My Naughty Boastful Boss (Fre...

By Ice_Freeze

9M 192K 18.6K

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical... More

READER'S GUIDE
Freezell #2: My Naughty Boastful Boss
PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
EPILOGUE
MNBB UNDER PSICOM

Eighteen

181K 4.1K 1.6K
By Ice_Freeze

AVREIN

GIGIL na ekspresyon mula kay Fria ang napala ko nang ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa pagitan namin ni Vience.

"Hindi mo kailangan umamot ng pagmamahal sa taong ni hindi yata alam ang salitang pagmamahal."

Hindi ko alam kung sasagot ba ako sa sinabi niya o mananatili na lamang akong tahimik at makikinig sa sasabihin niya dahil alam ko naman na may punto siya?

"Kaya ko, Fria. Kaya ko 'to."

"You're really good at hiding, Avy and I have no doubt about that, but not to me. You can hide and lie to everyone but not to me," aniya at doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Fria.

She can read me without me being transparent.

Pinilit kong maging okay the whole time na nasa Lipa kami. Ayokong ipakita sa kaniya na nasasaktan ako sa paraan ng pakikitungo niya.

He flirted with almost all the businesswoman he met during the seminar. Para bang ipinamumukha niya sa akin na hindi siya kailanman magtitino sa isang babae—na bawat babae ay laruan lamang ang turing niya. Tangang-tanga ako sa sarili ko na wala akong ibang magawa kung hindi ang magpanggap na wala akong naririnig o nakikita. I acted like I didn't care, but believe me . . . the whole Lipa trip was like a torture to me.

"Papasok ka pa ba—or should I say, kaya mo pa ba ang paraan ng pakikitungo niya?" tanong ni Fria na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Dapat ba akong sumuko dahil lang sinabi niya na hindi niya ko mahal?"

"Bakit, Avy? Kaya mo pa bang ipilit ang sarili mo sa kaniya? Kaya mo pa bang tiisin na nire-reject ka niya nang paulit-ulit?"

Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Fria dahil tila sampal sa akin iyon. Ang hirap na alam ko ang dapat kong gawin, pero takot naman akong may pagsisihan sa huli.

KANINA pa ako palinga-linga sa paligid habang naglalakad ako patungo sa building ng condo ko. Kanina pa ako nakakaramdam na may nakasunod sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kung saan naroroon ang elevator. Saktong pipindutin ko na sana ang elavator nang bigla na lamang may humatak sa akin saka ako kinabig sa baywang at tinakpan ang bibig ko.

Hindi ko alam kung magpa-panic ba ako o hindi. Pakiramdam ko kasi pamilyar ang presensiya ng taong nakahawak sa akin ngayon. Patuloy lang akong hinatak ng estranghero hanggang sa sapitin namin ang madilim na parte ng building kung saan pababa ito patungo sa basement ng buong building.

"Ssssshhhhh," bulong nito. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa likod ko siya. "Aalisin ko ang pagkakatakip sa bibig mo basta't huwag kang sisigaw o magsasalita," muling bulong nito sa tainga ko.

Tumango naman ako bilang tugon. Ewan ko ba, basta't ramdam ko na hindi dapat ako matakot sa taong 'to.

Tinanggal nito ang pagkakatakip sa bibig ko, saka ako unti-unting hinarap sa kaniya.

"Vience—" hindi makapaniwalang saad ko na mabilis niyang pinutol nang bigla niyang takpan ang mga labi ko gamit ang mga labi niya.

Bigla akong nawala sa sarili nang maramdaman ko na naman ang pagkakadampi ng mga labi namin. Kailan ba ako masasanay? Kailan ba ko magsasawa sa unang labi na paulit-ulit ko nang natikman?

Pambihira ka, Avrein! Iyan pa ang iniisip mo sa ganitong sitwasyon!

"...I don't love you, stop asking..."

Biglang nag-sink in sa akin ang reyalidad kaya't mabilis ko siyang itinulak, ngunit ang ipinagtaka ko ay nang muli niya akong kabigin at muling halikan.

Gusto kong tumutol. Gusto ko dahil iyon ang sinasabi ng isip ko. Hindi ko alam kung sino o anong nagtulak sa akin na bigla na lamang igalaw ang mga labi ko.

Naramdaman kong kinuha niya ang dalawang kamay ko at ipinulupot ito paikot sa batok niya. "Kiss me. Just kiss me," pabulong na utos niya.

