Switched

By HopelessPen

52.4K 2.1K 181

(Lost Senoritas Book 1) Noelle Madrid ran away from her controlling mother to get away from an arranged marri... More

SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9

10

4.9K 139 25
By HopelessPen

10


Isla Del Mar



Wala sa sariling naglakad lakad ako sa dalampasigan habang hinihintay ang papalubog na araw. The setting sun somehow reminds me of my impending departure here. Hindi ko alam kung bakit madamot ang mundo at palagi ka nitong sinasaktan. Bakit bibigyan ka ng isang bagay na gustong gusto mong panghawakan para bawiin lamang sa huli? Bakit ka bibigyan ng tapang para lumaban kung alam mong wala kang pagkakataong manalo?

I found life and love in this place and I am scared that I have to let it go now. Sa lugar na ito ay simple lamang akong babae. I don't have to be the heiress of a falling empire, looking desperately for a rich man to save our business.

Hindi ko maintindihan si Mama. Hindi ko makita ang rason niya, kung bakit hindi niya kayang bitawan ang yaman naming. We won't go rat poor if Madrid Aviation falls, I know we won't. My father have foreseen this event happening before, kaya alam kong may trust funds akong nakatabi. That would last us for long. Maari naman akong magtrabaho o kaya ay magtayo ng panibagong business. Surely, our lives won't be the same as before. The luxury, the glitter, and the fame will fade but atleast, its better that selling off your only daughter for wealth.

Umakyat ako sa rock formation para mas makakuha ng magandang view ng araw. Malakas na ang ihip ng hangin at nagbabago na ang kulay ng langit. Mula sa matingkad na kahel ay unti unti na itong nagiging mapusyaw na lila. Itinaas ko ang aking kamay at hinayaang maramdaman ang hangin sa aking braso.

Narinig ko ang mga hakbang sa dagat kaya nilingon ko ito. Nahigit ko ang hininga ng makita ko si Lukas na parang modelong lumalapit sa akin. His massivity was overwhelming, with strong legs and broad shoulders and a smile that could actually make your heart skip a beat.

Ginulo niya ang buhok niya bago mayabang na ngumisi sa akin. Umikot ang aking mata habang siya ay sumandal na sa rock formation. Ipinatong niya ang kanyang braso sa tuktok ng batuhan, sa ibaba lamang ng aking ulo, bago ako binalingan.

"Mag isa ka yata?"


Napanguso ako at natatawa siyang tinitigan.

"May nakikita ka bang kasama ko, Luke?" I joked. Napatingala na lamang siya at umiling. Biglaan niyang inilapit ang mukha sa akin kaya napasiksik ako sa batuhan. He inched his head a little closer before looking at me intently.

Nahigit ko ang aking pag hinga habang pinapanood siyang nakatitig sa akin. His eyes, now that I got a closer look at it, is blacker than black. Akala ko noong una ay kulay abo iyon pero nagkamali ako. The nightsky would rival his eyes when it comes to its darkness. It was haunting yet mysterious and beautiful.

"Wala,"aniya sabay kindat sa akin. Ngumisi siya at ang maliit na dimple sa kanyang kaliwang pisngi ay bahagyang lumitaw. My heart skipped a beat and an involuntary blush rushed through my cheeks. Kinagat ni Lukas ang kanyang labi at yumuko para titigan ang aking pamumula.

"How could you still be beautiful even when you're shy, huh?" napapaos niyang sabi. Kumunot agad ang aking noo at tumikhim.

"Hindi ako shy!"pagpupumilit ko. Humalakhak lamang siya at dumiretsyo ng tayo. Tahimik kaming dalawa habang pinapanood ang papalubog na araw.

Sa malayong kaliwa naming ay kitang kita na ang mga mangingisda na papalapit sa dalampasigan. May sampung bangka rin iyon at ang mga naghihintay nilang asawa ay nasa buhanginan na para mag abang. Nilingon ko agad si Lukas na nakatingin rin sa mga mangingisda.

"Marunong ka rin bang mangisda?"tanong ko. Itinaas ko ang aking mga binti ng maramdaman ang pagtama ng tubig alat roon.

"Oo. Kapag bakasyon at wala akong pasok, nangingisda ako. Sa umaga ay nagtatrabaho ako sa La Perla tapos sa gabi ay doon ako pumapalaot,"sagot niya. Napanguso ako at tinitigan ang kanyang mukha.

So that explains his gorgeous tan.

I cleared my throat to expel those devious idea. Ano ba, Noelle! Pati ba naman iyang balat niya ay mapagdidiskitahan mo pa, huh? Nasaan ang delikadesa mong babae ka?

"Nga pala, may shift ako sa La Perla mamaya hanggang bukas ng madaling araw. Libre ako buong hapon pagkatapos noon. May gusto ka bang puntahan dito sa Cadlao?" he boyishly asked. Nagkamot siya ng batok habang nahihiyang hinihintay ang aking sagot.

