Carnal Desires 1: Lux Conte

By JellyAcecake

124K 2.8K 246

Mula pagkabata ay naniniwala na si Sienna sa fairytale endings at lalo itong umusbong dahil sa isang munting... More

Carnal Desires 1: Lux Conte
Desire 1
Desire 2
Desire 3
Desire 4
Desire 5
Desire 6
Desire 7
Desire 9
FINAL DESIRE

Desire 8

8.3K 255 34
By JellyAcecake

"I'll be fine princess, don't worry." Sabi ng Kuya Sevan niya sa kaniya. Nang macheck na kasi ito ni Doc Thiago ay umayos na din ang lagay nito.

"Just do what I said." Bumaba siya at narinig na may kausap si Doc Thiago sa phone nito pero nang mapansin siya nito ay ibinaba na din nito ang phone.

"Uhm—Doc I mean Thiago, Thank you for your help I don't know how to repay you sa lahat ng ginawa mong good deeds sa akin." Pagpapasalamat niya sa doctor.

"A kiss will be fine." Sambit nito sa kaniya at may bakas ng kapilyuhan ang ngiti nito sa kaniya. Naguluhan naman siya dito kaya nakunot ang noo niya.

"Your face is priceless. I'm kidding Sienna but if it's fine with you I can make it feel good." Nakaramdam siya ng pagkadisgusto sa sinabi nito pero pinag-walang bahala na lang niya.

"Uhm-How about lunch?" Pagtanong niya dito.

"That would be great. So tara na?" Sabi nga ni Thiago sa akin at inilahad pa ang kamay nito. Nagulat naman ako sa nakita kong nagdurugo nitong kamay.

"Thiago! Ano nangyari dito?" Naawang tanong niya sa binata habang hawak niya ang kamay nito. Hindi ito sumagot at namumutla pa ang mukha nito.

"Thiago, okay ka lang ba?" Tanong niya dito at nakita ang pagtango nito bago sila umalis ay ginamot muna niya ang sugat ng binata.

"Sienna, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I like you and I want to court you." Nagulat naman siya sa sinabi ni Thiago kaya napatingin siya dito at napatigil sa paggamot ng sugat nito. Bakas sa mukha nito ang pag-asa.

"Thiago, I like you too pero as an older brother. Nothing more and nothing less. Sorry." Sabi niya dito nakita naman niya ang kalungkutan sa mukha nito.

"Sienna, please give me a chance. I promise hindi kita sasaktan. Hindi kita sasaktan tulad ng ginawa ni Lux sa'yo." Nagsusumamo nitong saad at lumuhod sa kaniyang harapan. naalala naman niya ang balita na bumungad sa kaniya kanikanina lang.

Gusto niya masaktan din si Lux tulad ng nararamdaman niya pero may isang parte ng puso niya na pumipigil gawin ito. Napabuntong hininga na lang siya at hinarap muli si Thiago.

"T-Thiago." Kinakabahan niyang saad ng nakita niya na umiiyak ito at nakatutok ang kutsilyo sa may puso nito pansin din niya na may dugo na ang kutsilyong hawak kaya lalo siyang nangamba.

"Thiago, bring it down please." Mahinahon at nagmamakaawang sabi niya dito pero hindi pa rin nito ito ginawa.

"Kung hindi ka rin mapapasaakin Sienna might as well kill myself." Sabi nito sa kaniya at bahagyang diniin nito ang kutsilyo sa dibdib.

"Please Thiago ibaba mo yan. Please. Let's talk about this." Nagmamakaawa pa rin niyang saad dito. Gusto na niya kunin ang telepono niya at humingi ng tulong pero naiisip niya na baka kung ano ang mangyari sa oras na mawala ito sa paningin niya.

Hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Thiago mula sa pagkakaluhod kaya ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Wishing that whatever happens sana maging ayos lang ang lahat sa magiging desisyon niya.

