Enclave Series 1 : Rush Villa...

By _AyEnNe_

34K 1.5K 223

"It hurts when you have someone in your heart, but you can't have them in your arms" - Rush More

Introduction
Chapter ONE
Chapter TWO
Chapter THREE
Chapter FOUR
Chapter FIVE
Chapter SIX
Chapter SEVEN
Chapter EIGHT
Chapter NINE
Chapter TEN
Chapter ELEVEN
Chapter TWELVE
Chapter THIRTEEN
Chapter FOURTEEN
Chapter FIFTEEN
Chapter SIXTEEN
Chapter SEVENTEEN
Chapter EIGHTEEN
Chapter TWENTY
Chapter TWENTY ONE
Chapter TWENTY TWO
Chapter TWENTY THREE
Chapter TWENTY FOUR
Chapter TWENTY-FIVE
Chapter TWENTY SIX
Chapter TWENTY SEVEN
Chapter TWENTY EIGHT

Chapter NINETEEN

1K 53 6
By _AyEnNe_

Storm (P.O.V)

Matapos ang maanghang na pagbabanta ni Gap ay namayani ang katahimikan sa kwartong iyon. Si Gap na ngayon ay nakaupo sa tabi ni Rush ay tahimik lang at animo malalim ang iniisip. Samantalang si Yuna na syang nasa sofa malapit sa may pintuan ay nanatiling nakatingin sa natutulog na si Rush.

Ako na nakatayo malapit sa bintanang nanduon ay nakamasid lang sa dalawa at nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari habang lihim kong tinitignan ang kabuuan ni Yuna.

I can't deny the fact that I am amused by the way she reacts towards Rush condition. At pupusta ako na hindi lang kaibigan ang turing nito sa aming kaibigan. I know there's more into that affection na kanyang ipinapakita at ngayon pa lang ay hindi ko na maintay ang pag-gising ni Rush para usisain ang bagong babae na pumasok sa kanyang buhay.

I mentally roll my eyes and hissed.

Lucky Dude. She's caught in between two pretty ladies.

But if I where her, I'll choose this one over that Brianna Buenaflor. Because aside from the fact that Yuna is extremely beautiful ay pakiramdam kong maganda rin ang pag-uugali nito.

That's what my instinct told me. And most of the time ay hindi iyon pumapalya.

Weh? But your instinct also told you before that Brianna is good for Rush hindi ba? So why are you against her na?

Paninita ng innerself ko.

I hissed.

I was in that thought when we heard a knock on the door. Sinundan iyon ng pagbubukas at iniluwa ang Doctor na kausap namin kanina kasama ang ilang hospital staff na tingin ko ay syang aalalay sa amin para maisakay si Rush sa dala naming chopper.

Dr. Ramirez abruptly approach Gap, may ilan itong sinabi na hindi umabot sa aking pandinig but judging by the way he reacted ay kapansin-pansin ang pagiging maamo nitong pakikipag-usap sa kanyang kaharap. 

I smirked. 

Nakaabot na siguro sa kanyang kaalaman na hindi basta-bastang pasyente lamang ang kanyang ina-asistihan. For sure someone contacted him and spill out something. 

Wala sa loob na naglipat ako ng tingin na aking ikina-kunot noo when i notice the bunch of hospital staff na nakatunghay sa akin. I even noticed the two ladies staring at me and smiling fully. 

Alanganin akong gumanti ng pag-ngiti at muling ibinalik ang pansin kila Gap. 

Hindi naglipat sandali ay natapos ang pag-uusap nila ng Doctor. 

Nilapitan ni Dr. Ramirez ang natutulog na si Rush, inspected her and then motion the hospital staff na isagawa ang kanilang sadya.

Nagsikilos ang mga ito at maingat na inilipat si Rush sa dalang stretcher.

Nauna silang lumabas na sinundan namin ni Gap pero bago tuluyang humakbang palabas ng pintuan ng kwartong iyon ay huminto ako isang dipa mula sa babaeng nanatiling tahimik at nakamasid sa amin.

I glance at her and sighed. "Sumama ka na rin sa amin, Yuna" I offered.

