Mhorfell Academy of Gangsters...

Oleh alerayve

25.8M 641K 136K

[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1: Meeting the King
Chapter 2: Upcoming Storm
Chapter 3: Welcoming
Chapter 4: Our So-Called Party
Chapter 5: Troublemakers
Chapter 6: Single Arrow
Chapter 7: Show Some Skin
Chapter 8: Competition
Chapter 9: Charlene
Chapter 10: Watched
Chapter 11: Symptoms
Chapter 12: End of the First Round
Chapter 13: Magic Word
Chapter 14: Promise
Chapter 16: Message
Chapter 17: School of Mystery and Danger
Chapter 18: The Prince's Sword Dance
Chapter 19: Hide and Seek
Chapter 20: Coming Back
Chapter 21: Fear
Chapter 22: Ally
Chapter 23: Hypothesis
Chapter 24: The Missing Mafia Pendant
Chapter 25: Alex Syndrome
Chapter 26: Recollection
Chapter 27: Aftermath
Chapter 28 - Peace Inside the Woods
Chapter 29 - Second and Third Examinations
Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards
Chapter 31 - Don't Ever Dare To Mess With Him
Chapter 32 - The Incident
Chapter 33 - Saving The Idiot
Chapter 34 - The Crying Little Girl In The Midnight
Chapter 35 - All Hail For The Princess
Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific
Chapter 37 - Regaining and Solving
Chapter 38 - Dinner Meeting
Chapter 39 - The Only One Left
Chapter 40 - She is The Key
Chapter 41 - She's Dead All Along
Chapter 42 - Seal
Chapter 43 - Trip to the Principal's Office
Chapter 44 - Acting is Over
Chapter 45 - Who's Next?
Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory
Chapter 47 - Another Meeting With Her
Chapter 48 - Strange Things Did Happen Here
Chapter 49 - Secret Letters
Chapter 50 - Crashing To A Party
Chapter 51 - Values
Chapter 52 - Love Story
Chapter 53 - Overload
Chapter 54 - The Meaning Behind The Arrows
Chapter 55 - You'll Be Fine
Chapter 56 - Happily Ever After
Chapter 57 - Access Granted
Chapter 58 - The Real Demon
Chapter 59 - Her Most Epic Birthday
Epilogue
Author's Note (Important)
GIVEAWAY!
ORDER NOW!

Chapter 15: Fire and the Shooting Stars

464K 11.7K 1.4K
Oleh alerayve


JONATHAN'S POV



Hay nako pare. Nasaksak ka lang, ang dami ng nangyari. Mga pangyayaring hindi namin inaasahan. Ikaw din ang siyang naging tulay para makilala namin sina Alex, Dereen, Fiacre, at Rennei.



Grabe, bro. Kung nakikita mo lang ang mga nagaganap ngayon, panigurado masusurpresa ka rin.



Kailan ka ba kasi gigising?



"Nathan, kape 'o."



"Thanks, Court."



Matapos niyang maiabot ang kapeng nabili niya sa isang convenience store sa labas ng ospital ay tinungo niya na kaagad ang couch kung saan mahimbing na ang tulog nina Kia at Thelina.



Ako naman ay ibinalik ko ang tingin ko kay Sky na nananatili pa ring nakaratay sa kama. Nakapikit at pinagkakabitan ng ilang makinarya.



Wake up soon, Sky. Ang swerte mo kanina pala ha. Fiacre looks so worried about you. I'm not really good with reading women's actions but I am certain about is that she cares for you.



Finally, there are signs that you have made her recognize you. It's a good start, man.



Buti ka pa.



Napabuntong hininga na lamang ako. Why should I even compare my situation to him? We're two different persons. We are different on handling every little thing in our lives.



"Hindi mo ba pupuntahan si Elize? You can finally meet her and yet ..."



Mabilis namang bumagsak ang mga balikat ko nang mapaalala sa akin ni Courtney ang bagay na nais ko munang isantabi sa ngayon. Nilingon ko siya at kita kong gusto na naman ako gisahin sa mga tanong ng babaeng ito.



Kaya naman iniwan ko muna ang tabi ni Sky at umupo sa katapat na couch na kinauupuan niya. Mabigat na paghinga ang kasabay ng pag-upo ko na tila ba may walang kasing bigat na nadarama.