"Thiago, gagawin ko lahat ng gusto mo. Ibaba mo lang yan." Sabi niya dito. Naiiyak na siya dahil sa kaba.

"Talaga?" Tanong nito sa kaniya at tumango naman siya. Tumayo si Thiago at ibinaba ang kutsilyo. Lumapit pa ito sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya.

"Salamat Sienna. Wag kang magalala magiging masaya ka. Sumama ka sa akin." Sabi ni Thiago sa kaniya. May pangamba pa rin ang kalooban niya kaya sinunod niya ito pero bago nga sila umalis ay kumuha ito ng posas at pinosasan ang dalawang kamay nito.

Puno ng kaba ang dibdib niya habang binabagtas nila ang lugar patungo sa bahay ni Thiago. Tahimik sila sa buong biyahe at nanalangin siya na sana may tulong siyang matanggap.

Hinihiling niya na sana dumating ang Kuya Thay niya. Naiisip niya rin si Lux. Umaasa siya na kahit papaano ay dumating ito para tulungan siya.

———
"Oh? Bakit niyo kasama yan?" Tanong ni Thayer kay Rhyke at Gid ng makita niya akong kasama ng dalawa at wala sa hospital bed.

"He's throwing tantrums like a kiddo kaya sinama namin." Pagpapaliwanag ni Rhyke dito pero hindi ito pinakinggan ni Thayer at lumapit ito sa akin.

"You should be in the hospital bud. Paano na lang kung may mangyaring masama sa'yo?" Tanong ng kaibigan niya sa kaniya pero bago pa siya makasagot ay nakita na niya ang nandidiring mukha sa dalawa niyang kaibigan.

"Thay as far as we remember malaki na si Lux also don't be so cheesy kung hindi kita kilala aakalain kong lumalambot ka na." Biro ni Gid dito at ang pikon naman niyang kaibigan ay hinabol ito.

"Enough a**holes!" Natigil na nga lang sa paghahabulan si Gid at Thayer ng dumating si Trevion at ang kakambal nitong si Trevon. Naging seryoso naman sila ng tumigil na ito sa harapan nila.

"What are we going to do now? Kailangan kong mailigtas si Sienna at ang baby namin." Nakita niya ang mga nangungusap na mata ng mga kaibigan niya na para bang may sinabi siyang isang solution para sa world peace.

"That's our boy!" Mahinang sambit ni Rhyke.

"Well, Sevan is now in rehab—" nagulat naman sila sa binalita ni Trevon. Nakita ko rin ang kaibigang si Thayer na nahimik at walang emosyon ang mukha nito. Humingan muna ito ng malalim bago ito nagsalita.

"He's on drugs thats why he hit Lux so badly but don't worry he's in rehab." Pagpapaliwag nito sa kanila. Hindi niya akalain na magagawa iyon ni Sevan. He thought that he's a fine young gentleman that every girl dreams.

"Does Tito Thatch knows what's going on?" Tanong niya sa kaibigan at tumango ito.

"Tito Thatch knew about it and he's so mad." Imporma ni Trevion sa kanila.

"Enough with the talk. We have a lead." Sabi nga ni Ice habang hawak nito ang itim nitong tablet.

"I track where Thiago is." Sabi nga nito at ipinakita sa amin ang map kung nasaan ito. We saw a photo of a lab. Nangamba naman siya agad ng maalala niya ang sinabi sa kaniya ni Bethina. I hope na hindi pa siya huli. Sana maligtas niya si Sienna at ang anak nila. He also wants to give justice to his cousin, Fetty.

———
Nasilaw siya sa puting liwanag ng tanggalin ni Thiago ang piring sa mga mata niya. Inaadjust niya pa ang paningin ng makita na nakatutok pala sa kaniya ang liwanag at nakatali siya sa isang upuan.