Para sa akin ay hindi magandang tignan na ang taong syang dahilan ng pagtunton namin kay Rush ay iiwanan na lang namin ng basta-basta.

Tipid itong ngumiti at umiling "sige lang, magcommute na lang ako. Besides kailangan ko pang daanan ang mga naiwan naming gamit ni Rush sa Hotel" pagtanggi nito na hindi ko inaasahan.

I creased my eyebrow. "pero-----"

"leave it to us" pagputol ng aking katabi sa aking sasabihin " just give us the Hotel name and room number at kami nang bahala sa mga gamit nyo. For now sumabay ka na sa amin " dugtong ni Gap sa maawtoridad na tono at kapag daka'y tumalikod ng hindi man lang nag-abalang hintayin ang itutugon ng aming kaharap.

Nagkatinginan kami ni Yuna, both throwing questioning eyes dahil sa inasal ng kaibigan but then I shrugged my shoulders at niyakag na din syang sumama.

********

Tahimik kaming bumiyahe sa ere na walang nangahas na kumibo.

Ni isa ay animo inokupa ng kanya-kanyang isipin at alam ko isa si Rush sa mga alalahaning iyon.

Bago magtanghali ay lumapag ang sinasakyan naming chopper sa helipad ng kilalang Hospital na iyon. At kagaya nga ng inaasahan ay nadungawan namin duon ang ilang taong nag-iintay sa aming pagdating.

Kabilang duon ang personal doctor ni Rush at kaibigan na sina Paris at Grim na bagamat hindi malinaw ay nababanaagan kong binabalot ng pag-aalala ang kanilang mukha.

After the pilot smoothly landed on the floor ay kaagad kaming sinalubong ng ilang staff upang makababa ng sasakyang iyon particular si Rush na magpa-hanggang sa mga oras na iyon ay payapa lang na nagpapahinga.

Wala itong kalam-alam sa mga nagaganap and I'll bet for sure ay magugulat ito oras na mamulatan ang kinalulugaran at kaming kanyang mga kaibigan.

********

Yuna's (POV)

Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng sasakyan ni Storm habang nag-iisip ng malalim dahil sa mga rebelasyong aking nalaman.

Kasalukuyan namin ngayong binabaybay ang daan patungo sa aming bahay. Nag-ooffer itong ihatid ako matapos ipagtabuyan ni Gap at piliting magpahinga. Isang bagay na aking ipinagpasalamat dahil nagbigay iyon ng kakaibang relief at nawala ang tension sa aming pagitan.

How I want to stay and wait for Rush to awake but then ay nag-insist ang dalawang magkaibigan na pauwiin muna ako.

Kahit labag sa kalooban ay inisip ko na lamang na tama sila. Aaminin ko masyado akong na-drain sa mga pangyayari at stress na din siguro dahil sa mga bagay-bagay na hindi ko inaasahang malaman ng araw na iyon.

Nagkakagulo sa aking isipan ang pagsulpot ng mga kaibigan ni Rush, lalo na si Gap na nuon pa man ay akin ng kilala. Part of me wanted to know more, craving for information's kung anong ginagawa nito at anong kaugnayan nito sa taong nagsisimulang umukit ng pwesto sa aking puso. but then mailap ang mga iyon as if sinasadya ng pagkakataon na wala akong mahagip ni isang clue na magbibigay ng tulay sa aking nabuong hinala.

Kung may isang bagay man na aking ipinagpapasalamat ng mga oras na iyon ay ang paglipat namin kay Rush ng walang aberyang nangyari. Naging maayos ang paglipad ng aming sinasakyan kahit ang buong biyahe namin ay nabalutan ng katahimikan.

Nang pumasok kami sa ka-Maynilaan ay hindi na ako nagulat sa aking natanaw. Kagaya nga ng sinabi nila Storm nang kami ay nasa Zambales, nanduon at nag-iintay sa helipad ang mga kaibigan nito kasama ang personal na Doctor ni Rush na syang ikinagulat ko ng aking makilala.

Who would have thought that her personal Doctor ay ang kilalang espesyalista sa puso na si Dr. Ezekiel Monteagud? Isa sa mga taong pinagkaka-utangan ko ng loob dahil sa isang bagay at pagkakataon na kanyang ibinigay para sumaya panandalian ang aking puso nuong mga panahong kumplikado pa ang lahat.

