The Things I Hate About You

By ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 18

3.2K 133 28
By ceresvenus



"Girl! You are so sexy! How did you get that butt?" Salubong sa akin ni Scarlette nang makarating ako sa kanila.

"Well, I do squats." Tumawa ako at nilublob ang sarili ko sa tubig.

"Ang sama ng tingin ni Scor ah? What's the real score between you? Uy! That rhymes ha." Tanong naman ni Brooke.

"Hindi ba obvious na walang something? How I wish na meron." Hilaw akong tumawa.

"Obvious naman na gusto mo siya. Ewan ko kung bakit nagdala pa ng plus one. Honestly? Hindi ko gusto ang hilatsa ng Mary na iyon." Said Scarlette.

"Really? Alam niyo, ako din." Pinasundan naman ni Brooke ang sinabi niya.

There are other women in the group but I seem to be really connected with this two. Ilang araw ko palang kasi silang nakakasama ay parang kumportable na ako sa kanila. At least, may nakakausap ako dito.

"Girls. Stop it. You know, I'll play a fair fight. If Scor wants to settle for less, let him be." Nag kibit balikat ako.

Nag tampisaw ako sa puting buhangin at asul na asul na dagat. Hindi gaanong pino ang buhangin pero papasa ito sa kagandahan. Natanaw kong naglakad na si Scor kasama ang mga kaibigan niya pabalik sa veranda. He doesn't look pleased at all. Anong inaarte arte niya ngayon? Eh diba nga, hindi niya ako gusto? Inirapan ko siya kahit hindi niya naman ako nakita.

Ilang sandali lang muna akong nag swimming at in-appreciate ang ganda ng buong Gigantes. Pagabi na din ng umahon ako kasama ang dalawang babae. Pag balik ko sa veranda ay nakita kong mag isa nalang si Scor at wala itong Mary na katabi. Himala.

Sinundan niya kaagad ako ng tingin pagkadating ko sa veranda. Naroon kasi ang towel ko kaya't basang basa at exposed na exposed pa din ang buong katawan ko. Sumipol pa nga si Eli kaya pabiro siyang sinapak ng pinsan ko.

"Ladies, nag-enjoy ba kayo?" Tanong ni Harris.

Iyong dalawa ay kanya kanyang dikit sa mga boylet nila. Medyo nainggit nanaman ako dahil wala akong ganon. Ako naman ay naghanap ng bakanteng upuan. Doon nalang ako umupo sa dulo medyo malayo kay Scor.

"Yeah. Ang sarap sigurong mag snorkling." I answered.

"Bukas mag island hopping tayo. Maganda ang lagoon dito." Sabi niya bago uminom sa baso.

Nakahanda na ang pagkain at umiinom na din ang mga lalaki. Palubog na ang araw kaya nabalot ng kahel na kulay ang paligid. Naisip kong mag bibihis muna ako dahil mahangin kapag gabi. Baka magkasakit pa ako.

"Uy Tos. San ka pupunta?" Tanong ni Clint nang mapansin niyang tumayo ako.

"Magbibihis muna ako. Malamig." Sagot ko naman.

"Ah, oo nga pala. Mahina kasi ang baga nitong pinsan ko." Sabi niya sa mga kaibigan niya.

"Yeah, Clint. Too much info! I'll be back." Sabi ko bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa villa ko.

Hindi pa ako nakakalayo ay may grupo ng mga lalaki na lumapit sa akin. Natakot ako pero hindi pa naman ako nakakalayo kaya kung may balak silang masama ay tatakbo nalang ako pabalik sa veranda.

"Hi, miss. Nag si swimming kami kanina sa beach. Type ka kasi nitong tropa ko. Pwede bang mahingi number mo?" Sabi nung isang lalaki na medyo payat. Mukhang kakaahon lang din.

"Ate wag kang matakot sa amin. Torpe lang talaga itong tropa namin." Sabi naman noong matangkad na lalaki na nakaakbay sa pandak na lalaki.

"M-miss. Uhm ano, single ka ba?" Tanong noong pandak na medyo cute naman.

Moreno ito at charming.

"Uhm, ano kasi eh." Hindi ako nag bibigay ng number kung kani kanino.

"She's taken." Umalingawngaw ang baritong boses at sabay sabay kaming napalingon sa direksyong pinanggalingan noon.

Papalapit si Scor at dire diretso itong umakbay sa akin. Hindi ako nakahinga nang maramdaman ko ang init ng katawan niya sa tagiliran ko. Topless kasi ito at board shorts lamang ang suot.