"Welcome my love. Welcome to your new home." Nababaliw na sabi ni Thiago. Inikot naman niya ang paningin at nakita ang mga istante na punong puno ng kemikal. Nakita niya rin ang mga jar na naglalaman ng iba't ibang organs ng tao. Kaya naman ay bumaliktad ang sikmura niya at nasuka.

"Walanghiya ka Thiago! Ano ang gagawin mo sa'kin?" Galit na saad niya dito pero tumawa lang ito at may kinuhang bote ng gamot at injectible.

"You will do whatever I want you said it a while ago." Sabi nga nito sa kaniya. Natakot na siya sa possible na mangyayari sa kaniya. Sinisimulan na rin niya magdasal na sana may himalang mangyari at mailigtas siya.

Tumunog naman ang telepono ni Thiago at sumagot ito.

"Ha? Damn!—Yes, kill them before they reach here!" Galit na saad nito bago pinatay ang phone nito. Humarap naman ito sa akin at hawak na nga nito ang injectible.

"Thiago, don't do this please! Parang awa mo na!" Pagmamakaawa niya dito. Iniisip niya ang bata sa kaniyang sinapupunan baka kung ano ang magyari dito.

"This will bite like an ant, love. Don't worry." Sabi nito sa kaniya at pinisil ang braso niya at biglang tinurok sa kaniya ang gamot na naging dahilan upang agad siyang manghina.

"T-thiago. Please— D-don't do this." Pagmamakaawa niya pa rin dito. Gusto niya ito sipain pero mismong katawan niya ang pinipigilan siya. Nanghihina siya sa tinurok nito. Mistukang lantang gulay siya dahil dito. Tinanggal na ni Thiago ang pagkakatali niya sa upuan at inalalayan siyang makatayo.

Gusto niyang sabunutan ito para makatakas pero hindi na niya maigalaw ang sariling katawan. Nahihirapan na rin siyang makahinga.

"You'll be fine love. I just do it for your own good. I do it because of love." Sabi nito sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.

"T-this is n-nnot love." Nahihirapan niyang saad dito. Hindi nito pinansin ang sinabi niya at akay-akay siya nito papunta sa isang pinto.

Nakarinig naman sila ng isang malakas na lagabag kasabay ang pagputok ng baril. Nakita niya na nadaplisan si Thiago sa gilid ng leeg nito. Kaagad na hinablot nito ang baril na nasa tabihan at itinulak siya ng malakas.

Hindi nuya naramdaman ang sakit na ginawa nito dahil namamanhid na rin ang katawan pero laking gulat niya ng makita ang dugo sa kaniyang tuhod. Naiiyak siya at inaalala ang anak niya.

"Nasaan si Sienna?" Narinig niya ang boses ni Lux kaya naman ay nabigyan siya ng pag-asa. Gusto niya na tumakbo papalapit dito pero hindi niya magawa dahil nanghihina siya.

"You will never find him Conte! She's mine and we will live forever without you and your fucking baby that ruin my plans!" Galit na sabi nito at narinig niya ang putok ng baril. Hindi lang isa kundi tatlo. Tatlong beses.

"L-lux!" Mahina niyang sigaw pero nagdidilim na ang kaniyang mga mata at nahihilo na rin siya. Bumibigay na ang katawan niya.

"Sienna! Princess!" Narinig niya pa ang Kuya niya na pumunta sa kaniya. Hinawakan niya ang pisngi nito at nakita ang luha sa mata nito.

"K-kuya." Nginitian niya ito at tumulo na rin ang kaniyang luha. Gusto niyang yakapin ang kapatid pero bago niya pa maitaas ang mga braso ay tuluyan na siyang nakatulog.

———&
"Dalawang taon na rin pala." Huminga siya ng malalim at sinindihan ang dalang kandila at ibinaba ang bulaklak sa harap ng lapida. Naalala na naman niya ang nangyari sa kaniya dalawang taon ang nakalilipas kaya naman ay tumulo muli ang luha niya.