Wala sa loob na napabuntong-hininga ako.

Hinilot ko ang nananakit na sintido while trying to compile everything.

Who are you Rushmoore? Anong koneksyon mo sa mga taong may kinalaman sa aking nakaraan?

Umiling-iling ako.

I really can't believe what's happening. Masyadong puno ng sorpresa ang araw na ito para sa akin.

Dahil hindi ko pa nasasagot ang sariling tanong kung anong kinalaman ng isang Gap Monteagudo kay Rush ay sumulpot pa ang pinsan nitong si Dr. Ezekiel Monteagudo.

Tsss.... Why do I have this feeling na malaki ang kinalaman mo kay---

"pagpasensyahan mo sana si Gap sa inasal nya saiyo kanina" pagputol ng aking katabi na syang dahilan ng pagkakauntol sa akma kong pakikipag-usap sa sarili.

I sighed shrugging away the confusions that started to eat me.

Bumaling ako sa katabi at tipid na ngumiti "n-naiintindihan ko naman kung saan nya hinuhugot ang galit nya, kahit siguro ako ang lumagay sa sitwasyon nya ay mag-aalala ako para sa isang kaibigan" I muttered on my last sentence waring pinagduduhan ang huling salitang iyon.

Nagbawi ako ng tingin at muling ibinaling ang atensyon sa aming tinatahak.

Magkaibigan nga lang ba sila? O higit pa?

"hindi lang naman kaibigan ang turing namin kay Rush " pukaw ng katabi na hindi lumilingon sa akin, answering what's on my mind " for us ay parang kapatid na ang trato namin sa kanya. Kaya ganuon na lang ang pag-aalala namin when you called and informed na itinakbo sya sa hospital " dugtong nito.

Hindi ako umimik but then a sudden question started to bug me.

"is she, her girlfriend?" wala sa loob na usal ko. Lihim na kinastigo ang aking sarili sa pagiging prangka kasabay ng pagbalot ng pangamba na baka magalit ang aking katabi dahil sa aking pag-uusisa.

Kunot-noo itong bumaling sa akin.

I glance away to hide the sudden rise of jealousy in my eyes.

"who? Si Gap?" naaaliw na tanong nito sa tila nanunuksong tinig. 

I nodded reluctantly.

Buhat duon ay bumunghalit ito ng pagtawa. A total opposite of the reaction that I'm expected.

Nagtataka ko itong tinitigan.

Anong nakakatawa sa tanong ko?

Kapagdakay tumigil ito at iiling -iling na sumulyap sa akin.

"im sorry"paumanhin nito then compose herself. 

"hindi lang ikaw ang nabiktima ng dalawang iyan" anito grinning showing her perfect set of white teeth habang sumusulyap-sulayap sa akin sa pagitan ng pagmamaneho. 

"biktima?" I reply clueless on her statement.

Tumango-tango ito " oo, nabiktima na may relasyong namamagitan sa kanila"paglilinaw nito.

"You should see them kapag nasa Campus at naglalambingan"dugtong nito. 

Hindi ako umimik at nagugulumihan pa rin ng mga oras na iyon. May bahagyang sumulpot na inggit sa isang bahagi ng aking puso but then I quickly disregard it.

"Pero kung sabagay sino ba namang hindi mag-aakala hindi ba? With the way Gap got angry and worried over the issue, iisipin mo talagang girlfriend sya ni Rush" anito at bumuntong-hininga "but no. they're not romantically involved with each other. However... " pambibitin nito at sumulyap sa gawi ko " ang relasyon nila ay higit pa sa matalik na magkaibigan" makahulugan nitong tugon which leave me more curious kasabay ng pagbundol ng kaba sa aking dibdib.

The Fuck! What if my suspicion is right?

And what if your wrong?

React ng innerself ko sa nagtatalong kalooban.

Kunot-noo kong nilingon ang aking katabi " pero ano ngang kaugnayan nilang dalawa?" pangungulit ko, didn't mind na baka ikagalit iyon ng kausap.

