Love at its Toughest (Love Se...

By FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 1: A Tough Beginning
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 6: A Tough Deceit
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 8: A Tough Consequence
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 10: A Tough Timing
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 12: A Tough Response
Chapter 14: A Tough Marriage
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 16: A Tough Test
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 23: A Tough Acceptance
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 13: A Tough Truth

131K 2.5K 297
By FGirlWriter

Chapter 13: A Tough Truth

NAPATINGALA si Eunice sa itaas nang marinig ang pagkabasag ng kung ano. Galing iyon sa library-cum-office room ni Terrence. Agad naman siyang umakyat para makita kung anong anong nangyari.

"What happened?" tanong niya sa asawa ng makitang nililinis nito ang mug na nabasag.

Napatingala sa kanya si Terrence. "E-Eunice..."

Napakunot-noo siya nang mabilis itong tumuwid ng tayo at may inabot na papel sa lamesa nito. Parang natatarantang itinago nito iyon sa desk drawer nito. Humarap ito sa kanya ngunit parang balisa ito.

Lumapit siya rito. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya rito. She touched his face.

Tumikhim ito. "I-I... t-the mug s-slipped in m-my... my hand. S-sorry," nauutal na sabi nito.

Lalo siyang nagtaka. Terrence always speaks with confidence. How come na nauutal ito ngayon?

Nakakulong na ang mukha nito sa mga palad niya. "Okay ka lang ba? Parang balisa ka. Something happened?"

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Hinawakan nito ang mga kamay niya na nasa pisngi nito at ibinaba iyon. He sighed. "I'm okay. Don't mind me."

Tinignan niya ang nabasag na mug. Isa iyon sa couple mug na napagkatuwaan niyang bilhin nang pumunta sila ng Gensan last month dahil sa isang business trip nito.

"Nabasag ang mug mo. Wala nang ka-partner iyong akin," medyo malungkot na wika niya.

"Sorry, Eunice."

Humarap siya rito. "It's okay. Palitan na lang natin. Pero ikaw, sigurado ka bang ayos ka lang? Nag-uumpisa ka nang mamutla."

Napabuntong-hininga ito. "Nagugutom lang siguro ako. Nakahanda na ba ang dinner?"

Marahil nga ay nagugutom na ito. Mula kasi kaninang hapon pag-uwi nito hanggang ngayong gabi ay hindi man lang ito kumain. Nagkulong ito at gumawa lang ng trabaho.

Tumango siya. "Yeah."

"Ipalinis na lang natin kay Mang Emman ang nabasag. I want to eat already."

Inakay na siya nito palabas ng kuwartong iyon at bumaba.

Nang kumakain na sila ay tahimik lang ito habang nagkukuwento siya tungkol sa bagong designs na natapos niya. Para ngang hindi ito nakikinig sa kanya, pero maikling nagko-komento naman minsan sa mga sinasabi niya.

Until later on, tuluyan nang nahulog ito sa isang malalim na pag-iisip. Halos hindi na nito ginagalaw ang kinakain.

"Terrence?" untag niya rito ngunit hindi ito sumagot. "Terrence?"

Inabot niya ang kamay nito na nakapagpapitlag dito. Napatingin ito sa kanya, finally.

"Seriously, Terrence, something's wrong with you. Kanina pa kita tinatawag, pero di mo 'ko pinapansin," nag-aalalang wika niya.

Napakunot-noo ito. "Tinatawag mo 'ko?"

She sighed. "Kanina ka pa ganyan. Nung pumasok ka sa office room okay ka pa naman. Pero pagkatapos mabasag nung mug, ganyan ka na. Isa pa, sabi mo gutom ka. But you're just playing with your food now."

Napatingin ito sa plato nito at pagkatapos ay sa kanya. Humugot ito ng malalim na hininga at saka marahang pinisil ang kamay niya. "I think I need rest. I need to sleep. Don't worry about me, baby. Sobrang dami lang nang inaasikaso sa opisina."

She understandably smiled at him. "You want a massage?"

He weakly smiled. "Yeah, I think I need that," mahinang sabi nito. Hindi na nito tinapos ang pagkain kaya nawalan na rin siya ng gana. Nang paakyat na ito ng hagdan ay sinundan niya na ito.