Sobrang bilis ang nangyari ng gabing hinostage siya ni Thiago. Matapos kasi siyang mawalan ng malay ay agad daw siyang sinugod sa hospital. Nalaman na isang drugs ang itinurok sa kaniya ni Thiago pero ang nakakapanlumong nangyari ay ang pagkawala ng bata sa kaniyang sinapupunan.

Ang pagkakawala ng anghel nila.

Kahit maikli lang ang panahon nanatili ito sa loob ng kaniyang tiyan ay naramdaman niya na ang sobrang pagmamahal nito. Nalulungkot siya dahil hindi naging matatag ang pagkapit nito sa kaniya. Kung sana lang ay maibabalik pa niya ang nakaraan.

"Uhm." Naramdaman naman niya na may taong papalapit sa kaniya kaya pinahid niya na ang luha sa mga mata. Tinignan niya kung sino ito at nakita niya ang Kuya Sevan niya. After a year in rehab, nakabalik na nga ito pero lagi niya itong iniiwasan. Pinili niya din manirahan muna sa ibang bansa para magbagonf buhay at hindi niya napansin na isang taon na rin mula ng hindi niya ito makita. Makikita niya ang pisikal na pagbabago nito.

"Princess—Sorry." Sabi nga nito sa kaniya pero hindi niya ito pinansin. Tumingin lang siya dito at naramdaman niya ang sakit na ginawa nito. Ang pakikipagugnayan nito kay Thiago para sa mga eksperimento nito at ang paggamit nito ng ipinagbabawal na gamot. Masakit para sa kaniya ang mga ito dahil malapit siya sa Kuya Sevan niya. Ito ang karamay niya magmula pa noon at ang sabihan niya ng sikreto. Nasasaktan siya dahil naglihim ito sa kaniya.

"Sienna, I know it's been 2 years. I'm really sorry sa lahat. Pinagsisihan ko ang lahat-lahat. I've been a bad brother to you. Tanggap ko na hindi mo ako mapapatawad but always remember I still love you. You will be forever my princess." Sabi nga ng kuya niya. Muli na naman tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa puntod ng anak niya.

Napatingin siya sa kuya niya at di niya maiwasang maiyak. Naalala na naman niya ang masasayang araw nila. Hinawakan niya ang kamay nito at bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nginitian niya ito at tumango agad naman siya nitong niyapos.

"Sienna, I'm sorry sana kung naging matino ako—" pinutol na niya ang sinabi ng kuya niya at bahagya siyang bumitaw sa pagkakayakap dito.

"It's not your fault Kuya. I've bee mad at you dahil I feel betrayed but afterall blood is always thicker than water." Sabi niya nga dito. Ngumiti naman ang kuya niya.

"Thank you Sienna. I promise you I will make it right this time. Babawi ako." Sabi nito sa kaniya at niyapos muli siya nito.

"Am I late for reunion?" Napatingin naman sila sa likod at nakita ang Kuya Thayer nila. May dala itong bulaklak.

"You're just in time, Kuya." Sabi niya dito at pinalapit nga niya ito sa kanila ng Kuya Sevan niya. Nakita niya naman ang kaba sa mata ng kapatid ng papalapit ang Kuya nila.

"It's gonna be okay." Pisil niya sa kamay nito. Niyapos siya ng Kuya Thayer niya. Nanatili pa rin nakatayo ang Kuya Sevan niya. Nilapitan naman ito ni Kuya Thayer.

"Kuya, I'm sorry—" Hindi pa nga natatapos magsalita ang Kuya Sevan niya ay niyakap ito ni Kuya Thayer.

"You're an ass but you're my brother and always be." Sabi nga nito kay Kuya Sevan. Napangiti naman siya dalawa.

"Sali naman ako diyan!" Biro niya sa dalawang kapatid at sinama na nga siya sa group hug ng mga ito.

Parang mga bata din ang dalawang ito na kinakausap ang puntod ng pamangkin. Napangiti na lang siya sa ginagawa ng mga ito.

