Posh Girls Series Book 2: Aki...

By iamsapphiremorales

36.2K 815 35

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 6

2.6K 53 1
By iamsapphiremorales

INAYOS ni Raizen ang suot na long sleeves bago bumaba ng kotse. Napahinga siya ng malalim habang tinitingnan ang mataas na gusali ng Prince Tower. Kanina sinabi niya kay Ramil na hindi na niya pupuntahan si Akira pero heto siya ngayon at susunduin ang babae. He really meant what he said earlier, pero hindi rin niya maintindihan ang sarili. Tila ba may kung ano’ng enerhiya ang humihila sa kanya patungo rito para makita si Akira. Buong araw siyang hindi napalagay sa kakaisip rito, actually ay mula pa nga noong maghiwalay sila pagkatapos ng concert. Hindi mawala-wala sa isip niya si Akira at ang mukha nito nang umiwas ito sa tangka niyang paghalik.

Tiningnan niya ang suot na relos, malapit nang mag-alas singko ng hapon. Humakbang na siya papasok ng gusali.

“Hi, good afternoon,” bati niya sa unang empleyado na nakita pagpasok niya sa opisina ng MDC.

“Good afternoon. How may I help you, Sir?” tanong naman ng babae.

“Is Miss Akira Morales still here?” ganting tanong niya.

“Yes, Sir. Do you have an appointment with her?”

“No, susunduin ko sana siya,” nakangiti niyang sabi.

Napatango ang babae. “I see. Iyon pong last door sa kaliwa ang office niya.”

“Thank you,” aniya at iniwan na niya ito. Mabilis siyang nagtungo sa itinurong opisina ni Akira. Mahina siyang kumatok.

“Come in!” narinig niyang sabi ni Akira mula sa loob.

Binuksan niya ang pinto at pumasok doon. Naabutan niya ang babae na nakatayo at inaayos ang mga gamit nito. Napatda ang dalaga nang mag-angat ito ng tingin at makita siya.

“Hi,” nakangiti niyang bati rito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila gumaan ang pakiramdam niya nang makita ang mukha ni Akira.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong ni Akira. Kahit na may mga gatla ang noo ay hindi nabawasan ang kagandahan nito.
“Naalala ko kasi na coding ang sasakyan mo today so I decided na sunduin ka at ihatid sa inyo. But if you want puwede muna tayong mag-dinner bago kita ihatid,” aniya na hindi maalis ang tingin sa mukha ng dalaga.

Napatanga ito sa kanya. “Natandaan mo ang plate number ko?”

Napangiti siya. “Yeah, I’m good in memorization.”

Nawala ang pagkakakunot ng noo ng babae at nagbawi na ito ng tingin. “Hindi ka na sana nag-abala. May company car naman na puwede kong gamitin,” anito habang ipinagpatuloy ang pagsinop ng mga folder at saka iyon binuhat pati na ang bag nito.

“I also like to have a word with you kaya pinuntahan kita,” aniya sa mas seryosong tinig.

Tiningnan siya nito.

“Hindi ka sumasagot sa tawag at text ko. Galit ka ba dahil sa ginawa ko—”

“Hindi,” mabilis na sabi ng babae bago pa niya matapos ang sasabihin. “I’m sorry. I’ve been busy kaya hindi ko nasasagot ang mga tawag mo.”

Tinitigan niya ang mga mata nito pero hindi siya nagsalita. Pasimple naman itong nagbawi ng tingin.

“Let’s go, ihahatid mo ako, 'di ba?” anito na halatang pinakakaswal lamang ang tinig.

Pigil niya ang mapahinga ng malalim. “Ako na ang magdadala niyang mga folders mo.”

Walang kibo na iniabot nito iyon sa kanya at magkasama silang lumabas ng opisina. Pareho silang tahimik hanggang sa marating nila ang kotse niya, inalalayan niya ang babae sa pagsakay. Bago siya umikot patungo sa driver’s seat ay inilagay niya sa backseat ang mga gamit ni Akira.

