Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 29

30 1 0
By Kristinoink

Kabanata 29

Call

Chantal tried to persuade me. Wala naman talaga akong lakad this weeked pero hindi niya ako mapapa sang ayon. Hindi mali ang tanggihan si Vaughn. Pero hindi ko rin makita na tama yon.

Sinadya kong tumakas nang tawagin na ni manang ang lahat para mag merienda sa pool side. Umakyat ako sa taas para tignan ang sinasabing text ni Vaughn at meron nga.

Vaughn: Hi Jes. May ticket kasi ako para sa hot air balloon show sa clark for this weekend. Hindi pwede si Kuys at Krisha. Pwede ka ba?

Desidido na ako na hindi ako sasama kaya nagtipa agad ako ng reply at sinahing hindi nga makakasama dahil may lakad. Ang totoo ay wala akong lakad. Baka nga hindi pa ako pumasok sa saturday classes ko e'. Pero madali lang naman gumawa ng lakad kung kinakailangan talaga.

Tumunog ulit ang cellphone ko at inakalang si Vaughn iyon pero si Xander pala.

Xander: Nasaan ka?

Xander: May lakad ka this weekend?

Mabilis akong nag reply. Nasa iisang bahay kami pero hindi kami makapag usap. Hindi naman talaga kami nag uusap. Mas lalong hindi kami makakapag usap ngayon.

Ako: Nasa kwarto ko may kinuha lang. Wala.

Hindi ko pa naibababa ang cellphone ko ay muli rin iyong tumunog para sa reply ni Xander. Ang bilis naman?

Xander: Sabi mo meron? Was that an excuse?

Tumitig muna ako ng ilang sandali sa text niya at nag isip ng paliwanag. Hindi ako nahirapan na mag explain kila Chantal tungkol sa pag tanggi ko. Mabilis naman akong naka isip ng palusot pero bakit kay Xander ay parang napaka hirap.

There is actually another reason why I declined the offer. Alam ko na sa sarili ko kung ano iyon pero wala akong lakas na aminin kay Xander iyon. Baka macorner na naman ako kung sasabihin ko.

Ako: Meron pala.

Yun lang ang naitype ko. Wala kasi akong maisip na palusot at kung kailangang umalis ako sa weekend ay gagawin ko para hindi na rin ako guluhin.

Iniwan ko nang muli ang cellphone ko at humaba na sa pool side. Si Xander agad ang unang kong nakita. Nasa gitna na siya ngayon ni Kelsey at Travis. Ang upuan na lamang sa tabi ni Margou at Kuya Ken ang bakanteng upuan kaya doon ako nag tungo.

Nag uumpisa na silang kumain nang dumating ako. Nag kukwentuhan na rin sila pero si Xander ay tutok sa cellphone niya. Nagtaas lang siya ng tingin nang napansin ang pag dating at pag upo ko.

"Uy mamaya na yang katext mo. Kain na," si Ayana nang napansin ang pagtutok ni Xander sa cellphone niya.

"Sino ba iyan? Girlfriend?" sinubukan ni Kelsey na dumungaw sa cellphone pero iniwas ni Xander. Nangiti si Kelsey sa response niya.

Sumulyap sa akin si Xander bago binulsa ang cellphone. Nag umpisa na akong kumain. Ganon rin ang ginawa ni Xander at hindi pinansin ang pang uusyoso ng mga pinsan kong babae.

"New girl, Xander? Sino? I heard pinopormahan mo raw yung taga Good Sam ha?" si Chloe naman ngayon.

Napatingin ako kay Xander. Mabilis na nag tama ang mata namin dahil nakatingin na siya sa akin. As if his eyes are trying to explain. Nag iwas ako ng tingin.

"Talaga? Usapan sa block ko na yung taga AU raw e'. Pati ata si Kendrick meron din sa AU,"

Ngumiwi si Kuya Ken kay Ayana. "Wala ah? Hindi ako nagagawi sa AU."

Wow. Tinitira ba nila lahat ng school dito?

I remained silent. Matamis at masarap itong niluto ni manang pero parang pumapait sa pang lasa ko pero nagpatuloy lang ako sa pagkain at pananahimik.