"A-ayos lang kung may iba kang gagawin. Baka kasi naiinip ka na na si Lola lang ang kasama kaya nagprisinta ako," aniya habang namumula na. Napanguso ako at kumilos para maibaba ang aking mga binti sa tubig. Hinarap ko siya at napapangiti sa kanyang reaksyon.

"How could you still be handsome even when you're flustered?"balik tanong ko sa kanya. Natigilan siya sa pagkakamot ng batok bago napatitig sa akin. Hindi makapaniwala ang kanyang mukha habang tinitingnan lamang ako. Maya maya ay bigla siyang tumingala at bumuntong hininga.

Inilapat niya ang hintuturo niya sa kanyang labi para pigilan ang pag ngiti kaya mas lalo lamang akong natawa. Umiling na lamang siya at hinila ang aking palapulsuhan para makababa ako sa rock formation.

"Ang kulit lang,"pagsasabi sabi niya. Inalalayan niya ako sa pagbaba hanggang sa pareho na kaming bumagsak sa tubig. Habang naglalakad papunta sa dalampasigan ay napansin ko ang isang maliit na isla sa may di kalayuan.

"Lukas, anong mayroon sa isla na iyon?"tanong ko sabay turo doon sa malungkot at nag iisang isla. Nilingon rin ni Lukas iyon bago ako muling hinawakan para alalayan.

"That's Del Mar. Hindi masyadong pinupuntahan yan ng mga taga Cadlao dahil natatakot sila sa pamahiin. Baka kasi magalit ang diwata na nagbabantay kapag may nanggulo diyan," sagot niya sa akin. Nakarating na kami sa dalampasigan at mabilis niyang kinuha ang aking tsinelas. Yumuko siya sa harapan ko at humawak naman ako sa kanyang braso para masuot ang sapin sa paa.

"Diwata? Naniniwala kayo sa ganoon?"

"Wala naming mawawala kung maniniwala, Noelle. Minsan, ang tanging maiiwan na lang sa ating pagpipilian ay ang maniwala kahit walang basehan."

Tumayo siya at pinagpagan ang palad na nalagyan ng buhangin bago ako muling binalingan. Ako naman ay tumingin muli sa isla na iyon.

"Bakit hindi nga kasi pinupuntahan 'yan?" tanong ko ulit. Namulsa si Lukas at ginulo ang aking buhok.

"Minsan may isang diwata na bumisita dito sa Cadlao. Nahulog raw ang loob niya sa isang mangingisda rito at nagkaroon sila ng relasyon. Ibinigay ng diwata lahat ng gustuhin ng mangingisda, lahat ng hingiin nito, kapalit ay ang pagpapakasal ng mangingisda sa kanya,"pagkekwento niya. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa kanilang bahay. Maingay na rin ang mga mangingisda na ibinabagsak ang kanilang huli.

"Minahal siya ng mangingisda pero ng malaman ng mga ibang diwata iyon, tumutol sila. Noong araw ng kasal nila, ikinulong ang diwata sa Isla Del Mar para hindi niya mapakasalan ang mangingisda."

Napayuko ako sa narinig at parang bumigat ang pakiramdam. Sinulyapan ko muli iyong malungkot at nag iisang isla bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Anong nangyari sa mangingisda?"

Bumuntong hininga si Lukas bago ako tiningnan.

"Naghintay siya. Naghintay siya ng naghintay hanggang sa binawian siya ng buhay mula sa katandaan. Hindi siya nagpakasal sa iba, gaya ng inaasahan ng ibang mga diwata ng El Nido. Nanatili siyang tapat sa diwata niya kahit hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit hindi na siya binalikan sa kasal nila."

Napasinghot ako ng matapos si Lukas sa kwento niya. Noong marinig niya iyon ay agad siyang humarap sa akin. Sinapo niya ang aking mukha at agad akong tinitigan.

"Noelle? May problema ba? Bakit umiiyak ka?"

Nanginig ang labi ko habang si Lukas ay hindi na mapakali akong tinititigan. Habang pinapanood ko siya ay hindi ko mapigilang malungkot. Mabilis na umikot ang aking braso sa kanyang katawan at mahigpit siyang niyakap, natatakot na baka maghiwalay rin kami katulad noong mangingisda at ang kanyang diwata.

"Noelle?"

"Naaawa ako sa diwata at sa mangingisda, Luke,"parang bata kong sabi. Bumuntong hininga lamang siya at hinigpitan ang yakap sa akin. Idiniin ko ang aking mukha sa kanyang dibdib habang mas lalong napapaiyak.

"That was just a folk tale, Noelle. Hindi naman yun totoo," pag aalo niya. Suminghot lamang ako at hindi sumagot. Alam ko namang hindi iyon totoo at kwento lamang pero kahit na. Nasasaktan pa rin ako dahil alam kong may halong katotohanan iyon.