"Yeah. I have waited for the time that I will be able to meet her again. I waited for this league in order to see her and to hug her."



"Pero bakit parang nagbago na ang isip mo?"



Courtney is staring at me so intently that I know that I can't really lie to her. She was the only person who knew about Elize. A daughter of a politician studying from Marywell Austin Academy.



Yes, she's from one of the schools that we have fought with for the championship. But before, Elize is a former student of Mhorfell Academy and I, Jonathan Castillo has been an avid pursuer of her. We've lost connections with each other when she transferred but I was able to reach her out and now, I have the chance to properly introduce myself to her and such.



Kaso hindi ko malaman kung bakit nawala na ang determinasyon ko na puntahan at makita siya.



Napatingin akong muli sa babaeng sumisiyasat sa akin.



I can't help but to praise every single thing about her. If I could only instruct my heart to love someone else, I would choose her.



"Castillo, that's rude, you know." she said, breaking the thinking balloons surrounding me.



To cover it up, I just smiled. "Come closer."



"Hmm?"



"Come on."



At gaya ng sinabi ko ay linapit niya ang mukha niya sa akin, sa pag-aakala na mas gusto kong malaman niya ang kasagutan ko nang malapitan.



Nakakatuwa talaga 'tong babaeng 'to. Sana ikaw na lang. Sana ikaw na lang talaga ang nagustuhan ko, Courtney.



"Hey. Answer my question. Nangangawit na ako eh." reklamo niya habang nasa kamay pa rin ang tsitsirya na kasama sa mga pinamili niya.



Mas lalo akong napangiti. "Joke lang. Nevermind. Kaysa love life ng iba ang iniisyoso mo, bakit kaya hindi ka humanap ng magiging forever mo?" at napatawa na lang ako dahil agad na rumehistro ang pagkainis sa mukha niya.



Ang sarap mo talagang asarin kahit kailan.



Napabalik naman siya kaagad sa pagkakaayos ng upo at hindi ko mapigil ang mas lalong matawa dahil sa namumula na ang mga pisngi niya sa pagkairita.



Ambang babatuhin niya na ako ng unan nang tumayo ako kaagad at itinaas ang dalawa kong kamay na para bang isa akong kriminal na nasaktuhan na sa akto ng isang pulis.



"Oops. Labas muna ako. I'm going to check king. Kanina pa lumabas 'yun eh." bara-bara kong paalam at mas mabilis pa sa kidlat akong tumakbo papalabas ng kwarto bago pa man ako maabutan ng unang papalipad na sa akin.



Pagkalabas na pagkalabas ko ay huminto muna ako upang huminga sandali. Medyo hiningal ako. Iba pa naman ang lakas ng babaeng pinalaki ng isang tatay na isang martial arts master. Baka imbes na unan ang maramdaman ko, hollow block na pala sa lakas ng pagkakabato.



Nasaan na kaya si king? Parehas talaga sila ni Edward. Kung saan-saan nagsususuot. Pati 'yung mga bading na sina Alexis biglang missing in action. Panigurado nanlalandi lang ng mga nars at doktora iyon o kaya ayaw lang talagang magbantay.



I decided to try the rooftop first since Spade likes going to places where he can be alone but I stopped from my footsteps when I caught a glimpse of Alex and Spade, not too far away from where I am standing.



Naks. Dumadamoves ba si king kay Alex? Ayun 'o! May maipang-aasar na ako!



I was about to approach them when I see Spade walking away as if he's a zombie from the movies. He seems to be lifeless. Yes, his expressions were really dull most of the time but tonight, there's something on his eyes that I can't really elaborate.



Reasons? Disheartened? Ewan. Basta hindi na blanko ang nakikita ko rito. Para bang may kung ano na ang nadagdag at ito ang nagpapamukhang buhay sa kanya sa kabila ng kalungkutan na mayroon sa mukha niya.



Sky, pati yata si king may Alex syndrome na.



****



FIACRE'S POV



Ugh. I'm so sleepy already! Hindi naman ako makatulog-tulog sa kahit na saang parte ng gusali na ito dahil takot ko na lang na baka madukot na naman ako at kung saan pa ako madala.



Tulad ni Alex, may takot at pangamba pa rin ako sa tuwing napaparito ako.