Para pa rin itong wala sa sarili hanggang sa makapasok ng kuwarto nila. Umupo ito sa may gilid ng kama. Tinabihan naman niya ito. Napakunot ang noo niya nang makitang lagpas-lagpasan ang tingin nito sa sahig.

Pinisil niya ang braso nito. "Terrence?" Something's wrong. Nararamdaman niya na. Unang beses niyang makitang nagkakaganito ang asawa.

Humarap sa kanya si Terrence at sinalubong ang mga tingin niya. She held his stare. Ganoon lang sila. Nagtititigan.

"Are we going to stare at each other the whole night?" she whispered. Mas lumapit siya rito at sinimulang tanggalin ang pagkakabutones ng polo nito. "Mag-shower ka na para masimulan ko ng i-massage ka at nang ma-relax ka."

"Okay." Nagtungo na ito sa banyo.

Si Eunice naman ay naiwang nag-iisip. Gusto niyang itanong kay Terrence kung anong problema nito pero kilala naman niya ito. Kapag dapat nitong sabihin, sasabihin nito. Kaya ayaw niyang kulitin ito.

Later on, Terrence got out from the shower. May tapis ng tuwalya sa baywang.Sumampa ito sa kama at dumapa.

Inabot niya naman ang lotion bottle at naglagay siya sa kamay niya. Nagsimula siyang i-massage ang batok, balikat at buong likod nito.

Mahihinang ungol lang nito ang nagsasabing nagugustuhan nito ang pagmamasahe niya. Sa umpisa ay halata ang pagka-tense ng muscles nito. After a while, she felt him relaxed.

Masyado nga siguro itong pagod sa trabaho pero nararamdaman niyang may iba pang dahilan ang parang pagkawala nito sa sarili kanina.

"Terrence, I know you're not just tired and stressed from work but something's bothering you. Hindi ko na tatanungin kung ano yun. I'll just wait for you to tell me when you're ready," aniya.

Naramdaman niya ang sandaling pagka-tense na naman ng muscles nito. Bumuntong-hininga ito. Tumihaya na ito ng higa. He grabbed her arms and she landed on his chest.

"Thank you... Nagkahalo-halo lang ang stress. I think I just worked too much," simpleng sagot nito.

Nanatili lang siya sa dibdib nito. Naghihintay nang susunod nitong sasabihin. Ngunit iba na ang paghinga nito base sa pagtaas-baba ng dibdib nito. Pag-angat niya ng tingin ay tuluyan na pala itong nakatulog.

At kahit sa pagtulog, he looked troubled. Bumangon siya at sinuklay suklay ang mamasa-masa pa nitong buhok. Mas sigurado na siya na may mali talaga.

And she's going to find it out.

❤❤❤

"ONE WEEK? Bakit parang ang tagal naman ng business trip mo sa Australia? Saka bakit hindi ako puwedeng sumama?" Eunice asked while pouting her lips.

Her husband sighed. Marahil ay nakulitan na sa kanya. "Eunice, puro conventions and seminars lang ang gagawin ko doon. Maiiwan ka lang rin mag-isa sa hotel room natin, kung sasama ka. Mabuting dito ka na lang sa Pilipinas. Di'ba may tinatapos kang design?"

Humalukipkip siya. "Ang tagal naman kasi ng one week," angal niya pa. Kadalasan ay inaabot lang ng dalawa hanggang tatlong araw kapag may business trip ito sa ibang bansa. Kasama pa nga siya lagi. Ngayon, isang linggo itong mawawala. Iyon na yata ang pinakamatagal na panahon na hindi niya ito makikita.

After his comatose, the two of them were just inseperable. Kahit ba abala lagi si Terrence sa trabaho, kahit kailan hindi naman sila nagkahiwalay ng matagal.

Ayaw kasi ni Eunice. Para kasing lagi niya pa ring naiisip na baka biglang mawala na naman sa kanya ang asawa.

Marahang hinapit siya ni Terrence sa baywang. "Baby, tatawagan naman kita araw-araw. Kapag maagang natapos ang mga gagawin doon, uuwi ako agad," dahan-dahan pang sabi nito na parang nakikipag-usap sa isang bata.

"Mami-miss kita..." parang bata namang wika niya.

"I'll surely miss you too, baby."

Pero gusto niya pa rin talagang sumama. Ito talaga ang unang beses na ayaw siyang pasamahin ni Terrence. Sanay naman siyang laging naiiwang mag-isa sa hotel room nila pero ngayon talaga...