Tila naman lalong sinilaban ang apoy sa akin at mabilis kong ginawa ang iniutos niya. Gaga na kung gaga. Martyr na nga siguro ako at tanga, pero masama bang umamot ng pagmamahal sa ganitong sitwasyon?

Ilang minuto na rin ang nakakalipas nang bigla na lamang niya akong ilayo sa kaniya at mabilis lumingon sa likuran niya.

"They're gone," baling na wika niya sa akin.

"Huh!?" kunot-noong sabi ko.

"Those two guys na kanina pa sumusunod sa 'yo, wala na. Sakay sila noong itim na kotse na kadadaan lan,." seryosong turan niya sa akin. "May utang ka ba o kasalanan sa ibang tao? O may nagawa kang mali?"

Mula nang mahalin kita, iyon na yata yung pinakamali kong nagawa sa buhay ko, Vience.

Iyon sana ang gusto kong isagot. "Wala. Hindi ako masamang tao."

Bigla na namang may dumaan sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag bago niya ako tuluyang tinalikuran. "Hindi dahil iniligtas kita ngayon at hinalikan kita ay ibig sabihin na mahal na kita. I can't give you what you want. I can't offer you any serious relationship. I can't love. I can't trust women anymore. Sinabi kong hintayin mo ko, Avrein pero minamadali mo 'ko. 'Wag mong itulak ang sarili mo sa 'kin dahil baka mas lalo akong umayaw," bawat salita na binitiwan niya ay tila kutsilyong tumarak sa dibdib ko. Masakit . . . sobra.

Nakatingin lang ako sa likod niya habang nagsasalita siya. Ramdam ko rin ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit.

"Bakit ka narito? Bakit kailangan iligtas mo 'ko!?" Siguro nga't may tono na ng galit sa tinig ko. Hindi ko maiwasan dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit.

"Napadaan lang. Maaga kang pumasok bukas. Asikasuhin mo ang meeting namin ni Almeda," tugon nito bago tuluyang naglakad palayo.

Hindi kita maintindihan, Vience! Hindi kita maintindihan!

MAAGA akong naririto ngayon sa opisina. Wala akong tigil sa kakaakyat-manaog dahil kanina pa ako kinukulit ng mga kasamahan ko sa trabaho. Bumait sila at naging usyusero at usyusera sa buhay ko mula pa noong nakita nila ang pananamit ko sa company outing.

Mabilis ko lang narating ang cubicle ko at nag-ayos. Panandalian din akong naupo sa swivel chair ko dala ng pagod kakaakyat-manaog.

Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Agad akong tumayo sa pag-aakala na si Vience na ito.

"Luis—Mr. Almeda?" bungad ko sa taong siya palang kumakatok. Siya iyong kaibigan ni Vience na napakabait ng pakikitungo sa akin.

"Nasa office ka lang naging formal ka na," nakangiting wika nito.

"Hindi naman po sa ganoon,." nahihiyang sagot ko rito. "Pasok po muna kayo habang wala pa si Sir Vience."

Nagpatiuna ako sa paglalakad habang ramdam ko naman na nakasunod siya. Diretso lang ang tingin ko sa table ko nang bigla na lamang akong makatapak ng nakakalat na papel at nadulas.

Mabilis akong pumikit dahil alam kong any moment ay babagsak na ako, ngunit . . . napadilat ako nang ilang segundo na ay hindi pa rin ako lumalagpak sa semento at naramdaman kong may mga braso na nakayakap sa akin.

Iminulat ko ang mga mata ko at nabungaran ko si Luis. "Are you okay?" tanong nito.

"Ah o-oo, salamat," utal na sagot ko.

Akmang tatayo na sana ako nang maayos nang muli akong madulas sa papel at bigla kong naipalupot ang mga braso ko sa leeg niya.

"The last time I checked, this is a cubicle for my office worker and not a dating nor a flirting place for a lover?" sarkastikong boses mula sa likod namin kaya't mabilis akong napaayos ng tayo.

"Sir—"

"Let's go to my office, Mr. Almeda," kaswal na sabi nito kay Luis na siyang pumutol sa sinasabi ko.