As I watch various people pass by in front of me, I can still see the purpose of the hospital as being the area for those who are sick and need treatments.



I have forgotten the essence of the hospital eversince we've been on a chase from the men of science and doctors are obviously included on the group.



Sa kasagsagan ng pagtakas, nakakawala sa katinuan. Nakakawala ng tiwala sa bawat bagay. Kahit na ba sa mundong ito na natatakbuhan mo, hindi mo na mapagkatiwalaan. Kung saan ka dadalhin nito at kung ano ba ang balak nito sa iyo.



Sinong mag-aakala na ang mga doktor na siyang mahihingan ng tulong ukol sa kondisyon namin ay siya rin palang magkakaroon ng interes sa amin upang hulihin at ibenta? Para pagkakitaan. Para maging ruta ng kanilang kasikatan at katanyagan.



With that case, during those four years, nakatatak na sa isipan naming apat na lahat ng tao ay gagamitin lang kami para sa mga personal nilang ambisyon. Na wala talaga silang pakialam sa amin.



And that's one of the reasons why I keep on refusing Sky. It's not that I don't like him. Iba ang tatak ng isang may dugong Cromello. Napatunayan ko na iyan kay Alex, Kuya Xander, at Uncle Johan. Their clan is made up of brilliance, talent, and boldness.



Sino bang hindi magkakainteres sa kanya? Lahat ng iyon mayroon siya. However, he doesn't know what we really have become and what kind of abnormality this is. Can he handle it? Can he accept me? Can he also embrace the danger which we are attached of?



"Fiacre, hindi ka ba babalik sa eskuwelahan? Alam kong ayaw mo rito. Sige na. Kami na lang dito." bungad sa akin ni Dereen na inokupahan ang upuang nasa tabi ko.



Nadadaan-daanan pa rin kami ng kung sinu-sinong mga tao. Maya't maya rin ang mga anunsyo mula sa mga palakas-tinig na nakakabit sa lahat ng sulok ng ospital. Kada oras din ay pabalik-balik ang mga taong naka-unipormeng puti sa mga silid.



Napangiti na lang ako ng walang rason.



"Mukhang may iniisip kang malalim ah. What is it?" then the mother-like friend of ours envelopes me with a warm hug as if she's hugging a huge stuff toy or what.



Hindi ako tumutol dahil pakiramdam ko, kailangan ko nito. I need a hug full of warmth and love. "Alex wants to end the chase. Sooner or later, we're going to confront everything we have ran away from. Magtatagumpay kaya tayo?" ito na lang ang lumabas sa bibig ko.



Pansin ko ang tila pagluwag ng yakap niya. She's definitely aware of what I am pointing out.



"The chase have exhausting and it has become tiring. I can understand why Alex wants to wrap everything up this time. May mga nadadamay na rin. Tulad ni Sky. Can we afford to let other people to suffer as well?"



Then she pulled her arms off from me to look at my reaction.



She's right. We can't afford to let them suffer. We can't afford to lose anyone from our new friends.



"Oo nga pala! I don't if it's really him but Alexis is asking us to go out for a bit. May sasabihin yata. Let's go?" Tumayo na siya at para bang walang nangyaring nakangiti siya tulad ng kanina at inalok ang kanyang kamay sa akin.



Her smile is so radiant I can't but to smile too. I accepted her hand and stood up from the seat that I've been sitting for almost two hours. "Let's go!"



According to Dereen, she received a text message from Alexis saying that we are being called for a short meeting on the garden which I found a bit weird when I was able to contemplate a lot clearer now. 



Why would Alexis use a different number if he has a lot of gadgets that he can use as an alternative? If there is a short meeting, why should it be held on the garden if we can take the rooftop instead? 



Alam kong hindi tanga si Dereen para maniwala kaagad sa isang simpleng mensahe na sa umpisa pa lamang ay kahina-hinala na. Kaya naman sa tingin ko ay isinama niya pa rin ako upang kumpirmahin ang kutob naming ito. 



Sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin at ang pagwasiwas ng mga halaman sa paligid. Pawang walang tao ang umuokupa sa mga upuang gawa sa kahoy. Masasabi maala-pelikula ang disenyo at ganda ng mga halaman at mga bulaklak na naririto. 