"Kailan ka nga ulit aalis?"

"Two days from now."

Napabuntong-hininga na lang siya. Terrence has a lot of responsibities to attend, too. Mas importante naman ang mga gagawin nito sa Australia ng isang linggo. Pero kinakabahan talaga siya sa pag-alis nito. At hindi niya alam kung bakit. Tinubuan na siguro siya ng paranoia magmula nang maaksidente silang dalawa noon.

At isa pa, hindi niya pa rin natutuklasan ang pagkabalisa nito noong isang gabi. Pagkagising kasi nito kinabukasan ay normal na ulit ito. Nakakangiti at nakikipagbiruan sa kanya.

"Promise me you'll behave there," bilin na lang niya. Wala naman siyang magagawa para pigilan ito at mukhang desidido talaga ito na huwag siyang isama.

"I will, promise." Tinaas pa nito ang kanang kamay.

"Baka naman hindi lang trabaho ang ipupunta mo doon, ah," pabirong wika niya.

"W-what made you t-think o-of that?" He nervously laughed.

She knotted her forehead. Bakit parang naging uneasy ito? Naging uneasy ba talaga ito o imagination niya lang iyon?

"Eunice?"

Baka nga imagination niya lang iyon, dahil ngayon ay confident namang nakatingin sa kanya ang asawa.

"I'll help you pack your things. Gawin na natin ngayon para wala ka nang aasikasuhin," nakangiting saad niya na. Walang problema. Wala namang kahina-hinala. Positive thoughts, Eunice. Positive thoughts.

Tumango ito. "Magbe-behave ka rin, ah," bilin naman nito habang papanhik sila sa kanilang kuwarto.

She playfully winked at him. "I'll try."

Napaamang ito. "What?!"

She giggled. Kumapit siya sa batok nito. "When the cat is away, the mouse will play," nakakalokang sabi niya pa, teasing him.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Subuka-."

Hinalikan niya ito sa mga labi bago pa man nito matapos ang sasabihin. "I love you," aniya pagkatapos niyang halikan ito. "You take care."

He tenderly smiled at her. "Hindi pa naman ako aalis ngayon. At medyo OA ka na."

Umingos siya. "Uuwi ka after one week, ha?"

"Eh, saan pa ba 'ko pupunta?"

"Babalik ka sa'kin, ha?"

He chuckled. "Of course. Bakit naman hindi kita babalikan?"

Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya ang mga bagay na iyon kahit alam naman niya ang mga sagot doon. Ewan niya ba. May kakaiba talaga siyang nararamdaman sa pag-alis nito. Feeling niya ay may magbabago pagbalik nito. Hindi niya alam kung ano.

Oh my! Maybe she's just thinking too far. Walang mangyayari. Wala. Ang pagpunta nito sa business trip na iyon ay parang katulad lang sa mga nakaraan na business trips nito. Babalik ito at magkakasama ulit sila.

Terrence planted a kiss on her forehead. "Take care also, okay? Gusto ko may babalikan pa 'ko." Then he looked straight into her eyes. "At kahit anong mangyari, just trust me."

Napakurap-kurap si Eunice. "Why so serious?"

Ngumiti na ulit ito at umiling-iling. "I'm always serious, what's the difference now?"

"Ay, oo. Sa sobrang serious mo, killjoy ka minsan."

"What? Hindi ako kill joy," salubong ang kilay na depensa nito.

"Kill joy ka, Mr. Always Serious!" She stucked her tongue out and ran up the stairs. Hinabol siya nito at imbes na makapag-empake, ang habulan nila ay sa kama ang finish line.

❤❤❤

NASA isang sikat na coffeeshop si Eunice at mag-isang nagkakape. Nainip na kasi siya sa bahay at wala nang pumapasok na new ideas sa isip niya kaya naisipan niyang lumabas.

Nagsubok siyang mag-aya ng mga kaibigan ngunit may trabaho nga ang mga ito at masyadong busy.

Napasipsip si Eunice sa straw ng iniinom niyang iced coffee. Gusto niyang magkaroon rin ng stable career katulad ng mga kaibigan niya. Naisip niya na naman ang offer sa kanya sa Paris na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi kay Terrence. Hanggang sa nakaalis ito kahapon para sa business trip nito sa Australia ay hindi niya pa rin nasabi rito ang tungkol doon.

