I'm Dreaming for a Fairy Tale

De LadyFuchsiaBlack

6.7K 424 154

[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it... Mais

I'm Dreaming for a Fairy Tale
Fairy Tale 1
Fairy Tale 2
Fairy Tale 3
Fairy Tale 4
Fairy Tale 5
Fairy Tale 6
Fairy Tale 7
Fairy Tale 9
Fairy Tale 10
AN

Fairy Tale 8

260 25 0
De LadyFuchsiaBlack

Narinig ko ang pagtunog ng door bell. Pababa pa lamang ako ng hagdan nang makitang pinagbuksan na ito ni nanay Rosing. Nakamasid lamang ako roon hanggang sa makita ko ang pagpasok ng pinaka-guwapong lalaki na nasilayan ko sa balat ng lupa-si Brent Morgan.

He's on his pair of slacks and grayish long sleeves covered with black tuxedo. He looks so masculine and chiseled. Pakiramdam ko nagkakasala na ako sa paninitig sa kanya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagroromansa sa kabuoan niya nang dumako sa'kin ang mata niya. Wala akong mabasa sa paraan ng panunuri niya, pero isa lang ang alam ko: Hindi pa siya kumukurap.

"Jesus, what is an angel doing here?" bakas ang pagkamangha sa boses niya. Ako na mismo ang nailang sa sobrang lagkit ng paninitig niya sa'kin.

Nagbaba ako ng tingin at binilisan ang paglalakad. Nang makalapit ako sa kanya ay agad akong nagpasalamat sa damit na suot ko. He has a good taste in fashion.

"Nagustuhan mo ba ang kulay?" Tinanguan ko siya sa tanong niya. Little did he know that fuchsia and black is my favorite combination. It's mine and mine alone and no one should dare to be like me.

"Let's go," nakangiti niyang inilahad ang braso niya at umabrisete naman ako rito.

Habang nasa daan kami ay panay ang sulyap niya sa'kin at walang sawang sinabi sa akin kung gaano ako kaganda sa gabing ito. This guy is really into something I can't explain... but I am willingly mystified by him.

Pagdating namin sa bahay nila ay hindi ko napigilang mamangha sa laki ng bahay nila. It's a mansion with wide yard and garden. The gate's entrance is far from the mansion. It's wide and intimidating. Hindi ko inakalang ganito sila kayaman.

"Very rich," komento ko bago ako umibis ng sasakyan pagkatapos niya akong pagbuksan. "Nakakahiyang tumapak dito."

Kitang-kita ko kung paano sumimangot si Brent at saglit akong nagulat doon. He's cute even when he pouts.

"Anong nakakahiya? You deserve more than this. Prinsesa ka, Fairy Tale. An adorable princess." For the nth time, I felt again the butterflies on my belly.

Dumiretso na agad kami sa mismong venue. Dito pa lang ay naririnig ko na ang ingay na nagmumula roon-ang musika, tawanan, at kuwentuhan. Nasa likurang bahagi ito ng mansion nina Brent, at halos malaglag ang panga ko nang sa wakas ay bumungad ito sa aking harapan.

It's a swimming pool party. Malawak ang space sa paligid ng swimming pool. Doon nagkalat ang iba't ibang klase ng pagkain at inumin. May mga pagkain din sa ibabaw ng tubig, at puro naka-two piece ang mga dumalo. May iba't ibang ilaw din sa paligid at mistulang dekorasyon ang mga cake na halos nakikita sa lahat ng sulok.

"Bakit mo ako pinagsuot ng ganito? Gusto mo yata akong ma-out of place." Naiinis na siniko ko si Brent.

Mahina siyang tumawa. "Relax. Tara sa loob. I will introduce you to my parents."

Bumangon ang kaba sa dibdib ko nang banggitin ni Brent ang tungkol sa magulang niya. Sigurado akong intimidating silang tingnan.

Hindi na ako nakaangal pa nang hilain niya ako papasok sa bahay nila. Dumoble ang aking pagkamangha nang nakita ko ang looban. Dito ay tuluyan kong nakita ang mga kagaya kong nakasuot ng marangyang kasuotan, idagdag pa ang kumikinang nilang mga hikaw, singsing, at kahit ang damit na suot. Out of place ako sa labas dahil naka-gown ako. Pero mas out of place ako rito dahil halatang mayayaman ang lahat ng nandito. Napakayaman na hindi ko na kayang tingalain.

"Who are these people?" halos hindi na ito lumabas sa bibig ko.

"Business partners, family friends, stockholders," nagkibit-balikat si Brent. "Normal people."

Normal pa sila para sa kanya? E ano na lang ang tingin niya sa amin?