"T-totoo ba, miss?" Baling sa akin nung lalaking may gusto daw sa akin.

Itatanggi ko sana pero sa dahil mas hinapit niya oa ako palapit at hinaplos ang balikat ko ay parang magic na nakalimutan ko ang gusto kong sabihin.

"Di ka makaintindi, boy? Anong gusto mo?" Tiningnan niya ng maangas yung lalaki.

Parang puppy naman ang lalaki at tahimik na umalis. Parang gusto ko pa silang habulin dahil ayokong maiwan dito kay Scor! Hoy! Ano ba? Wala ba kayong paninindigan? Bumalik kayo dito! Hindi ba ako worth it ipaglaban?

Kinalas ko ang pagkaka akbay sa akin ng walang hiyang insekto at saka siya tiningnan ng masama.

"What the hell? Anong pinagsasabi mo diyan?" Untag ko sa kanya.

Inis na inis talaga ako ngayon pero hindi ko alam kung sa kanya ba ako naiinis o sa sarili ko. Mas malaki ata ang inis ko sa akin! Ganito na ako karupok? Inakbayan lang ako bumigay kaagad?

"Totoo naman ah? You're taken." Parang wala lang na sabi nito.

Ayan nanaman siya. Dinadaan niya nanaman ako sa pa cool cool na sagot niya.

"What? No! Single ako. Single din siya! I was gonna give him may number! Panira ka." Dinuro duro ko siya.

Nag sinungaling lang naman ako. Hindi ko naman talaga ibibigay iyong number ko. Pero gusto ko lang naman ipamukha sa kanya na hindi lang siya iyong pwedeng may iba, kaya ko rin.

"We both know you're not." Tinitigan niya ako ng mata sa mata at hindi ko iyon kinaya. Ako ang unang umiwas.

Here he comes again with his stupid charades. Paanong hindi ako single? Eh siya nga itong may kasamang babae mula pa kahapon.

"You see, relationships require two persons, Scor. Ano iyon? Taken ako? Nino? Ng sarili ko? Hah!" Malakas akong bumuga ng hangin at hindi makapaniwalang tumingin sa langit na ngayon ay kulay violet na.

"Taken ko." Sabi niya.

Bumagsak ang panga ko sa pinag sasasabi niya. Wala akong nasabi at natameme lang ako. Ilang sandali pa ay sinara ko ang bibig ko at nilunok ang laway ko kahit hindi naman kailangan. Gumuhit ang inis at galit sa buong sistema ko.

"Oh, shut up! Will you? I'm so tired of your bullshit. So please, just leave me alone." Halos tili ko na.

Napansin kong lahat ng tao sa veranda ay nanonood sa munti naming eksena. Well done Scorpion Valbuena! You freaking humiliated me in front of your friends. Again!

"Wait- Tosca!" Sigaw niya nang tumalikod ako at naglakad pabalik sa villa.

Mabibigat ang paa ko nang makabalik ako doon. Halos sipain ko pati ang mga buhanging dumikit sa paa ko. Binanlawan ko iyon sa labas bago pumasok.

Nagagalit ako kay Scor. Paulit ulit niya akong pinapaasa. Iyong tipong papasakayin niya ako sa trip niya at kapag on board na ako ay bigla niya iyong babawiin. Was it just all power tripping to him? Nag eenjoy ba siya sa ginagawa niyang torture sa akin?

Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil kahit alam kong pinag lalaruan niya ako ay nandoon pa din ang parteng umaasa sa akin. I don't know what he did to me. Ang lakas lakas ng tama ko sa kanya. The truth is, I really like the douchebag. Heck, baka nga mahal ko na. But I won't know that, will I? I will never have a chance with him because he decided to reject me even before I tried.

Hindi ko tuloy maiwasang maiyak habang nag sha shower. Para akong nasa isang malungkot na music video.

I just don't understand why he likes to play with my feelings. Palagi niyang napupuna iyong mali sa akin. Lahat ng ginagawa ko ay ayaw niya. He never compliments me and he even made me look like a complete idiot in front of his friends. Pero bakit? Bakit gustong gusto pa din siya? Why am I craving so much for his attention and affection? Iyon ang nakaka inis eh. Iyon ang nakaka frustrate. Ayaw na nga sayo, iyon pa ang ginusto mo.

Natapos akong maligo at nakita ko sa salamin na pulang pula ang mga mata at ang ilong ko. I composed myself before going out. Mukhang nakalimutan na nila ang eksena namin kanina ni Scor dahil nag uusap usap na sila ng iba't ibang bagay pagbalik ko.