Gayunpaman, kahit na ba gaano pa kadilim at gaano katahimik, walang takas ang isang tao o hayop mula sa napakasensitibong pakiramdam ni Dereen. Isang kakayahang nakuha niya sa Escape. 



"Come out now. You are there, aren't you?" tanong ni Dereen na pumarinig sa paligid. Ngunit walang tumugon rito maliban sa malakas na hangin na hindi nagpapapigil. 



Pero hindi hadlang na walang tumugon sa kanyang tinig para umalis na lamang kami nang walang nakukumpirma. At sa ilang paghihintay namin ay agaran akong sinenyasan ng kaibigan ko sa paparating na panganib. 



"Shit!" nautal ko na lang nang sa isang iglap ay hindi mabilang na mga maliliit na patalim na may kakarampot na liyap ng apoy ang papunta sa amin. 



Alertong pinuslit ko mula sa bulsa ng dyaket ko ang isang pares ng mga pamaypay at binuksan ito upang harangan at iwasan ang mga papatamang patalim. These fans' leaves were made of fire conductive and fire-shielding fabric which I got from an auction on Hong Kong. 



May iilan na hindi lang sa katawan nakatuon kung kaya't kinailangan naming tumalon, tumambling, at iba pa nang hindi madaplisan. 



Nang mawala na ang mga ito ay pawang nakahanda pa rin kami kung may kasunod pa ang mga ito. "Those things are called shooting stars. A deadly method of using a fire-wielding metals as weapons." banggit ko. 



We waited once again. Waiting for another wave of attacks. 


"Hindi ko na maramdaman ang presensya niya. Nasa may kalayuan na siya. I think we need to go and hurry. We have to inform Alex and Rennei about this."



Akmang papaalis na kami nang magulat ako nang itulak ako ni Dereen sa may damuhan. "Argh!" usal ko dahil mukhang nagasgasan ang siko ko sa pagkakabagsak. 



Dali-dali namang lumapit sa akin si Dereen upang kamustahin ang naging lagay ko. "Are you hurt?"



But I don't want to answer her question. What I want to know is who is the one who keeps on attacking us. What are his or her intentions for doing so? Is he or she one of our pursuers and enemies? And where the hell did that arrow come from?! 



She seems to notice that my focus is on the arrow so she got it quickly and brought it to share it with me as well. We're bewildered to find out that it is just a common arrow and there's nothing special with it except from a paper tied on it. 



"Anong sabi, Reen?" I asked since she is the one who is holding the paper. 



Kinutuban na ako ng masama nang makita kong nagtagpo ang mga kilay niya. Nang sa tingin ko ay matapos niya na itong basahin ay agad siyang napatingin sa akin. "This letter is a threat. A threat n-not only f-for us. But for t-the rest of the whole Cromello and D-Dela Vega clans." 



"What?!" I exclaimed. 



"We need to give this to Alex as soon as possible. Hindi na rin ligtas ang Mhorfell Academy. Nasusubaybayan nila tayo."



And with that, there is that again. The horror, I mean. The horror of being watched so closely until they find a perfect chance to abduct you and kill you slowly. 



No ... Ayoko na ulit mangyari ang naganap noong apat na taon na ang nakalilipas. I won't be a lifeless doll again! Never! Never will I be used again to become anyone's entertainment! 


Pero paanong nasundan pa rin nila tayo?!



****


EDWARD'S POV 



"Ed, may ideya ka ba kung bakit hanggang ngayon parang nag-iiwasan pa rin sina Spade at Alex?" pang-sampung tanong na sa akin ni Jonathan. 



Kaunting-kaunti na lang at mauubusan na ako ng pasensya sa kanya. Kanina pa siya nangungulit tungkol diyan. Halos mag-iisang buwan na nang matapos ang paligsahan. Even though our team weren't able to win every category, we still won the championship trophy and title. 



The school gave us their congratulations and granted all the participants once-in-a-lifetime passes to go out of the school. Well, for three times only for this month. Everyone has been talking about what happened on the league for the whole month and Sky's accident and Alex's one versus a group of men from Reighzine are the hottest topics. 



Thank God, they are slowly fading. Nakakarindi sa pandinig ang paulit-ulit na pagpapaalala ng mga nangyari. At salamat sa Diyos, maayos na ulit ako. 



