s i Ni s t e r

By RoseTanPHR

98.6K 4.7K 253

A person who desires revenge should dig two graves. For he who plots to hurt others often hurts himself. But... More

Untitled Part 2
Untitled Part 3
Untitled Part 4
Untitled Part 5
Untitled Part 6
Untitled Part 7
Untitled Part 8
Untitled Part 9
Untitled Part 10
Untitled Part 11
Untitled Part 12
Untitled Part 14
Untitled Part 16
Untitled Part 17
Untitled Part 18
Untitled Part 19
Untitled Part 20
Untitled Part 21
Untitled Part 22
Untitled Part 23
Untitled Part 24
Untitled Part 25
Untitled Part 26
Untitled Part 27
Untitled Part 28
Untitled Part 29
Untitled Part 30
Untitled Part 31
Untitled Part 32
Untitled Part 33
Untitled Part 34
Untitled Part 35
Untitled Part 36
Untitled Part 37
Untitled Part 38
Untitled Part 39
Untitled Part 40
Untitled Part 41
Untitled Part 42
Untitled Part 43
Untitled Part 44
Untitled Part 46
Untitled Part 47
Untitled Part 48
Untitled Part 49
Untitled Part 50
Untitled Part 51
Untitled Part 52
Untitled Part 53
Untitled Part 54
Untitled Part 55
Untitled Part 56
Untitled Part 57
Untitled Part 58
Untitled Part 59
Untitled Part 60
Untitled Part 61
Untitled Part 62
Untitled Part 63
Untitled Part 64
Untitled Part 65
Untitled Part 66
Untitled Part 67
Untitled Part 68
Untitled Part 69
Untitled Part 70
Untitled Part 71
Untitled Part 72
Untitled Part 73
Untitled Part 74
Untitled Part 75
EPILOGUE

Part 1

8.2K 184 5
By RoseTanPHR


YOU LOOK FAMILIAR. PARANG NAKITA NA KITA." SABI NI SEF GOROSPE. SINULYAPAN LANG SI Paige at ibinalik na uli ang atensyon sa kinikilatis na mga tela. Nakasampay iyon sa wooden rack na nasa ilalim ng hagdanan kasama ng mga malalaking plastic bag at kahon na naglalaman ng mga beads, sequins, zipper. Butones, rolyo ng mga lace at kung anu-ano pa.

Hindi alam ni Paige kung compliment ang sinabi ng designer o hindi. She shifted her weight to her left foot. Ngawit na siyang tumayo doon at maghintay kung kailan siya kakausapin nang maayos ni Sef. Pinatuloy siya doon ng apprentice siguro nito, hindi man lang siya inalok maupo bago iyon umakyat. Akala niya ay tatawagin si Sef. Nagulat na lang siya nang lumabas ang designer mula sa likod ng capiz screen na nasa bandang dulo ng shop.

Nag-magandang -umaga siya, nagpakilala at sinabi ang pakay doon. Parang walang narinig o nakita ang designer, lumapit sa malaking mesa na kalapit ng capiz screen, dinampot ang gunting at ginupit ang telang nakalatag doon. Bago nilagyan iyon ng mga marka gamit ang orange na krayola. Sef really took his time doing that. Pakiramdam ni Paige, sinasadya iyon ng designer para maging uncomfortable siya.

'nyata 'tong baklang laos na 'to.

Old Paige would have stormed out already, after lashing out at Sef. New Paige was nice and patient, knew her priorities. Kailangan niya si Sef Gorospe. Iyon ang goal. Doon lang siya titingin.

Sa wakas, tumayo si Sef at nagpunta sa mga tela sa ilalim ng hagdan.

"I'm sure we haven't met before." Sagot niya sa comment nito. "But I know you...of course. You're Sef Gorospe. Everybody knows you, Sir." O madam? Paano ba ia-address ito? Mommy Sef ang tawag dito ng mga kaibigan at kliyente. Hindi niya puwedeng gayahin iyon. Baka sabihin, feeling close siya.

Isinuot nito ang nakakwintas na salamin bago siya tingnan uli. Sinuri siya ng isnag segundo lang yata, hinubad na uli ang salamin.

"Masyado kang maganda para maging utusan." Sabi nito.

Utusan?

Nahalata yata ang confusion niya, "Assistant, secretary, whatever you call it, utusan ang kalalabasan mo, Miss Hipolito."