But, Eunice might decline the offer. Hindi naman niya kasi kayang piliin ang career over her husband. May plano pa silang magka-baby kaya imposible talaga sa kanya ang makabalik pa at magtrabaho sa Paris.

Malayo na ang naiisip ni Eunice nang biglang may humalik sa kanyang mga pisngi. Bigla siyang napatingin sa gilid at napasinghap siya nang mapagsino ang nanghalik sa kanya.

"Bonjour, ma cheri," nakangising bati ni Geoff.

Impit siyang napatili sa saya. "Geoff!"

Ngumiti sa kanya ang half-Filipino, half-French na dating nobyo na matalik niya nang kaibigan.

Binuka nito ang mga braso. Agad siyang napatayo at napayakap dito.

"Oh, Geoff! Nandito ka ulit!" masayang-masayang sabi niya.

"Well, I have great news," sabi nito habang mahigpit pa rin ang yakap sa kanya.

"What?" medyo napalayo siya rito para makaharap ito ngunit nakahapit pa rin ito sa baywang niya.

"I'm staying here in the Philippines for good."

"Oh, wow!" Napayakap ulit siya rito dahil mas lagi niya nang makikita ang kaibigan. "That's for sure? You're not kidding?"

"Nope! Ako na ang magha-handle ng negosyo ng grandparents ko rito sa Manila. Partners kami ng pinsan ko. Pero sa Isabela siya."

"Paano ang company niyo sa Paris?"

"Mga ibang kamag-anak ko na ang bahala roon. Sandali nga lang, kung makayakap ka sa'kin parang hindi magseselos ang asawa mo, ah."

Natawa siya at kumalas na rito. Magkatabi silang umupo pagkuwan. "It was so nice to see you, again, Geoff!"

Nagpalinga-linga ito. "Hindi mo ba kasama ang asawa mo? Wala bang kamao ang biglang lilitaw at manununtok sa'kin?" he joked.

"Kung aabot dito ang kamao ni Terrence from Australia, siguro nga. Pero hindi naman nanununtok ang asawa ko. Mabait kaya siya."

"Bakit nasa Australia si Terrence? Iniwan ka na?"

Hinampas niya ito sa braso. "Of course not! Business ang pinunta niya roon. He'll be back by next week."

Napasipol ito. "Masosolo pala kita ng buong week," malokong sabi nito at saka umakbay sa kanya.

She just laughed. "Kapag tumawag siya mamaya, ikukuwento kong nandito ka. Para aware siya. At saka para hindi magselos."

"Is he still threatened by my gorgeousness?"

Inikot niya ang mga mata. "Nah! He's more handsome."

"Biased!"

They shared a laugh and spent the whole hour updating each other about their lives. Akala ni Eunice ay isang linggo siyang walang ibang gagawin kundi ang maghintay sa pagbabalik ni Terrence, but surprisingly, Geoff's here! And he's staying for good!

Habang nakikipag-usap rito ay saka niya na-realized na sobrang na-miss niya si Geoff. Na-miss niyang pakinggan ang mga kalokohan nito at ang mga nonsense na sinasabi lang nito na nakakapagpatawa sa kanya.

❤❤❤

DALAWANG araw na lang at uuwi na si Terrence. Excited na si Eunice sa pag-uwi ng asawa. She missed him. Lalo pa at hindi rin ito nakatawag sa nakalipas na tatlong araw. Sinusubukan niya itong kontakin ngunit panay lang ang pagtunog ng telepono nito. Naisip niya, baka sobrang napapagod ang asawa sa trabaho nito kaya kapag magpapahinga na ito ay talagang nagpapahinga na ito kaya hindi na nakakatawag sa kanya.

Kasalukuyan siyang nasa grocery store at namimili ng mga kailangan niyang ingredients sa paggawa ng Carbonara.

Sa nakalipas din na mga araw ay si Geoff ang laging kasama niya. He kept her company always. Marami talaga silang kuwento sa isa't-isa at parang hindi nauubos kapag magkasama sila.

"Hey, there!"

Napalingon siya. Speaking of the devil, "Geoff! Nagkita na naman tayo," natatawang bati niya rito.

"Must be fate," nakangising sabi nito.

She rolled her eyes. "Sinusundan mo siguro ako, 'no?"

Tumawa ito. "Bakit naman ako susunud-sunod sa babaeng may asawa na?"