Kaso nga lang, sa paggaling ko, pag-iiwasan pa nina Spade at Alex ang naunang bungad sa akin. Ang kwento ni Jonathan, nakita raw niyang magkasama noong nasa ospital. But how can I conclude with only that? Wala naman ng ibang nagsasalita kapag nababanggit ito. 



When he was about to attempt to ask for another time, I just can't hold it anymore so I resulted on hurling the book I've been reading. "Shut up." and he instantly zipped his mouth. Probably due to the shock from what I did. 



Nawalan na rin ako ng gana magmuni-muni lalo na kung si Jonathan lang din naman ang makakasama ko sa kwarto kung kaya't lumabas na lang ako. Balak ko sanang magpaluto kay Kia ng makakain nang madaanan ko si Spade na nasa loob ng music room. 



Nakakapagtaka. Hindi ba't siya mismo ang nagbawal sa kahit na sino na magnanais pumasok dito? Ni siya hindi namin nahuling pumasok sa higit apat na taon. Ngayon lang. Agad akong napatigil sa paglalakad ko at inabangan ko kung ano nga bang pakay niya sa loob nito.



Anupa't tinanggal niya ang telang bumabalot sa grand piano na pamana pa sa amin ng mga naunang Heads. Kita ng mga mata ko ang makapal na alikabok na nagkalat dulot ng hindi maayos na pagkakatanggal niya rito. 



Sa totoo lang, kahit na ba sabihin pa nilang ako ang pinakamalapit sa ugali at sa kung anong personalidad ang mayroon si Spade, masasabi kong hindi ko pa rin siya lubusang nababasa. May kung anong humaharang sa amin para gawin iyon. Animo'y kinukulong din nito ang Spade na hindi pa namin nakikilala. 



Sa kabilang banda, hindi ginalaw ni king ang piano. Hinawakan at hinaplos niya lamang ito ng buong ingat habang sinusundan ng kanyang tingin na para bang may inaalala siyang bawat parte nito. There's something that is making him nostalgic today. 



But I'm quite sure that Alex has a sort of a contribution with it. Alex Syndrome, Jonathan called. 



"Ed! Spade! Jonathan! Bumaba kayo rito! Dalian niyo!" biglang sigaw ni Thelina mula sa baba. Mabilis ko namang nakuha rin ang tingin ni Spade na nito lang nakapansin ng presensya ko. 



I have a bad feeling about this. 



Nang makaulit pang tawag ay nagmadali na rin ako para hatakin si Jonathan kasama ko pababa at kasunod naman namin si Spade na tila bugnot na bugnot nang dahil sa pang-iistorbo sa kanya. 



Pagkababa namin ay si Liana agad ang bumungad sa amin. She is a student assistant from the teachers' faculty. Pawis na pawis, hingal na hingal, at para bang hinahabol ng kung ano si Liana. "What is happening in here?" I asked. 



"Heads! Nasusunog po ang Citrine Doctrine Building!" balita nito na siyang nakapagpabahala sa aming lahat na naririto sa headquarters. 



"Ano?! Paanong nangyari 'yon?! Nasaan si Principal Gonzales?!" nababahala na ring tanong ni Jonathan sa dalaga nang may naglalakihang mga mata. 



Nang hindi ito sumagot ay mas lalo kaming nangamba. Marahil nga't hindi talaga namin kagustuhan na maging sunud-sunuran minsan sa mga nakatataas subalit hindi rin namin maaaring pabayaan ang tungkuling iniatang sa amin. 



And with the king's orders, we have decided to go together with Liana as our lead. Nasa daan pa lang ay nagpatawag na ng mga bumbero si Spade kina Marc sa lalong madaling panahon. Citrine Doctrine Building is not only the place where the Principal's office and Records' office are located but the area includes the Amural lounge where numerous students used to stay on their leisure time. May posibilidad na may mga estudyante pang naroroon. 



"Oh god." ito lang ang mga salitang nabanggit namin nang masilayan kung gaano na kalaki ang sunog. 



I can't believe this! Bakit ang bilis naman yatang kumalat ng apoy?! At bakit kami kaagad nasabihan tungkol dito?! But when I was about to interrogate Liana about these, I can't find her anymore. Damn. 