"Uh, okay lang. I understand the nature of the job."

"Five-thousand." Sabi ni Sef.

Napakurap lang si Paige.

"Five-thousand monthly. Free food and lodging, of course." Paglilinaw ng designer na famous noong 80s and early part of the 90s. Sixty-six na ito ngayon, ayon sa Facebook nito. Hindi na kilala. Has-been. Nangamatay na ang mga prominent clients nito noon, kung hindi man, may mga sakit na at hindi na nakikita.

Tumango si Paige, "Yes, Sir."

"Go home and get your things. We're going to Pueblo Grande tomorrow. Be here before seven in the morning."

"Uh, no need, Sir." Hinila niya ang maliit na suitcase na iniwan niya sa tabi ng manekin sa likod niya, "I have my things with me now."

Tumaas ang manipis na kilay ni Sef pero hindi nagsalita.

Feeling ni Paige, kailangan niyang mag-explain, "Tutuloy sana ako sa friend ko in case hindi ako matanggap today."

"And you are....how old?" Kunot-noo ang designer.

"Twenty-three, Sir." Last week, twenty-two lang siya.

Humarap sa kanya si Sef at nangalukipkip. Hindi nagsalita.

Hindi alam ni Paige ang gagawin, ni-recite na lang niya ang mga isinulat niya sa application form, "HRM po ang course ko, second-year pa lang po. Stop po muna ako, nagkaproblema sa employer 'yung ate ko na nasa Israel, kailangan ko muna magtrabaho, hindi n'ya ako mapadalhan."

Ang totoo, binigyan siya ng ate niya ng ultimatum. Hindi siya padadalhan ng pera pang-enroll at allowance hanggang hindi niya inaayos ang buhay niya.

E, di ayusin.

Nagpatuloy siya, "Taga-Bacoor po ako. Cavite. Doon po ako nag-elementary at highschool, retired policeman po ang father ko---"

"Get your things upstairs. Tatawagin kita pag kailangan kita."

"Opo."

Bitbit ang asul na suitcase, umakyat na siya.

Oro..,plata...mata...oro...plata...mata...oro...plata...mata...

"Oro." Bulong niya, nakatingin sa mga paa. Pag-angat niya ng mukha, nasa harap niya at nakamata ang baklang nagpapasok sa kanya kanina. "Hi." Bati niya. "Saan ko dadalhin 'to?" tukoy niya sa suitcase.

"Dito." Itinuro nito ng hinlalaki ang pinto sa kanan niya, sabat humakbang at binuksan iyon, "Magkasama tayo."

Tumango si Paige, "Ako pala si Paige." Pakilala ulit niya. "Ikaw?"

"Mariposa." Sagot nito.

Napakurap siya.

Tumawa ang bakla, "Jessy. As in Mendiola." Pumasok ito sa kwarto.

Sumunod si Paige, "Mas bagay sa 'yo ang Mariposa."

"Chos."

"Maganda ka kasi." Totoo naman. Mga kasing edad niya ito at kasing taas rin, five-three. Nakalugay ang mahaba at itim na itim na buhok, lampas sa balikat, humahaba na ang bangs at tumatakip sa isang mata; tsinita; matangos ang ilong; makapal ang mga labi at pink; may mataas na cheekbones at makinis na makinis ang mukha.

Body hugging shirt ang suot, naka-bra kaya parang may boobs. Naka-skinny jeans. Walang bilbil pero hindi maskulado. Mapapagkamalan mo nang babae.

"Thank you. Ikaw rin." Sabi nito at binuksan ang cabinet na nasa uluhan ng single bed na halos nakatapat na sa pinto, "D'yan ka. Dun ako sa kabila." Turo nito sa dalawang magkatapat na kama. Kumuha ito ng mga bedsheet at unan, ibinaba sa kama, "Ayusin mo na lang."

"Thank you. Ahhmm, ano mo si Sir Sef?"

"Kababayan. Mamsh. 'wag mong tawaging 'sir' kung gusto mong magtagal."

Tumango siya, "Thank you."

"D'yan ka na, may nilalagare pa 'kong bead work." Lumabas na ito.

Iginala ni Paige ang paningin. May bintana sa uluhan nila, katabi ng cabinet. Brown na bulaklakin ang kurtina, beige ang mga dinding. Kahoy ang sahig, dark brown at makintab na makintab. Sa paahan ng kama ni Jessy, may TV rack. Maliit na flat screen ang naroroon. Katabi niyon ang electric fan at standing mirror.