"Brent?"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang napakagandang babae, may kulay hazelnut na buhok at makinis ang balat. She's sophisticated in her fitted violet dress with circles of crystal on her waist. She is flawless and beautiful in face... and she resembles Brent.

Hinawakan ako ni Brent sa baywang at tuluyang iniharap sa babae.

"Ate, this is the lady I've been mentioning, Resh Fairy Tale Olivares."

Nginitian ako ng tinawag niyang ate at nakipagkamay sa akin. "Hello, Resh. I am Miella Smith, Brent's only sister." Halata sa boses niya ang pagka-slang, marahil dahil sa matagal na pananatili niya sa Canada.

"It's nice to meet you po." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko.

"I love your taste of fashion, and your light make-up matches your creamy complexion. Ang ganda ng tindig mo. I hope we can go shopping someday."

Hindi ako agad nakapagsalita pagkatapos ng sinabi niya. Parang matagal na kaming magkakilala sa paraan ng pananalita niya, very opposite of Brent who isn't good in communication.

"Ate, Fairy Tale's fashion is not your ideal one. She's a fan of Disney Princesses."

Biglang lumiwanag ang mukha ng ate ni Brent pagkarinig sa sinabi niya.

"Really?! I was, too. My husband doesn't seem to like it that's why I stopped making myself a living princess."

Kung ganoon, pareho pala kami ng hilig? I think I just found my partner. But aside from disney stuffs, there's one more thing that I got addicted with, but I never told about it to anyone.

"Hahanapin ko sina Mom and Dad, Ate." Hinila ako ni Brent. "Let's go."

"Enjoy the party, Resh," pahabol pa ni ate Miella na tinanguan ko na lang. Or should I call her 'Ma'am'?

Mayamaya ay lumapit na kami sa mahaba at paikot-ikot na staircase hanggang sa makita ko ang dalawang nasa early-50's na mag-asawa na kasalukuyang nakikipag-usap sa ibang dumalo.

My assumption was proven right when Brent got their attention as he motioned me to get closer.

"Fairy Tale, meet my mom and dad, Vera and Vennato Morgan."

Kagaya ni ate Miella ay ginawaran din nila ako ng isang matamis na ngiti. They greeted me warmly but I still can't help but to stutter.

"H-hello po." Hindi ko kayang magmukhang nasa high-class level sa ganitong sitwasyon.

"So you are Resh Olivares," magiliw na sabi ng ginang at walang anu-anong niyakap ako. "So elegant. So beautiful." Hiyang-hiya na ako sa mga papuri nilang labas naman yata sa ilong nila. Kahit manalamin ako, hindi ko makita ang katotohanan ng mga sinasabi nila.

"You have a good taste, my son," tuwang-tuwa na tinapik ni Sir Vennato ang balikat ng anak. "Like father like son."

At nagsimula na kaming magtawanang lahat. Saglit kong ipinakilala ang magulang ko sa kanila and they don't seem to hate them. They even told me that my parents has good occupations.

Pumatak ang alas-siyete at pumagitna na ang kapatid ni Brent para pormal na simulan ang selebrasyon. Bago pa ito magsimula ay itinakas na ako ni Brent palayo roon. Nagpatangay na lang ako hanggang sa makaakyat kami sa pinakamataas na palapag ng bahay nila. I don't need to worry about my feet because there's an elevator. Napaka-sosyal.

Iginiya niya ako papunta sa kanilang teresa. Pagkamangha ang rumehistro sa mukha ko. Halos hindi ako humihinga habang nakatitig sa napakagandang tanawing nasa aking harapan. This is priceless. This is amazing. Wala akong ibang depinisyon dito kung hindi 'perpekto.' It is not only because we're in the highest floor of Morgan's mansion, it is also located in the higher area of Sangrove that's why I can freely watch the beauty of the city below.

Mas malawak ang nakikita ko ngayon dito kaysa sa aking teresa. Mas malaya kong napagmamasdan ang matataas na gusali at kumikinang na mga plaza. Hindi ko naririnig ang ingay ng tren o busina ng mga sasakyan. It's peaceful and it made me appreciate more the beauty of the City of Sangrove.

Muli ay naramdaman ko ang yakap ni Brent mula sa aking likuran.

"I would love to take you in this terrace every night, my princess. I'd love to watch how the city lights seemingly float in nothingness and feel the fresh air of Sangrove's nightlife... with you."

Hindi ko na maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Binabalot nito ang aking puso at mistulang tambol ang lakas ng pagtibok nito.

Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya. Umangat ang kamay ko pahaplos sa kanyang pisngi.

"Brent, I would love to be with you everywhere, even in the middle of the city, or above every building we're watching, or in every starlight of the beautiful night."