Storm pause at nagseryoso. Seems thinking if she'll going to answer my question or not.

Sa huli ay umiling-iling ito and sighed deeply.

"I think I'm not the position to answer that question" matipid nitong tugon.

I wanted to ask more pero sa itsura ng aking katabi ay mukhang desidido itong manatiling tahimik sa aming buong biyahe.

"if you want to dig more, you can ask Gap directly" biglaang usal ng katabi.

Tumingin ako dito.

Seryoso?

"iyon ay kung may lakas ka ng loob na tanungin ang isang kagaya nya" walang emosyong dugtong nito.

I sighed.

Sa sungit ng babaeng iyon? Would I risk to talk to her para sa isang bagay na ngayon pa lamang ay gumugulo sa isip ko? May lakas nga ba ako ng loob upang muli syang kausapin?

OO. Muli. because I already had a history of arguments with her before and it didn't end well.

Pero ano nga bang kinalaman nya kay Rush? At paanong all this time ay may iniinda pa lang hindi maganda ang huli?

Sa mga nakaraang lakad ng barkada ay hindi man lamang ako nakakuha ng hint regarding sa condition nya, to think na mostly ang atensyon ko ay nasa kanya pero wala man lang akong nakitang kakaiba sa mga ikinilos nya.

Eh hindi nga ba at nakipag-inuman pa ito sa amin sa Paranaque?

Wait, inuman?hindi kaya nung mga panahong iyon na umiiwas sya sa pag-inom ay--- ??

Kaya ba hindi ito nagpapilit sa aming makipag-sabayan ng pag-inom ay dahil bawal talaga sa kanya ang alak?

Napalunok ako.

If that's the case, matagal na nyang inililihim ang kanyang sitwasyon sa amin nila Chord.

Pero teka anong pumasok sa kukote nya para sumama sa Hiking na iyon kung hindi pala uubra sa kanya ang ganuong activity?

Eh sino nga ba kasing dahilan kung bakit nagsimulang sumabit sa barkadahan nyo si Rush?

Untag ng kaooban ko na syang nagpakunot sa aking noo.

Dahil kay Bree.

pag-eemphasize ng isang bahagi ko. 

Yeah, I think so because I remember one time, I was eavesdropping from Jezzy and Wynona discussion at nahagip duon ang pag-iinsist ni Brianna kay Rush nasumama para makabawi ito sa Una.

How pathetic. Kahit kailan ay isip bata itong si Brianna.

Kailangan talagang pilitin nyang sumama iyong isa dahil lang sa rason nyang iyon? Tsss..

I shook my head. At inisip ang sariling kaibigan.

You're in a deep shit girl.

Sa way ng pagbabanta ni Gap kanina, hindi malayong ituloy nito ang balak and I know it dahil sinampolan na din nya ako dati pa.

"left or right?" pukaw ng katabi ng makapasok na sa aming exclusive village.

Matamlay kong itinuro ang daan patungo sa aming bahay.

Nakailang liko kami bago ipinahinto ang sinasakyan sa tapat ng isang malaking Gate na puti.

"would you like to have a cup of coffee inside?" alok ko while removing my seatbelt.

"hindi na, I need to go back to the hospital. Maghihintay sa akin ang mga kaibigan namin eh" pagtanggi nito, referring to some of there friends na inabutan naming nanduon. Just like them ay magaganda din ang mga ito at animo mapagkakamalan mong mga modelo or artista dahil sa kikinis ng mga balat. 

I glance at her at kiming ngumiti " thank you for dropping me home, Storm"

She nodded "no prob" she utter smiling na nakapagpasingkit ng kanyang mga mata. 

Storm is drop-dead gorgeous, kung nagkataon nga lang na may dating sa akin ang mga tipo nya ay hindi malayong magka-crush ako dito pero wala eh. 

Akma na akong tatalikod at baba ng may maalalang akong itanong. 

Alanganin akong bumiling paharap dito " o-okay lang naman sa inyo kung d-dumalaw ako kay Rush hindi ba?" I asked a bit hesitant.

Ngumiti ito " oo naman, besides I know that Rush will be looking for you too"

Tumango ako still worrying on Rush condition.