"How about Krisha? Akala ko mas nagiging close na kayo," si Chloe naman.

"Oo nga! Nag usap daw kayo diba, kinabukasan ng pagkatapos mo malasing?"

Sabi niya hindi naman si Krisha ang dahilan. Sabi niya ako. Pero nag usap sila? Hindi niya ata nasabi sa akin iyon. Sumulyap ako kay Xander at hindi na ako magugulat kung makita siyang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin.

Is that necessary? No. Stop Jessica. Ang mapait na spaghetti ay wala nang lasa sa dila ko ngayon. Sumimsim na lamang ako sa tubig ko. I hate this.

Hindi ako tumayo kahit tapos na akong kumain. Baka kasi sundan na naman ako ni Xander. Mas okay nang ganito at nakapagita kami sa mga pinsan namin at kapatid ko. Nagpatuloy ang mga pinsan ko sa pang uusisa sa napakaraming babar na nalilink kay Xander. Hindi naman siya sumasagot. Nitong huli na lang siya sumagot.

"Hindi ba kayo napapagod sa pang uusisa sa love life ko?" dinig ko ang pagka aliw sa boses niya kaya sumulyap ako. Nakangisi siya pero nakatingin sa akin. Ang saya mo ha.

"Hindi ka ba napapagod mambabae?" natatawang balik ni Ayana.

"Oo nga naman. You're old enough to settle for a serious relationship," si Kelsey.

"But he's still young to play and enjoy!" Maligayang sinabi ni Kuya Ken na nakipag apir pa kay Travis na katabi ni Xander.

Umirap ako. Is that their principle? Kung sa bagay. Mas mabuti nang maglaro habang bata para kung mahanap na nga nila ang taong gusto nilang makasama habang buhay, sawa na sila sa mga laro.

"Shut it, boys. Isipin niyo na lang na kami yung mga babaeng pinaiyak at pinaasa niyo. You wouldn't like that right?" ngayon ko lang narinig na sumabat si Chantal.

"Hindi namin pinapaasa, Chan. Masyado lang kasing clingy ang mga babae kaya nakakasawa," si Travis.

"Well kung hindi mo naman pala gusto in the first place, why flirt? That's how girls do when they arenin love. They are clingy. At least most of us. It's normal." si Kelsey. I agree.

"I agree," sumagot ako. Kumindat sa akin si Kelsey.

Nagkatinginan kami ni Xander. Nag taas siya ng kilay. Somehow this new topic lightens my mood. Mas okay na kaysa kanina.

"That's why it's called flirting." simpleng argumento ni Deo.

"No. Malandi ka lang talaga. Ikaw, ikaw, ikaw, kayong lahat!" mataray pero nagbibirong itinuro ni Chloe ang lahat ng lalaki na narito sa harap namin.

Nagtawanan kaming girls. Nag high five pa si Chloe at Ayana. Umarteng parang sumasakit ang dibdib si Kier samantalang nagpipigil naman ng ngiti si Kuya Marcus. Okay na sana kung hindi lang ibinalik ni Kelsey ang usapan.

"Hoy! Nililihis niyo ang usapan. So, Xander. Sino nga yang katext mo? Girlfriend na ba?"

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit mga pinsan ko kuryosong kuryoso kay Xander.

"Wala akong girlfriend." seryosong sagot ni Xander.

"So it's another fling?"

Umiling si Xander.

"Ano ka ba? Hindi mo talaga mapipiga yang si Xander. Ganyan din si Deo pag tinanong. Silang lahat! Sasabihin walang babae, walang girlfriend. Kasi nga fling. Dapat ang itinatanong sa kanila e kung sino ba talaga yung mga gusto nila," si Chloe.

Nagtaas ng kilay si Kelsey sa ideya ng pinsan ko. Tapos ay nangingiting bumaling kay Xander.

"So do you like someone else, dear cousin?" malisyosang tanong ni Kelsey.

Nagtama muli ang tingin namin ni Xander. Dali-daling tumibok ng malakas ang puso ko. I bit my upper lip. Ayusin mo ang isasagot mo, Xander.

Unang bumitaw si Xander sa titignan namin bago suminghap at tumingin sa katabi niya bago ngumisi.