Tinulak niya ang push-cart papunta sa aisle ng mga pasta. "So, really, what are you doing here? May bibilhin ka rin bang ingredients kasi magka-carbonara ka?"

"You're going to cook Carbonara?" tanong nito. Nagniningning ang mga mata nito. "I miss your Carbonara!"

Sa Paris kasi noon ay madalas siyang maghanda ng Carbonara para sa mga kaibigan niya.

"Want to have dinner over our house?" aya niya rito. Nag-one day off kasi si Mang Emman kanina kaya mag-isa lang siya sa bahay hanggang bukas.

"Of course! Pero samahan mo muna akong bilhin ang mga 'to." May inabot ito sa kanya na isang mahabang papel na may mahabang listahan ng grocery items. "Iyan iyong mga kailangan ko para sa bachelor's pad ko na nilipatan ko."

Tinignan niya ang listahan at napakarami talagang nakasulat doon pero kaya namang matapos agad niyon.

"Okay, I'll help you."

"Thanks! You're really an angel." Hinalikan pa siya nito sa pisngi.

"Get your own cart para makapagsimula na tayo."

Agad naman itong umalis upang kumuha ng cart. Napansin niyang habang naglalakad ito ay maraming mga kababaihan ang humahangang sinusundan ito ng tingin. Geoff is really an attention grabber. Pagbalik nito ay nagsimula na silang mamili.

The next moment was spent grocery shopping. Mas natagalan sila kaysa sa inaasahan nila dahil nagkakagulo-gulo pa silang dalawa kung saan hahanapin ang mga nasa listahan. Ilang beses rin silang nagkawalaan.

Alas-sais na ng gabi ng makalabas sila sa grocery. Dahil may kanya-kanya silang kotse, nauna na siyang umuwi upang makapaghanda ng carbonara habang ito naman ay inuwi muna ang mga pinamili para sa bachelors pad nito.

Past seven ay nasa bahay na nila si Geoff. Hindi pa luto ang carbonara kaya tinulungan na lang siya nitong mag-prepare.

"Don't go near the stove, Geoff, okay?" pang-aasar niya rito. Noon kasi sa Paris ay muntikan nang masunog ang kitchen sa bahay ng Auntie Nicola niya dahil sinubukang buksan iyon noon ni Geoff.

He made face. "Marunong na'kong gumamit ng stove."

Natawa siya. "I'm just making sure. Maghiwa ka na lang diyan. Ako ng bahala rito sa kalan."

Nag-ring ang telepono na malapit sa kitchen counter. "Kindly answer," pakiusap niya kay Geoff na katabi lang ang telepono.

"Okay." Sinagot nito iyon. "Hello? Oh! Bonsoir, monsieur!"

Napalingon siya rito. Bakit ito nagpe-French? Baka hindi nito maintindihan ng kausap.

"Who's on the phone?" she mouthed him.

Nakangisi ito habang nakikinig sa sinasabi ng kausap nito.

"Geoff," mahinang tawag niya rito. "Sino yan?"

"Asawa mo."

Napasinghap siya. Napalapit siya rito at pilit na inaagaw dito ang phone na iniiwas nito sa kanya. "Geoff! Give me the phone!"

"Manners, young lady. Kinakausap ako ng asawa mo," natatawang sabi nito.

"Give me that!" she demanded. Excited siyang makausap ang asawa. Ang tagal nitong hindi tumawag.

"Don't worry, Terrence. I'm taking care of your wife. Sinasamahan ko nga siya dito dahil wala siyang kasabay sa dinner. Nag day-off daw si Mang Emman," sabi ni Geoff na tumayo na at inilalayo sa kanya ang phone. "Chill, pare! Hindi ko naman kakainin ang asawa mo. We're gonna eat carbonara for dinner."

Tawa ng tawa si Geoff ng ibigay nito sa kanya ang telepono.

"Terrence! Bakit ngayon ka lang tumawag?"

"Anong ginagawa ng 'bestfriend' mo sa bahay natin?"

Sabay pa nilang sabi.

"I invited him over for dinner. Mag-isa lang ako sa bahay ngayon, eh."

"Mag-isa ka na nga lang, nagpapasok ka pa ng loko-loko."

Natawa siya. "Loko-loko nga si Geoff, pero kaibigan ko pa rin siya."