Kung hindi ko lang din inaalala ang aking mga magulang ay magpupumilit na akong manatili duon at magbantay hanggang sa ito ay magkamalay.

"can I ask for one more favor, Storm?" lakas loob kong pagtatanong.

"sure, ano ba yun?"

"I know this is too much, but can you p-please update me once Rush awaken?" I request in a low tone hoping for her to grant it.

She smile genuinely and nodded "I will".

Muli ko itong nginitian ng tipid.

May kinuha ito sa kanyang tagiliran at iniabot sa akin "paki-save ang number mo" extending her hand, handling a cellphone. 

I happily obliged at nakangiti iyong ibinalik sa kanya. 

"Siya nga pala Yuna." Biglang dugtong ng kausap "your things will be delivered here within the day, nabanggit ni Gap kanina na nakuha na ng tao nila dun sa hotel na tinuluyan nyo" pagbibigay alam nito.

"okay, Salamat. Pakisabi na din kay Gap Maraming salamat" bilin ko.

"makakarating" she reply.

Muli akong nagpaalam sa kanya at tuluyan ng bumaba ng magara nyang sasakyan.

Hinintay ko pa muna itong tuluyang makalayo bago ko napag-pasyahang pumasok sa aming kabahayan.

Una kong hinanap ang mga magulang sa aming mayordama pero kagaya ng nakasanayan ay nagsialis ang mga ito patungo sa kanya-kanyang trabaho.

And so I thought ay maabutan ko ang mga ito at inaasahang mabungaran ang mga nag-aalalang mukha.

I sighed.

You wish, hindi ka na nasanay. Kailan ba nagkaroon ng pake sayo ang mga magulang mo?

I hissed sarcastically.

Oo nga naman, bakit nga ba ako mag-aabang ng atensyon sa kanila kung pakiramdam ko ay mas mahal nila ang naglipana naming businesses na syang pinagkakaabalahan nilang palaguin.

Kung tutuusin pwede na nila iyong ipaubaya sa aming matataas na tauhan dahil well established naman na ang mga ito. Not to mention ay sobrang successful na and can even grow more independently. Pero hindi, my parents seems to chasing all the money na oo nga at nakakapag-bigay ng financial security para sa nag-iisang anak na kagaya ko pero hindi naman nakakapag-bigay ng totoong kaligayahan sa akin.

Ay ewan, bahala sila.

Kung alam ko lang sana na ganito ay nagpadala na lang ako ng gamit sa isa naming kasambahay at nanatili na lamang sa tabi ni Rush.

"sige na Manang, magpapahinga ho muna ako, wag nyo na po muna akong abalahing gisingin kung maabutan ako ng oras ng pagkain." nakasimangot kong usal sa kaharap. 

"oh, eh sige at umakyat kana, mukhang pagod na pagod ka nga sa biyahe" anito sa nag-aalalang tinig.

Sinuklian ko ng pagngiti ang concern na tono na aking nahimigan sa aking kaharap.

Buti pa ang ibang tao may pake sa akin. Pero sila wala.

Bagsak ang mga balikat kong tinalikuran ang aking kausap pero ng may maalalang ibilin ay kagyat na humarap dito.

"sya nga ho pala, may maghahatid po dito ng ilang gamit ko. Paki kuha na lang po at pakipasok sa kwarto ko kapag dumating"

"sige iha" malambing na tugon nito.

Muli ko itong nginitian at tuluyan ng pumanik sa aking kwarto.

Matapos makapaglinis ng katawan ay dumiretso ako sa paghiga. I sighed ng dumaiti ang aking katawan sa komportableng kama.

Tumihaya ako pansumandali at tumingin sa magarbong kisame atsaka binalikan ang mga nangyari ng araw na iyon. Pinaglaro ko ang isipan mula sa namumuong hinala until everything became haze kasabay ng pagrehistro ng maamong mukha ni Rush.

If she let you go, wag' kang mag-alala because I'll promise to stay no matter what the consequences are.

I mumbles not sure if I voice it out along with my soft breathing or it just played in my head.

One last flash of Rush handsome face and then I fell into my deep sleep.

