Posh Girls Series Book 2: Aki...

By iamsapphiremorales

36.2K 815 35

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 5

2.7K 68 1
By iamsapphiremorales

“HI!” MASIGLANG bati ni Akira kay Moira. Hinagkan niya ito sa pisngi.
Bakas sa mukha ni Moira ang pagka-sorpresa sa bigla niyang pagsulpot sa ospital na pinagta-trabahuhan nito. Naabutan niya ito sa nurse station ng ward kung saan ito naka-assign.

“Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Ano pa, eh, 'di naghahanap ng makakasamang gumimik,” nakangiti niyang sagot at naupo sa tabi nito.

“Sira ka ba? Alam mong duty ako ngayon, eh,” ani Moira na muling ibinaling ang pansin sa hawak nitong chart.

“Ngayon lang naman,” nakalabing sabi niya. “Maghanap ka na lang ng magko-cover sa 'yo.”

Umiling si Moira. “Hindi puwede,” anito at nagsimula nang magsulat ng panibagong order sa chart.

Hindi siya nagsalita. Parang bata na tinitigan niya ang kaibigan habang nakapangalumbaba, balak niya itong konsensiyahin. Alam niyang eepekto ito sa kaibigan, si Moira yata ang may pinakamalaking puso sa kanilang magkakaibigan. Kahit gaano ito kasumpungin ay mabait rin naman ito.

Marahas na napabuga ng hangin si Moira kasabay ang pagsara nito ng chart. “Hindi ka ba makaintindi? Nasa trabaho ako, at alam mo namang buhay ng tao ang hawak ko!”

Nanghahaba ang nguso na umayos siya ng upo. “Fine!”

Napakamot sa batok si Moira. “Okay, sasamahan kitang mag-dinner pero dinner lang. Hindi ako puwedeng matagal na mawala dito.”

Nagliwanag ang mukha niya. “Sige okay na 'yon.”

Naiiling na tumayo si Moira. Hinubad nito ang suot na puting blazer at saka binalingan ang dalawang nurse na naroon. Binilinan ni Moira ang mga ito na lalabas muna siya at babalik rin after an hour, tawagan na lamang daw ito kapag may emergency. Ngiting-ngiti na sumunod siya sa kaibigan palabas ng nurse station.

Lumabas sila ng gusali at naglakad patungo sa parking lot kung saan naroon ang kotse niya. Kakakabit pa lamang niya ng seatbelt nang mag-ring ang cell phone niya. Nang makita niyang si Raizen ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot.

“Hello,” aniya sa malambing na tinig.

“May ginagawa ka ba ngayon?” tanong ni Raizen mula sa kabilang linya.

“Wala naman. Why? Are you going to ask me out?” walang pasubali niyang tanong. Nakagat niya ang labi nang makita ang facial expression ni Moira, nanlalaki ang mga mata nito na para bang sinasabi na ‘umaatake na naman ang kalandian mo!’.

“May tickets kasi ako para sa concert ng Parokya ni Edgar, binigay ng kaibigan kong nag-organized n’ong concert. Do you want to come with me?” ani ng lalaki.

Muntik na siyang mapangiwi, hindi niya feel ang ganoong genre ng music. Pero kung ang ibig sabihin naman ng ilang oras na pagtitiyaga niya sa pakikinig niyon ay makakasama niya si Raizen, bakit nga ba hindi? “Sure, saan ba 'yong concert?... Okay, doon na lang tayo magkita. Bye!”

“Who’s that?” tanong ni Moira pagkatapos niyang makipag-usap sa cell phone.

“Si Raizen, he’s inviting me sa concert ng Parokya,” tugon niya habang isinisilid ang cell phone sa bag niya.

“Hindi mo naman gusto ang band na iyon, 'di ba?” sabi ni Moira.

“Who says na sila ang dahilan kung bakit sasama ako kay Raizen?” aniya na pagkapilya-pilya ng pagkakangiti.

“Hibang ka talaga pagdating sa lalaki!” naiiling na sabi nito.

“Oo na, ako na ang malandi. Now, get out of the car,” aniya na inistart na ang kotse.

“Ano?!” nagulat na sabi nito.