"Are you with him everyday?" Nakuwento niya na rito nang huli itong tumawag ang permanent stay ni Geoff sa Pilipinas.

"Ahmm... yeah. He keeps me company."

Napabuntong-hininga lang ito sa kabilang linya.

"Huwag ka nang magselos," she teased.

"Oo nga, pare! Promise, I'll behave!" malakas na sabi pa ni Geoff.

Hinampas niya ito sa braso. "Quiet!"

"Hanggang anong oras siya diyan?"

"Pagkatapos namin sigurong kumain, paalisin ko na siya."

"Hey!" angal ni Geoff.

"Hmp!" irap niya rito. "By the way, Terrence, bakit hindi ka tumatawag? I miss you so much."

"S-Sorry, baby... masyado kasing busy dito."

Lumabi siya. "Kaya hindi mo na 'ko naalalang tawagan?"

"Forgive me. I... May mga kailangan talaga akong tapusin dito. I'll call you again later kapag tapos na kayong kumain ni Geoff. Can you give him the phone?"

"Okay." Inabot niya kay Geoff ang telepono.

"Hello! Geoff here! Your wife's ex-boyfriend, first kiss, and bestfriend!"

Hinampas niya ito ng sandok ngunit mabilis itong nakaiwas. Ang dami talaga nitong kalokohan!

Nagulat siya ng malakas na natawa si Geoff sa kung ano man ang sinabi rito ng asawa niya. Binalik nito ulit ang phone sa kanya.

"Hello, Terrence?"

"Paalisin mo na siya pagkatapos niyang kumain. I'll call you later, okay?"

"Okay! I love you!"

"I love you more, baby."

Pagbaba niya ng telepono ay hinampas niya ulit si Geoff ng sandok ngunit mabilis talaga itong kumilos at umiwas. "You're annoying, Geoff! Really!"

He just shrugged and laughed. "Alam mo ba ang sabi sa'kin ng asawa mo?"

"Ano?"

Kinindatan siya nito. "Siguruduhin ko daw na masaya ang dinnertime mo. Na makakakain ka ng tama."

Napangiti siya. Terrence is really sweet.

"Saka hindi na daw siya uuwi. Akin ka na lang daw."

Sinimangutan niya ito. "Whatever!" Tumalikod na siya at itinuloy ang pagtapos sa niluluto.

"Eunice?"

"What?" aniya na hindi ito nililingon.

"You told me about him, right? Iyong bigla siyang parang nabalisa last week, sabi mo."

Tumango siya. "Yes. What about it?"

"Hindi mo ba naisip na baka may ibig sabihin iyon sa pagpunta niya ngayon sa Australia? Tapos hindi ka pa sinama?"

"Don't put things in my head, Geoff."

"I'm a guy, may kutob lang ako. Parang may tinatago sa'yo si Terrence."

Napapikit si Eunice at napabuntong-hininga. Naisip niya na rin iyon. But, she promised Terrence that he'll trust him. So, she'll just trust him. Wala naman sigurong itatago sa kanya si Terrence na masasaktan siya kapag nalaman niya.

"Basta kapag nasaktan ka niya, puwede mo na 'kong takbuhan agad," Geoff said, concerned. "Pero mas maganda kung mag-kotse ka para hindi ka mapagod."

"Ewan ko sa'yo, Geoff."

"Eunice, cheri," tawag nito sa kanya.

"Hmn?"

"I cut my finger."

Agad siyang napalingon dito at napasinghap ng makitang nagdudugo ang daliri nito. "Oh, my gosh!" Natatarantang kinuha niya ang first-aid sa isang kitchen cabinet at nilapitan ito.

"What happened to you? Bakit mo naman hiniwa yung daliri mo?"

"Baka kasi pwedeng isahog sa carbonara," sarkastikong sabi nito habang tumatawa.

"Stop laughing!" Inasikaso niya ang hiwa sa daliri nito. Malaki iyon. Ano ba kasing iniisip nito at naging careless ito? "Buti na lang talaga, di kita pinalapit sa stove, baka nasunog mo pa ang kamay mo, if ever."

Abala siya sa paglilinis ng sugat nito nang hawiin nito ang buhok niya na nakaharang sa kanyang mukha. He tucked it behind her ears.

"Ayokong takutin ka pero may iba talaga akong kutob sa pagpunta niya sa Australia. Lalo na ng kausap ko siya kanina. May iba akong nararamdaman. Sana mali ako. Pero kung iiyak ka ng sobra dahil nasaktan ka niya, aagawin talaga kita sa kanya," seryosong-seryosong sabi nito.