Doon ulit ako umupo sa may bandang dulo para malayo ulit kay Scor. Nakita ko ang mga pagkain na kanina pa nakahain at ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Naisip kong kumuha nalang ng iba't ibang putahe para naman magkaroon din ng laman ang tiyan ko.

Nakita kong sinusundan nanaman ako ng tingin ni Scor. Binalewala ko nalang iyon. He's probably looking for something wrong with me.

"Oh, mamaya ah? Inuman lang. Walang landian." Sabi noong isang kaibigan nila.

"Sus! Ikaw pa? Ikaw nga ang number one sa kalokohan." Sagot naman nung isa.

"Si Clint ang numero uno." Sabi ni Eli.

"Aba puta! Nadamay pa? Nananahimik ako." Tiningnan ni Clint ng masama si Eli.

Nakikitawa nalang ako sa mga biruan nila. Mabuti at walang nag biro tungkol sa nangyari kanina. Tahimik lang akong nag oobserba sa isang gilid dahil wala din ako sa mood na maki sali sa biruan. Nang matapos akong kumain ay kukuha sana ako ng tubig pero nagdalawang isip kaagad ako dahil kailangan ko pang daanan ang inuupan ni scor para marating ang water dispenser. Sa huli ay nagpasya akong huwag nalang siya pansinin. Mas importante kaya ang tubig.

All my nightmares came true when he grabbed my wrist. Busy ang lahat sa pagke kwentuhan kaya walang nakapansin kaagad sa ginawa niya.

"Let go of me." Mahinang utos ko dito.

"No. We'll talk. What the fvck are you wearing?" Tukoy niya sa crochet bralette na suot ko.

"Ano bang paki mo sa suot ko? Bitawan mo ako." Pumiglas ako sa hawak niya pero lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin. Hindi ako makapalag ng maayos dahil natatakot akong may makapansin sa amin.

"No. Go change, Tosca." Sabi niya.

Nag make face ako at ginaya ang sinabi niya in a mocking tone. Who does he think he is?

"Are you mocking me?" Parang naiinis na siya sa ginawa ko. Pero ginaya ko lang ulit siya.

He smirked and pulled me harder. So hard that I fell right on his lap! Lahat ata ng nandoon nakalingon nanaman sa amin.

"Ano iyan? Puta! Ang aga pa! Sabi ko inuman lang, nagkakandungan na kaagad kayo diyan." Sabi ni Sven habang kunyari ay nagkakamot ng ulo.

"Puta pailalim talaga tumira ang loko." Pang aasar pa ng isa.

Si Scor naman ay nakaupo lang doon. Mukhang kumportable pa kahit na buong bigat ko ang nakadagan sa kanya. He was just taking it like he's a king or something.

"Hehe. Okay guys! Tama na biruan. Nabagsak lang ako." Hilaw kong sabi at nagkunyaring natutuwa din ako sa mga pangyayari.

Padabog akong tumayo at kumuha ng lintik na tubig! Kinailangan ko pa talagang pagdaanan iyon para makainom?

Nang pabalik na ako sa upuan ko ay hinagip niya ulit ang pala pulsuhan ko. Nawiwili na siya ah?

"Dito ka." Turo niya sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"No." Matigas kong tanggi.

"Diyan ka uupo o kakandungin kita? You're choice." Mayabang na sabi nito.

Ayoko nang kandungin ako ng loko kaya kahit napipilitan ako ay umupo ako sa silyang iyon.

What has gotten into him? Ano iyon, out of the picture na kaagad si Mary na kanina lang ay halos sambahin niya. Why is he being so possessive of me now? Hindi nakakatuwa.

Paulit ulit niyang pinag lalaruan ang damdamin ko na para bang walang halaga iyon sa kanya. Ganon niya lang ako kabilis laruin. It is so unfair how he can get me wrapped around his fingers in a snap. Whatever it is he's doing, it's not gonna work anymore. Hindi ko na hahayaang paglaruan niya ako ng ganon ganon nalang. Hindi na pwede iyong ginagawa niya saking iyan. Tao din ako. May feelings at nasasaktan and I am so sick and tired of this stupid game.

Tinitigan ko siya habang nakikipag tawanan siya sa mga kaibigan niya. I am not giving him the satisfaction anymore. Dahil tangina, durog na durog na ang pagkababae ko sa kanya.

A/n: hi guys please help me raise the rating of TTIHAY by voting and leaving a comment below. what do you think about this chap? :)

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
313K 9.7K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
38.2K 806 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...