“Sabi ko bumaba ka na.”

Lalong tumaas ang kilay ni Moira. “Akala ko ba magdi-dinner tayo?”

“Manonood nga kami ng concert ni Raizen, 'di ba? Bumaba ka na,” parang balewalang utos niya sa kaibigan.

“Are you serious?! Pinilit-pilit mo ako kanina na samahan ka and then now tumawag lang ang lalaking iyon, you’re gonna kick me out of your car?!” mahihimigan ng inis na sabi ni Moira.

“Eh, tutal sabi mo naman hindi mo talaga puwedeng iwan ang mga patient mo, 'di ba? Ayan na, 'di na kita aabalahin,” aniya at ngumiti pa.

Bakas sa mukha ni Moira ang tinitimping panggigigil. “Masasabunutan na talaga kita!” inis na sabi nito habang tinatanggal ang seatbelt.

“Sorry, I’ll make it up to you some other time,” aniya na hinawakan ang magkabilang pisngi ng kaibigan para sana halikan ang pisngi nito pero umiwas ang babae at pinalis nito ang kanyang mga kamay.

“Don’t touch me!” asik nito sa kanya. “Pagdating talaga sa lalaki ganyan ka, kayang-kaya mo kaming ipagpalit!”

“Sobra ka!” nakalabi niyang sabi. “Ngayon lang naman, eh.”

“Ewan sa 'yo!” binuksan na ni Moira ang pinto ng kotse.

“Huwag ka ng magalit, babawi na lang ako. Hindi ba’t may outreach program kayo next week? Sasama ako promise!” pahabol pa niyang sabi nang bumaba si Moira ng kotse.

“Don’t bother!” ani ng babae bago nito padabog na isinara ang pinto ng kotse niya at saka nag-martsa pabalik sa ospital.

Nangingiting ini-start na niya ang kotse. Alam niyang nainis talaga si Moira pero kilala rin naman niya ang kaibigan. Konting lambing lang niya rito ay lalamig na rin ang ulo ng babae.

****

“NAG-ENJOY ka ba?” tanong ni Raizen kay Akira nang bumalik ito sa kanilang lamesa bitbit ang isang tray na may lamang dalawang iced coffee at cake. Halos mag-aala-una na nang madaling araw nang matapos ang concert na pinanood nila. Pagkagaling doon ay nagyaya pa si Raizen sa isang coffee shop.

“Oo naman,” aniya na pilit ang ngiti. Paano ba naman siya mag-i-enjoy? Una, hindi talaga nga niya hilig ang ganoong musika. Pangalawa, nanakit ang tainga niya dahil halos nasa makaharapan sila ng stage, at bukod sa lakas ng sound system ay nakakatulele rin ang sigawan ng mga tao. Pangatlo ay ilang beses siyang naapakan at nasiko ng mga tao kanina nang palabas sila sa venue ng concert.

Ngumiti ang binata. “Kapag may mga ganitong concert madalas akong binibigyan ng kaibigan ko ng ticket.”

“So mahilig ka sa mga local bands?” tanong niya.

Tumango ito bago nagsubo ng cake.

Ako hindi, naisaloob niya. Kaya sana ito na ang una’t-huling isasama mo ako sa ganito.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Pinakikiramdaman lang niya ang binata habang kumakain sila. Kahit hindi niya ito tinitingnan ay nararamdaman niyang nakapako ang mga mata nito sa kanya.

Nang mag-angat siya nang tingin ay nagtama ang kanilang mga mata. He didn’t take his gaze away from hers. Siya din ang unang nagbawi ng tingin. Ito ang kauna-unahang beses na siya ang nagbabawi ng tingin sa isang lalaki. Usually ay nakikipagtitigan siya sa lalaking gusto niya, iyon ang paraan niya para i-seduce ang natitipuhan niya. Sabi nga ng marami ay ang mga mata niya ang pinaka-asset niya, she has a pair of very expressive and sexy eyes. Pero kapag nagkakatitigan sila ni Raizen ay hindi niya iyon kayang tagalan. Tila kasi tumatagos sa kaluluwa niya ang tingin ng binata.