“Okay lang ba kung mag-dinner muna tayo?” tanong niya sa dalaga nang makasakay na siya ng kotse. Ini-start na niya ang sasakyan.

“Sure,” anito na nakangiti pang tumango.

“How about movie?” aniya na lumapad ang ngiti. Nakakahawa talaga ang magandang ngiti ng babaeng ito.

“Kanina ihahatid mo lang ako, then nagyaya ka ng dinner. And now movie, baka naman mamaya after ng dinner at movie magyaya ka namang magpunta sa bar? Monday ngayon,” ani ng babae.

“Kung gusto mo puwede rin,” pabiro niyang sabi.

Sabay silang napatawa ng dalaga.

*****

NARINIG ni Akira ang pagbuntong-hininga ni Moira mula sa kabilang linya nang sabihin niyang kasama niya si Raizen. “Akala ko ba iiwasan mo muna siya hanggat hindi ka nakakasiguro sa feelings mo?” sabi nito maya-maya.

“Ginawa ko naman, eh. Ang kaso sinundo niya ako sa office kanina kaya paano ko pa naman siya tatanggihan?” sabi niya na sinulyapan si Raizen. Nakapila ito at bumibili ng ticket para sa napili nilang panoorin na pelikula.

“Tigilan mo nga ako! Ang daling sabihin na marami kang gagawin kaya hindi ka puwedeng sumama. Ang sabihin mo, gusto mo rin naman,” pakli ni Moira.

Hindi siya nakasagot. Tama kasi ang sinabi ng kaibigan niya, talagang gusto rin niyang makasama si Raizen. Dalawang araw din niyang tiniis na hindi sagutin ang tawag at text ng binata pero nang makita niya ito kanina ay kakaibang sigla ang naramdaman niya. Kulang na lang ay mag-triple ang bilis ng tibok ng dibdib niya sa tuwa.

“So ano’ng naramdaman mo when you saw him?” tanong ni Moira.

Hindi kaagad siya nakasagot. Siyempre na-excite siya kanina, feeling niya ay nakaabot hanggang sa Batanes ang haba ng buhok niya nang sabihin ng binata na naalala nitong coding ang sasakyan niya kaya naisip nitong sunduin siya. Sino bang lalaki ang makakatanda ng ganoon kaliit na bagay kung hindi siya interesado sa babae?

“I missed him,” pagkuway ay sabi niya.

“Mukha ngang in love ka na,” ani Moira na tila nakakaloko ang tinig.

Napasimangot siya. “Nakakainis ka!”

“Bakit? Natutuwa nga ako sa nangyayari, eh. Naloloka na kaya kami sa ginagawa mong pagpapalit-palit ng lalaki. Siguro naman if ever na maging kayo niyan ay titino ka na,” mabilis na sabi ni Moira.

Hindi siya sumagot.

“Pero Akira, don’t fall to hard okay? Hindi natin alam kung ano talaga ang intention ng lalaking iyan sa 'yo,” ani pa ni Moira.

Napakunot-noo siya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Nakalimutan mo na bang may proposal iyan sa company ninyo? Paano kung kaya lang siya nakikipaglapit sa 'yo ay dahil doon? Huwag mong sabihing hindi mo naiisip iyon,” tugon nito.

Natigilan naman siya. Muli niyang sinulyapan si Raizen na nasa pila pa rin, nakita niya ang pag-ngiti ng lalaki sa kanya. “Hindi naman siguro,” maya-maya ay sabi niya. “Kahit naman ilang linggo pa lang kami nagkakasama, I can tell that he’s a nice guy. Hindi nga siya nagbubukas ng usapan tungkol sa bagay na iyon, eh. Kung anuman ang ipinapakita niya sa akin, I think it’s genuine.”

“Paalala lang naman 'yong sinabi ko, eh,” ani naman ni Moira. “Anyway, sige na, ibababa ko na ito. Pupuntahan ko na ang pasyente ko.”

Nang wala na sa kabilang linya ang kaibigan ay inilagay na niya ang cell phone sa kanyang bag at nilapitan na si Raizen.