"Of course I do,"

"Sabi sayo, e!" proud na sagot ni Chloe.

"Sino?" si Ayana.

"Hmm.." sumandal si Xander sa kinauupuan niya at uminom ng tubig bago mag salita ulit.

"Secret."

"Hala ang showbiz!" si Chloe.

"Hala ang chismosa!" Deo mimicked Chloe's tone and expression. Nagtawanan ang boys. Hindi ako makatawa dahil kinakabahan pa rin ako sa tanong nila kay Xander.

"Ano ba yan! Bakit secret? Hindi ka siguro makaporma no'?" biro ni Kelsey.

Tumingin sa akin si Xander pagkasabi ni Kelsey nun. Ako naman ang nag iwas. Napatingin ako kay Margou na siyang nakatingin din sa akin. Bumaling siya kay Xander.

"Basta kasi!" nakangiting sagot ni Xander.

"Ano ba yan may secrets na," ngumuso si Ayana at nangingiti.

"But do we know this person?" si Chantal.

Kahit na nagulat ako sa pakikisali ni Chantal ay hindi ko siya nilingon.

"Feeling ko, oo."

Mabilis kong tinignan si Margou na kay Chantal naman nakatingin.

"Really? Sino sa tingin mo?"

Nagkibit ng balikat si Margou. Kahit si Xander ay nakatingin na rin sa kanya at takang taka sa sagot niya.

"Hindi rin ako sure so hindi ako mag da-drop ng name," aniya at sumubo ng spaghetti.

Ilang sandali ata akong hindi huminga at napatulala na lang sa pagkain ko dahil sa sinabi ni Margou. Ang lakas ng tibok ng puso ko ay siya namang karamput ang mga galaw ko. My hands are shaking and I'm starting to avoid Xander's gaze.

I know Margou and she sees everything. Even the smallest details. I know her. At kung may alam man siya ngayon ay hindi imposible. Pero kung alam niya bakit hindi niya pa sinasabi kila Chloe. Wala pang kumukumpronta tungkol dito.

Kung tahimik na ako simula kanina na nasa salas lang kami ay mas naging tahimik pa ako ngayon. I can't seem to utter words. Alam ko rin na kanina pa sinusubukan ni Xander na kunin ang titig ko sa gitna ng kwentuhan ng mga pinsan ko pero hindi ko siya pinaunlakan.

Umalis ang mga pinsan ko bago mag alas dose. Kasama roon si Xander na kahit sa pag labas ng pinto ay sa akin nakatingin. Nakatayo ako sa dulong baitang ng hagdan namin. Si Kuya Marcus at Kuya Ken ang naghatid sa kanilang lahat papalabas at si Xander ang huling lumabas kasabay si Margou na may makahulugang tingin sa akin. Natakot akong makipag usap kay Margou kaya hindi ko na sila hinatid.

Agad rin akong umakyat sa taas pagkatapos ko ihatid si Brent sa kwarto niya. Akala ko ay mapapanatag na ang kalooban ko na umamin na ako kay Xander pero parang mas gumulo pa ang sistema ko. Parang bawat galaw ko ay pwedeng mag hudyat para mabuking kami. Nakakasakal at nakakatakot.

Xander texted me that night. He asked if he can call and talk pero hindi ko nireplyan. Hindi ko na sana rereplyan at hahayaan na lang kung hindi siya tumawag. Ilang sandali ko pang tinitigan ang caller ID niya bago iyon sinagot at nilagay sa tainga.

"Hello..." he exhaled. Hindi kasi ako nag salita agad.

"It's already late..."

"I know, baby. I just wanna talk," namamaos niyang sagot at mukhang nakahiga na.

I but my lip as I shut my eyes close when I heard his endearment. It really gives that electric shock or whatever and I don't know if I like it or not.

"Hindi ba iyan makakapag paabot bukas?" I tried to sound stiff and annoyed so that he would put the phone down but I don't think it us effective.

"Are you upset?"

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. Hindi nga ba?

"Nah..." I casually answered.

"Wala akong nakakausap sa kahit na sinong babae na nabanggit kanina. And kung meron man, yun ay dahil pinakilala sa akin ni Deo o ni Kier."