Napakunot-noo siya. "Baliw."

Umangat ang isang dulo ng labi nito. "I'm serious."

"Terrence would never do that. He's my angel. He won't hurt me." Natapos niya ang paglilinis ng hiwa nito. Lumapit siya sa freezer upang kumuha ng ice. Nilapat niya iyon doon.

"Mabuti siyang tao, I know that. Ayoko ring pag-isipan siya ng masama kasi alam ko iyong mga pinagdaanan niyong dalawa. But you also know me, Eunice. Masama lang ang kutob ko. Just be ready."

Ito ang lagi niyang kinaiinisan kay Geoff, dahil kapag may kutob ito, sa malamang ay tumatama. Ang mas kinaiinisan niya ay may punto ang sinasabi nito.

"I hate you!" singhal niya na sinabayan ng pagtalikod.

"You hate me because I just made a point."

Eunice silently prayed in her head. Sana mali si Geoff sa kung anumang kutob nito. Sana... sana...

❤❤❤

Hapon pa ang uwi ni Terrence, ngunit umaga pa lang ay excited na si Eunice. Namili na agad siya ng ihahandang hapunan mamaya na pagsasaluhan nila ng asawa.

Isang linggo lang ngunit parang ang tagal nga nilang nagkahiwalay. Idagdag pa ang walang kamatayang 'gut feels' ni Geoff. Mas gusto niya na tuloy makausap ang asawa.

Gusto niya sanang salubungin si Terrence sa airport ngunit sinabi nito na maghintay na lamang daw siya sa bahay nila. Mas mabuti na rin iyon at mas makakapaghanda rin siya kung sa bahay na lang siya maghihintay.

Malapit nang matapos ang niluluto ni Eunice nang marinig niya ang pamilyar na busina ng kotse. Naging mabilis na naman ang pagtibok ng puso niya. Excited siyang mayakap si Terrence.

Narinig niya ang pagbukas ng gate ni Mang Emman.

Iniwan niya ang niluluto sandali nang masigurong ayos lang na maawinan iyon. Nagmamadaling lumabas siya ng kusina papunta sa sala kung nasaan ang entrance door. Nasagi niya pa ang isang vase sa pagmamadali, pero agad naman niyang nasalo iyon. Buti na lang! Si Terrence pa naman ang bumili niyon para sa kanya dahil gusto niyang disenyo ng vase.

Ibabalik na niya iyon sa dating puwesto nang bumukas ang pinto. Hindi niya na tuluyang nabalik ang vase, at hawak-hawak niya pa habang mabilis na pumihit paharap.

"Welcome ba-"

Natigil siya sa masayang pagbati sa asawa nang makita niya ang kasama nito...

Isang batang babae na may yakap-yakap na teddy bear ang hawak ni Terrence sa kamay. Her innocent light brown eyes looked at her.

Ang mabilis na pagtahip ng kanyang puso dahil sa excitement ay nawala at napalitan iyon nang mabagal ngunit malalakas na pagkabog dahil sa nararamdamang nerbyos. Napahigpit ang hawak niya sa vase.

Nagsalubong ang tingin nilang mag-asawa. Tila nag-freeze sila sa mga kinatatayuan at wala rin namang kahit sino ang gustong gumalaw.

"Eunice..." tila nahihirapang sambit nito. "I-I'll explain everything."

She tried to say something but failed. She remained silent, her eyes still looking directly at him. Terrence looks like he's going to cry.

Bumaling ito sa batang babae at tumingin ulit sa kanya. "H-Her name's Cyla, Eunice."

Napalunok siya at tinignan ang bata. Isang sulyap pa lang dito ay alam na agad kung anong koneksyon nito sa asawa niya.

"S-She's..."

Eunice started to shake.

"She's my daughter."

Narinig sa buong kabahayan ang pagkabasag ng vase, ngunit siya lang ang nakarinig ng pagkabasag ng puso niya.


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

487K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
26M 785K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
38.2K 2K 55
• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
10.1M 162K 41
PART 2 OF Practicing My First Real Kiss. May first kiss na ba kayo? AKO? HINDI KO ALAM! Pero, considered bang first kiss kahit 'NAKALIMUTAN' mo na? ...