“How was your day, anyway?” naisip na lamang niyang itanong. Damn it! Bakit ba kapag kasama kita ganito ang pakiramdam ko? inis na naisa-isip niya. Kapag kasama niya ang lalaki ay madalas siyang walang maisip sabihin. Parang naba-blangko siya at ang tanging gusto niyang gawin ay tingnan ang mukha nito. Fine, guwapo nga ito… pero ganoon rin naman ang iba niyang nakaka-date noon.

“Okay lang, busy as usual,” tugon ng lalaki. “Nasa China kasi ngayon sina Papa, so as the vice president, ako ang in-charge ngayon sa kompanya.”

Bahagyang nangunot ang noo niya. “Vice president? Ikaw ang VP ng Hovert?” hindi makapaniwalang tanong niya. Para kasing napakabata ng binata para sa posisyong iyon.

Tumango ito.

“How old are you, anyway?” tanong pa niya.

“Twenty-eight.”
Lalong nalaglag ang panga niya. “But you’re too young?!”

“I was fifteen when my father started to train me sa pagbi-business,” sabi ni Raizen. “Sa isang maliit na hardware and construction supplies nagsimula ang negosyo namin. Then, sinubukan nila Papa na pasukin ang construction business, maliliit na project lang ang nakukuha namin noon hanggang sa unti-unti nakabili kami ng mga malalaking construction equipment hanggang sa mabuo ang Hovert.”

Hindi siya umimik. Kinse anyos pa lamang ang lalaki ay sinasanay na ito sa negosyo samantalang siya ay puro lakwatsa ang inaatupag noong siya ang nasa edad na ganoon. Hindi niya maiwasan na humanga sa lalaki. Siguro talaga ay napaka-dedicated nito sa trabaho.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang may gustong sabihin.

“I think we should go home now, it’s getting late,” aniya na iniiwas ang tingin rito. Dinampot niya ang sling bag niya at tumayo na.

Tahimik na sumunod sa kanya ang lalaki. Tinungo na nila ang kinaroroonan ng kanilang mga sasakyan. Huminto siya sa tabi ng pinto ng kotse niya.

“So… goodnight,” nakangiting sabi niya.

Hindi nagsalita ang binata. Humakbang ito palapit habang titig na titig sa kanya. Naramdaman niya ang pagtatayuan ng kanyang mga balahibo. Iyon ang epekto ng tila may magnet na mga mata ng binata. Napakalapit nilang dalawa sa isa’t-isa. Dama niya ang bayolenteng kabog ng dibdib niya nang unti-unting ilapit ni Raizen ang mukha nito sa kanya.

“S-sige,” aniya na iniiwas ang mukha. Hindi na niya ito hinintay na makapag-react, mabilis siyang sumakay ng kotse at pinaandar iyon. Nang sulyapan niya ang side mirror ay nakita niyang nakatayo pa rin ang lalaki at nakasunod ang tingin sa papalayo niyang sasakyan.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Naiinis siya sa sarili. Hindi ba’t ganoon naman talaga ang laro niya? Isi-seduce niya ang lalaki at papaikutin ang mga ito sa kanyang palad pero bakit ngayon para siyang asong bahag ang buntot na tumatakas mula kay Raizen?

Naalala niya ang ilang pagkakataon na nakasama niya ang binata at pati na rin ang mga tawag at text nito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Naging mabait ang binata sa kanya, hindi ito katulad ng ibang lalaki na kapag nilalapitan niya ay agad na sinasamantala ang pagkakataon. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit siya kusang umiwas kanina. Nararamdaman niyang totoo ang kabutihang ipinapakita sa kanya ng lalaki at hindi naman yata tamang isama niya ito sa listahan ng mga binibiktima at pinaglalaruan niya. At ang nararamdaman niya, hindi iyon normal…

Kinuha niya sa bulsa ng pantalon niya ang cell phone at tinawagan si Moira. “Papunta ako ngayon diyan sa ospital,” agad na sabi niya nang sumagot ito.

“Bakit? Bibuwisitin mo na naman ako? Yayayain mo ako tapos iiwan mo para sa lalaki?” ani Moira na mukhang hindi pa rin nawawala ang inis dahil sa nangyari kanina.