"Bye, Avrein," paalam sa akin ni Luis, saka pa ginulo ang buhok ko. "Mamaya nalang ulit," dagdag pa nito at kumindat pa sa akin na alam kong nakita rin ni Vience bago sila tuluyang lumabas ng cubicle ko.

Ilang minuto na yata silang nag-uusap nang tumunog ang intercom ko.

"Pumunta ka rito," iyon lang ang narinig kong sinabi niya, saka na ako nito pinatayan.

Inayos ko lang ang buhok at salamin ko bago ako nagtuloy sa opisina niya kung saan naroroon sila.

Pagkapasok ko pa lamang ay ramdam ko na ang itim na aura na bumabalot sa opisina maging ang mga tapunan nila ng nagbabagang tingin sa isa't isa.

"Ano pong iuutos—"

"Samahan mo si Mr. Almeda sa cafeteria. Gusto niyang kumain na muna," walang emosyon na sabi ni Vience nang hindi man lamang ako tinapunan ng tingin.

"Sige po." Tumingin naman ako kay Luis at nakangiti siyang tumayo, saka nalakad palapit sa akin.

"Let's go?" saad nito. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa dahil bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko.

Hindi niya ako kinaladkad na gaya ng madalas na gawin ni Vience sa akin, bagkus ay halos sabay kaming maglakad.

Palabas na sana kami ng pinto nang mapatda ako dahil sa malakas na kalabog. Nilingon ko si Vience ngunit hindi ni Luis. Nakita ko si Vience na nakatingin sa nakataob na office table na siya yatang dahilan ng kalabog.

"Don't mind him," bulong sa akin ni Luis, saka na kami tuluyang lumabas ng pinto.

Tahimik lang ako habang nasa cafeteria kami. Si Luis naman ay kasalukuyang namimili ng mga gusto niyang kainin.

T-in-ake out lang namin ang binili niya at mabilis na bumalik sa opisina ni Vience. Naabutan namin na ayos na ang office table niya at kasalukuyan siyang nakatitig laptop niya.

"Kumain muna tayo. Pang tatlong tao na ang binili ko," pukaw ni Luis sa atensyon niya ngunit hindi man lamang niya ito nilingon.

Isa-isang iniayos ni Luis ang mga pagkain sa lamesa sa loob ng opisina. "Maupo ka na, Avrein," paanyaya nito na agad kong ikinatalima. Hindi ko alam basta napapasunod na lang ako bigla ni Luis dahil pakiramdam ko alam niya ang ginagawa niya at pakiramdam ko alam niya ang tensyon na nararamdaman ko.

Nagsimula na kaming kumain ni Luis nang makita kong tumayo na siya sa upuan niya at lumipat sa kinauupuan namin. Kumuha siya ng pagkain niya nang tahimik. Talagang ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan naming tatlo na kahit ako ay hindi ko magawang maipaliwanag.

"Paabot naman ng sauce, Avrein," pakisuyo ni Luis.

Kinuha ko naman ito at inabot sa kaniya ngunit bigla na lamang dumulas ang styro plate sa kamay ko na dahilan ng pagkatapon ng sauce sa damit ni Luis. "S–sorry!"

Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at sinimulang punasan ang damit na suot niya. "I'm okay, Avrein."

"Sorry. S–sorry talaga." Ipinagpatuloy ko ang pagpunas ngunit pinigilan ako ni Luis kaya't hinawakan niya ang mga kamay ko.

Naiangat ko ang tingin ko at nakita kong nakatingin din si Luis sa mukha ko kaya't nagtama ang mga mata namin.

Nagulat ako sa sumunod na pangyayari.

Nakita ko na lang na nakabulagta sa sofa si Luis habang hawak ang panga niya, at ang mga pagkain ay nagkalat na sa tiles ng opisina niya.

Naramdaman ko na bigla na lamang may humawak ng braso ko at kinaladkad ako palabas.

"N–nasasaktan ako!" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para magsalita.

Sa halip na luwagan ay lalo lamang hinigpitan ni Vience ang hawak sa akin hanggang sa sapitin namin ang fire exit.

"What the fuck is wrong with you, woman!" Nagulat ako sa klase ng pagsigaw niya sa akin.

"A–anong ginawa ko?"

"Damn it!" Sinuntok niya ang pader na nasa gilid ng mukha ko. Kitang-kita ko ang galit na bumabalatay sa pagkatao niya sa mga oras na 'to. "Ito ba ang naisip mong bagong paraan, ha? Ito ba, Avrein!? Damn it! Ito ba ang bago mong paraan ng pagpipilit ng sarili mo sa 'kin, ha!?"