****

“GOODNIGHT,” nakangiting sabi ni Raizen kay Akira nang ihinto niya ang kotse sa tapat ng mansiyon ng mga Morales.

“Thanks,” nakangiti nitong sabi.

“May kapalit 'yon,” aniya agad.

Nakita niya ang pagkawala ng ngiti ng babae dahil sa sinabi niya. Nagtataka itong tumingin sa kanya.

“I’ll take you out again for dinner tomorrow, you can’t say no kasi 'yon ang gusto kong kapalit sa pag-treat ko sa 'yo tonight,” aniya na lalo pang pinalapad ang ngiti.

Natawa ang babae. “Fine, I’ll see you tomorrow,” anito at bumaba na ng sasakyan. Kumaway pa ito sa kanya bago pumasok ng gate.

Tinanaw niya ang babae hanggang sa makapasok ito sa mansiyon at saka siya umalis. Hindi naman gaanong malayo ang bahay nila mula sa tahanan ng mga Morales kaya wala pang  kalahating oras ay nakarating na rin siya sa kanila. Binuksan niya ang pinto sa backseat ng kotse upang kunin doon ang laptop niya. Napakunot ang noo niya nang makita ang ilang folders na naroon at ang isang kulay pula na parang organizer. Agad niyang kinuha sa bulsa nang pantalon niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Akira.

“Hello,” sabi ni Akira nang sumagot ito.

“Hi, I’ve just got home and nang kukunin ko na ang laptop ko sa backseat I saw your things inside. Nakalimutan mong kunin.”

“Oh my, sabi ko na nga ba may nakalimutan ako!” ani ng dalaga.

“Gusto mo bang ihatid ko ito diyan ngayon?”

“No, maaabala ka pa, eh. Anyway, hindi naman masyadong mahalaga ang mga files na iyan, dinala ko lang yan para i-review sana. Magkikita naman tayo bukas 'di ba? Kaya bukas ko na lang iyan kukunin,” ani Akira.

“Okay, ikaw ang bahala. Sige, magpahinga ka na. Goodnight,” aniya bago pindutin ang end-call button.

Pumasok na siya sa loob ng bahay nila bitbit ang laptop at gamit ni Akira. Sinabi ng kaambahay na sumalubong sa kanya na nasa silid na ng mga ito ang mga magulang niya at nagpapahinga na. Agad na rin siyang nagtungo sa kanyang silid.

Pagkatapos magbihis ay nahiga na siya, gusto sana niyang magpahinga ng maaga pero hindi siya dalawin ng antok. Maya-maya ay bumangon siya at tinungo ang study table na nasa loob ng kanyang silid. Dadamputin na sana niya ang kanyang laptop nang mabaling ang tingin niya sa mga gamit ni Akira. Kinuha niya ang mga iyon at dinala sa kama. Binuklat niya ang laman ng tatlong folders, mga lumang files iyon ng mga proyekto ng MDC. Hindi na niya iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. Dinampot niya ang parang organizer na kulay pula.

Napakunot-noo siya nang mabasa ang nakasulat sa unang pahina, “If you’re not Akira, don’t read me!”. Hindi niya mapigilan ang mapangiti, may pagka-childish talaga si Akira. Napukaw ang interes niya na alamin ang nilalaman niyon. Sinimulan niya itong basahin at habang tumatagal ay lalong lumalalim ang gatla sa kanyang noo. Hindi niya mapaniwalaan ang kanyang nababasa.

*****

NAGTATAKANG tiningnan ni Akira si Raizen pagkatapos nitong ibigay ang order sa waiter na siyang umasikaso sa kanila. Sa isang Italian restaurant siya dinala ng binata. Kanina pa tahimik ang binata na tila malalim ang iniisip. Napansin rin niyang iniiwas nito ang tingin sa kanya. Nakangiti nga siyang sinundo ng binata pero may pakiramdam siya na pilit lamang ang ngiti na iyon.

“May problema ba?” hindi na nakatiis na tanong niya sa noon ay nakatungong binata.