Na minsan, sa lugar na ito, ay may dalawang nagmahalan na ninakawan ng pagkakataon para maging masaya. Dito sa El Nido, naging madamot muli ang mundo at pinag hiwalay niya ang dalawang nagmamahalan na iyon.

I know that it is a story but it is an unfair story. And somehow, even though it is just a product of the mind, I couldn't help but to feel sad because of its end. Walang hustisya ang kwento. Nagpaasa lamang ito na maaring magkasama ang dalawang taong magkaiba para lamang durugin ng katotohanan sa huli. In this world where status and fortune dictates society, a love between two different individuals will never be possible.

Bahagya akong inilayo ni Lukas sa kanya para punasan ang aking luha. He gently smiled at me and my heart felt light again. He smiled a little before drying my tears.

"We won't end like that. If that is the reason why you're crying, I promise you, we won't end like that. No one can ever separate me and you, I swear, Noelle," madamdamin niyang sabi. His voice was thick with passion and my throat tightened. Another batch of tears ran through my cheeks as I stare at him.

My heart tightened with fear as I hold unto him for dear life. Luke please, I don't want to lose you. I can't lose you. I can't lose what I have found here in El Nido. Ikaw ang pinakamagandang regalo sa akin ng mundo at hinding hindi ako papayag na bawiin ka nito sa akin.

"Well, kung sasagutin mo na ako, makikipagpatayan ako bago ka makuha sa akin---"

Mabilis ko siyang sinapak sa braso sa biglaan niyang sinabi. Pilyo siyang ngumiti at hinuli ang aking beywang habang natatawa.

I rolled my eyes at him. Nagdadrama pa ako at kung ano ano habang siya ay nagpapatawa na!

"Ilang lingo ka pa lang nanliligaw..."anas ko, para bang may punto naman talaga ang depensa kong iyon. Alam kong alam niya na pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Hindi ko lamang masabi sa kanya dahil alam kong magiging komplikado na ang lahat kapag pinagbigyan ko ang sarili kong maging karelasyon siya.

I know my mother. Kristina Madrid will not sit around and wait for me. She's going to get me, with her wrath and chains, she's gonna get me. But I won't let her catch me. If I should run away with Luke to the ends of the world, I'll gladly do it. Hinding hindi ko na bibitawan ang nahapap ko rito sa El Nido.

I will fight. Even if I bleed to death, even if I end up just like the fairy in the story, miserable and alone, I will still fight.

Naging masuyo ang tingin ni Lukas sa akin habang pinapanood ang aking mukha. He gently sighed, like a mad man being conflicted with a huge problem. Hinila niya ako palapit sa kanya bago siya bumuntong hininga.

"Mahal kita, Noelle Madrid. Gagawin ko ang lahat para maging magkapantay tayo nang sa gayon ay hindi tayo magkalayo. I will do my best, I will study hard, I will work harder, just so I could provide for you. I'm going to give you everything,"he swore. Nilingon niya ang Isla Del Mar, ang isla ng diwata at mangingisda bago ako muling binalingan.

"I am going to wait for the day when this sweet mputh of yours finally say yes. I just can't wait for you to be mine, baby."

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib bago tumingkayad. Humawak ako sa kanyang braso para mas maabot siya. Tahip tahip ang kalabog ng aking dibdib habang iniisip ang susunod kong gagawin.

I closed my eyes and pulled his neck downwards. The first touch of his lips on mine were as soft as a feather. It was like the wind slowly caressing your skin on a wild summers day. Masarap sa pakiramdam, pero nakakabitin.

He groaned when he felt my mouth against his. Hihiwalay n asana ako sa kanya noong marinig ko ang marahas niyang pag ungol at ang pag huli sa aking beywang. Iniangat niya ako at hinawakan ang aking pisgi. My mouth willingly opened for him and welcomed his kisses.

We kissed for god knows how long. Binitiwan na lamang niya ako noong pareho na kaming naghahabol ng hangin. His thumb grazed my lower lip as he stared at me with utter disbelief.

"Is that a yes, baby?" hinihingal pa niyang tanong. Kinagat ko ang aking labi at mabilis na tumango. Napanganga siya bago biglang ngumiti ng malawak.

"You're my girl now?"he confirmed. I just rolled my eyes at him and locked my arms on his neck.

Muli akong tumingkayad at binigyan siya ng isa pang mabilis na halik. Noong humiwalay ako sa kanya ay bahagya niya pa akong hinabol.

"I am yours, Luke."

Muli niya akong hinalikan sa narinig. Sa likuran naming ay naroon pa rin ang anino ng Isla Del Mar, tahimik na pinapanood kaming dalawa ni Lukas.

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
39.9M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

95.1K 2.6K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...