“Please, I really need someone to talk to,” pakiusap niya.

“Bakit? Ano’ng kadramahan ba iyan?” bagot na sabi ni Moira.

Napahinga siya ng malalim bago siya sumagot. “I think I've fallen in love.”

Ilang segundong natahimik ang kabilang linya. “Are you serious?” maya-maya ay tanong ni Moira na ngayon ay mahihimigan na ang tinig ng interes.

“I don’t know, naguguluhan ako,” aniya at nakagat pa ang labi.

“Okay, sige. Andito ako sa ward, I’ll wait for you,” sabi pa ni Moira bago ito nawala sa kabilang linya.

*****

KUNOT-NOONG ibinitang ni Raizen sa lamesa niya ang cell phone. Nakailang tawag na siya kay Akira mula pa kahapon pero hindi ito sumasagot. Dalawang araw na siyang hindi kinakausap ng dalaga buhat noong manggaling sila sa concert.

Muli niyang dinampot ang cell phone upang i-text ang dalaga nang siya namang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina. Pumasok doon si Ramil na may dala-dalang ilang rolyo ng papel at isang folder.

“Papunta na ako sa site,” ani ng lalaki. “Idinaan ko lang itong report na hinihingi mo sa akin.” Lumapit ito at ibinitang sa lamesa niya ang folder.

Walang imik na kinuha niya iyon at tiningnan. Maya-maya ay nag-angat din siya ng tingin nang mapansin na hindi pa umaalis sa harapan niya ang kaibigan.

“Bakit lunes na lunes ang asim ng mukha mo?” nakakunot ang noo na tanong sa kanya ni Ramil.

“Wala,” tipid niyang sagot.

“May problema ba?” tanong pa nito.

“Wala naman. Pati ba 'yong report ng safety officer natin andito na? Mamaya na ang dating nila Papa kaya kailangan kompleto na ang report ng lahat ng sites natin,” aniya na inalis na ang tingin sa kaibigan.

“Nariyan na lahat, sinigurado kong kumpleto na iyan. Alam ko naman ang ugali ni Tito Henry, gusto niya walang kulang kapag nagri-report sa kanya,” anito at umupo sa harap niya.
Muli niya itong tiningnan, nakakunot ang kanyang noo. “Akala ko papunta ka na sa site?”

“Hindi mo pa sinasabi kung bakit ganyan ang mukha mo, eh,” anito na napasandal pa sa likod ng kinauupuan nito.

“Wala naman—” naputol ang pagsasalita niya nang tumunog ang cell phone niya. Mabilis niya iyong dinampot sa pag-aakalang si Akira ang nag-text. Nadismaya siya nang makita na buhat sa isa sa mga engineer nila ang mensahe. Napapabuntong-hininga na ibinitang niyang muli sa lamesa ang cell phone.

“Mukhang may hinihintay ka, ah,” komento ni Ramil. “Sino ba’ng inaabangan mong komontak sa 'yo?”

Mahina siyang napailing, kung may mga lalaking tsismoso ay natitiyak niyang si Ramil ang nangunguna sa mga iyon. Hindi pumapayag ang kaibigan niyang ito na mahuli sa balita at wala ka halos maitatago rito dahil hindi ka nito tatantanan sa pangangantiyaw at pangungulit hanggat hindi ka nagsasalita.

“Si Akira,” nasabi na lamang niya.

Nakita niya ang pagsasalubong ng kilay ni Ramil at napaayos pa ito ng upo. “Bakit, ano’ng nangyari?”

“She’s not answering my call since Saturday, hindi rin siya nagri-reply sa text ko. Mukhang nagalit siya sa ginawa ko,” tugon niya.

“Ano ba’ng ginawa mo?”

Napahinga siya ng malalim. “I tried to kiss her,” mahina niyang sagot.

Hindi umimik si Ramil, batid niyang hindi nito inaasahan ang isinagot niya. Kahit naman siya ay hindi inaasahang gagawin niya iyon. Hindi rin niya malaman kung ano ang pumasok sa isip niya at tinangka niyang halikan si Akira.