Nang mag-angat ito ng tingin ay lalong napakunot-noo siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang mga mata ng lalaki, parang ang dami nitong gustong sabihin o itanong.
Iniiwas nito ang tingin sa kanya.

“Wala naman.”

“Kanina ka pa kasi tahimik, parang may iba sa 'yo,” pakaswal niyang sabi na sinamahan pa ng kibit-balikat.

Pilit na ngumiti ang lalaki. “Pasensiya na, may iniisip lang ako?”

“Problem? Saan? Sa trabaho?” she pressed on. Gusto talaga niyang malaman kung ano ang ipinagkaka-ganoon ng binata. Para kasing matamlay ito na hindi niya maipaliwanag.

Hindi sumagot ang lalaki sa halip ay tiningnan siya nito. Titig na titig ang binata sa mukha niya.

“Wala, hindi naman masyadong mahalaga,” anito maya-maya at nagbaba na ulit ng tingin.

Magsasalita pa sana siya nang siya nang lumapit ang waiter bitbit ang kanilang mga in-order. Walang imik na nakatingin lang siya kay Raizen habang isinisilbi sa kanila ng waiter ang kanilang pagkain.

“Ano nga pala 'yong text mo kanina? 'Yong sa outreach program,” ani Raizen pagkaalis ng waiter.

Hindi agad siya sumagot. May pakiramdam siyang inililihis lamang ng lalaki ang usapan. “Naghahanap kasi sila Moira ng iba pang volunteer para sa outreach program at medical mission sa Bulacan. Baka lang gusto mong sumama, nakapag-promise kasi ako na sasama ako at mag-i-invite pa ng ibang gustong mag-volunteer,” sabi niya pagkuway at sinimulan na rin ang pagkain.

“This Saturday 'yon, 'di ba?” tanong ulit ng binata.

Tumango siya.

“I’ll let you know kung makakasama ako,” walang kaemo-emosyong sabi ni Raizen.

Hindi niya napigilan na mapakunot-noo. Ano ba’ng nangyayari rito? Napakalamig ng tinig ng binata. Kahapon ay okay naman ito, napaka-sweet pa nga ng ginawa nitong pagsundo sa kanya sa opisina pero ngayon naman ay nararamdaman niya ang panlalamig nito. Talo pa nito ang babaeng may mood swing.

“Okay,” nasabi na lang niya.

“Pero puwede naman akong magbigay ng anything na makakatulong sa mga beneficiary ng outreach program, 'di ba?” sabi ni Raizen.

“Oo,” tipid niyang sagot na muling sinulyapan ito.

Hindi na nagsalitang muli ang binata. Kung hindi lang sila kumakain ay malamang napanis na ang kanyang laway. Hinintay niya itong magsimula ng usapan pero hanggang sa matapos silang kumain ay hindi nagsasalita ang lalaki.

****

NAKAGAT ni Akira ang pang-ibabang labi nang marinig ang operator na nagsasabi na out of coverage area si Raizen. Mula nang mag-dinner sila noong Tuesday ay hindi na nagparamdam ang lalaki. Ito naman ang hindi niya ma-contact. Hindi sumasagot sa mga text niya ang binata at kapag tinatawagan naman niya ito ay laging cannot be reach.

Napapakamot sa ulo na ibinitang niya sa bedside table ang cell phone at saka naupo sa kama. Tiningnan niya ang suot na relos, mag-aalas tres pa lang ng hapon. Maaga siyang umuwi buhat sa opisina dahil pupunta sila ng mga kaibigan sa headquarters ng Lingkod sa Kapwa Foundation para tumulong sa paghahanda ng mga pagkain at gamit na ipamimigay nila bukas sa outreach program. Ang usapan ay dadaanan siya doon nina Perrie at Scarlet.