Lumapit kami sa bawat estudyante upang kamustahin ang kalagayan nila at para magtanong kung may mga natira pa ba sa loob pero walang makapagbigay sa amin ng konkretong kasagutan. At ito ang siyang mas ikinakatakot namin. Are we going to lose students again? 



"Are you crazy?! Bakit mo gustong pumasok doon, ha?! Do you really want to die that bad, Cromello? Or are you that stupid that you cannot think right anymore?"  



Mas mabilis pa sa alas-kwatrong napalingon ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Spade mula sa hindi kalayuan. Bullshit. Kapag ganoon ang tono niya, walang dudang galit siya. 



"Spade!" 


"Alex!" 



Sari-saring pagtawag ang nagmula mula sa lahat habang niyuyugyog ni Spade si Alex na nagpupumilit na kumawala. Pwersang hinihila ni Alex si Spade papunta sa gusali dulot na rin sa ayaw ding bumitaw ng nahuli. 



Naloko na. 



Ni hindi rin kami makalapit dahil alam naming lahat na dalawang mababagsik na bagyo ang dalawang ito. Para na rin kaming pumigil ng ipo-ipo kung susubukan pa naming makiawat. 



"Ano bang pumasok sa kokote mong babae ka?! Paparating na ang mga bumbero! Your friends are going to be rescued! Tumigil ka na! Makakadagdag ka lang sa abala sa ginagawa mo!" he added. Alam kong malakas din si Alex pero nanlalaban tin ng lakas si king kaya animo'y nagtatagisan sila ng lakas sa ngayon. Pawang naghahatakan.



Sinesenyasan ako ng iba na pumagitna sa kanila kaso baka ako pa ang lalong mapahamak sa tensyon namumuo sa pagitan nila. Nagtuluy-tuloy sa pangangaral si Spade hanggang dumami na rin sa mga estudyante ang humihiling na tumigil na silang dalawa. 



"Tama na 'yan Spade. Umiiyak na siya!" ang pagkakadinig ko mula kina Collen at Marc. 



At totoo nga. Alexandria Cromello is crying and I saw that the scene itself literally shut Spade up. Tsk tsk. Looks like another victim of Alex syndrome. 



"Hindi mo 'ko naiintindihan, Vantress! Nandoon sa loob ang mga kaibigan ko! Paano kung napano na sila?! Paano kung may mangyari na talagang masama sa kanila?! Kakarguhin ba iyon ng konsensya mo?! Hindi naman 'di ba? That's because you're a selfish jerk!" 



Nagulantang kami sa kung paano niya sinagot ang mga pangaral ni Spade. Wala sinuman ang naglakas loob na tumayo at kumontra sa naturang hari. All this time, everyone thinks he is always right so everyone does anything he says. But this woman, she refuses and keeps on rampaging to get out of his reach. 



"If you want to die then, let me do it for you." 



"What do you want from me, Vantress? Sinabi ko na sa'yo lahat, 'di ba? Ano pa ba?" 



Seriously. I know this will destroy the scene but they are a bit going too dramatic. I hate drama.



"Alex!"



Luckily, her friends are not really inside the burning premises but they just came in to go between Alex and Spade. Nakahinga na kami ng maluwag kahit papaano dahil napatigil na sila. Base sa pinapakita at pinaparinig nila, sa tingin ko ay may iba pang pinanggagalingan ang mga malulutong nilang salita. 



May posibilidad na tungkol ito sa kung bakit sila magkasama noong nasa ospital sila para kay Skyzzer kagaya nga ng sinabi ni Jonathan. Kung anuman iyon, iyon ang dapat malaman ko at ng buong grupo. 



Walang sikretong nabubunyag. At alam kong napipinto na ang pagkakataon na iyon. 



More specifically, I have the feeling that today is that day. 



It's time for the four of you to confirm or not our speculations. 



Tingin niyo ba porket magkakaibigan na ang turingan natin at nagkasama na tayo sa laban ay mawawala na ang mga pagdududa namin sa inyo? 



Wala pa rin kayong takas. 



Just what is the relation of the four of you to the kidnapping and human and drug trafficking accident that happened four years ago? Sino ba talaga kayo? 

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

37.2K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror
13.6K 929 26
"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians beli...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...