“And then what did she do?” maya-maya ay tanong ni Ramil.

“Umiwas siya at saka nagmamadaling umalis. After that I haven’t heard from her,” aniya at napakibit-balikat pa.

“Pero ang sabi ni Leyh…” ani Ramil na napahinto sa pagsasalita at tinitigan siya. Ilang segundo rin itong natahimik bago muling ibinuka ang bibig. “Baka nagkamali tayo at hindi ka naman talaga niya gusto,” maya-maya ay sabi nito.

Hindi siya nagsalita. Kung hindi siya gusto ni Akira, bakit kinukulit siya noon ng babae? Bakit nakipaglapit din ito sa kanya?

“Baka naman pakikipagkaibigan lang ang gusto niya sa 'yo,” sabi ni Ramil na tila ba sagot sa tanong na nasa isip niya. “Or baka that’s her way para makilala niya ang pagkatao ng makaka-trabaho nila.”

Parang imposible naman yata ang huling sinabi ng kaibigan niya. Mukha namang walang interes si Akira sa trabaho at ni hindi nga ito nangbabanggit ng tungkol sa MDC at sa proposal nila.

“Bakit mo ba kasi ginawa iyon?” napakamot sa ulo na sabi ni Ramil. “Sinabihan na kitang hindi ka puwedeng ma-in love sa babaeng iyon 'di ba?”

Hindi siya nakaimik. Bakit nga ba? Napahinga siya ng malalim at naglaro sa isip niya ang magandang mukha ni Akira. Ang magaganda nitong mga mata, ang matamis nitong ngiti at ang mga mapupulang labi na lalo pang namumula kapag kinakagat nito iyon. “She was constantly biting her lips,” pagkuway ay sabi niya. “She was doing it seductively.”

“At nagpadala ka naman?” pakli ni Ramil at napailing ito. “Paano ngayon iyan? Siya pa naman ang nag-iisang makakatulong sa atin para masigurong sa atin mapupunta ang partnership ng MDC. Ano ang gagawin natin ngayon?”

Napabuga siya ng hangin at sumandal sa backrest ng swivel chair niya. “Hintayin na lang natin ang result ng pag-aaral nila sa proposal natin,” nasabi niya.

Hindi nagsalita si Ramil pero muli itong napailing.

“Kung tutuusin hindi ko nga dapat pinatulan ang ideya mong iyon, eh,” dagdag pa niya.

“Paano kung sa iba mapunta ang partnership? Pare, alam mo kung ano ang mawawala sa atin kung hindi natin iyon makukuha. Malaki ang kikitain natin doon,” agad nitong sabi. “I think dapat kang makipag-ayos kay Akira. Baka makarating pa sa Papa niya ang nangyari, lalong lalabo ang chance natin kapag ganoon.”

Umiling siya. “Hindi na. Hayaan na lang natin iyon. Kung hindi sa atin mapunta ang partnership ibig sabihin hindi talaga iyon para sa atin.”

Napatanga ito sa sinabi niya at pagkuway ay napailing at tumayo na. “Ikaw ang bahala. Pero tiyak na madi-disappoint si Tito Henry kapag nalaman iyan. Malaki pa naman ang tiwala niya na mapupunta iyon sa atin dahil ikaw mismo ang tumatrabaho niyon.”

Hindi na nito hinintay ang isasagot niya at tinalikuran na siya. Napabuga na lamang siya ng hangin habang sinusundan ng tingin ang paalis na kaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

91.8K 1.6K 10
Bago nagkahiwalay sina Althea at Hubert ay nangako sila na hindi kakalimutan ang isa't-isa. Nakahanda rin si Althea na maghintay sa pagbabalik nito...
99.7K 2.5K 27
Dahil sa isang major event na gaganapin sa Pilipinas, napilitang bumalik ng bansa si Clarenza. She was reluctant to do so, dahil busy siya sa pag-te...
54.9K 1.2K 10
College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dah...
169K 3.4K 20
Galit sa paasa si Carol. Lalo naman sa paasa na nga, tumatalikod pa sa responsibilidad. Kaya lagot lang talaga sa kanya si Luis