Naisip niyang magsulat na lamang sa kanyang journal habang hinihintay ang dalawa, magdadalawang linggo na rin siyang hindi nakakapagsulat doon. Mula pagkabata ay nakasanayan na niyang isulat ang mga bagay na naiisip at nai-experience niya. Kinuha niya ang bag na nasa ibabaw ng lamesa at binuksan iyon, napakunot ang noo niya nang makitang wala doon ang journal niya. Tumayo siya at binuksan ang cabinet na kinaroroonan ng iba pa niyang mga bag. Inisa-isa niya ang mga iyon pero bigo siyang makita ang hinahanap.

“Saan ko ba nailagay iyon?!” malakas niyang sabi na kinakagat pa ang kuko habang inaalala kung saan niya iyon nailagay.

Hinanap niya iyon sa buong kuwarto pero hindi talaga niya makita. Kinuha niya ang susi ng kotse niya at nagmamadaling bumaba patungo sa garahe. Dama niya ang pagbilis ng tahip ng dibdib niya, nakadama siya ng panic nang mahalughog na niya ang buong kotse pero hindi pa rin niya ito nakikita.

“Jenny!” malakas niyang sigaw. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa loob ng mansiyon. “Jenny!”

Ilang sandali pa ay humahangos na lumapit sa kanya ang kanilang kasambahay. “Ma’am, bakit ho?”

“Hindi ba’t ikaw ang laging naglilinis ng kuwarto ko? May nawawala kasi akong gamit. May nakita ka bang kulay red na parang organizer doon?” tanong niya.

Nangunot ang noo ni Jenny. “Wala po?”

“Eh, saan napunta 'yon? Wala bang ibang naglinis ng room ko maliban sa 'yo?” usisa niya. Mahihimigan ng pagkabahala ang kanyang tinig. Sino ba’ng hindi mababahala? Walang ibang puwedeng makakita o makabasa ng nilalaman ng journal na iyon.

“Ako lang ho ang naglilinis doon pero wala ho talaga akong nakitang kulay pula na organizer doon,” tugon ng babae.

Naiinis na napakamot siya sa ulo. “Saan naman 'yon mapupunta?!” malakas niyang sabi.

“Ano’ng problema mo at sumisigaw ka?” ani ng isang tinig buhat sa kanyang likuran. Sabay silang napatingin ni Jenny sa nagsalita. Nakita niya sina Perrie at Scarlet na kakarating pa lang.

“May hinahanap lang ako,” aniya at muling binalingan si Jenny. “Puwede bang pakihanap mo ulit sa kuwarto ko, and if makita mo huwag mong bubuksan ha,” mahigpit pa niyang bilin sa babae.

Agad namang napatango ito at iniwan na sila.

“Ano ba’ng hinahanap mo?” tanong ni Perrie.

“'Yong journal ko. Hindi ko mahanap, eh. Hindi yon puwedeng mawala,” gusot ang mukha na tugon niya. “Wala kasi doon sa kuwarto at kotse ko.”

Napailing si Scarlet. “Minsan kasi pabaya ka sa mga gamit mo. Baka naman na-misplace mo lang sa kung saan. Or baka sa office mo naiwan.”

Nakagat niya ang labi habang pinipilit isipin kung saan nga ba niya iyon huling nailagay. Hindi na talaga niya matandaan.

“Ano na? Umalis na tayo, naghihintay na sa atin si Moira,” sabi naman ni Perrie.

“Sandali lang magbibihis lang ako.” Tinalikuran na niya ang dalawa at nagmamadaling tinungo ang kanyang silid.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 1.8K 20
Sa edad na treinta ay hindi pa nararanasan ni Lalah na magka-boyfriend. Dinig na dinig na niya ang pagtunog ng biological clock niya. Palagi kasing p...
62K 1.3K 11
After the heartache and pain she went through a year ago, all that Danielle wants is to start a new life. Pero mukhang magugulo na naman ang bagong b...
169K 3.4K 20
Galit sa paasa si Carol. Lalo naman sa paasa na nga, tumatalikod pa sa responsibilidad. Kaya lagot lang talaga sa kanya si Luis
38.5K 1K 19
Paano nga ba ang bumitaw kahit mahal mo pa?