Mas gusto sana niya sa kama ni Jessy, hindi dahil sa TV kundi sa posisyon niyon. Mas malapit sa bintana at hindi nakaumang ang paahan sa pinto.

Hindi dapat nakatapat sa pintuan ang kama. Uluhan man o paahan. Kapag naka-ulo ka sa pinto, para kang ipapasok sa nitso. Kapag katapat naman ng paa ang pinto, hihilahin ka sa hukay.

Pero malabong makipagpalit ng puwesto sa kanya si Jessy.

"Knock on wood." Kinatok niya ng tatlong beses ang pinto at inayos na ang higaan niya. Bakal ang frame ng kama, itim. Three inches naman ang kapal ng foam mattress. Inipit niyang mabuti doon ang bedsheet. Nang matapos, binuksan niya sa kama ang suitcase. Hindi pa niya kailangan mag-unpack dahil aalis naman sila bukas. Kinuha lang niya ang mga kakailanganin. Tuwalya at toiletries.

At si Nicko.

Hinila niya mula sa pagitan ng mga damit ang picture frame. 6' X 4' ang size, asul na plastic ang edges.

December 22, 2017 kinunan ang picture sa frame. Blurred ang Christmas lights sa background dahil patay-sindi ang mga iyon. Pero ang ngiti...ang mga mata ni Nicko sa larawan, mananatiling buhay na buhay.

Humahaba na ang buhok ni Nicko noon kaya unruly na. Nakatikwas sa bandang teynga. Pero maiksi pa rin para itali kaya madalas, naghe-headband ito .Tinanggal nito ang headband bago kunan ang picture, nakawala ang bangs....and his hair just fell into place.

Perfect head shot ang resulta. Hindi lang kaguwapuhan ni Nicko ang na-capture, pati ang kaligayahan nito noong gabing iyon. Naniningkit ang mga mata sa ngiting nauwi na nasa tawa, litaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Ang ilong, parang naghahamon sa tangos.

Masuyo niyang hinaplos ang salamin ng frame, tulad ng paghaplos niya sa salamin ng....

December 25, 2017, habang ang lahat ay nagdiriwang, ang kanyang mundo ay tumigil na. Sa larawan na lang nananatiling buhay si Nicko, the only person who loved her completely. Unconditionally.

Hindi sana...kapiling pa sana niya si Nicko kung naisugod agad sa ospital.

Hit and run.

Kitang-kita sa CCTV kung paano humarurot lang ang Subaro Outback. Balewala lang ang buhay ni Nicko sa taong kayang bumili ng sasakyan na nasa dalawang milyong piso ang halaga.

Dahil kaya rin niyong bilhin ang batas.

Pekeng batas. Joke na batas.

Ayusin raw niya ang buhay niya, sabi ng ate niya. Gusto naman niyang ayusin pero na-realize niya, hindi niya magagawa hanggang hindi nakukuha ni Nicko ang katarungan.

Matatahimik lang siya kapag alam niyang tahimik na rin si Nicko. Doon lang niya maipagpapatuloy ang buhay.

Magbabayad muna ang taong bumalewala sa buhay ni Nicko.

Hinagkan niya ang larawan at niyakap iyon ng mahigpit bago inilagay sa ilalim ng unan.

Continue Reading

You'll Also Like

264K 7.6K 76
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...
65.4K 2.7K 18
Book #1 of DESTINY'S ALIGNMENT SERIES *ο½₯゚゚ο½₯*:.q..q.:*゚:*:βœΌβœΏγ€€γ€€πŸͺ„ "Shut up" "Your lips please ma'am" "What do you want? " "You, your love " "What...
337K 25.5K 37
α€•α€²α€•α€Όα€―α€α€Ία€žα€Šα€Ία€„α€•α€Όα€°α€Έα€”α€²α€· α€†α€­α€―α€€α€Ία€€α€¬α€Έα€†α€›α€¬α€„α€œα€°α€Έα€α€­α€―α€·α€›α€²α€· story α€œα€±α€Έα€α€…α€Ία€•α€―α€’α€Ί
6M 205K 52
She has it all except his heart. She had done both amazing and ridiculous things but was still treated as a wallflower. She's been a good wife. Bu...