********

Madilim na ng ako ay magising sa mahimbing na pagkakatulog. Kumurap-kurap ako adjusting my eyesight from the darkness habang ang sarili ay inilalagay sa huwisyo.

Nang mahimasmasan ay walang kibong iniabot ang aking cellphone sa side table upang silipin ang saktong oras but the miscalls and messages caught my attention.

Kakatwang hindi ko man lang napansin ang mga iyon kanina kahit taban ko ang sariling telepono.

Pero paano ko pa nga bang makikita ang mga iyon kung ang buong maghapon ko ay na kila Rush nakatuon. 

I yawn and lazily slide my finger to open my notifications.

There I saw Chord's number under recent calls while Brianna on my inbox along with my other friends message.

I sat on my bed and open Brianna's message.

are you with Rush? – she said asking sent five times.

Hoy bruha! Bakit mo itinakas si Rushmoore ha? Alam mo bang nagkakagulo sila dito kanina pa?.... you bitch! You owe me an explanation.. - a message from Jezzy na nakapagpa smirk sa akin.

Kahit kailan garapal talaga magsalita.

Nag-scroll pa ako and read some of the messages from chord at Wynona. It seems like Jezzy's right dahil lahat sila ay binulabog ako ng mensaheng iisa lang naman ang laman.

Ang hanapin sa akin at tanungin kung kasama ko si Rush.

There message was sent this morning, probably nuong time na nakababa na sila from the mountain. 

I was actually expecting it na papaulanan nila ako nito but still ay bahagya pa din akong nagulat. Nahihinuha ko , kung nagkataon lamang na mayroong signal sa kanilang pinanggalingan ay kanina pa nila ako binulabog. 

Sa hindi malamang dahilan ay muli kong binuksan ang message ni Brianna. 

are you with Rush? 

I roll my eyes in annoyance.

Why she cares anyway?

Napaismid ako when the sudden irritation ascends .

Kunot-noo akong nagsimulang tumipa upang sana ay mag-response dito but biglang sumigid sa balintataw ko ang malungkot na mukha ni Rush.

From there, I pause and then decided to just ignore her instead.

After what she did to Rush, she doesn't deserve any information about her. Bahala sya sa buhay nya, besides ipinagtabuyan na nya iyong isang lumayo hindi ba? kaya magdusa sya.

I groaned and throw my cellphone on my bed. Tatamad-tamad akong tumayo and went inside my bathroom para mag-ayos bago bumaba dahil sa nagrereklamong tiyan.

I lazily went down the stair at akmang didiretso na sa Kitchen when a voice of my father interacts me. Nagtataka ko itong binato ng nagtatanong na tingin na animo kaagad naman nyang nakuha.

"your mother and I decided to have dinner, together" he said while smiling. "come join us iha, kanina ka pa namin hinihintay magising" dugtong nito na sinundan ng pag-akbay sa akin.

I was speechless dahil sa dagliang pagbangon ng saya. Ang pagdaramdam na nangibabaw kanina ng hindi ko sila madatnan ay kagyat ng natunaw.

Wala sa loob na niyakap ko ang aking ama na sya nitong ikinatuwa.

He guided me towards the dining area kung saan bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ng aking ina. Sinalubong ako nito ng mahigpit na pagyakap and then instructed to sit on my designated chair afterwards.

I genuinely smile at them and pray silently dahil sa bibihirang pagkakataon na iyon. 

God knows, I always wanted for this moment to happen ever since at ang makapiling ang mga taong mahal ko ng mga oras na iyon ay wala ng mas sasaya pa. lalo pa at punong-puno ng kung ano-anong alalahanin ang aking isipan. 

This might be a good chance na isantabi muna iyon kahit panandalian lamang. 

<Storm Adrienne Lee photo above>

********

A/N

Salamat sa mga nagko-comment , nagpa-pa update at sa mga silent readers.. :)

It keeps pushing me on writing this story kaya nakakapag-update ako every week ^_^. 

Thank's Guys. 

Para sa inyo itong Chapter na ito.... Cheers!! 


Continue Reading

You'll Also Like

31.6K 2.7K 42
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
50.7K 2.7K 23
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
227K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...