Napairap ako. Nuknukan talaga ng landi iyang si Deo at Kier. Bugaw pa.

"So it's always Deo and Kier, huh." I smiled.

"Yes! I swear I'm not trying to flirt with anyone, Jes."

Natawa ako. Why do you sound so guilty, Alexander Kurt?

"Tumatawa ka ba? Anong nakakatawa, Jessica?" narinig niya ata ang tawa ko kaya lalo akong natawa.

"Nothing. You just sound so guilty."

"I'm not. I'm just clearing my name on you,"

I left out a sigh as a smile remained on my lips. I wish everyday could be this simple. Nagpatuloy ang pag uusap namin ni Xander.

"May tanong ako,"

"Ano yun?"

"Are you that close with Ken? Normal lang ba ang... holding hands sa inyo?" napaka malamunay at hina ng tanong niya.

"Oo naman, Xander. Kuya Ken may be an ass with other girls but I'm not one of them." sabi ko.

And I wish I was this staight and confident to speak with him in person. Pag kasi nasa harap ko na siya ay parang nahihirapan ako makipag usap.

"Well..."

"Well, what, Xander?"

Hindi siya nakapag salita. Kumunot ang noo ko at bumangon mula sa pag kakahiga nang may naisip. He's not!

"Nothing... I'm just bothered by... hmm..." he couldn't finish his sentence.

I exhaled a laugh. Oh no he did not.

"Are you jealous with Kuya Ken, Xander? Sa kapatid ko?" I exclaimed.

He was silent for a moment before he answered.

"Well you can't blame me." was all he can say.

I rolled my eyes. "Kapatid ko yun, Xander, kaya natural ang holding hands at akap. He's my family," I said smilling.

"I'm your family too, Jes. But here I am so you can't really blame me." seryoso niyang sambit na siyang nakapag paalis ng ngiti sa labi ko.

Well he's right.

Hindi ko alam kung paano natapos ang usapan namin. Did we said goodnight? O nakatulugan ko?

Kahit papaano ay maganda ang gising ko kinabukasan. Naroon si Xander at hindi naman na ako nagulat dun. He greeted me good morning through text kahit na narito naman na siya sa bahay paglabas ko sa kwarto. Nauna nga lang siya na umalis kasabay si Kuya Ken dahil may klase ata sila pareho.

Kinatanghalian ay pumasok na rin ako at normal naman ang lahat. Sa uwian ay sumabay ako kay Kuya Marcus dahi may lakad si Kuya Ken. He was there though. Pero pinili kong sumabay sa kapatid ko dahil ayokong maghinala si Kuya. Iisa kami ng bahay na uuwian kaya bakit pa ako sasabay kay Xander?

Kaya lang ay nung wednesday ay wala si Kuya Ken at may klase pa si Kuya Marcus. Nag punta kasi ako sa labas ng building at itetext na sana si Kuya Marcus nang naunang dumating ang mensahe galing sa kanya.

Kuya Marcus: May klase pa ako. Umalis si Ken nasa Tarlac kasama si Kier. Mag commute ka muna.

Yun ang sabi niya. Naka alis na kasi si Evan dahil sinabi ko na kay Kuya Marcus ako sasabay. Hindi ko naalala na may klase siya hanggang gabi pag wednesday. So I think mag cocommute ako?

"Wala si Marcus," Napataas ako ng kilay sa kararating lang na si Xander.

Ngumiti siya sa akin at agad na lumapit.

"Oo nga, uh... Kakatext lang," sabi ko.

I'm trying my best to act normal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumportable.

"I'll take you home. Mamayang 8:30 pa ang tapos ng klase ni Marcus," aniya.

Wala naman si Evan kaya kahit nangangatog ang tuhod ko ay wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya papunta sa sasakyan niya.

Hindi pa man nakakalapit ay pinatunog na niya iyon at naunang maglakad para pag buksan ako ng pinto. Medyo napahinto pa ako at napalingon sa paligid at halos konti na lang din naman ang mga estudyante.

"Baka may makakita..." sabi ko at nag iiwas pa rin ng tingin sa kanya bago sumakay.

