nagkakamot ng tiyan at sumisigaw, hinahanap ang nanay niya dahil magpapatmipla ng kape.
Hanggang sa pagbibiyahe niya papuntang university ay hindi maalis sa isip niya si Quen.
................
It was an odd place to begin falling in love, hindi namalayan ni Mara pero dito na niya naramdaman na nag-uumpisa na siyang mahulog kay Quen. Saan nga ba nag-umpisa? Sa gitna ng supermarket! Hindi pa rin kasi makapaniwala si Mara na sasamahan siya ni Quen dito. Pati ang mga harutang pinag-gagawa nila sa supermarket ay hindi mapaniwalaan ni Mara na kaya rin niya palang gawin, nag-umpisa lang ito sa pag cocompare nila ni Quen ng mga bagay na gusto nila.
"Do you like fruit?" tanong ni Quen
"Oo, gusto ko ng oranges o kaya ponkan."
"Kung ganon, we will buy ponkan and oranges!" ang madamdaming pagsasabi ni Quen sabay kuha ng isang supot ng orange at isang supot ng ponkan.
"Teka, tingnan mo kaya muna yung presyo, baka mahal yan."
"Bakit pa? it looks good!"
"Natural maganda yan, kinuha mo yung pinakamahal eh" habang tinitingnan yung price sa supot.
Papalitan sana niya ng mas mura pero kinontra siya ni Quen. Iwinagayway nito ang hintuturo kay Mara
"Tut-tut! Hindi problema ang price pag food ang pinag-uusapan." sabi ni Quen sa kanya, kaya walang nagawa si Mara kundi ibalik ang supot ng orange sa cart.
Pagtapat nila sa mga palaman, kumuha si Mara ng margarine.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong ni Quen
"Ano ba sa tingin mo? Pang hot-oil ng buhok ko?" si Mara
"Hindi ako kumakain niyan eh" ngumiti si Quen sa kanya at kinuha ang margarine, "Gusto ko butter" saka ibinalik ang margarine sa lalagyan, at kumuha ng butter, nilagay sa cart.
"Pero mas mahal yan!" sagot ni Mara na kinuha naman ulit ang margarine at tinanggal ang butter.
Pinagpalit naman agad ni Quen ang dalawa.
"Alam mo bang mas nakakataba ang butter kesa sa margarine? Mas mataas ang cholesterol level nito, gusto mo bang tumaba ako? Bawal nga sa buntis ang tumaba ng husto..." si Mara ulit
Tiningnan siya patagilid ni Quen, tapos kinuha nito yung margarine at itinabi sa butter na kinuha rin niya. Tuloy sila sa pag gogrocery...Nakakita si Mara ng mga coke na tig to-two liters, kaya nung nakalingat si Quen ay kumuha siya agad ng tatlong bote, hawak-hawak niya ng payakap ang tatlong bote.
"Siguro naman tatagal na ito sayo for one week" sabi ni Mara
Tumingin sa kanya si Quen at natawa sa itsura niya. Agad-agad naman siyang tinulungan nito.
"Hey, what are you doing? Naiipit na ang baby natin"
"Nakita ko kasi mahilig kang uminom ng coke" nakangiti si Mara na sumagot kay Quen at nagkatawanan silang pareho.
Sa pag-iikot nila, nalaman ng dalawa kung ano-ano ang gusto ng isa't-isa. Hindi pwedeng isa lang ang masunod kaya kung si Quen ay gusto ng Rocky Road na ice cream, si Mara naman ay Cookies and Cream. Nangyari tuloy na para silang mga batang naglalaro ng cards at naglalabasan ng pamato.
Kumuha si Quen ng Spam.
Kumuha naman si Mara Gusto meatloaf.
Dumampot si Quen ng tasty na Gardenia.
Dumampot naman si Mara ng two in one na Pinoy tasty
Naglagay si Quen ng dalawang karton ng fresh milk
Isang lata naman ng powder milk ang nilagay ni Mara
Pagdating sa vegetables stand, kumuha si Quen ng spinach..
"Ano yan?' tanong ni Mara
"Spinach!"
"Ewww, kakain na lang ako ng damo kesa yan!" Mara
Kunwari namang naghahanap si Quen "Hmmm, walang damo eh "
At naghagikgikan ang dalawa.
Maya-maya pa hinawakan ni Mara ang isang galong suka at pinakita kay Quen..
"Ano yan, iinumin mo?" tanong niya kay Mara
"Ay hindi po, para po sa inyo, diba gustong-gusto mo ng suka?" tinaas baba ni Mara ang kilay nito.
