Candy Fair Dare (Taglish)

By fallenbabybubu

320K 9.5K 2.5K

Ever been in a room full of cute heartthrobs? Asia believes she's too cool to drool over the guys in the fair... More

Facts
Candy Cuties (2)
Candy Dare (3)
Candy Ending (4)

Candy Fair (1)

81.4K 2K 675
By fallenbabybubu

Badtrip naman oh.

Bakit kasi ang aarte ng mga taxi driver ngayon? Porket malapit lang ang Galleria sa Metrowalk, ayaw na nilang tumanggap ng pasahero papunta dun?

Choosy sila manong, nakakasira ng araw.

Kung hindi ko lang talaga kailangang magpalit ng damit bago ako magpunta sa Candy Fair, hindi na 'ko dumaan ng Robinsons Galleria para lang mag-CR.

Yun nga lang, kailangan e.

Ayaw akong ihatid ni Ate Bianca, sobrang traffic daw kasi sa EDSA. Kaya heto, sariling sikap ako. Nag-commute lang ako papunta dito. Jeep papuntang Blumentrit Station, LRT hanggang sa Taft, tapos sakay ng bus sa Pasay na pa-Cubao.

Hindi pwedeng naka cut-off shorts, brown ankle boots, brown fedora hat, manipis na white sleeveless Guns N' Roses shirt ako tapos commute ng ganun?

Uh, no way. Ayokong ma-rape, no thanks.

Kaya nagdala nalang ako ng pamalit ko. Ayun, nakapag-palit naman ako. Kaso late na 'ko sa supposed meeting time namin ng mga kaibigan ko.

Hey, 'di ko kasalanan ang traffic.

Eventually, nakarating din ako sa Metrowalk. Buti nalang at may pumayag na din na driver. Ngiti lang pala ang kailangan, pinahirapan pa 'ko.

Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko. In a beat, sumagot siya.

"Nasaan ka na?" Raffy demanded instantly.

"Chill, nandito na 'ko," I answered her, looking around. "San kayo?"

"Wait, lalabas si Ara."

Tumingin tingin ako sa paligid, looking for a tall beauty. Hanggang sa nakita ko ang babaeng may bob-styled hair, wearing a blue dress with a denim sleeveless jacket. Agad akong tumakbo sa kanya.

"Ara!"

Napalingon siya sa'kin.

"Asiaaaaa!"

We crashed into each other, and ended up in a tight hug. Aakalain mo, 'di kami nagkita kahapon sa Soledad e. After hugging, pumasok na kami sa venue.

Nakakuha naman kami ng free passes from Kiko kasi intern siya sa Summit. Although, hindi na naman kailangan ni Ara and Raffy ng free passes. Si Ara kasi, model sometimes ng Candy Mag. While si Raffy naman, Pop Fiction author. Nasa guest list na sila.

Me? Fashion blogger.

"Ang daming bata," was the first thing I said pagkapasok namin sa Candy Fair.

There was far too many tween girls dito. Then again, part naman talaga sila ng target audience. Nakakagulat lang kasi ang daming super young fashionistas. Feeling ko tuloy, ang tanda ko na. To think, nineteen palang ako!

Malaki yung place. Sa Metrowalk Tent (white building ang exterior) yung event. And it really looked like nasa loob kami ng malaking tent. Dim yung overall lights, tapos many colorful spotlights around the stage area. Para kaming nasa enormous club inside.

'Party party' ang vibes, plus yung dress code pa. Electric Dance Music ang theme - pero for me, it was more like Coachella. Hindi ko alam ang difference nila.

"Si Kiko?" I asked Ara and Raffy.

"Busy sa backstage," sagot ni Ara.

"Nakita ko siya kanina," added Raffy, absent-midedly running a hand through her long black hair. "Hanapin nalang daw niya tayo later."

Nagikot-ikot kami, checking out the booths. While on the look out na rin ako sa mga blog-worthy outfits ng mga attendees, my DSLR camera at the ready.

Nope, ang daming nangyayari sa suot niya, I thought as my eyes jumped from person to person, quickly judging their choice of clothes.

Wala bang nagsabi sa kanya na mukha siyang lampara?

Dayum. Eyesore. Eyesore. Eyesore.

Long denim skirt? Whaaaaat?