Gusto kong umiyak sa naririnig ko pero pinananatili ko lang na blangko ang pinakikitang ekspresyon ng mga mata ko.

"Tell me!" Hinawakan niya ako sa magkabilamg balikat. "Pinagseselos mo ba talaga ako para lang makuha mo ang atensyon ko!?"

Nasasaktan ako! Gusto kong isigaw pero hindi ko magawa.

"Bitiwan mo 'ko," iyan ang lumabas sa mga labi ko.

"Bakit? Para ano? Babalik ka sa lalaki mo? Bullshit! Sinabi mong mahal mo ko pero kung kani-kanino ka nakikipagharutan!?"

"Bitawan mo 'ko, Vience." Hinawi ko ang mga kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

Ngunit imbes na matinag ay kinabig niya ako, saka sinagibsib ng halik sa mga labi. Hindi ko magawang tugunin ang mapagparusa niyang halik kaya't pinilit ko siyang itulak.

"Damn it! Ayaw mo nang magpahalik sa akin ngayon? Bakit, Avrein? Dahil natikman mo na 'yung mga labi ni—" Bigla ko na lamang naiangat ang kamay ko at kusang dumapo sa pisngi niya.

"Hindi ako malanding babae, Vience, at alam mo sa sarili mo 'yan. Hindi ako malandi," mahina ngunit madiin na sabi ko. Alam ko rin na pumapatak na ang mga luha ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya sa nakita niyang sakit na ipinararamdam niya sa akin. Kitang-kita ko ang kalituhan sa kaniya at ang unti-unting paglamlam ng ekspresyon ng mga mata niya. Natatakot ako dahil ayaw kong umasa sa ekspresyon na nakikita ko . . . ayokong mag-assume.

Ako naman ang nagulat nang bigla nia akong kabigin at yakapin nang mahigpit na mahigpit na tila ba hindi na niya ako gustong pakawalan kahit na kailan.

"V–Vience—"

"I'm sorry . . . I'm so damn sorry, Avrein. Damn me for not keeping this feeling! I could no longer hide it. Damn me for loving you!" Gulat ang nangibabaw sa akin sa narinig ko. "Tang ina ang bobo ko! Mahal na pala kita, ang bagal ko pa bago na-analisa at tinanggap sa sarili ko. Bakit ba kasi natutuhan ko na naman na magmahal? Bakit ikaw pa ang minahal ko, samantalang ikaw ang huling taong gusto kong saktan? Tang ina kasi kahit gaano ko gustong ariin ka na sa akin at mahalin ka, alam kong hindi puwede, dahil sa dulo . . . ako lang din ang sisira sa 'yo," aniya na puno ng pait at doon ko naramdaman ang unti-unting pagkabasa ng balikat ko.

"Vience—"

"I love you, Avrein. Mahal na kita . . . mahal na mahal na pala kita, pero hindi puwede, hindi kita mabibigyan ng relasyon na gusto mo—"

"I'm not asking for any relationship, Vience."

Martyr ba 'ko? Tanga? O baliw dahil umaasa ako sa isang bagay na walang kasiguraduhan?

"But the BFP contract that I once offered you is still open, Avrein. Will you go or not?" seryosong tanong nito.

Hindi na ako nag-isip pa dahil tuluyan na akong nilamon ng nararamdaman ko para sa kaniya. Alam kong maaari kong pagsisihan ang bagay na ito, pero ano bang magagawa ko . . . nagmamahal lang naman ako.

"I will go."

I will be his . . . bed friend partner.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Continue Reading

You'll Also Like

31.7M 398K 45
[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then...
78.3K 2K 37
Nagmahal... nasaktan... nag-move on? Move on. Iyan ang palagi kong naririnig sa mga tao. Pero gaano ba kadaling mag-move on? Madaling sabihin pero m...
278K 14.5K 200
Highest rank: #1- Instagram Si Maymay at Edward ang casts dito as usual. Gagamit din ako ng ibang housemates or ibang tao na mag cocomment sa mga pos...
224K 6.9K 18
JAGUARS SERIES 4: Elvin Howard "Once you were in my dreams, which came into the reality, and now a memory." Do you believe in magic? In curse? Well...