Masaya niyang tinitignan ang mga kapatid ng tumunog ang phone niya at nakita ang isang message mula sa lalaking minahal niya.

———

"Hold on, Sienna!" Rinig niya habang dinadala siya papuntang emergency room. Hindi niya alam kung saan galing ang boses na iyon pero ramdam niya ang mainit na paghawak nito sa kaniyang kamay.

"Sienna, please hold on. I lo-" hindi naging malinaw sa kanya ang sinasabi nito dahil sa nararamdaman muli niyang panghihina ng katawan.

Nagising siya sa amoy ng alcohol at napamulat ang mata. Nakita niya ang mga magulang na puno ng pagaalala.

"M-mommy." Tawag niya sa ina. Agad nga siya nitong dinaluhan at tinanong kung okay lang siya.

"Mommy kamusta si baby?" Tanong niya sa ina at tumulo na lang ang luha nito.

"N-No! Mommy, please tell me no." Pagmamakaawa niya sa ina pero umiyak na lang ito. Lumapit din ang daddy niya para yapusin siya. Sumigaw siya sa loob ng kwarto at naiyak na lang. Kahit di sabihin ng mommy niya alam niyang wala na ang bata sa sinapupunan niya.

Samu't sari na ang naiisip niya. Hindi niya rin maiwasan na tanungin ang nasa itaas. What have I done to you? What have I done para ganito ang maging kapalit sa akin?

Tumawag na nga ang daddy niya ng nurse upang pakalmahin siya at nang dumating ang mga ito ay may tinurok sa kaniya na kung saan na naman niya naramdaman ang pagkaantok.

Lumipas ang mga araw mula ng malaman niya ang nangyari sa anak niya ay naging tulala siya at wala siyang pinapapasok sa kwarto niya. Ilang araw na din siyang hindi nakakain at nakakaligo dahil sa pangyayari.

Ayaw niya din kumausap ng tao sa ngayon dahil gusto niya lamang mapag-isa.

Nakarinig siya ng katok mula sa pintuan niya.

"Anak, kain ka na oh." Sabi ng mommy niya pero hindi niya ito sinasagot nagpatuloy lang ang pagsasalita nito sa pinto.

"Anak, nakalabas na nga pala si Lux sa ospital." Balita ng ina sa kaniya. Nakaramdam siya ng kakaiba sa katawan pero hindi niya ito pinansin. Narinig niya din ang hakbang papalayo ng ina. Akala niya nakaalis na ito pero narinig niya ang boses ni Lux.

"Sienna, I just want to talk." Sabi nga nito sa kaniya pero hindi niya ito pinapansin.

"Sienna, I'm sorry I didn't save our child. Sorry dahil nahuli ako." Pagpapatuloy nito. Lumapit naman siya sa pinto at sumandal doon.

"I love our child I really do. I care. Nanibago ako ng una pero I realized that accident or not that child is a blessing." Sabi nga nito sa kaniya kung sa ibang pagkakataon kikiligin sana siya at matutuwa sa sinabi nito pero sa ngayon nasasaktan siya ng sobra-sobra.

"Sienna, please let's talk. Let's start again." Pagsusumamo nga nito sa kaniya. Huminga naman siya ng malalim at nagsalita.

"Lux, We've lost our child and it's the only connection we had and it's gone. Wala na tayong kailangan pagusapan pa." Tumulo ang luha niya at niyapos ang teddy bear na binili para sa anak nila ni Lux.

"Hear me, Sienna. I love you and I'm so dumb to realised it too late. Sorry for our loss. Don't give up, Sienna. Please." Pagmamakaawa nito sa kanya.

"S-stop it Lux. Please. I-I— I love you but I'm tired." Nasasaktan siya sa mga sinasabi niya pero tingin niya ito talaga ang tama sa ngayon.

"Sienna, Don't give up. Please." Naririnig niya ang kalungkutan sa boses nito at ang paghikbi nito sa kabila ng pinto na pumapagitan sa kanila.