No way na pinayagan siyang mag-commute sa ikli ng shorts niya. Hatid-sundo yan.

Candy Fair 'to. Hindi palengke. CANDY FAIR.

Ugh. Sa sobrang colorful ng damit niya, pwede na siyang maging rainbow.

Mataas ang standards ko pagdating sa fashion. Tinaguriang laitera ng grupo namin, ika nga. Yun din siguro isa sa mga dahilan kung bakit madami akong haters. Wala kasing filter ang utak at bibig ko.

Well, if you can't handle the truth, you can't handle being my friend. Sayang. Sagad sa buto pa naman ang loyalty ko sa mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa babaeng naka denim shorts, kimono top, and ancient greek sandals - with her hair long and hipster curly.

Now that's something blog-worthy.

I took a shot of her a couple of times nang hindi niya alam. Pagtapos ko, tsaka ako lumapit sa kanya para humingi ng permission. May naka-ready na 'kong waiver for this sort of thing.

Lumipas ang isang oras na ganun lang ang ginagawa ko, habang tinutulungan na din ako nina Ara at Raffy maghanap. Na-bored na rin siguro sila, hindi kasi ganun kadami yung booths tapos mahaba pa pila.

I managed to get seven stylish girls' photos. Sa dinami-dami ng mga babae dito, seven palang ang nakikitaan kong ayos manamit.

"Mag-break ka naman muna dyan," Raffy told me.

I sighed, putting the lens back on.

"Uy, it's staring na!" squealed Ara.

At isa-isang pinakilala ang mga Candy Cuties. Tili ng tili yung mga tweens na nasa harap, while yung mga late teens na tulad namin, chill lang sa bandang likod.

Tumingin ako sa paligid. Madaming natatawa sa mga reaction ng mga batang babae sa supposed 'cuties'. Dalawa na dun ang mga kaibigan ko.

A boy with a muscled bod came out, showing off his biceps.

Super ang tili ng mga batang babae. Nakakarindi. Lalo na nung may mga pinayagang umakyat para makayakap dun sa lalaki. They looked like they were eleven!

"Ang lalandi ng mga bata ngayon," I commented with a grimace.

"Sobra," giggled Raffy.

"'Di ba nila alam na kalahati dyan sa mga 'cuties' na yan e bakla?" I whispered.

Ara covered her mouth to hide her laugh.

"Alam ba yan ng mga nanay niyo?" sigaw ng familiar voice.

Lumingon kaming lahat and saw Kiko. We shrieked, sabay takbo sa kanya. Niyakap namin siya in a group hug. Again, akala mo hindi kami magkakasama kahapon.

See, magkaka-blockmates kaming lahat sa De La Soledad University.

"Looking good, Asia," complimented Kiko, looking at me from head to toe.

In turn, tinignan ko na din yung outfit of the day niya. Simple neon coral shirt and jeans lang. Tapos yung hair niya, spiked. Around his neck was a Staff ID.

"Why, thanks," I replied. "'Di ka pa ba sanay?" biro ko.

He rolled his eyes and smiled.

"Kilala niyo yung susunod na Candy Cutie," sabi niya sa'min nang humarap na ulit kami sa stage para manuod.

Nang lumabas ang familiar na matangkad at morenong chinito, nagtilian ang mga tao. Not only the girls out front, also the girls na mga kaedad namin. Pero lamang pa rin yung mga tweens sa harap.

Sev Rufino.

Naki-tili na rin sina Ara and Raffy, while Kiko whistled for our co-Soledarian. Hindi pa rin ako naki fake fangirling. KJ ako e.

Tahimik na sinundan ng mga mata ko si Sev. Naka-simpleng white shirt lang siya pero super ang lakas ng dating niya. Lean build, tapos at ease yung posture.

UAAP Basketball player si Sev Rufino, representing our school (duh). Naging Candy Cutie din si Zeo Alcante, our star player, like two years ago. Ngayon, si Sev Rufino naman.

"Hanggang ngayon ba naman, may grudge ka pa rin sa kanya?" Raffy asked me incredulously, when she noticed I was the only one not cheering.

I shrugged and looked away.

Ara groaned. "It's been almost year na, Asia."

"Kayo kaya mapahiya sa harap ng madaming tao," I scowled.