"I don't like vinegar!" nakita ni Quen ang malaking garapon ng mayonnaise, "Ito na lang kaya!" at tumingin din kay Mara ng nakakaloko.
"Bakit alam mo?" nawala ang ngiti ni Mara, pinandilatan si Quen
Tawa naman ng tawa si Quen sa kanya "Akala mo ba hindi ko napapansin na ayaw mo ng mayonnaise? Lagi mo kayang nirerequest sa crew ng McDonalds na wag lagyan ng mayo ang burger mo."
At ganun nga ang itsura nilang dalawa sa gitna ng mga shelves, parehong may hawak na malalaking lalagyan ng suka at mayonnaise, naghihintayan kung sino ang unang maglalagay sa cart ng dala nila. Pinnagtitinginan na sila ng mga ibang namimili.
Biglang natawa si Mara, si Quen naman ay hindi na rin mahinto sa kakatawa. Hindi alam ni Mara kung saan nanggaling ang sense of humor niyang yun. Ang alam lang niya napapalabas ni Quen ang mga ugaling hindi niya akalaing meron siya, and she likes it. Ngayon niya naapreciate ng husto si Quen, masarap pala itong kasama kasi mabait, gentleman at pasensyoso.
Hindi lang kay Quen siya naiin love, pati na rin sa bahay nila. Iniiwasan sana niyang mangyari ito dahil alam niya na temporary lang ang pagtira niya sa bahay. Pero gustong-gusto niya ang peace of mind na nararanasan niya dito. Laging maayos at malinis ang bahay nila, kasi naman tinutulungan siya ni Quen sa mga gawaing-bahay na akala niyang hindi alam gawin ng lalaki. Tuwang-tuwa siya sa automatic washing machine nila. Binasa nilang sabay ang manual nito at sabay din silang naglagay ng mga marurumi nilang damit. Magmula noon kung sino ang may time, siya na ang bahalang magsalpak ng mga damit sa washing machine.
Minsan pagbaba ni Mara galing ng kuwarto, nadatnan niyang nag vavacume si Quen sa salas. Naglilinis ito. Hindi mapigilan ni Mara ang humanga, napangiti siya ng hindi sinasadya, eksakto namang napatingin din sa kanya si Quen.
"Good morning, what's that smile for?"
"Wala, iniimagine ko lang na tatay ko ang gumagawa niyan.." at ngumiti siya ng pagkalaki-laki kay Quen.
"Nakakawala ba ng pagkalalaki ang ginagawa ko? Quen
"Hindi ah!" sagot agad ni Mara.
At pumunta na siya ng kusina. Pinagpatuloy naman ni Quen ang pagvavacume pero pinag-iisipan nito kung ano ang ibig sabihin ng huling sinabi ni Mara.
Hindi na maiiwasan nila Quen at Mara ang maging close sila sa isa't-isa. Kahit pa ito ang pinaka kinatatakutan ni Mara. Na install na ang telepono nila at nakapangalan ito kay Enrique. Ang mga grocery list nila ay nakadikit sa tabi ng cabinet sa kusina, nandoon nakasulat ang mga gusto at kailangan nilang dalawa. Bumili din si Mara ng CD niya na patutugtugin niya kahit alam niyang minsan lang niya magagamit ang player. May mga sulat na ring dumarating na naka address sa kanilang dalawa as Mr. and Mrs. Bustmante. isang beses naubusan ng shampoo si Quen at nanghingi muna siya kay Mara kaso nagustuhan din ni Quen ang amoy nito, kaya ngayon pareho na sila ng ginagamit na shampoo. Minsan, hindi na rin nila napapansin na they are using the same washcloth.
But eventhough they become closer to each other, andun pa rin ang katotohanang sa gabi ay may kanya-kanya silang higaan. Si Quen na nakahiga sa sofa sa salas samantalang si Mara sa kuwarto. Lagi lang nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Mara at sabay silang nakikinig ng music na pine-play ni Quen gabi-gabi...
Kumusta my dear readers, voters and commentators? Nasa kalahati na po ang story natin, sana bear with me hanggang sa susunod pang mga chapters. I hope nag eenjoy pa rin kayo sa pagbabasa. You can comment if you want. Disable pa rin po ang mini Ipad ko kaya d pa rin makapag up-date ng mabilis.
Again, thanks ng marami sa mga sumusuporta pa rin. Welcome sa mga bagong readers at voters! Ingat kayo and God bless!