"I don't mind," aniya at isinara na ang pinto.

Umikot siya at sumakay sa driver's seat. Agad niyang pina andar ang sasakyan pero hindi pa man nakaka alis sa parking lot ay nag sumagot na ako.

"I do,"

Inaatras na niya ang sasakyan ng magsalita ako kaya sumulyap muna siya sa akin bago itutok sa direksyon ng palabas ang sasakyan.

"You do, what?" aniya at sulyap lang rin ng sulyap hanggang sa tuluyan nang makalabas ng gate ng school at maipit na sa traffic.

"I do mind that someone might see us..." I breath out.

Sumulyap ako sa kanya. Hindi niya ako matignan ng matagal dahil nagmamaneho siya pero halata ko ang pag aabang niya aa mga sasabihin ko. Hindi rin siya nag salita kaya nagpatuloy ako.

"Let's minimize our actions especially in public. It will be a great scandal.. uh... Hindi ko pa kasi alam kung tama ba talaga to... I mean hindi ako sanay... hmm.." I don't know the right words to say. Hindi ko na talaga alam.

I tge glanced at him and his expression change from curiousity to something.

Ilang sandali akong natahimik at hindi rin kumibo si Xander. Nakatingin lang siya sa kalsada at medyo kunot ang noo kaya madalas ang mabilisang lingon ko sa kanya. Isang buntong hininga ang ginawa niya.

"I guess we're still on the first level, huh..."

Agad akong ginapangan ng pagka guilty.

"Sorry... I'm still not comfortable with uh... this set up,"

Puro pagka utal na lang ang nangyayari sa akin. Hindi pa naman kasi talaga ako sanay no!

Sumulyap siya sa akin nang nahinto dahilsa pula ang traffic light.

"You don't stutter when we talk to calls..."

Napatingin din ako sa kanya at napakurot sa kamy kong nakasilop pareho.

"Uh..." Uh na naman!

He chuckled. Anong nakakatawa?

"You're too adorable when your shy, Jes,"

He chuckled. Kung maputi lang ako ay oaniguradong kitang kita na ang pamumula ng pisngi ko dahil sa init nito. I tried to cover my smile with my hair. Dammit!

"Shut it," umirap ako.

Hindi agad siya nag salita. I turned to look at him. His eyes are now fixed in the road. Left hand on the steering wheel and right one on the control stick. He looks so serious now but the ghost of smile is still evident in his face.

"Hindi ako sigurado sa mga bagay na pwede nating harapin sa bawat posibleng scenario na naiisip ko pero sogurado ako sa isang bagay. And that is to fight for you. To fight for us..." tumingin siya sa akin at malungkot na ngumiti. "I hope you'll do the same too..."

His words are not harsh but I think it is really hurting me. Kumikirot ako habang tinitignan ang malungkot na ngiti niya na sa akin naka tuon.

He wants me to fight for us. Am I ready for this? To fight my family. The only family who accepted a... trash like me. Hindi ako sigurado. Naguguluhan ako.

"I know that you're new to this so we'll take it slow," anita at ngumiti sa akin bago muling pina arangkada ang sasakyan.

"Hmm. Thank you and sorry for compromising..."

Umiling siya at nahagilap ang kamay ko na nasa hita ko bago hinawakan iyon.

"No need to apologize. I'll dl everythink for us. For you," aniya.

Hindi ko na naiwasan ang ngumiti lalo na havang naka tingin sa kamay kong naka patong sa kamay nita.

"So... I'll call you later then?"

Ngumiti ako.

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 573 57
(Do-Over Series #1) Since then, Siena has been good at obeying her parents' will―may it be from the clothes that she wears up to the man that she sho...
3K 23 1
Hongjoong Seonghwa Yunho Mingi Yeosang San Jongho and Wooyoung all are heirs to different pack what'll happen when they met each other? Find out in...
5.9K 356 36
- L O N G D A L E S E R I E S # 1 - Chris did not expect the changes in her life right away until she met Val, a very mysterious boy at first who is...
35.8K 985 36
Y/n came back to Tokyo and unintentionally got herself involved with toman. She made new friends and got new people to fall for her without even tryi...