That dickhead snubbed me of front of a crowd! Tinatawag ko name niya, pero hindi niya 'ko pinansin. Ako lang ang tumatawag sa kanya nun ah. Hindi naman siya bingi kasi lumingon agad siya nung tinawag siya ng teammate niya.

Not to mention, may mga babaeng naghi-hintay din sa kanya pero tinalikuran niya kami completely! Super natamaan ang pride at ego ko nun kasi madaming nakakita, mostly mga ka-org ko sa Photography Club.

"It's not his fault," defended Ara. "Kumakain sila nun e. Remember mo na he had to practice with the girls volleyball team din that time?"

"Tapos na sila kumain nun," I countered.

Hindi ba alam ni Sev Rufino kung gaano kahirap mag-lakas ng loob para lumapit at magpa-picture? Hindi ba niya alam kung gaano ako nagpakababa ng pride para lang gawin yun? Hindi ko yun hobby ah.

Ugh. Badtrip.

"Galit ka na naman sa mundo," muttered Kiko, bumping his hips with mine.

"Chill, girl," said Raffy, smiling a little.

I sighed. "I don't care anymore. But that doesn't mean I like him."

"He's too cute for you not to like him!" protested Ara. Ultimate defender siya ng mga gwapo at magagandang rich kids.

"By all means, like him yourself," I told her, trying hard not to roll my eyes.

Ara pouted. I sneered at her.

"Who's up for Starbucks?" asked Raffy.

Tinaas agad ni Kiko ang kamay niya. Dali akong nagtaas na din ng kamay. Tumingin kaming lahat kay Ara. Naka-pout pa rin siya sa'kin.

"Sige ka, babaho breath mo sa gutom," tinakot ko.

Lumaki ang mga mata niya, sabay taas na din ng kamay. Tumawa kami sa reaction niya. Natakot din ang bruha. Forever the vain one siya e.

Sakto kaming mag-decide na lumabas at pumuntang Starbucks to take a break kasi kakatapos lang ipakilala ang lahat ng mga Candy Cuties. Naghintay pa kami, in case na may magpakitang celebrity. When Kiko informed us na wala na daw at mamaya na ulit, lumabas na kaming apat ng Candy Fair kahit hindi pa tapos magsalita yung hosts.

Nagtatawanan kami habang naglalakad, pinaguusapan yung pagyakap ng mga bata nung nasa stage sila. Dahil observant ako, may nakita akong dumaang Candy Cutie sa harap namin (nakasuot siya ng mandatory white shirt with the logo ng Candy Fair sa harap).

Hindi ko alam kung paanong hindi napansin yun ng mga kaibigan ko. Masyado siguro silang busy sa tsismis na hindi ko narinig.

Sinundan ko sa mata yung guy, curious ako e. Pumunta siya sa parking lot, deretso dun sa silver Montero kung san nakatambay ang dalawa pang Candy Cuties. Hindi ko sila namukhaan kasi malayo. At sa totoo lang, magkakamukha silang lahat para sa'kin.

By the time na dumaan kami sa harapan nila, hindi na 'ko nakatingin. Ayokong isipin nila na isa 'ko sa mga fangirls nila, no thanks.

Na-feel ko ang mga mata nila habang naglalakad kami. Dapat lang. We were a good-looking bunch. Kahit si Kiko, may itsura din. Hindi patapon.

"Hey, Ara!"

Napalingon kaming apat, kahit na si Ara lang naman ang tinawag. A mestizo guy with a snapback waved at her.

"Prince!" greeted Ara cheerfully, walking toward the group of boys na nasa Montero.

For the first time, na-realize ko na isa dun sa mga yun si Sev Rufino.

Shit.

_____________

Soooooo! What do you think of Asia?! And ine-expect niyo ba na si Sev Rufino yung guy? :D

Continue Reading

You'll Also Like

20.3K 395 18
[Completed, 2022] Les Tendres Series #1 || Tender Love Series "When you don't have money, how far away are you willing to go just to earn it?" An unl...
1.7M 78.6K 43
No plot twists or whirlwind romance like in the books. Such is the fate of a side character like Mimi, who neither has a face, body, brains nor backg...
788K 39K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
70.5K 3.5K 25
Porcia Era Hart x Chrisen