Hinawakan ni Brent ang kamay kong nasa kanyang pisngi, bago dahan-dahang hinapit ang aking baywang palapit sa kanya.

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at bumulong, "And as the moon and starlights as our witness, I would like to taste the sweetest soul ever."

Slowly, my eyes closed as I felt his soft lips sweetly brushing against my fleshy folds, moving gracefully like a perfect melody.

"Bry?"

Agad kaming naghiwalay ni Brent nang makarinig kami ng boses sa malapit. Parang napapasong inilayo ako ang sarili ko sa kanya at hindi makatingin nang diretso sa babaeng kadarating lang.

"Gwynette?" nagtatakang sambit ni Brent.

"Surprised?" may matamis na ngiti sa mukha ng babae. Lumapit ito kay Brent at kitang-kita ko kung gaano kahigpit ang yakap nila sa isa't isa. "I missed you, Bry."

"I missed you too. Kailan ka dumating?"

"Kaninang umaga lang. I was invited by ate Miella herself. I want to take a rest pero gusto kitang makita so I'm here."

Tumawa si Brent. Mukhang tuwang-tuwa siya masyado at nakalimutan niyang nandito pa ako. And who the hell is that girl? She's absolutely more beautiful than me. I'm still on the first level and she's already outstanding. It is the first time that I felt insecure about physical appearance.

"Alam ko namang hindi mo 'ko matitiis, Gwy. Tumangkad ka lalo."

Umabrisete si Gwy sa kanya at tiningnan ang balikat nila. "Oh my God, malapit na." Tumawa ito. "Hindi ba sabi ko sa'yo noong bago ako umalis na kailanga'ng hindi na kita titingalain? Ngayon halos pantay na ang mga mukha natin."

"Tuwang-tuwa ka naman?" nangingiti na sagot nitong si Brent. "Kahit anong gawin mo, mas matangkad pa rin ako."

"Oo na," nakabusangot pero nangingiti namang sabi ng isa. Bakas sa pag-uusap nila ang giliw sa isa't isa. Mukhang malapit ang relasyon nilang dalawa.

Biglang dumako sa akin ang paningin ni Gwynette. May panunuri sa paraan ng pagtingin niya sa'kin. "Who is she?" natanong niya. Mas mabuti sana kung wala na ako rito.

"Oh, ahm, Fairy, this is Gwynette Ortal, my childhood friend-"

"And ex-girlfriend," dagdag ni Gwynette.

"Y-yeah, ex-girlfriend." Saglit tumigil si Brent. "And Gwy, this is Resh Fairy Tale Olivares."

Inabot sa akin ni Gwynette ang kamay niya. "Hi, Resh." Mukhang sincere naman ang ngiti niya, pero hindi ko kayang ngumiti pabalik.

Kay Brent naman siya bumaling. "Is she your girlfriend?" Hindi pa rin nawala ang ngiti niya.

"Uh, n-no." Bahagya akong sinulyapan ni Brent. "She's a friend."

Biglang nanghina ang tuhod ko nang marinig ang sinabi niya. I am his... what? Friend? Isa lang ba akong kaibigan sa kanya? Pero ano ang ibig sabihin ng lahat ng sinabi niya? Lahat ng ginawa niya? Friendly treatment?!

"Oh," tumatangong sabi ng babae. "Akala ko kung girlfriend mo na."

Tipid na ngumiti si Brent. "Why don't we go outside and enjoy the party? Let's go."

Akala ko ba gusto niyang panoorin ang syudad kasama ako? Hindi niya ba kayang paalisin ang childhood friend niya at samahan muna ako rito? Hindi niya rin ba kayang sabihin na ako ang babaeng gusto niya? O baka naman walang katotohanan lahat ng pinapakita niya sa'kin?

Nang makababa na kami ay napagpasiyahan kong humiwalay na. Tinanong ko kung nasaan ang comfort room para gawing excuse. Gusto sana akong samahan ni Brent kanina pero sinabi kong mag-usap na lang muna sila ni Gwynette. I don't need someone who will just hurt me in the end.

Sinubukan kong lumabas nang mansion na hindi nila napapansin. Nawalan na ako ng gana. I need to get out from a place that I don't belong and stay away from someone that is not meant for me.

Tinawagan ko si manong at saka na lang bumuhos ang mga luha ko nang nakasakay na ako sa loob. The reason that I thought that can stop my tears is the very reason why I'm crying.

I will just let the night pass by like it's just a failed scene in a fairy tale movie.

Continue lendo

Você também vai gostar

225K 11.9K 63
On their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elys...
437K 16.3K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
3.4M 56.4K 18
"LIFE begins when I met you. DESTINY starts when I saw you in my office wearing a sinful two-piece red bikini. My FOREVER triggered when you smiled a...
21.5K 56 6
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