"Lux— I'm sorry pagod na ako. Let me heal myself first. P-please. Also, Don't blame yourself for our child's loss." Sabi niya dito.

"I love you Sienna. Ayusin natin 'to." Pagsusumamo pa nito sa kaniya pero habang nagbibitaw ito ng salita dumadagdag lang ang sakit na nararamdaman niya.

"Lux, please just go." Umiiyak na sabi niya dito.

"No! I will stay Sienna." Sabi nga nito pero napailing na lang siya. Hindi niya na alam ang gagawin siguro kailangan niya talagang harapin si Lux.

Binuksan niya ang pinto at agad siyang niyakap ni Lux.

"Sienna, please I'm begging you. Ayusin natin 'to even it takes a long time maghihintay ako just don't give up." Sabi nito sa kanya. Naiyak siya lalo at hinawakan ang mukha nito. Tinignan niya ang mga mata nito at puno ito ng kalungkutan kaya lalo siyang naiyak.

"Lux, Just let me go, it's fine. Please let me build myself and heal it alone. I hope you understand." Nakikita niya ang kalungkutan sa mukha nito. Umiiyak lang ito sa harapan niya ng hindi niya na makaya ay nilapat na niya ang labi niya sa labi nito.

Lalo siyang naiyak sa ginawa. Nasasaktan siya ng sobra-sobra. Agad din niya tinapos ang halik.

"I love you Lux so, please go." Sabi niya dito at tinuronna ang pinto paalis.

"But—" pinutol niya ang sasabihin nito.

"No more buts. If you love me please understand me." Sabi nga niya dito na tila nilalaksan na lang ang kalooban para sabihin ang mga salitang sinasabi niya dito.

"If that's what you want then I respect you but please let me show you I'm worth it for you." Sabi nga nito sa kaniya. Pinahiran niya ang luha nito.

"Then promise me that you'll heal yourself too. Pinky promise?" Sabi niya dito at iniangat niya ang hingliliit na daliri.

"Pinky promise." Sabi nito sa kaniya.

"Now—go." Nginitian niya ito at tinuro na ang papalabas.

Ngumiti rin ito sa kanya at tumalikod na para umalis. Humakbang na nga ito papalayo sa kaniya.

Please, don't look. Don't turn back. Bulong niya sa isipan.

Nang makita niyang lilingon ito sa kanya ay pinikit niya ang mga mata at tumalikod. Sinarado niya din agad ang pinto na kung saan tinuloy niya ang pag-iyak.

———

Binuksan niya ang message mula kay Lux.

"I'm coming for you."

Hindi niya alam kung ilang boltahe ang dumaloy sa katawan niya para mabuhay muli ang mga hayop sa loob ng tiyan na tila mo mga napuno ng energy.

After all this time... mahal pa rin pala kita.

———
A/n: Hi guys! Miss me?! I miss you all.

It's been a loooooooooooooooong time since I update Lux's story. Medyo nakalimutan ko na din yung iba sa story line 😂 due to school works and such pero I hope you like the update.

Just wanna drop by here lang talaga.

Any thoughts? Clarifications?

Love you always,
J

P.S. Let's all vote wisely. ✌🏻

Continue Reading

You'll Also Like

623K 16K 23
Second Book of GENTLEMAN'S QUEEN story of Jen and Rome Cover by: PANANABELS
472K 11.8K 22
FORTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Leigh and Trinity Story Cover by: PANANABELS
261K 7.7K 21
BARAKO SERIES #7 Isaac Dela Costa ay isang lalaking maginoo pero masyadong bastos. Sa pagiging Philippine Navy nito magaling siya sa sisiran mapatubi...
310K 8.4K 22
Redentor is so much in love to her girlfriend Amanda. Dahil sa sobrang pagmamahal rito hindi niya namamalayang nasasaktan na niya pala ang nobya. Han...